webnovel

Chapter One

FLASHBACK

INANG'S POV

"Kailangan mo pa ba talagang gawin ito?" wika ng isang ginang na may halong pagsusumamo sa tinig nito.

Ang ginang ay may edad na animnapu't-pitong taong gulang.

Nakatayo ang ginang sa loob ng isang maliit na kuwarto habang bahagyang nakabukas ang pintuan nito.

Mahinahon ang pagtatanong ng ginang sa isang babae na kasama nito sa loob ng kuwarto.

Ang edad ng babae ay nasa tatlumpu't-dalawang taong gulang.

Ang babae ay kinakausap ng ginang ngunit nakapatalikod ito at hindi humaharap sa ginang.

Inihahanda ng babae ang mga personal nitong gamit at mga papeles na importante na ilalagay naman nito sa loob ng isang maleta, kung saan nakapatong ang mga ito sa isang maliit na lamesa na nasa loob din ng kuwarto.

Ang lamesa ay nasa isang sulok at nakapatong doon ang mga bagay na kailangan ng babae.

Mababakas sa boses ng ginang ang pagkabahala at pagkainis dahil sa inaasal ng babaeng kinakausap.

"Ito ba talaga ang balak mo?"

"Ang iwanan ang mga bata at takasan ang responsibilidad bilang ina sa kanila para lamang masunod iyang kagustuhan mo."

Nagpatuloy lang ang matandang ginang sa pagsasalita na kulang na lang ay magdabog sa harapan ng anak ngunit tahimik pa rin ang anak nito habang nagpapatuloy ito sa ginagawang pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin para sa pagluwas papunta sa siyudad ng Maynila.

Bukod sa boses ng ginang, maririnig mo rin ang mga tunog ng yabag mula sa sapatos na suot ng babaeng nag-iimpake habang paroon at parito ito sa loob ng kuwarto dahil kinukuha ang ilan pang mga gamit na kailangang ilagay sa mga travelling bag.

Matagal pinag-ipunan ng babae ang pambili ng mga travelling bag at maletang gagamitin nito sa pag-alis.

Buo na ang desisyon ng babae na lumuwas ng Maynila kahit labag sa kalooban nito, at hindi ito nagpakita ng kahit kaunting bahid ng emosyon kahit kulang na lang ay sumambulat ito.

"Aba!, Ella!, maawa ka naman sa mga anak mo."

"Mga bata pa ang dalawa mong anak para iwanan agad."

"Bakit Ella?, Dahil ba hindi mo na kayang alagaan kaya basta-basta mo na lang iiwanan ang mga anak mo!" biglang tumaas ang tono ng pananalita ni Aling Celia sa anak na si Ella habang tinatanong ito at patuloy na sinesermunan.

Nakatingin ang ginang sa anak at sa ginagawa nitong pag-iimpake.

Hindi makatiis ang ginang na hindi sermunan ang kanyang anak dahil na rin sa mga pabigla-biglang desisyon na ginagawa ng anak na kadalasan ang resulta ay hindi maganda.

Hindi ugali ni Aling Celia ang magtaas ng boses ngunit dahil sa inaasal ng kanyang anak na si Ella, hindi rin nito naiwasan na hindi pagtaasan ng boses ang anak.

ELLA'S POV

"Hindi ko ho tinatakasan ang responsibilidad ko bilang ina sa aking mga anak, Inang!"

Nabigla si Ella dahil hindi rin nito sinasadyang tumaas ang tono ng pananalita. Pero ipinagpatuloy pa rin ni Ella na ipaliwanag ang saloobin habang nakatingin na ito sa ina niya.

"Ang gusto ko lang ay ang maihahon sa kahirapan ang buhay ng mga anak ko kaya kailangan kong umalis, ngunit hindi ibig sabihin na kaya ko sila iiwan ay dahil sa hindi ko na sila kayang alagaan." mariin ang pagkakabitaw ni Ella sa mga salitang binibitawan para igiit na nasa tama siyang pag-iisip para makapagdesisyon para sa sarili, kahit nagbabanta ng pumatak ang mga luha sa pisngi nito.

"Bilang isang ina ang nais ko ay ang maging maayos ang buhay nila." wika ni Ella habang itinutuloy na muli ang naudlot na pagsasaayos ng mga gamit na dadalhin kahit halos nawawala na ang focus nito sa ginagawa.

"Sa tingin mo sa pag-alis mong iyan para lamang pumunta sa Maynila ay giginhawa na agad ang buhay ninyo ng mga anak mo?"

