webnovel

Chapter 11: My Book Of Confidence

EVERYONE should be confident when it comes to themselves. Accept for who you are-dapat matuto kang mahalin ang iyong sarili kumbaga self love, h'wag mo hayaang idown ka ng iba. Kung hinihila ka man nila pababa used it as your strength...

Ako si Yeng, labing walong taon gulang. I experienced a lot of hardships in life. I was bullied noong fifteen years old ako dahil daw mataba ako, maraming peklat, tadtad ng tigyawat sa mukha-sungki sungki ang mga ngipin at maraming kuto.

Umabot iyon sa time na ayoko ng pumasok sa school maski lumabas ng bahay ay hindi ko magawa.

"Anak, alas otso na-ayaw mong pumasok?" Tanong sa'kin ni Mama na sinagot ko naman kaagad

"Ayoko po" Nakaupo sa isang sulok na sagot ko

"Bakit, may sakit ka ba ha?" Malumanay na sabi naman ni Mama

"Wala po-"

"Oh bakit ayaw mong pumasok?"

'Kasi binubully po ako'

Gusto kong sabihin kay Mama iyon pero nahihiya ako and at the same time natatakot

"Anak-Yeng. May problema ba sabihin mo sa'kin" Pangungulit ni Mama na ikinaiyak ko

"Ma, kasi binully po ako ng mga classmates ko..." Pag-amin ko kay Mama na ikinakurap niya ng ilang beses

Siguro ay hindi siya makapaniwala sa inamin ko. Nasanay kasi si Mama na madami akong kaibigan kaya nagulat siya sa sinabi ko

"Binully ka? Ba't hindi ka nagsabi-" Bulalas ni Mama at pinahiran ang aking mga luha sa mata

"N-nahihiya po kasi ako sa inyo, baka dumagdag pa ako sa problema niyo...." Dagdag ko pa

Nagbuga ng hangin si Mama at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri

"Kahit kailan ay hindi ka pabigat sa'kin, anak kita kaya mahal kita. Ikaw na lang ang natira sa'kin. Anong silbi ng pagiging nanay ko kung hindi kita dadamayan diba" At niyakap ako ng sobrang higpit

Mabuti pa si Mama, palaging nandiyan para sa'kin kung may problema ako siya ang una kong sinasabihan-ang swerte ko sa Mama ko kasi inalagaan niya ako hindi katulad ng ibang bata na sinasaktan ng mga magulang. Kaya takot na takot akong mawala siya

"Magbihis ka, papasok ka ngayon. H'wag kang mag-alala Yeng nandito lang ako sa likuran mo..." Ani Mama na ikinahugot ko ng lakas na loob

Ten o'clock ng makarating kami sa school pagpasok ko pa lang sa room ay pinagtitinginan na nila ako, naturang napayuko na lang ako pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan

"Ay, himala pumasok pa ang baboy oh?" Rinig kong komento ng isa kong kaklase

"Hala! Oo nga, akala ko tumigil na siya-" Sabi naman ng isa pa na ikinatakip ko ng dalawang tenga

Sinasabi ko na nga ba, sana hindi na lang ako pumasok nakakasawa ng marinig ang mga paulit-ulit na tinatawag nila sa'kin

"Sinong nambully dito kay Ms Badbad? Sagot" Anunsyo ng guro namin na ikinatahimik ng lahat

Tiningnan ko si Mama, nandoon na siya sa labas ng pinto nakatingin sa akin at nakangiti

'Alis na ako-' Senyas ni Mama sa'kin na papaalis na

Nginitian ko na lang si Mama kahit na hindi ko siya gustong umalis. Natatakot na naman ulit ako kung pwede lang na manatili si Mama dito kung kailan ko gusto pero hindi talaga pwede

"Ms Badbad, sabihin mo sa'kin kung sino ang bumully sa'yo" Palatak ng guro namin na nakasentro ang tingin sa'kin

"Ayaw ko po-" Simple kong sagot na ikinataka niya

"Bakit Ms Badbad?"

"Basta ayaw ko po. Sa akin na lang po iyon" Hindi na nagtanong ang aming guro sa halip ay itinuloy na nito ang pagtuturo

"Salamat naman at hindi mo naisipang magsumbong-" Tulak sa'kin ni Charlie

Hindi na lang ako sumagot sa halip ay bumangon na lang ako sa pagkakadapa sa semento

"Hoy Taba! Ano laro naman tayo" Pamimilit nito na ikinangilid ng aking mga luha

"Ano b-ba!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa galit at pagka-inis ko sa aking sarili

Bakit ganoon? Hindi ko magawang ipagtanggol ang aking sarili-nahihirapan na ako pagod na pagod na ako

Natapos ko ang anim na taong pag-aaral sa elementarya. Ngayong ganap na dalaga na ako gusto kung baguhin ang aking sarili. Gusto kong magpapayat, gusto kong mag glow up sa paningin ng iba.

Naiinsecure ako dahil naisip ko bakit pa ako nabuhay sa mundong ito kung puro pasakit at paghihirap lang ang nararansan ko

Hanggang sa naisip kong mag work out. Yeah, I tried to lose my weight in just 30 days but hindi ko kinaya alam niyo kung anong ibig sabihin ko sa hindi kinaya? Sinubukan ko-pero walang nagbago.

Unti unti ko na ding naiintindihan na dapat bigyan ko ng pansin ang aking sarili, nakaranas kasi ako ng depresyon. Sa pambubully, paano pumayat at paano magbago

Until I realized na hindi pala ako nag-iisa. Marami din palang nakaranas ng pinagdadaanan ko....

All I can say is-

Your body deserves your unconditional love

And your scars are marks of your past-wounds, but also of your healing.

Tanggapin mo kong sino ka, kasi walang makakapantay sa'yo sabi nga ng iba DON'T BE AFRAID JUST BE YOURSELF.