webnovel

Seducing Bryant Esguerra

"Can you please love me too?"

MsUnknownnnnnn · Teen
Not enough ratings
8 Chs

02

UMALIS na ako sa office ni Bryant, pupunta nalang ako kay Alyssa, wala naman akong shoot ngayon dahil sabado.

30MINUTES akong bumiyahe bago makarating sa condo ni Alyssa, ipinarada ko yung aking sasakyan sa parking lot at dumiretso sa unit niya, nakailang katok pa siya bago buksan nang gaga.

"Ano? Aga-aga nambubulabog ka, san ka galing? At bat ka andito?" dire diretsong sabi sakin.

Umirap nalang ako at dumiretso sa kusina niya at nag init nang tubig para mag kape.

"Feel at home ka teh?" tanong ni Alyssa sakanya.

"Buti nga dinadalaw ka pa eh." sabi ko.

"Gaga! Ano ako? Patay?, ano gusto mong kainin? magluluto ako."

"Fried rice nalang saka tocino"

"Kamusta na pala?" tanong ko habang pinapakuluan ni Alyssa yung tocino habang nagtitimpla naman ako nang kape naming dalawa.

"Eto, wala paring jowa! Tas stress pa ako sa bangko! madami palaging tao."

"Ganun talaga, bangko e, alangan namang tumunganga kalang dun mag hapon? Natatawa kong sabi.

"Ewan ko sayo!, gusto ko nalang magkaroon nang jowa!"

"Mag jojowa kapa sa lagay na yan? Stress na stress ka nga sa bangko tapos naisipan mo pang mag jowa?" natatawang wika ko kay Alyssa.

"Ikaw nga tangang-tanga, patay na patay at gustong gustong idate si Bryant."

Napatigil ako saglit, basag ako dun ah!

"Pota ka ha? Atleast totoong may gusto ako sakanya, at totoong nag hahabol ako."

"Wag kang pakampante Celeste, inis na inis na nga sayo yon, kulang nalang sa sobrang inis sayo, ay layuan kana."

"Hindi ko hahayaang mangyari yon."

Dumiretso si Alyssa sa kusina, sumunod naman ako.

"Hindi mangyayare yon, at hindi ako papayag na layuan niya ako."

"Sinasabi ko lang sayo Celeste." seryosong wika ni Alyssa.

___________________________________________

<3