"Nagkakamali ka sa inaakala mo, hindi mo alam ang pamumuhay sa Maynila."

"Hindi ka ba natatakot sa puwedeng mangyari sa iyo sa Maynila? Sa halip na ginhawa ang iyong datnan pero trahedya at lalong paghihirap ang iyong makukuha."

"Tapos mababalitaan ko na lang at ng mga anak mo na nasa morge ka na pala at wala ng buhay."

Nakikinita-kinita pa lang ni Aling Celia sa imahinasyon nito ang puwedeng mangyari sa anak na si Ella pero kinikilabutan na agad ito.

"Hindi kailanman mangyayari iyon at hindi ko papayagan na mangyari iyon sa akin".

"Aalis ako para hanapin ang magandang kapalaran at hindi ko ito mahahanap kung mananatili lamang ako dito sa ating lugar."

"Wala na akong dapat pang isipin na mga dahilan para hindi ako tumuloy at hindi ninyo na mababago pa ang desisyon ko." pagmamatigas pa rin giit ni Ella.

Basta magkaroon ito ng ideya na sa palagay

nito ay tama, kahit maging labag sa kalooban, ipagpapatuloy pa rin nitong sundin.

Kaya kahit ang mga magulang ni Ella ay hindi siya magawang pigilan sa kahit anong maging desisyon.

INANG'S POV

"Ganyan ka naman talaga kahit noong bata ka pa, napakatigas na ng iyong ulo."

"Palaging kagustuhan mo na lang ang nasusunod, alam mo ba kung nabubuhay pa ang iyong Amang tiyak akong hindi siya papayag sa gusto mo."

"Masyado ka nang nagiging makasarili, sinasaktan mo na niyan ako at kahit kailan hindi ka naman sumusunod sa akin."

Humahagulgol na si Aling Celia dahil na rin sa nararamdamang inis, hinanakit at lungkot dahil sa ginagawa ng anak.

Hindi na ito nagulat ng magtaas ng boses sa kanya ang anak.

Hindi ito ang unang beses na hindi sila nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan.

Isa na rito ay ang pakikipagrelasyon ni Ella kay Jerik De Guia, ang ama ng mga bata.

Umpisa pa lang ayaw na ayaw na nila sa lalakeng iyon para sa kanilang anak na si Ella pero dahil sa katigasan ng ulo ni Ella wala rin silang nagawa para pigilan ang pagsasama ng dalawa.

ELLA'S POV

Nilapitan naman ni Ella ang ina nang makita na niya ang hitsura ng ina habang humahagulgol.

Sa pakiwari ni Ella sasamaan ng lasa ang ina kaya pilit na pinapaupo ni Ella si Aling Celia sa isang silya na yari sa kahoy na ang pintura ay unti-unti ng natutungkab at ito ay nasa loob din ng kuwarto, at kahit tinatabig ni Aling Celia ang mga kamay ni Ella dahil ayaw paalalay o umupo ni Aling Celia, kalaunan napilit din ni Ella ang ina na umupo para mahimasmasan.

Ang silya ay malapit sa lamesang pinagpapatungan ng iba pang gamit ni Ella.

Ang ibang mga travelling bag o ilan pang gamit na aayusin ay nakapatong naman sa isang papag na medyo malapad at yari din ito sa isang matibay na kahoy.

Saglit na lumabas ng kuwarto si Ella at nagtungo sa kusina para ikuha ng tubig mula sa banga-palayok ang ina at muling bumalik sa loob ng kuwarto.

Ayaw din naman ni Ella na sumama ang loob at pakiramdam ng ina ng dahil lamang sa pagdedesisyon niya na magtungo ng Maynila, kaya pinapalubag niya ang kalooban nito.

"Inang tama na ho, baka ho magkasakit pa kayo niyan, mahirap na ho."

"Dapat nga siguro mamatay na rin ako kaysa makita ko ang kaisa-isa kong anak ay lalayo na para lamang sa ambisyon niya." may bahid ng matinding pagdaramdam sa tono ng pananalita ng ginang.

"Inang huwag ninyo nga hong sabihin iyan!" halos pahiyaw na si Ella dahil na rin sa magkakahalong guilt, lungkot, galit at pagkadismaya dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

"Bakit ba kasi hindi ninyo ako maintindihan?"

