webnovel

Chapter 10:

[Belle's POV]

Pagkarating namin sa hospital ay dinala agad sa Emergency Room si Symon. Naghintay lang kaming tatlo ni Sia at Angelique dahil ang dalawang lalaki ay bumili muna ng makakain namin.

Ilang sandali pa ay dumating na sila. Binigyan nila kaming tatlo ng pagkain at inumin pero ang kay haley ay di niya tinanggap dahil hihintayin niya raw munang matapos ang operasyon kay Symon. Kaya hinayaan na lang namin siya, na guilty siguro siya dahil imbes na siya ang mabaril ay si Symon ang sumalo.

Umupo si Dylan sa tabi ko.

"Thank you nga pala kanina Dylan" sincere kong sabi.

"Okay lang yon, ang importante ligtas na kayo" nakangiti niyang tugon walang halong biro. Nagnod na lang ako sa kanya.

"Bilang thank you,quits na lang tayo don sa deal natin" ani ko.

"No, okay na yong thank you mo. You can command me anything you want." sabi niya.

"Eh,wag na" tanggi ko pa.

"Sige na, ano ba yong iuutos mo mahal na prinsesa" biro niya, bumalik na na naman siya sa dati.

"Fine, mapilit ka eh" ani ko.

"Oh ano na?" sabi pa niya.

"Excited" tugon ko  naman. Sinenyasan ko siyang ibubulong ko na lang.

'I want you to be my boyfriend for 2 months' pabulong kong sabi. Challenge ko lang sa sarili ko kung matatagalan ko ang pagkakaiba ng ugali namin.

Sandali siyang napapitlag at may pa kurap-kurap pa siyang nalalaman.

"Hahahaa, nagpapatawa ka ba?" natatawa niyang sabi.

Namula tuloy ako dahil baka sabihin niyang Desperate ako.

"No, Fake lang naman eh. Wag ka ngang feeling" ani ko, sabay irap sa kanya.

"Pffftt.. oo na nga" pagpipigil niya pa ng tawa.

 

"May patawa-tawa ka pang nalalaman,Eh mas gusto mo naman ata" pang-aasar ko.

"Huh? Hindi no" sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Hahaah, eh bakit ka namumula" pang-iinis ko.

"HIndi kaya" siya sabay tago ng mukha niya ng  kanyang mga palad.

-------

[Angelique's pov]

My first pov.

Pagkatapos naming kumain ay nanatili lang kami sa labas ng OR habang naghihintay sa operasyon ni Symon.

Nakita ko si Cyril na minamasahe  ang kanyang braso kaya nilapitan ko siya.

"Hey, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Alam kong hindi siya sanay makipagbugbogan.

"Oo, naman. Ikaw, may masakit ba sayo?" Tanong niya pabalik kaya umiling na lang ako.

"Gusto mo ako na lang ang magmasahe sayo, bilang pasasalamat sa pagtulong niyo sa amin" ani ko.

"Wag na, kaya ko naman" tanggi naman niya.

"No, I insist" nakangiti kong sabi saka hinawakan ang balikat niya at sinimulan itong i-massage.

"A-ray" ani niya yabang hinawakan ang braso niyang masakit. Hinilot ko na lang yon ng dahan-dahan.

"Masakit pa ba?" Tanong ko.

"Hindi na masyado, salamat" nakayuko niyang ani.

"Okay lang yon" tugon ko.

"Nag-aral ka ba ng pagmamasahe?" Tanong niya pa.

"Hindi, tinuruan lang ako ng mama ko. Masahista kasi siya noon. " sagot ko.

"Ano na trabaho niya ngayon?" Tanong niya uli.

"She's dead, 2 years na rin" tugon ko.

"Sorry" nasabi niya na lang.

"okay lang yon hindi mo naman alam eh" sabi ko.

"So sino na lang kasama mo sa buhay?" Pag-iiba niya ng  usapan.

" Dad ko at ang half brother ko. Anak lang ako sa labas ng tatay ko pero itinuring parin ako ng kuya ko bilang totoong kapatid, how about you?" paliwanag ko pa.

"Ulila na akong lubos, 10 years old pa lang ako ng namatay ang mga  magulang ko. Nakatira lang ako ngayon sa tinatrabahuan ko, we treat each other as family there" pagkukwento niya.

Natigil lang kami sa pag-uusap ng bumukas any pintuan ng OR.

[Haley Sia's POV]

Nang bumukas ang pintuan ng OR ay agar akong lumapit sa Doctor.

"How is he doc?" Tanong ko agad .

"He's now okay, ililipat lang siya ng room para makapagpahinga." She answered back.

"Salamat doc" pasalamat ko.

"Your welcome, and its my job. I'm going." Ani a niya at saka umalis na.

Inilipat na si Sy, sa isang private room. Ipinadalhan na din siya ni dad ng mga damit pati narin ako dahil sabi ko ako na lang ang magbabantay kay Sy.

"Okay ka na ba Sy?" Tanong ni Belle.

"Yeah" maiksing ani ni Sy.

"Guys, uuwi na muna ako. Pinapauwi na ako ni Dad" paalam naman ni Angelique. Matagal na kaming magkaibigan nina Angelique pero hindi parin namin namemeet ang Dad niya dahil palagi daw itong busy at strict.

"Ge, ingat" ani namin ni Belle.

"Hatid na kita?" Aniya ni Cyril.

"Wag na" tanngi naman ni Angelique kaya wala ng nagawa pa si Cyril kundi tumango na lang.

"I'm going na din, mom texted me to go home na daw" ani naman ni Belle.

"Hatid na kita" nakangiting ani ni Dylan sabay higit kay Belle palabas ng pinto.

"Umuwi na kayo ni Cyril, Sia. Pahatid ka na lang kay Cyril" ani ni Sy.

"No, sasamahan kia dito noh," giit ko.

"Sia, you need to rest too, just go home" tugon pa ni Sy.

"No, I won't" pagmamatigas ko.

"Symon, ako na lang ang uuwi" ani ni Cyril sabay labas sa pinto.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya ng maiwan kaming dalawa.

"Anything" aniya.

"Bato, gusto mo?" Pang-aasar ko.

"Try mo, gumagaya ka nakay Dylan" aniya pa.

"Sabi mo anything eh" giit ko.

"Soup na lang" aniya.

"Sige, bili lang ako" paalam ko tsaka lumabas na.

----

Pagbalik ko ay nakita kong nanunuood si Sy ng Fairytail na Anime.

"Nanunuood ka pala niyan?" Tanong ko.

"Yeah" sabi niya habang nagko-concentrate sa panunuood.

Inilagay ko muna sa bowl ang soup.

"Kain ka na" sabi ko.

Kukunin niya sana ang bowl pero iniwas ko.

"Akala ko ba kakain ako, bat mo iniwas" taka niyang tanong.

"Susubuan kita" naka-smile kong sabi, sabay sandok.

"Nabaril lang ako, hindi ako naputulan ng kamay" tanggi niya.

"Ahhhh" sabi ko at itnapat sa bibig niya ang kutsarang may laman.

"Kaya ko namang kumain ma-" sinubo ko sa kanya ang kutsara kaya naputol ang sasabihin niya.

"Oh,kain ka pa" sabi ko uabang sinusubuan siya.

Pagkatapos niyang kumain ay nanuood kami ng fairytail sa t.v.  Nag-aaway pa kami kung sino ang mananalo kela Gray at Natsu.

"Si Gray ang mananalo diyan" ani ko.

"Si Natsu, talo kaya ng apoy ang yelo" ani naman ni Sy.

Pero sa huli walang nanalo dahil inawat sila ni Master.