webnovel

Rivals In love

Honeyahh · Fantasy
Not enough ratings
9 Chs

Paalam..

Nagising ang prinsesa mula sa mahabang tulog.Nakangiti ito na pawang bang maganda ang panaginip.Bumangon na siya sa kaniyang higaan at lumapit sa durungawan nito.Hinawi niya ang kurtina at sumilip mula sa baba.Dahil sa mataas na parte ng palasyo ang kaniyang silid ay kitang-kita niya ang mga mamamayan ng Phantora sa ibaba.Kaniya-kaniya sila ng bukas ng kanilang mga tindahan.May mga batang naglalaro kahit kakasikat pa lamang ng araw.Iniunat ng prinsesa ang katawan bago tumungo sa kaniyang paliguan.

Kumakanta ito habang nanghihilod ng kaniyang balat pagkatapos niya sa pagligo ay nagbihis na ito at bumaba sa hapag upang kumain na.Nadatnan niya ang mahal na hari at reyna na kapwang hinihintay siya upang makapagsimula na sa pang-agahan. "Magandang umaga, ama, ina" magalang na bati niya sa magulang.Ngumiti ang dalawa "Magandang umaga din sa iyo aking anak, halika na at kumain na tayo" bati pabalik ng kaniyang ama. Habang kumakain sila ay biglang nagtanong ang mahal na reyna sa anak "Celestrina , kumusta naman ang tulog mo? Kitang-kita ko naman sa mukha mo na masaya ka .Naging maganda ba ang panaginip mo?" kuryusong tanong mahal na reyna.Ngumiti ng pagkalapad-lapad ang prinsesa " Opo ina! Maganda ang aking napaganipan kagabi sapagkat nagkita daw kami ng aking mahal" napahagikhik nang tawa ang mahal na reyna ngunit ang mahal na hari naman ay tahimik lang at hindi nasiyahan sa sinambit ng mahal na prinsesa.

Napansin ito ng reyna kaya naman hinawakan niya ang kamay ng asawa " Anong problema?" tanong niya rito.Bumalik sa isipan ng mahal na hari ang napaginipan niya nakaraang araw.Pinili niya na lamang na ngumiti at huwag sabihin sa reyna ang tungkol doon "wala aking mahal.Sadyang masama lang ang aking pakiramdam" banggit niya.Agad na napabaling ang prinsesa sa magulang "Po? May sakit kayo ama?" nag-aalalang ani nito .Umiling lamang ng bahagya ang hari "Wala ito aking anak.Magpapahinga lang ako at gagaling rin ito" paninigurado nito at nagsimulang maglakad patungo sa kanilang silid ang mag-asawa.

Naiwang mag-isa ang prinsesa sa hapag "Bakit naman sumama agad ang pakiramdam ni ama?" ani niya. Itinakwil niya muna sa isipan iyon at siguradong gagaling din ang hari kaya hindi na siya nag-aalala.Pagkatapos niyang kumain ay nagtungo siya sa silid-aklatan ng kaniyang ama upang humiram ulit ng mababasang libro ngunit nakakandado iyon.Nanghihinayang ang mahal na prinsesa sapagkat wala siyang mababasa ngayong araw.Kapag walang mababasa walang mapaglilibangan kaya naman naiinip na siya sa kaniyang silid na nakaupo lamang. "Bakit kasi isinara iyon ni ama?" malungkot nitong sambit.Hindi niya puwedeng abalahin ang ama na nagpapahinga sa silid upang kuhanin lamang ang susi.

Nagpasya na lamang siyang tumungo sa hardin kasunod ng dalawang katulong "Dito lang kayong dalawa,ako na lamang ang pupunta sa hardin.Nais kong mapag-isa" saad nito sa dalawang katulong.Nagkatinginan ang dalawa pero yumuko din kaagad.Naglakad na si Celestrina sa kaniyang paboritong puwesto.Meron isang duyan na gawa sa rattan at nakapalibot dito ang mababango at maririkit na mga bulaklak.Umupo na roon ang prinsesa at bumuntong hininga.Naiinip man ay pinili na lamang na libangin ang sarili gamit ng mga bulaklak na kaniyang pinipitas at ginagawang korona.Nang makagawa na siya ay ipinatong niya ito sa ulo.Ang korona ay gawa sa rosas na wala nang tinik.

