webnovel

Seduce Me At Sunset

•••DISCLAIMER••• This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. READ AT YOUR OWN RISK. ALLURING SERIES Seducing My Crush [Book I] Seduce Me At Sunset [Book II] All Rights Reserve 2020 •••WARNING••• THIS MIGHT CONTAINS SPOILER FOR BOOK I, I RECOMMEND TO READ BOOK I FIRST. THANK YOU! ••• Maddileigh, a college student who's taking medicine after her business administration course last school year. She choose medicine because it's her passion-she want to save other peoples life. Being a 19 years old med student, she suffered tons of afflictions particularly in love and attachments. Maddy met a guy who's hiding his identity since he turn out to be her unknown texter. She become more attached to him day by day not knowing that the man she's talking have a relationship with his ex. What will happen if Maddy finds out who's the stranger and discover the factual reason behind their break up of his boyfriend? Is she going to be his ex-boyfriend's girlfriend once again or she will choose the unknown guy who's been nice to her since day one? •••

maentblack · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 5

New Comers

Kakatapos lang ng seminar ngayon ng mga freshmen. Ilang oras din ang ginugol namin sa loob ng gynasium. Buti na lang ay may mga kaunting palabas, hindi gaanong nakakaboring.

University dance troupe and singers play their parts so well.

Gusto kong sumali sa cheering squad pero alam kong hindi kakayanin ng oras ko.

Palabas na rin ako ng gymnasium, hindi ko na pinansin ang mga sinabi roon ni Terrence kanina.

Magsisimula pa lang s'yang magsalita, hinugot ko na agad ang earpods sa bag ko at isinaksak sa tenga.

Full volume 'yon para hindi ko talaga marinig ang boses ng lalaking 'yon.

Paano s'ya naging Professor dito? Matagal na ba s'yang nagtatrabaho rito? Bakit hindi man lang ako gumawa ng research bago mag-enrol sa school na 'to?

Habang naglalakad sa hallway, inilabas ko ang cellphone ko at chinat si Dem sa messenger.

Maddy

"Hey!"

10:23 AM

Demrene

"Oh?"

10:24 AM

"How's first day?"

10:24 AM

Maddy

"Uhm... fine.

I can adjust.

Whatcha doing?"

10:25 AM

Demrene

"Making a baby."

10:26 AM

Maddy

"Iww! That sucks!"

10:26 AM

Demrene

"Arte! Char char

lang! Haha! Ikaw

whatcha doing?"

10:27 AM

Maddy

"Eto, walking like

a zombie in

the hallway."

10:28 AM

Demrene

"Wait? Are you chatting

me on purpose?"

10:29 AM

Maddy

"Huh? Sinasabi mo?"

10:29 AM

Demrene

"Ulol! I knew it!

You're chatting me

to look cool and avoid

social contact, no?!"

10:30 AM

Maddy

"Yep. ; )"

10:30 AM

"I'm a bit shy walking

alone in the void!"

10:31 AM

"Besides, it's my first day.

Don't know

where to go. : ( "

10:31 AM

Demrene

"Sus! Arte mo!

Kaya mo 'yan!"

10:32 AM

"Slay, bitch! Hahaha! ; ) "

10:32 AM

Maddy

"Tss. Waaah! I wish

that summer could

last forever! : ("

10:33 AM

Demrene

"Well, that's so sad.

Buti na lang nagstart

na 'ko magwork."

10:34 AM

Maddy

"Ugh. I hate you!"

10:35 AM

Demrene

"Hahahaha!"

10:35 AM

"Hey, Maddy!"

10:36 AM

Maddy

"Ano?!"

10:36 AM

Demrene

"Play Despacito."

10:37 AM

Maddy

"Demrene what the hell?"

10:37 AM

Demrene

"Hahahaha!"

10:37 AM

Hindi ko na nireplyan si Dem sa huling message n'ya. Mas maloloka ako kapag kausap ko s'ya!

Tinapos ko na rin ang pag-uusap namin dahil nakita ko na ang hinahanap kong Cafeteria.

