1 Prologue

    Still at my room waiting for my dinner. Kanina pa ko naghihintay. Mga thirty minutes na! At pinaiinit ba nila ulo ko?! I'm gonna fire them! All of them!

Knock! Knock!

"Pasok!"naiinis kong sigaw at nagbukas ang pinto. Pumasok si James sa kwarto ko na dala-dala ang pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin at umiwas naman ito.

     Ipinatong niya sa kama ang pagkain at akmang aalis na pero, hinawakan ko ang braso niya at hinila kaya muntik na siyang sumubsob sa pagkain ko. Buti nalang ay mabilis magreact ang katawan niya kaya mabilis niyang naiayos ang sarili niya.

"Bakit ang tagal mo?!"sigaw ko sa sobrang inis. Umiwas lang siya ng tingin at nakita ko siyang ngumisi. "What kind of expression is that?! Nakangisi ka pa e na iinis na ko! I'm gonna fire all of you!"sigaw ko. Bigla siyang lumapit sakin habang ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha.

"Then do it! I don't care! Nagtitiis lang naman ako sa ugali mo! Isa kang taong... No! Isa kang halimaw na walang puso! A heartless monster! Be glad that I'm still here taking care of you!"sigaw niya. Di ako nakasagot sa mga sinabi niya. He's right. Tinamaan ako sa sinabi niya. Lumabas na siya sa kwarto at dahan-dahang sinarado ang pinto. Then let's see kung gaano ako ka-heartless. I'll show him kung sino ang kinakalaban niya. What an asshole. I'll show him. Magmamakaawa siya sakin. I'll torture him! Them!

     Pagkatapos kong kumain, tumawag ako sa intercom para ipakuha ang pinagkainan ko. At sigurado ako na si James ang papasok para kunin ang pinagkainan ko at ayoko pang makita ang pagmumukha ng panget na yon. Pumasok ako sa CR para magkaroon ako ng peace. Pure peace.

     Hinubad ko ang mga saplot ko sa katawan at lumubog sa malamig na tubig ng bathtub. This is the peace.

     Ilang minuto ang lumipas ay nagbanlaw na ako.

     Pagkatapos ay naisip ko na hindi ko pala nadala ang tuwalya ko. Oh no! Why did I forgot about that?!

    

     Sumilip ako sa labas at nang makita kong walang tao ay tumakbo ako ng hubo't hubad papunta sa closet. Binuksan ko ito at kumuha ng tuwalya.

"V, are you done?!"sigaw ni... James?! What is he doing here?! Nasa balcony siya!

     Nakita ko ang anino niya na papasok kaya napasigaw ako.

"Stop!"sigaw ko. Dali-dali kong ibinalot ng tuwalya ang katawan ko. Kumuha ako ng mga susuotin kong damit at akmang babalik sa CR nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako.

"What are you doing?! I will really fire you!"sigaw ko kay James na ikinulong ako sa mga bisig niya habang nakasandal ako sa pader, hawak-hawak ang mga damit ko.

     Nakatitig siya sakin na para bang may malalim siyang iniisip.

 

"If you'll fire me, then fine! I don't care! Sanay na ko sayo. Kasi simula pagkabata, magkasama na tayo. Ikaw bilang boss ko at ako bilang PA mo. But you know what? all these years. Alam kong dadating ang araw na sasabihin mo yan sakin kaya ang masasabi ko lang ay, manigas ka! Di ako aalis dito!"s

igaw niya at tumakbo. Dinala niya ang pinagkainan ko at marahang sinarado ang pinto. Kahit kailan talaga!

Ring! Ring!

     Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"What do you need?"agarang tanong ko.

"You. I only need you. Can I have a date with you?"tanong ng baliw kong kaibigan na si Lance.

"No thanks. I don't like dates. Kung makikipag-date man ako, hindi ikaw ang gusto kong makasama."sagot ko at ini-loud speaker ang phone. Ibinaba ko ito sa kama at nagbihis na ako.

"Ouch! That hurts! Then I'm still in your friend zone?"tanong niya. "Sa dinami-rami ng babaeng nakilala ko. Ikaw lang ang nag-iisa at natatanging hindi na-inlove sa kagwapuhan ko. Loyal naman ako. Gwapo. Mayaman katulad mo. Matalino. At..."

"Mayabang."mabilis na sagot ko at napangiti. Sa dinami-rami rin ng mga lalaki sa buong mundo. Siya lang ang nakapagpapangiti sakin.

"Again, ouch! But I still love you. Pupunta ako dyan ah!"

"Bakit? Anong gagawin mo dito? Naglayas ka na naman?"

"How did you know? Nasa labas ako ng bahay mo. Look!"saad niya kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko kaagad siya na kumakaway.

     Agad akong bumaba para pagbuksan siya pero nasa hagdan palang ako ay nakita ko si James na isinarado ang pinto. Ini-lock niya ito at sinabi ko kay Lance na 'wait' at in-end ang tawag. Tiningnan ko ng masama si James.

"What?"tanong niya at sinamaan din ako ng tingin. Aba! Lakas ng loob neto ah!

"Open the door."utos ko pero di niya ako sinunod. "Don't try me. Kahit ano kaya kong gawin sayo!"sigaw ko na ikinangisi niya. Naiinis na nga ako, may gana pa siyang gumanyan.

"Really? Then do it!"sigaw niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang mga braso ko at akmang lalapit ang mukha sakin pero sinipa ko siya. Hindi siya natinag at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Bigla niya akong hinalikan sa leeg na ikinagulat ko. He's drunk!

"Stop it! Lasing ka!"sigaw ko at sinipa siya ng pinakamalakas ko sa tuhod niya kaya napaluhod siya. Pagewang-gewang siya at biglang bumagsak. Hay~ andami niya sigurong ininom.

     Hinila ko siya papunta sa kwarto niya at pinahiga siya sa kama.

"Tabi tayo."bulong niya habang papikit-pikit ang mga mata. "Please..."

     Hindi na siya nagsalita dahil nakatulog na siya.

     Tatayo na sana ako nang marinig ko siyang bumulong.

"Mahal kita, V... Kahit na ganyan ka kasungit, mahal na mahal kita..."rinig kong bulong niya. Oo na, inaamin ko na gwapo siya. Parang k-pop idol ang itsura. Napakayabang din niya nung huli kaming nakapag-usap ng matagal. 13 years old pa yata ako nung huli kaming nag-usap e. At siya naman ay 17 noon. Pero after 8 years, marami nang nagbago. Marami nang nagabago nung ilang taon din kaming hindi nagkita. Mas lalo siyang gumwapo ngayon at ako, naging heartless monster para sa kanya.

"Maybe next time, makausap mo ulit ako ng matagal."bulong ko at kinumutan siya. Jerk!

     Lumabas ako sa kwarto niya at tiningnan ang phone ko. Andaming messages ni Lance.

     Di ko nalang yon pinansin at bumalik sa kwarto ko. Alam kong aalis din yon. At nawala ako sa mood na makita siya. Hay~...

avataravatar
Next chapter