"Hay kailan ba kasi mag-uumaga ulit? Tila ba napakabagal ng mundo na umikot!" naiinis na sabi nito.Maya-maya lang ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa damuhan malapit lamang sa kinaroroonan niya.Nagdadalawang isip pa muna siya kung pupuntahan ba o hindi ang pinaggalingan ng kaluskos.Dahil sa takot ay ginamit niya na lamang ang kapangyarihan.Lumapit ito sa mga rosas at bigla niyang tinapik ang talulot nito kaya naman gumalaw ito at tumingala sa kaniya.Para bang may buhay ang rosas na iyon "Munting kaibigan,nais ko lamang malaman kung alam mo ba kung may nakatagong nilalang sa damuhan na iyon? Pakiutusan mo naman ang ipang kaibigan mo doon" utos nito sa bulaklak,isang iglap ay tumalon ang rosas mula sa lupa at naglakad patungo sa ilang bulaklak malapit sa damuhan.

Naghintay nang ilang minuto ang prinsesa at bumalik na ang rosas na nakayuko,dagling inilapit ni Celestrina ang taenga sa prinsesa upang pakinggan ang mumunting sasabihin nito ngunit hindi pa man nakabanggit ng ilang salita ang rosas ay tinawag na si Celestrina ng katulong "Mahal na prinsesa, nais po nang inyong ama na makausap ka"

Walang nagawa si Celestrina kaya naman umalis na siya doon pero lumingon muli siya sa damuhan ng may napansing dalawang sapatos doon, ilang beses niyang kinusot ang mata at sa pagtingin ulit ay nawala na ang sapatos "Namamalik-mata lang yata ako" mahinang bulong nito.Tumungo na siya sa loob ng Palasiyo upang makausap ang ama.

TAKBO NG TAKBO si Jillano at Marcisus sa kinaroroonan ng kanilang Lord. "Lord! Lord Vishnu!!" malayo pa lamang ay sumisigaw na sila.Napapikit sa inis ang Lord dahil sa ingay ng dalawa. "Lord nakita na namin ang prinsesa! Hindi ako makapaniwala na ang ganda niya!" manghang pahayag ni Marcisus.Kahit bente sais na ito ay mababakas parin ang kagandahang lalaki nito na siyang nagpaibig ng maraming binibini sa Voloco ngunit ni isa ay wala siyang napupusuan.Agad na sinaway ni Jillano si Marcisus "Tumigil ka na sa kakapantasya sa prinsesa.Baka nakakalimutan mong dito ako dati naririnahan? Ako at ang prinsesa ay napakalapit sa isa't isa, gutong gusto ko nga siya para sa anak kong si Amadeo" nakangiting sambit ni Jillano.Si Amadeo ay ang kababata ni Celestrina na isa sa mga tagapamuno na humalili muna pansamantala sa kaniyang ama na si Jillano. " Talaga?! Ipakilala mo ako sa prinsesa, Jillano!"

Agad na napatahimik ang dalawa nang malakas na hinampas ni Lord Vishnu ang mesang nasa silid na tinutuluyan nila.Halata ang gulat ss mukha ng dalawa at nakanganga pa ang bumanganga. "Tumahimik muna kayo. Pinapamanman ko lamang ang prinsesa, hindi ko sinabing umibig ka sa kaniya Marcisus.Baka nakakalimutan mong mas matanda ka ng anim na taon sa kaniya! "

Napakagat na lamang ng labi si Marcisus "Paghanga lang po naman ,Lord Vishnu." sabi niya. "Kahit pa! Ang kaaway ay kaaway. Walang magpapabago diyan" matigas na saad nito na napatahimik sa dalawa.Ilang segundo pa ang lumipas ngunit ni isa ay walang nagsasalita.Tumikhim na lang si Jillano upang maiwasan ang nakakabinging katahimikan sa kanilang tatlo "Lord, kung ako ay inyong pahihintulutan, nais ko sana na dumalaw sa pamilya ko. Nangungulila na ako sa kanila " sambit ni Jillano kay Lord Vishnu.Tumingin sa kaniya ang Lord

