webnovel

See My Side (3FOL Series #2)

3 Faces of Love Series #2

Nekohime · Urban
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 10 - Fun

A/N: Hello! Ine-edit ko yung kay Chianna kaya may idinagdag akong minor character which is si Sister Agot. Hehe Wala 'yun before but while revising, naisip ko lang idagdag ulit. Minor lang naman at hindi siya makakaapekto sa story. Nasa chapter 8 ni Chianna ata, basta yung Moo ang title, doon ko siya dinagdag.

Chapter theme: Amnesia - 5SOS

"Hindi ba parang masyado pang maaga para dito, mommy? My birthday is almost 4 weeks away!" panay ang reklamo ko kay mommy habang nakaupo kami sa backseat ng kotse niya.

Ang aga-aga niya akong ginising dahil may pupuntahan raw kami. Ipinaubaya na kasi ni daddy sa mommy ko ang pagpaplano para sa 16th birthday ko, which is sa December 1 pa. Sobrang tagal pa no'n.

"Baby, kulang pa nga ang apat na linggong paghahanda. Sweet 16 ka na kaya gusto ko, magarbo ang birthday mo. How about renaissance period ang gawin nating theme? May naisip na akong design para sa dress mo," dire-diretsong saad niya na hindi man lang pinakinggan ang reklamo ko.

"Para naman akong magde-debut nito, eh. Simpleng birthday celebration na lang kaya ang gawin natin?"

"Pagbigyan mo na lang si mommy, pwede ba 'yon? Himala nga at pinayagan ako ng daddy mo na makialam sa birthday mo. I want to make it unforgettable that's why I'm doing this. Please, my bebita?" she pleaded sweetly.

"Okay, pero huwag naman masyadong magarbo?"

"Hmm, I'll try!" masayang sambit niya.

Okay na rin siguro 'to para maging busy rin ako at tuluyan ko nang makalimutan ang paasang Moonlight na 'yan. Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang hindi niya ko siputin sa usapan namin at hindi na talaga ito nagparamdam pa sa akin. Ni ha, ni ho, wala man lang akong natanggap mula sa kanya. Bahala siya.

Wala na rin naman akong balak na alamin pa kung anong nangyari sa kanya. Siguro nga katulad rin siya ng ibang lalaki. Matapos pumasok sa buhay mo, bigla na lang mawawala at iiwan ka sa ere. Mali talaga na pinagkatiwalaan ko siya. Nasaktan lang tuloy ako.

I'm just grateful that my friends were considerate enough for not mentioning him anymore. After what happened that day, we never talked about him as if he didn't exist in this world.

Nakakainis nga lang dahil kung gaano kadaling nasanay ako sa presence niya, gano'n naman kahirap tanggalin siya sa sistema ko. Parang ang sarap tuloy iuntog ng ulo ko sa bato para magka-amnesia na ako at makalimutan ko na siya ng tuluyan.

Simula ngayon, hindi na talaga ako maa-attached agad sa kahit na sino, lalo na sa hindi ko naman talaga kakilala. I've learned my lesson, the hard way. Let's not be gullible again, my dear self.

"Baby, let's go?"

I jarred back to the present when I heard my mom called me. Nakahinto na pala kami at nakaparada na ang kotse sa tapat ng isang napakalaking boutique — it was a tree bark covered boutique na La Belleza ang pangalan. It was located at the district of Hermoso, 30 minutes drive from our city.

Bumaba ako ng kotse at kumapit sa braso ni mommy. Agad naman kaming binati ng mga staff nang makapasok kami sa loob. Halos malaglag ang panga ko dahil napakaluwag ng boutique na ito. Sobrang classy rin niya tignan.

Clothes and gowns were hanging on blackened-steel frames while shoes were displayed on a delicate glass shelves with LED lights.

"Aira! Long time no see!"

May sumalubong kay mommy na isang sopistikadang babae. Matangkad na ang mommy ko, pero mas matangkad pa ito sa kanya ng ilang pulgad.

She's wearing a denim dress and a leather knee-length boots while her blonde hair was pulled in a neat ponytail. Kulay green ang mga mata niya na hindi ko malaman kung natural ba o contact lens lang.

