1 Prologue

"Ms. Mallory Santiago, I am giving you one last chance! Kapag hindi mo pa inayos ang trabaho mo, I'm telling you! Sa kangkungan ka talaga pupulutin!" Bulyaw ng boss kong kamukha ni Dracula.

"Yes sir, pasensya na po talaga, hindi na po mauulit." Naka tungo kong sagot.

"Hala, sige! Bumalik ka ro'n sa counter at ayusin mo ang trabaho mo! Tandaan mo, ang madrasta mo ang nagpapasahod sa'yo rito!" Nanlilisik ang mga mata niyang itinulak ako palabas ng opisina niya.

Tsss. Nagpapasahod sa'kin? Kahit ako naman talaga ang may-ari ng café na pinagtatrabahuhan ko? Bagsak balikat akong bumalik sa pwesto ko sa counter ng café. Kahit kailan talaga, wala na yatang maayos na mangyayari sa buhay ko. Wala na ba akong imamalas pa?

Magmula nung namatay na si Daddy, nawala na ang swerte at magagandang nangyari sa buhay ko. Lahat ng para sa akin, nawala. Lahat na punta sa madrasta ko, at wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin na lang ang gusto niya.

Noong nabubuhay pa si mommy at daddy, hindi ganito ang buhay ko. Ako ang prinsesa nila, ako ang buhay nila. Noon 'yon pero ngayon... wala na yata akong kabuhay-buhay. Lahat ng para sa akin ay wala na.

"I said one americano coffee!" Napa pitlag ako sa malakas na paghampas ng kamay sa counter ng lalaking nasa harapan ko.

"Ano ba!?" Hindi ko naman intensyon magtaas ng boses sa customer, pero kasi... kailangan nya ba talagang maging brutal at maghampas pa ng kamay sa counter?

"Are you shouting in my face?" Tanong niya at saka ibinaba ang soot niyang shades, pinadaanan niya ako ng mapanuring tingin. Halos naging isang linya na rin ang kilay niya.

"Are you going to take my order or I'll be the very last customer you've met in this café?" he asked arrogantly. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa attitude ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Aba, tignan mo nga naman! Kung pwede lang talaga manapak ng customer, nagawa ko na talaga, matagal na! Pero kailangan kong ayusin ang trabaho ko dahil kung hinid, ako nanaman ang mapapaginitan ng mga kampon ni Precila.

So, I gave him my big fake smile, showing my beautiful and complete set of white teeth. Look at this guy, mukang maamo lang ang mukha pero daig pa ang babaeng may monthly period sa attitude.

"Eto na nga po, sir! Kukunin na nga po," sarkastiko kong sagot at mariin na pinunch ang order niya sa monitor na katapat ko.

"Are you serious talking to me as sarcastic as your face?" he asked with his squinting eyes daggering on me.

Kumalma ka girl, bibingo kana. Mawawalan ka na ng trabaho sa sarili mong café Kalma lang Mallory Dianna! Kalama lang.

"No sir, I am actually preparing your order in a very very very..."

"Enough! Just make my order!" Naputol ang pagsasalita ko at nawala ang sarkastikong ngiti ko ng bigla nanaman niyang ibagsak ang kamay niya sa counter.

Gwapo na sana, suplado at halimaw lang. Hmmp!

"Oki!" I squinted back my eyes as I show my sarcastic smile on him.

avataravatar