webnovel

Chapter 1

MIAHZAKIAH POV

"Kailan kaya ako mapapansin ni Zaugustus? hindi niya lang ba napapansin na halos matunaw na siya sa kakatitig ko sakanya. Masyado naman siyang manhid para don" sabi ko saking sarili habang nakikipag usap sa harap ng salamin.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa lalaking focus sa acads, mapagmahal, magalang, at higit sa lahat gwapo. Tila ba para siyang anghel na nagmula sa langit.

"Miah!!" sigaw ni ate na kumakatok sa pintuan

Naninira naman to ng moment. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si ate na may hawak na tuta.

"Hala ang cute! sakin to?" tanong ko

"Ha? saakin to. Binili ko to, bili ka ng sayo"

Tinarayan ko nalang siya. Binuhat ko yung tuta na hawak niya. Hindi ko na to bibitawan bahala siya dyan. Nakatambay si ate ngayon sa kwarto kasi nandito ang aso niya. Ayaw niyang iwan sakin at baka hindi ko na daw isauli sakanya.

"Ano ba iniisip mo kanina, Miah? kanina pa ko kumakatok ngayon ka lang natauhan"

"Kung bakit hindi ako pinapansin ni Zaugustus"

"Miah, ayos ka lang ba? pano ka papansinin kung ayaw mo siyang lapitan? magkaklase na nga kayo hirap pa din" sabay tawa

"Ang hirap umamin, ate. Alam ko namang iba ang gusto niya kaya tatahimik nalang ako"

"Pano mo naman nalaman na iba gusto niya? tinanong mo ba?" tinaasan niya ako ng kilay

"Hindi, feel ko lang"

Nagulat nalang ako ng bigla akong tabihan ni ate.

"Miah, ang tagal mo ng gusto ni Zaugustus. What if may chance ka sakanya? What if napapansin ka niya hindi niya lang pinapakita sayo. Dalawa lang yan, Miah. Take a risk or lose a chance"

"Wag mo kong inaano sa what if, ate. Baka maniwala ako diyan sige ka" pagbibiro ko

"Take a risk ka na"

"Ayoko"

"Bahala ka, basta ako masaya na ko. Naka amin nako sa crush ko"

"Crush ka din?" pagtataka ko

"Secret, saka ko na sasabihin pag umamin kana"

Nginitian niya ako sabay kinuha yung aso niya. Pa secret secret pang nalalaman. Mabubunyag ko din yan ilang araw lang. Humiga nalang ulit ako sa kama. Iccheck ko kung may post o story ba si Zaugustus. Stalker ako eh. Habang nagsstalk ako kay Zaugustus bigla naman siyang nag message sakin. Bigla nalang akong nagwala sa kwarto at nagsisigaw sigaw.

"Hi, may partner kana sa p.e?" tanong ni Zaugustus

First chat namin to. Shet kinikilig ako malala baka ano masabi ko kalma, self.

"Hello, wala pa bakit?"

Nakakaramdam ako ng butterflies. Akala ko hindi na siya mag cchat ulit pero napansin kong typing na siya. Sa sobrang kilig ko nahulog nako sa kama. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito agad.

"Wala pa kasi akong partner, pwede ikaw nalang?"

Nagwala nanaman ako. Buti nalang at kaming dalawa lang ni ate ang nasa bahay. Kahit anong sigaw ko hindi ako papagalitan non. Seryoso ba tong si Zaugustus? namumula nako.

"Sige, ano bang gagawin? hehe"

Panahon na to para magkaron kami ng communication. Ang tagal ko tong inantay. Ilang taon ang lumipas at sa wakas ginalaw na ang baso.

"Thru call ko nalang iexplain if okay sayo"

Oh my!!!! teka mag ccall kami? maririnig ko boses niya. Shet oxygen please.