"Baby, this is Sera, my friend. She was a model too, kagaya ko pero ngayon isa na siyang fashion designer. Siya ang magde-design ng gown mo," pakilala ni mommy.

Matamis naman akong ngumiti sa kanya. "Good morning po. I'm Charmelle po."

"I know, honey. Lagi kang ikinukwento ng mommy mo sa akin. You're really beautiful! Para lang kayong twin ng mommy mo sa suot niyo," puri nito.

Mom and I were both wearing a coral sleeveless bowknot dress and a white flat sandals.

"Thanks po. You're gorgeous too."

"Oh. I like you already! Such a sweet lady," she chuckled. "Let's get down to business, shall we?"

Nakangiting tumango kami ni mommy saka sumunod sa kanya nang igiya niya kami papunta sa VIP room. The room feautured a sky-blue marble wall decorated with colorful scented candles and expensive perfumes. Sobrang relaxing ng ambience. May iilang designer bag din na naka-display sa puting shelves sa gilid.

Umupo kami ni mommy sa mahabang sofa, samantalang umupo naman ang kaibigang designer ni mommy sa single seater na sofa sa bandang kanan namin. May inilabas itong sketch pad na may rough draft na ng isang magarang gown.

"Nagkausap na kami ng mommy mo kahapon. Sabi niya gusto niya raw na parang renaissance period ang ball gown na susuotin mo. So, how about this?" pagsisimula nito.

Nakangiwing tinignan ko si mommy. May naka-ready na pala, eh.

"Sorry, baby. Excited lang," bumungisngis ito.

Tinignan ko na lang ang sketch na ball gown ni tita Sera. Off-shoulder ito na parang may long veil sa magkabilang sleeves at may mga butterfly embroidery na nakapalibot sa bewang.

"Organza fabric ang gagamitin ko para naman light weight lang at hindi ka mahirapang kumilos," paliwanag pa ni tita Sera.

"Ano kayang magandang kulay para sa gown niya?" sabat ni mommy.

May inilabas naman si tita Sera na color pallete for wardrobe. Inabot niya ito sa amin at nag-focus naman si mommy sa pamimili ng kulay.

"I like this, rose blossom. Tutal mahilig sa pink si Charmelle. Hindi ba baby?"

"Ayos lang sa akin," tipid kong sagot.

"Okay, noted! Kung may gusto pa kayong idagdag sa design ng gown, sabihin niyo lang sa akin."

"The simple, the better po." sabi ko na lang. I'm not really a fan of fancy stuff.

Nang ma-finalize na ang design ng gown ko, masayang nagkwentuhan na lang sina mommy at ang kaibigan niya habang nagco-coffee. Parang nakalimutan na nilang dalawa ang presence ko.

Panay ang sulyap ko sa relo ko at binabantayan ang oras. Alas-onse na kasi ng umaga. May plano pa naman kaming magkita ni Chianna ngayon. First time niya na siya ang nagyaya maggala. I won't miss this for the world.

"Mom, can I borrow your phone? May usapan rin kasi kami ng kaibigan ko, pwedeng mauna na po ako?" magalang na paalam ko.

"Sure, baby!" Inabot niya sa akin ang phone niya. Sa pagmamadali kasi ni mommy sa akin kanina, naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto.

"Magpahatid ka na sa driver natin. Magta-taxi na lang ako pauwi."

"No, mom. Ako na lang ang magta-taxi. I can't trust you with directions. Iligaw mo pa 'yung driver. Kawawa naman," biro ko.

Mahinang kinurot naman ako ni mommy sa tagiliran. "Ikaw talaga! Binubully mo ko," pagtatampo nito.

Natawa naman si tita Sera na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Hinalikan ko ang pisngi ni mommy ng paulit-ulit. "Love you, mommy!"

"I love you too, baby. Ingat ka."

I smiled sweetly. "I will!"

***

"Charmelle!"

My face instantly lit up when I saw Chianna waving at me. She was waiting for me near the entrance of the mall. It was Sunday at maraming tao sa paligid pero madali ko lang siyang nahanap.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang mapansin kong suot niya ang curdoroy jumper dress na pinanlooban niya ng kulay blue na sleeveless shirt at white dollshoes na regalo ko sa kanya noong birthday niya.

