webnovel

Chpter 1 Kailan Pa?

"Sino ang kasama nya?" Bulong ni Nena kay Millet Napatingin si Millet sa lugar kung saan nakatingin ang kanyang kaibigan.

Nakita ni Millet ang isang babaeng may matangos na ilong, may mapupungay na mata, maputi, sexy, hanggang balikat ang tuwid na tuwid na maitim na buhok, isa ngang magandang babae na papansinin agad ng sino mang makakakita.

"🤔"...Napaismid si Millet. Kilala nya kasi ang babaeng kasama ni Boz. "Si Elrich yun." Turan nito.

Nakita nilang pababa ang dalawa sa single na motor at marahang inalalayan ni Boz si Elrich sa paglakad papunta sa lugar kung saan sila nakatayo.

"Magandang umaga!" Bati ni Boz habang nakatingin kay Nena. Na wari ba'y hindi siya nito matingnan ng direkta sa mga mata.

"Magandang umaga." Bati rin ni Elrich na makikita sa mga mata ang kaligayaban.

"Magandang umaga." Sabay na turan ni Millet at Nena.

" Ang cute nyo naman tingnan, bagay kayo." Hirit ni Nena sabay ngiti sa dalawa na nagkatinginan pa ngunit walang sinambit na anumang salita.

Sinuklian ni Boz at Elrich si Nena ng simpleng ngiti at 'di sinasadyang nakita ni Millet ang reaksyon na ito ng dalawa.

"Pasok na tayo."Turan ni Boz. Itinuro ang pintuan ng simbahan. Lumakad na si Boz at Elrich.

Hindi maipaliwanag ni Millet kung ano ang dapat maramdaman ng mga sandaling iyon. Hindi kasi nya inaasahan na makikita si Boz na may kasamang ibang babae. Magiliw ang pakikitungo ni Boz kay Elrich, maingat na maingat ito at para bang sa wari ay lumalakad sila patungo sa altar para ikasal. Noon ay araw ng Linggo, araw ng pagsamba.

Isa si Boz sa mga nangunguna sa mga gawain ng simbahan. Magalang, mabait, mahinahon magsalita, at higit sa lahat ay gwapo.

"Ang ganda naman ni Elrich," bulong ni Nena. Na parang nagising si Millet sa malalim na pag-iisip. Napatingin si Millet sa kaibigan, sabay sundot ng hintuturo sa tagiliran ng kaibigan. "aaawwccchh". Bakit ba? ang tanong nito.

Napalingon si Boz kay Millet at Nena na wari bay nagtatanong ang mga mata.

Agad na sinaway ni Millet si Nena sa pagiingay, gamit ang hintuturo, inilagay ni Millet sa kanyang mga labi."Ssssshhhhh. 'wag ka ngang maingay. 'Di naman masakit, kung makaarte ka." sabay ngiti sa kaibigan.

"Bakit ba kasi?" Painusenteng tanong ni Nena kay Millet.

"Wala lang, natutuwa lang ako sa iyo, hehehehe." Pagkakaila nito. Gusto nyang itago ang tunay na nararamdaman. Hindi niya inaasahan na makikita nya si Boz ngayon, lalo pa't may kasama itong babae.

Naramdaman ni Millet na parang sumikip ang kaniyang dibdib, di niya maintindihan kung bakit. Para bang bumigat ang kanyang katawan na wari'y may dumagan sa kanyang mabigat na bagay. Kasama ni Boz si Elrich. " Hindi ba at kami na?" Bulong ni Millet sa sarili.