"Hindi naman ito para sa akin itong gagawin ko, para ito sa mga anak ko, sa--sa iyo." habang pasinghot-singhot na si Ella dahil unti-unti ng namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata na nagbabanta ng pumatak.

"Gusto ko naman maibalik sa inyo ang pagmamahal na inukol ninyo sa akin simula pagkabata ko, hanggang sa mga anak ko."

"Magagawa ko lang iyon kung maihahaon ko kayo sa kahirapan at ng maranasan ninyo man lang ang kahit kaunting karangyaan sa buhay."

"Alam ko ho Inang na mahirap pero kakayanin ko at gagawin ko ang lahat maabot ko lang ito."

Pinipigilan ni Ella na mapaluha sa harap ng ina.

Ang makita siya ng ina na lumalabas ang kahinaan bilang anak.

Para kay Ella hindi ito ang oras para panghinaan siya ng loob.

Hindi ito ang kailangan niya.

Ang kailangan niya ay ang paraan para makaahon na sila sa dusa o paghihirap.

"Hindi ko naman kailangan ang sarap o karangyaan sa buhay ko."

"Matanda na ako at simple na lang ang mga nais ko."

"Masaya na ako kung kasama ko kayo ng mga apo ko, at lalong hindi ko kailangan iyang sinasabi mong karangyaan kung mawawala ka naman sa akin anak ko."

"Anak, mahal na mahal kita, natatakot ako na baka mawala ka rin sa akin kagaya ng iyong Amang."

"Ikaw na lang ang natitira kong kayamanan sa buhay, kaya pakiusap anak makinig ka sa akin, kahit isang beses ako naman ang pakinggan mo." nagsusumamo na ang tinig ni Aling Celia at hindi maubos-ubos ang mga luha nito.

Hinawakan ni Ella ang mga palad ng kanyang ina habang marahang hinaplos-haplos ito.

Isa sa mga paraan ni Ella para mapakalma ang nag-uumapaw na emosyon ng ina.

Niyakap na lamang ng mahigpit ni Ella ang ina at ipinaramdam sa pamamagitan nito ang kanyang pagmamahal sa ina.

Nang mga sandaling iyon ay nakikinita-kinita ni Ella ang mga mukha ng dalawa niyang anak na umiiyak at nagmamakaawa na huwag siyang umalis.

Sa sandaling iyon ay nakakaramdam din si Ella ng matinding kirot at awa sa sarili, sabay sisi sa kanyang sarili kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay niya at ng mga anak niya.

Naging manhid na si Ella sa iba pang emosyon maliban sa matinding galit na nadarama para sa taong naging dahilan kaya naging miserable ang buhay nila. Wala na rin itong natitirang pagmamahal ni katiting para sa dating asawa.

Si Aling Celia naman ay nahimasmasan na rin pagkatapos ng kaunting pagtatalo nila ng anak na si Ella.

Alam ni Aling Celia na kahit nasabi niya sa anak ang kanyang saloobin, alam niyang ang desisyon pa rin ni Ella ang masusunod.

Ipinagpapasa-Diyos na lang ni Aling Celia ang lahat.

Sa kuwarto ni Ella na lang pinatulog ni Ella ang ina tutal naman tapos na rin ito sa pagsasa-ayos o pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin sa pag-alis.

Kahit kalmado na ang ina nito, alam ni Ella na matindi pa rin ang tampo ng kanyang ina sa kanya.

Nang lumabas si Ella ng kuwarto, nakapatalikod ang kanyang ina sa kanya at hindi siya iniimikan.

11:00 pm na nang gabi ngunit hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ang mga mata at gising na gising pa rin ang diwa ni Ella habang matagal na nakatayo at pinagmamasdan ang loob ng isang maliit na kuwarto.

Nakapatay ang ilaw sa loob ng kuwarto maliban sa isang maliit na lampara na nakapatong sa isang maliit na kabinet na yari sa kahoy at malapit ito sa bintana ng kuwarto.

Ang bintana ay bahagyang nakabukas.

Bago ang kabinet, may isang papag muna na katamtaman lang ang laki na yari sa matibay na kahoy ang nakalagay at nakapuwesto malapit sa pinto ng kuwarto.

May nakalatag na banig sa ibabaw ng papag at ilang mga unan at isang malaki-laking kumot.

Ang atensiyon ni Ella ay nakatuon sa dalawang pigura ng dalawang bata na kasalukuyang nakahiga at mahimbing na natutulog at magkayapos pa ang mga ito.

Ang kuwartong iyon ay kay Aling Celia.