"Hey! Sorry, I'm late. May pinuntahan kasi kami ni mommy," bulalas ko agad nang makalapit ako sa kanya.

"Ayos lang. Wala pa rin naman 'yung isang kasama natin."

Kumunot ang noo ko. "May kasama tayo?"

"Yes!" she beamed. "O, ayan na pala siya!" May itinuro ito sa likuran ko kaya napalingon ako.

Namilog ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko sa sahig nang makitang si Rena ang itinuturo ni Chianna. Naglalakad na ito palapit sa amin habang inaayos ang suot niyang gray na baseball cap. Parang tinatago niya ang mukha niya sa paningin ng mga tao.

She really looks different without our school uniform. Simpleng ripped jeans, oversized black and white striped shirt at sneakers lang ang suot nito pero napapatigil ang mga taong dumadaan para lingunin siya. There's an air of coolness around her and I can't help myself but to gawked at her.

Nang makabawi ako sa gulat ko, binalik ko ang tingin ko kay Chianna at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Siya ang kasama natin?" I asked in an almost inaudible voice.

Tumango lang si Chianna at ngumiti ng napakatamis. The kind of smile that even I, can't resist.

"Hi, Rena. I'm glad you came!" bati ni Chianna dito.

"Ano bang bibilhin mo? Bakit nagpasama ka pa sa akin, eh may kasama ka na pala," malamig na sambit nito habang nakatitig sa akin ang walang buhay na mga mata niya.

"Gusto ko lang kasing magbonding tayong tatlo kaya niyaya ko na rin si Charmelle!" magiliw na sagot naman ni Chianna. "Okay lang naman 'di ba?"

"Uhm. We're not that close?" tinuro ako ni Rena.

Umingos naman ako. "Wala rin akong balak makipag-close sa'yo, no! Kung alam ko lang na kasama ka, hindi na sana ako nagpunta."

"Eh, di umuwi ka na." pagtataboy nito.

Hindi ko na mapigilan ang pagsasalubong ng kilay ko. Ang bata ko pa pero feeling ko tumataas na ang presyon ng dugo ko.

"Bakit hindi ikaw ang umuwi tutal ikaw naman ang nakaisip?!" I retorted.

She just look at me with boredom. "Whatever."

"Ako na lang ang uuwi para hindi na kayo magtalo. Ayaw niyo naman pala akong samahan, eh." nakangusong sambit ni Chianna habang nakahalukipkip. Bakas ang lungkot sa boses nito.

Nagkatinginan naman kami ni Rena, guilt filled our eyes. Lumapit ako kay Chianna at hinila na siya papasok ng mall.

"Tara na. I don't really mind kung kasama natin siya," I said pertaining to Rena.

"Talaga?" Chianna asked, her eyes twinkled with delight.

"Yep! Ayos lang talaga sa akin. Ewan ko lang sa kanya," pasaring ako.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Rena pero agad siyang sinaway ni Chianna. Pasimple ko siyang binelatan.

Nagkibit-balikat na lang ito bilang pagsuko. "Tara na nga," matabang na wika nito saka nauna nang maglakad.

"Yehey! I'm happy!" Chianna clapped like a seal. Excited na hinila niya ako para sundan agad si Rena.

Sana naman hindi kami magsakalan nito. Mukhang ayaw pa naman sa akin ni Rena. Well, nandiyan naman si Chianna para mamagitan. Isang suway niya lang, napapaamo na agad niya ang tigre. I could feel that Rena has a soft spot for her. I can't blame her though. Chianna's really irresistible.

Nakasunod lang kami sa likod ni Rena habang magkahawak ang kamay namin ni Chianna. Bigla naman itong huminto sa paglalakad kaya napatigil din kami. Hinarap niya kami na salubong ang dalawang kilay.

"Saan ba tayo pupunta?" she asked.

Bumitaw sa akin si Chianna at may kinuha sa bag niya. "Tada! Bigay sa akin 'to ni Sister Agot. Late birthday gift niya," may pagmamalaking sambit niya habang pinapakita niya sa amin ang dalawang supot na may laman na maraming token.

Sa pagkakatanda ko sa kwento niya, si Sister Agot ang napakabait na madre sa bahay ampunan na tumutulong sa kanya sa mga gastusin niya sa school.