Ito ang mahirap kapag freshmen, lahat bago sa paningin mo.

Hindi mo alam kung paano ka gagalaw.

Hindi mo alam kung sa'n ka pupunta.

Kaya dapat, you have the courage to talk with the stranger.

Bawal ang mahiyain sa college!

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa Cafeteria, nagulat ako nang may biglang sumulpot sa tabi ko.

"Hey, sabay na tayo?"

I almost jump where I am when Ivann showed beside me.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at nginitian na lamang. Paano kaya n'ya ko nahahanap dito?

May GPS ba 'to na connected sa'kin?

But I like his idea. Ayoko rin namang maglakad mag-isa rito sa napakalawak na University. Mabuti na rin 'yung may kasama ako.

Pumasok kami ni Ivann sa cafeteria. Kakaunti lang ang estudyanteng nandito dahil balita ko, tatlo o apat ata ang Cafe rito sa loob ng University.

May mga food chain, fast food at kung ano-ano pang food stall sa labas.

Buti na lang hindi pa nagsasara ang ibang food industry dito. Hanga ako sa kanila!

Kasabay ko s'yang umorder ng pagkain. Balak pa niya kong ilibre kanina pero buti na lamang at mabilis akong nakapagbayad at naunang maglakad paalis.

Nakaupo na kami ngayon at kaharap ko s'ya.

Nagkunwari akong nasa cellphone ang atensyon para hindi kami makapag-usap.

"Hey, girl! Can't believe this! Your ex boyfriend is now a Professor? Wow! Ang laki namang sayang n'on!"

Napansin kong nilingunan ni Ivann ang grupo ng mga babae sa tabi namin. Sa pagkakaalam ko ay apat sila roon.

"Mas lalo rin s'yang tumangkad, infareness. That Professor Terrence is unpredictable. Kelan pa kaya s'ya nakabalik?"

Ako naman ngayon ang napasulyap sa kanila. Ibang boses naman 'yon ng babae at nakatingin sila roon sa babaeng nasa gilid ko.

Hindi ko makita ang buong mukha n'ya dahil parehas kaming naka-side view.

Pero wala na akong pakialam r'on. Mas lalong wala akong pakialam kay Terrence.

"You know what Cheissen, what if magcomeback kayo? Ikaw lang yung pinakamagandang ex-girlfriend ni Terrence diba?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naubo matapos marinig ang sinabi noong babae.

Inabutan ako ni Ivann ng tissue pagkatapos kong uminom ng tubig. Nakita ko pa ang pagngisi nito dahil sa naging reaksyon ko.

Naalala siguro ako ni Demrene kaya ako nasamid!

"Bitter."

Ikinalingon ko ang biglang pagsasalita ni Ivann. Tumaas din ang kilay ko nang mag-angat ito ng tingin sa'kin.

"Pardon?" I requested. Ako ba ang sinasabihan n'yang bitter?

Umubo lang? Bitter na agad?!

Ngumisi ito at umiling. Saglit siyang uminom sa hawak na milk tea bago ilapag sa ibabaw ng lamesa.

"I mean, 'yung flavor ng cake, bitter." Paliwanag ni Ivann.

Napatingin naman ako sa half-sliced cake n'ya na kulay green.

Tumikhim ako at muling ibinalik ang tingin sa cellphone.

"It's because balsam apple ang ingredients n'yan," I also defended myself.

Muling tumawa si Ivann at napailing. Humigop ulit ito at inilayo ang platitong may cake.

"Parehas kayong bitter ng cake na 'to."

Natigil ko ang pagnguya nang marinig yon kay Ivann. Nakatingin siya sakin ng diretso habang hinihigop ang milktea.

"Anong sabi mo?!" Halos tumaas na ang boses ko ngunit kinontrol ko iyon.

"Why do you have to put earpods on your ears? Do you still like your ex?" Ikinagulat ko ang lumabas sa bibig n'ya.