"Okay lang"

Pinapakalma ko na ngayon ang sarili ko. Mahirap na baka mahalata niyang kinikilig ako. Inhale exhale. Miahzakiah, kumalma ka. Akala ko audio call ang magaganap, video call pala. Agad akong nag ayos. Ayoko naman sagutin tawag niya ng nag aayos ako baka sabihin nagpapa ganda ako, well totoo naman. Nag liptint lang ako. Okay na to basta maganda ilaw pag sinagot ko tawag niya. Inhale exhale. Sinagot ko na ang tawag niya. Shet sobrang pogi kahit ang gulo ng buhok bakit ganto?! bawal ako kiligin makikita niya.

"Ang tagal bago sagutin ha" bugnot niyang sabi

"Sorry"

Ay taray nag sorry ako for the first time. Hindi ako nag ssorry kay ate tapos kay Zaugustus tanggal angas ko. Well, di ako nagpapatalo kay ate. Nagsimula na siyang iexplain ang gagawin namin sa p.e. Nagttake notes ako para hindi ko makalimutan pero napapatitig lang ako sakanya. Sobrang seryoso niya mag explain mahahalata mo talagang may pake sa acads. With high honors naman siya since highschool. Consistent honor student.

"Naiintindihan mo ba, Miahzakiah? o masyado akong mabilis mag explain" sabi niya sabay kamot sa ulo

Ang cute niya talaga please. Ang gulo na sobra ng buhok niya pero bagay pa din sakanya. Siguro kung ako yan tas ganyan kagulo buhok ko, siguro mukha nakong unggoy.

"Yes, nakakasunod naman ako"

"Good"

Patago akong kinikilig. Ang hirap pwede ba mag off cam? Gumamit ako ng filter sa messenger para matakpan ang namumula kong mukha.

"That's all, Miahzakiah. Sa school na natin pag usapan yung steps"

Ayon na yon? Bitin naman. Gusto ko pa marinig boses niya kahit 24/7 hindi ako magsasawa.

"Thank you, Zaugustus!" sabay ngiti

Ngumiti din siya sakin. Kahinaan ko yan, Zaugustus ano kaba.

"You're welcome, Miahzakiah. Anyways, keep smiling. You have a beautiful smile"

Ikaw ang dahilan ng bawat pag ngiti ko.

"Thank you for complimenting my biggest insecurity"

"Got you! I need to go, bye!"

"Bye!"

Pagka end niya ng call saka ko nilabas ang kanina ko pang tinatagong kilig. Ngayon lang ako kinilig ng ganto. Sa sobrang kilig ko hindi ko namalayan na naka sandal na pala si ate sa salamin bitbit pa din ang aso niya. Hindi ako huminto sa kakatili. Best day ever!

"Hoy! ano bang tinitili tili mo dyan ha?" sabay hampas sakin

Hindi ko na naramdaman yung hampas kasi nangingibabaw ang kilig. Kinuha ko ang phone ko at pinakita sakanya na nag video call kami ni Zaugustus.

"Ha? totoo ba? nag video call kayo?"

"Mukha bang edited yan, ate?" pagtataray ko

"Omg! ito na ang simula. Ang goal mo na ngayon ay hindi na magpapansin kay Zaugustus. Pahulugin mo siya sayo. Make him fall in love yung tipong siya unang aamin sainyong dalawa"

Si ate talaga supportive sa kaharutan ko. Impossible naman na mafall sakin yon. Madaming nagkakagusto sakanya. Kumalma nako at nagcheck ulit ng phone. Napansin kong nagchat siya sa group chat namin sa p.e kaya agad kong sineen.

"Sir, partner po kami ni Miahzakiah"

Tumili nanaman ako ng sobrang lakas. Feeling ko wala akong boses bukas. Akala mo nanonood ng liga eh.

"Bye, ate I'm getting married" pang asar ko

"Basta kay Zaugustus, okay sakin"

"Malamang, ate. Kanino pa ba ako magpapakasal jusko ka"

Tinawanan ulit ako ni ate. Pinaalis ko na siya sa kwarto ko dahil magwawala nako. Nilapag ko muna yung phone ko sa table na nasa tabi ng kama. Zaugustus bakit ba iba yung tama ko sayo? baliw na baliw ako sayo.

Ilang oras ang lumipas. Kalmado nako pero iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Sana ganon nalang araw araw.