"Laro tayo, ha?"

"Akala ko may bibilhin ka kaya nagpasama ka sa akin?" tanong ni Rena.

Chianna bit her lower lip and gave us her puppy dog face. "Sorry, I lied. Gusto ko lang kasi talaga kayong makasama. First time ko kasing makakapaglaro sa amusement center dito sa mall. Wala naman akong mayaya kundi kayong dalawa lang," paliwanag nito.

There's an indoor amusement park here in the mall called DreamSite. Madalas rin kaming magpunta ni Earl dito noong mga bata pa kami.

"I'm cool with it. Let's have some fun today! Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapaglaro sa amusement center dito, eh." sabat ko. "Sakay tayong roller coaster?"

"Sige! Sige! Gusto ko 'yan!" parang batang nagtatalon si Chianna dahil sa labis na tuwa. She's so adorable.

"R-Roller coaster?" Rena gulped. Napansin ko ang pamumutla ng mukha niya kaya napangisi na lang ako.

"Scared?" panunudyo ko.

"H-Hindi no!" she hissed.

"Bakit parang ninenerbyos ka diyan?"

"Guni-guni mo lang 'yon!" bulyaw niya sa akin saka tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.

Napabulanghit na lang ako ng tawa dahil kapansin-pansin ang pagiging tensyonado ni Rena sa kilos nito. Dire-diretso lang itong naglakad hanggang tawagin ito ni Chianna. Tumigil ulit ito sa paghakbang at nilingon kami.

"Hindi diyan ang amusement center! Sa third floor tayo, Rena," tinuro ni Chianna ang escalator sa gilid namin.

"A-Alam ko! May tinignan lang ako saglit," palusot nito saka nagmadaling lumapit sa amin.

Pigil ko ang muling matawa nang sumakay na kami sa escalator. Panay kasi ang pagpapaulan sa akin ni Rena ng matatalim na titig sa tuwing nakikita niya ang mapang-asar kong ngiti.

Ang tapang na babae, roller coaster lang naman pala ang kahinaan.

***

"Dali na, Rena. Sama ka sa amin. Pambata lang naman 'yang roller coaster, eh."

"Ayoko sabi! Kayo na lang!" pagmamatigas ni Rena habang pilit na kumakawala kay Chianna. Para kasing tuko kung makakapit ito sa braso niya. Ayaw talaga siyang bitawan.

"Sige na, please?" lumamlam ang mga mata ni Chianna. "Minsan lang naman ako mag-request, ayaw mo pang pagbigyan. Sabi mo sa akin, friend na tayo."

Nakita ko namang napakagat si Rena sa ibabang labi niya. Mukhang effective ang panggi-guilt trip ni Chianna. Close nga talaga sila. Paano kaya napaamo ni Chianna ang babaeng 'to? I can't help but wonder.

"Sige na. Sasakay na ako," mabigat sa loob na wika ni Rena.

Niyakap naman siya ni Chianna ng mahigpit at hinalik-halikan siya sa pisngi. "Thank you, Rena! I knew it! You will never let me down."

Tipid na ngumiti si Rena at pinisil ang pisngi ni Chianna. "Oo na. Huwag mo na akong utuin."

Napatanga na lang ako sa kanilang dalawa. Katapusan na ba ng mundo? Si Rena Columbrillo, ngumingiti? Wow! I never thought that I will see this side of her.

"Hoy! Ikaw! Tatayo ka na lang ba diyan?"

Napabalik ako sa wisyo ko nang marinig ko ang pagsigaw sa akin ni Rena. Medyo nakalayo na pala sila. Nakakapit pa rin sa braso niya si Chianna.

"May pangalan ako! Hindi ako 'hoy' lang!" reklamo ko.

"At may pake ako?" pataray na sambit nito.

Napapikit na lang ako ng mariin at bumuntong-hininga ng malalim. Konti na lang talaga, aawayin ko na 'to.

Mabibigat ang mga hakbang na sumunod na lang ako sa dalawa. Habang nakapila kami, halos hindi na maipinta ang mukha ni Rena. Halatang gusto na niyang umatras, kaso ayaw niyang biguin si Chianna.