Pinalipat muna ni Ella ang dalawa niyang anak sa kuwarto ng kanyang ina dahil nga ayaw niyang makita ng dalawang bata ang ginagawa niyang pag-iimpake para sa balak niyang pag-alis patungong Maynila.

Lumapit si Ella sa papag kung saan natutulog ang dalawa nitong anak.

Kinumutan hanggang sa bandang leeg ang dalawang bata ng mapansin niyang bahagyang namamaluktot ang katawan ng dalawang bata dahil na rin siguro nakakaramdam ng ginaw ang mga ito.

At isinara na rin ni Ella ang bintana.

Sanay ang mga anak ni Ella na matulog ng walang ilaw pero dahil siguro matagal-tagal na rin nakatira ang magkapatid sa poder ng kanyang ina kaya nakasanayan na rin ng mga bata ang matulog ng may bahagyang ilaw sa loob ng kuwartong tinutulugan.

Kahit sa kuwarto ni Ella kung saan mismong natutulog ito at ang mga bata ay may maliit na lampara rin na nakalagay, kapares ito nang nasa kuwartong kinatatayuan niya ngayon.

Pinapatay lang ang lamparang nasa loob ng kuwarto ng mag-iina kapag matutulog na sila.

Habang mahimbing na natutulog ang mga bata, pinagmamasdang mabuti ni Ella ang mga mukha ng dalawa niyang anghel.

Ang anak ni Ella na babae na si Ellaine ay walong taong gulang na at ang bunso naman na lalake na si Mike Angelo ay limang taong gulang naman ang edad.

Habang lumalaki ang bunsong anak nito nagiging kamukha na ito ng dating asawa ni Ella pero kahit minsan hindi nito ibinunton sa anak na lalake ang galit na nararamdaman sa ama ng dalawang bata.

"Mga anak, mapatawad ninyo sana ako sa gagawin ko." pabulong na saad ni Ella habang sapo ng kanyang dalawang palad ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng ingay.

Halatang pigil na pigil ni Ella ang emosyong nais kumawala, patuloy din ang pagpatak ng mga luha nito.

Halos magsikip na ang dibdib nito dahil sa bigat na nararamdaman ng puso.

Hindi ko kayo gustong iwan, kaya lang kailangan ng Mama ninyo na umalis para kumita ng pera, para kapag may gusto kayong bilhin mabibili ko na.

Kaya kailangan kong umalis at iwan kayo.

Pasensiya na mga anak ko kung walang kuwentang ina ang naging Mama ninyo, pero pangako gagawin ko ang lahat para ipagmalaki ninyo ako bilang Mama ninyo. nagpahid ng mga luha si Ella at tinatagan ang loob dahil iyon ang kailangan nito sa mga oras na iyon.

Marahang lumapit si Ella sa isa pang kabinet na nasa isang sulok at dahan-dahan din binuksan ang isang lalagyan nito upang humanap ng panulat at papel at nang makahanap, may isinulat ito sa papel.

Ellaine, anak ko! Pasensiya na kung iiwan ko muna sa iyo ang responsibilidad bilang Mama sa iyong bunsong kapatid, ikaw lang bukod kay Inang ang mapagkakatiwalaan ko habang wala ako sa tabi ninyo.

Huwag ninyong pababayaan ang inyong mga sarili, ikaw na muna bahala kay Inang, alagaan ninyo ang isa't-isa.

Tandaan ninyo mahal na mahal na mahal kayo ni Mama at hinding-hindi kayo ipagpapalit ni Mama sa kahit na sinong bata sa mundo.

Pangako anak babalikan ko kayo.

Ang lahat ng gustong sabihin ni Ella sa mga anak ay isinulat niya sa papel at ipinatong sa ibabaw ng kabinet na malapit sa papag.

Pinatungan ito ng lampara upang hindi liparin.

Lumapit ulit si Ella sa papag at hinaplos ng marahan ang mukha ng dalawang anak, hinagkan ang mga noo at pisngi ng dalawang bata kahit bahagyang kumislot ang anak na babae pero hindi naman ito nagising.

Dahil tulog na tulog ang dalawang bata, hindi nila alintana ang mga matang matagal na nakasulyap sa kanila, mga matang punong-puno ng pagmamahal at kalungkutan, mga matang hindi na muling masisilayan.

Lumabas na si Ella ng kuwarto at naghanda na sa pag-alis patungo sa kanyang kapalaran.