"How did you know he's my ex? I didn't remember I told you about that?" Pinanliitan ko siya ng tingin at ibinaba ang tinidor na hawak. "Wait... are you..." mas inilapit ko ang sarili sa kan'ya kaya naman napansandal s'ya sa backrest ng upuan. "Are you stalking me?!" Mahina kong bulong.

Napabuga naman ng hangin si Ivann at malakas na tumawa. Ibinalik ko ang sarili sa ayos ng pagkakaupo.

"Wow!" Kinuha niya ang milktea at ilang beses lumagok. "Excuse me? Why are you accusing me I'm stalking you? Hindi ba pwedeng nalaman ko lang na ex mo s'ya dahil noong nasa airport tayo?"

Napairap ako sa sinabi n'ya. May point s'ya. Teka bakit ba ako umaakto ng ganito?

Napaghahalataan tuloy akong bitter.

Kinagat ko ang huling piraso ng beef stake at tumayo na.

"Para sabihin ko sayo, hindi ako bitter." Sambit ko kay Ivann bago tuluyang umalis.

Nginusuan naman n'ya ko at hindi na s'ya sumunod sa'kin.

Mabuti naman.

Hindi ko kasi gusto kung paano n'ya ko husgahan ngayon, e. Baka mainis lang ako kay Ivann.

Hinugot ko ang cellphone habang naglalakad ako sa hallway.

Tumigil ako sandali sa tabi ng locker at hinanap ang room number para sa first subject.

Nang makita ko 'yon, isisilid ko na sana ang phone sa'king bulsa ngunit naramdaman ko ang pagvibrate noon.

Tinignan ko ang screen ng cellphone at nakitang galing sa unknown number ang text message.

Hindi pa rin n'ya ako tinatantanan.

From: Unknown Number

"Hi? Wazzup, miss me?"

Tumayo ang balahibo ko nang mabasa ko 'yon. Umiling lang ako at muling ibinalik ang cellphone sa loob ng bag.

Ang lakas ng loob n'yang sabihin 'yon a? Akala mo close kami. Akala mo talaga magkakilala.

Men are rats! They are really rats! Hindi lang damit ang sinisira nila... even your hearts can destroy by the rats.

So never be deceive by those people. Know who are rats and who are cats.

Cats are nice. They are friendly. You can trust them. But rats? I guess, it's not.

Muli akong lumakad sa hallway at hinanap ang assigned room.

Liliko na sana ako sa panibagong hallway ngunit napatigil ako nang muntik na akong mabunggo sa dibdib ng isang matangkad na lalaki.

Napalunok ako nang mapansing pamilyar na agad ang damit, tindig at pabango niya.

I also closed my eyes for a second, my heart skips a beat also. Kinakabahan ako kaya naman baghaya akong napaubo.

Hindi ko na nagawang tumingala o tignan pa ang mukha niya dahil kilala ko na agad kung sino s'ya.

Akmang tatalikod na ako ngunit mabilis niyang nahagip ang pulsuhan ko.

"Leigh—"

"Don't..." napalunok ako nang tingalain ko si Terrence na nakatingin na sa'kin. "Stop calling me Leigh." Pagpapatuloy ko.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay napatungo.

"I'm sorry." He whispered.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagkikita kami, sorry s'ya nang sorry.

Nagsisisi na ba s'ya sa ginawa n'ya dati?

Wait. Imposible! Kelan pa nagkar'on ng puso ang lalaking ito?

Paano n'ya nagagawang magpakita pa sa harapan ko?!

Kinunutan ko lamang s'ya ng kilay at sinubukang bawiin ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako." Nakahawak ako sa kamay kong hinahawakan niya.

"Can we talk?" His eyes were sincere. Parang ayaw niya akong pakawalan sa mga oras na ito.

Lumunok ako ng laway at nagpakatatag. "No."

"Leig—"

"Can you just let me go? We're now getting their attention!" Mariin ngunit mahina kong sabi rito.

Tinignan ni Terrence ang paligid, kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumungo.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pagluwag ng kamay niya sa pulsuhan ko.

Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para bawiin ang kamay ko at tumakbo.

Naramdaman kong sinundan niya ako kaya naman mabilis akong pumasok sa woman's rest room.