Few moments had passed, it was finally our turn to ride the roller coaster. Magkatabi sina Chianna at Rena habang nasa likod lang nila ako.

"H-Hindi naman siguro tayo mahuhulog dito, no?" kabadong tanong ni Rena nang mabagal na umandar na ang rollercoaster.

"Hindi. Safe 'to, saka pambata lang 'to kaya huwag kang matakot," Chianna said reassuringly. But it was not enough to make Rena relaxed. Hindi ito mapakali sa inuupuan.

Nang biglang bumilis ang pag-andar namin at mula sa taas ay bumulusok kami pababa, isang malakas na sigaw mula kay Rena ang bumulabog sa amin. Bukod tanging siya lang ang sumisigaw. Daig pa ang baboy na kinakatay.

"Make it stop! Shit! Ayoko na!" paulit-ulit niyang sigaw.

Panay lang ang tawanan namin ni Chianna dahil sa pagwawala ni Rena. Siya lang talaga ang takot na takot sa ride na 'to. Iyong ibang mga kasama namin, chill lang. Para ngang bored na bored sila kahit mabilis ang pag-andar ng sinasakyan namin.

After the ride, halos murahin na kami ni Rena sa sobrang inis, pero walang epekto sa amin ni Chianna ang galit niya.

"Fuck...akala ko mamatay na ko!" hingal na saad niya nang makaupo siya sa bench.

Nanatili lang kaming nakatayo ni Chianna sa harapan niya at tahimik na pinagmasdan siya. Nang magkatinginan kami, sabay kaming natawa.

"That was not scary at all. Wala ngang thrill. Bummer!" pagyayabang ko.

Chianna nodded and grinned. "True! Pambata nga lang talaga. Hindi nga ko sumigaw."

"Shut up! You two!" Rena grunted throwing daggers at us.

Chianna and I both pressed our lips together, trying to supressed our laughters. Alam kong lahat ng tao ay may kahinaan. Hindi ko lang ine-expect na isang roller coaster lang pala — na hindi naman talaga scary ang magkakapagpatiklop sa kanya. That was epic!

"Bili lang ako ng tubig," prisinta ni Chianna. "Diyan na muna kayo."

"Sama ko!" I insisted. Agad akong yumakap sa braso niya. Ayokong maiwan dito kasama si Rena.

"Huwag na. Kaya ko naman saka mabilis lang ako, promise! Ikaw na muna bahala kay Rena, ha?" bilin niya at mabilis na tumakbo paalis.

Napabuntong-hininga na lang ako ng napakalalim bago umupo sa bench na malayo ang agwat kay Rena. Pakiramdam ko kasi sasakmalin niya ako kapag lumapit ako sa kanya.

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng bench at nagpapahinga habang nakapikit ang mga mata.

Sumandal na rin ako at nilaro ang mga daliri sa kamay ko na nakapatong sa magkabilang hita ko. Maingay ang buong paligid, pero binabalot naman kami ni Rena ng nakakabinging katahimikan. Spell awkward? R-E-N-A and C-H-A-R-M-E-L-L-E.

"Why do you hate me?" biglang bulalas ko nang hindi na ako makatiis sa katahimikan. Mabilis ko ring nakagat ang labi ko dahil sa tanong na lumabas sa bibig ko. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit bigla ko itong tinanong.

Ilang segundo rin ang lumipas pero hindi umimik si Rena kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag. Sana hindi niya narinig. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga kamay ko at nagpasyang manahimik na lang din.

Mayamaya pa, narinig ko siyang tumikhim. Napalingon ako sa kanya. She was looking at me intently and I find it hard to avoid her gaze.

"I don't hate you," she said. "But I don't like you either."

My forehead furrowed. "Isn't it the same thing?"

She just shrugged, leaned her head on the bench again and close her eyes firmly. I just stared at her and shook my head in disappointment. What have I done, for her to hate me? I'm really clueless.

"I don't really hate you. I just hate the fact that you're a Villarico," makahulugang saad niya pa. "Don't ask me why. Baka hindi mo matanggap ang isasagot ko."

Napaawang na lang ang mga labi ko dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. Pakiramdam ko may malalim na kahulugan sa likod ng mga katagang binitiwan niya. Gusto ko pang magtanong pero mas minabuti kong itikom na lang ang bibig ko. Curiousity kills the cat, they say.

So, she hates me because I'm a Villarico? Same. Ayoko rin naman sa buhay kong 'to. If only I could exchange lives with someone, then I would happily choose a simple and different life.

***

"Hindi pa ba kayo tapos diyan? Ang boring naman ng nilalaro niyo," naghihikab na komento ni Rena kaya napatigil kami sa paglalaro ni Chianna ng color game.

Halos isang oras na kami dito at marami-raming ticket na rin ang napanalunan namin. Siyang-siya naman si Chianna.

"Do you have any plan in your mind?" I asked.

Akala ko de-deadmahin niya ako kaya nagulat ako nang sumagot siya.

"Try natin 'yon," she responded with a lopsided smile.

Napatingin kami ni Chianna sa itinuro niya. It was a big punch fighting machine on our right side. Seriously?

Wala kaming magawa ni Chianna kundi sumunod na lang kay Rena nang umalis ito para magtungo do'n. Puro lalaki ang mga naglalaro sa paligid kaya nang lumapit si Rena sa punch fighting machine, pinagtitinginan nila kami. Some of them were mumbling incoherent words and some were judging us through the way they stare.

"Tabi!" pagpapaalis ni Rena sa lalaking nakaharang sa harap niya.

"Miss, are you sure na lalaruin mo to? Baka mabali 'yang payat mong braso," mapanuyang sabi nung lalaking pinaalis ni Rena kaya nagtawanan ang mga lalaki sa paligid namin.

"Panlalaki lang 'to. Doon na lang kayo sa color game," dugtong pa nung isang maangas na lalaki.

"Kung kaya niyo, kaya rin ng Rena namin no!" pakikipagtalo ni Chianna.

Mas lalong lumakas ang tawanan sa paligid.

"Miss, huwag kang iiyak kapag nasaktan ka. Doon na lang kayo sa mga pambabaeng laro."

"Gusto mo, mukha mo ang basagin ko?" asik ni Rena kaya natameme na lang ang mga lalaking nang-aalaska sa kanya at nagbigay daan na lang ang mga ito.

Matapos niyang maghulog ng token sa machine, bumwelo lang ito saglit saka walang sere-seremonyas na nagpakawala ng isang malakas na suntok sa pad. The gauge strength slowly goes up until it reaches 300!

"Hell, yeah! That's our Rena!" malakas na pumalakpak si Chianna at ngumisi lang ang huli.

"See? I really hate double standard," nag-iinat na wika ni Rena bago sumuntok ulit. Gaya nung una, 300 ulit ang score niya.

Napasinghap na lang kaming lahat dahil sa labis na pagkamangha. Boy, 300 ang maximum limit ng machine at na-reach niya 'yon ng dalawang beses. Wow! She's really strong. Ayoko na pala siyang awayin.

***

Pagod na pagod akong nahiga sa kama ko nang makauwi ako ng bahay. Pasado alas-otso na ng gabi kami nakauwi dahil masyado kaming nawili sa paglalaro at paggagala sa mall kanina.

Napangiti ako nang pagmasdan ko ang rabbit na stuffed toy na hawak ko. Nakuha ito ni Rena mula sa claw machine. Tig-isa kami ni Chianna. Ang galing niya talaga. Oo, medyo inis ako sa kanya dahil ang sungit niya sa akin, pero heto ako sobrang humahanga sa kanya. I really had fun today. Sana maulit.

Bumangon ako nang maalala ko ang cellphone kong naiwan. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table ko para i-text si Chianna kung nakauwi na ba siya. Kaso pagtingin ko sa phone ko, tadtad pala ako ng text at tawag mula kay Earl. Puro 'nasaan ka?' ang laman  ng mensahe niya.

I replied so late to him, pero hindi naman siya sumasagot. May nangyari ba? Hindi naman niya ugaling paulanan ako ng text at tawag kung hindi naman importante.

Humiga ulit ako at nilapag ang cellphone sa ibabaw ng unan ko. Naghintay ako ng reply niya at sa sobrang tagal ng paghihintay ko, nakatulog na lamang ako.