Kaagad kong isinarado ang main door at sumandal doon.

Hindi niya ako masusundan dito. Buti na lang ay may nakita agad akong rest room.

Bumuntong hininga ako at pumikit.

Ano bang problema ng lalaking 'yon?

Bakit ba ang kulit n'ya? Bakit siya na ngayon yung naghahabol?

What the fuck is happening to you, Terrence?

We're done but why are you chasing me?

Pumunta ako sa sink at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay.

Inis akong humarap sa salamin at tinignan ang sarili.

Taas baba ang dibdib ko dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina.

Umiling ako at muling binuksan ang gripo, kasabay naman noon ang pagbukas ng isang pinto ng cubicle.

Napatingin ako sa babaeng lumabas doon.

Ngumiti ito sa'kin nang makita niyang nakatingin ako sa kan'ya. I smiled back at her.

Tumabi s'ya sa'kin at nagbukas din ng gripo para maghugas ng kamay.

Inalisan ko naman na s'ya ng tingin, kumuha ako ng tissue para patuyuin ang aking kamay.

Aalis na sana ako ngunit narinig ko s'yang magsalita.

"You must be his new girlfriend?"

Ikinalingon ko ang sinabi n'ya. Kunot noo ko s'yang tinignan habang naghuhugas pa rin ito ng kamay.

"Sorry?" I said. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

Imposibleng hindi ko ang kausap n'ya dahil kami lang ang tao rito sa loob ng rest room.

Bukas ang mga pinto ng bawat cubicle at nasisigurado kong kami nga lang ang estudyante rito.

"Terrence Kurt Francisco III, he is your boyfriend, right?" Ulit niya pagkatapos patayin ang gripo.

Napangiti ako at umiling. "I'm sorry but you mistaken me."

Bahagyang bumakas sa kan'ya ang gulat pero mabilis s'yang nakangiti.

"Oh? I'm sorry, I thought you were his girlfriend. Nakita ko kasi kayo kanina..." She explained.

Her voice is like music into my ears. Hindi makabasag pinggan unlike my tone of voice.

"Ah 'yun ba? Nagkakamali ka rin ng iniisip. We don't know each other." Saad ko.

Napakunot naman ako nang mapagtanto kung bakit kailangan kong mag-explain sa kan'ya.

Sino ba s'ya para kausapin ko? Hindi ko natatandaan na may kilala ako rito sa bagong University.

Pinagmasdan ko s'yang mabuti. Pamilyar ang suot niyang crop top at mini skirt.

Maybe she's the girl I saw earlier in the Cafeteria.

Wait... hindi kaya?

"Oh no, I'm sorry. Nagtataka ka siguro kung bakit ko naitanong 'yon. I'm sorry." She keep on apologizing and bowing.

"Hey, it's okay. Hindi mo na kailangang magsorry." I smiled at her.

Ako ang nahihiya sa ginagawa n'ya at hindi ako komportable roon.

"By the way, I'm Cheissen Louise Alcantara... Terrence former girlfriend." She informed. A smile curved into her beautiful face.

Napatingin ako sa kamay n'ya nang bigla niya iyong ilahad.

Ngumiti naman ako pabalik at akmang kakamayan s'ya ngunit nakita kong basa pa ang mga ito.

Tumingin ako sa mukha n'ya, she's still smiling then she glanced beside me.

Tinignan ko naman ang nasa gilid ko at nakapatong doon ang tissue basket.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at inabot sa kan'ya ang mga tissue.

I thought she was lending it for a shake hands... gusto lang pala niyang ipaabot sa'kin 'yung tissue.

How stupid I am?

Cheissen smiled at me while drying her hands on the tissue.

"I guess, we are on the same class. It looks like I'll have fun with you. I'm looking forward for this."

Pagkasabi ni Cheissen noon, lumabas na s'ya ng rest room dahil sunod sunod na rin ang nagpapasukang mga estudyante.

Nilingon ko naman s'ya at pinanood habang nakatalikod, naglalakad papalayo.

I'm looking forward on it, too.