"Papayagan kita ngunit sa isang kundisyon"

Masayang-masaya si Jillano habang naglalakad patungo sa bahay nila.Hindi niya maitago ang mga ngiti sa labi dahil sa labis na kasiyahan.Simula noong binihag siya sa Voloco ay hindi niya pa nakikita ang pamilya niya.Ngunit nalungkot siya ng bahagya dahil naalala niya ang kundisyon na sinabi ng Lord.

"Papayagan kita ngunit sa isang kundisiyon" maawtoridad na sambit ni Lord Vishnu. "Ano iyon, Lord?" labis na naguguluhan si Jillano "Huwag kang magpapakita sa kanila lalong lalo na sa anak mo.Nasabi mong isa siya sa namumuno nang guardia dito sa palasyo.Dilikado kapag nasundan ka niya at maaaring maging sanhi upang mabuwag ang ating plano. Ang sinasabi ko lamang ay mag-iingat ka"

Napabalik sa reyalidad si Jillano nang matanaw ang bahay nilang maliit lamang ngunit nagiging makulay dahil sa mga bulaklak na nakapaligid dito. Hindi mabura ang ngiti ni Jillano habang papalapit sa isang puno upang doon magtago.Ilang sandali lamang ay lumabas ang kaniya asawa kaya naman halos takbuhan niya ito ngunit tila napahinto ang mundo niya nang may lumabas din na isang ginoo na kasing edad niya.Kilala niya ito—isang iglap ay biglang naghalikan ang dalawa mismo sa harapan niya.Parang sinuklaban ng langit at lupa ang nararamdaman ni Jillano.Hindi na niya napigilan ang pagtakas ng isang butil na luha mula sa kaniyang mata.Mahal na mahal niya ang asawa at ganun din ito.Ngunit isang iglap ay nasira ang masasayang ala-ala nila dahil sa kaisa-isang kaibigan niya na siyang hinahalikan ng asawa niya ngayon.

Gustong-gusto na sugurin ni Jillano ang asawa at ang kerida nito ngunit pinigilan niya ito.Hindi niya kayang baliwalain ang kundisiyon ng Lord.Ikinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa labis na pagkamuhi.Galit,sakit at pagkapoot—iyan ang nararamdaman ni Jillano habang tinatanaw ang kaibigan na kerida ng asawa niyang papalayo.Kumakaway ang asawa nito na aakalain mong masayang masaya sa ginagawa .Biglang naalala ni Jillano ang huling araw niya sa Phantora bago siya inutusan ng hari na mag espiya sa Voloco

"Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay aking mahal.Babalikan mo pa kami kaya mag-iingat ka" nakangiting sambit ng asawa nito "Oo aking mahal babalik ako.Hintayin niyo ako ni Amadeo sa pagbalik ko at kailangan salubungin niyo ako!" giit ng ginoo.Napangiti ang asawa at anak nito. "Sige na.Aalis na ako,.Amdeo bantayan mo ang iyong ina at huwag mong papabayaan" tinapik nito ang balikat ng anak "Makakaasa ka ama" hinagkan ni Amadeo ang ama niya "Babalik ako huwag kayong mag-alala" paninigurado ni Jillano.Nagsimulang lumuha ang asawa nito kaya naman siya naman ang hinagkan at hinalikan sa noo ni Jillano "Aking mahal sa pagbalik ko dapat may halik ako" pabirong saad ni Jillano sa asawa.Nalatawa ang asawa nito "Hahaha ikaw talaga! Oo na! Maraming halik para sa aking asawa!" halos maningkit ang mata ni Jillano sa pagkakangiti nito "Paalam..aking mahal.." sabi ng asawa niya.Kapwa lumuluha at kumakaway ng nakangiti ang asawa at anak sa kaniya habang siya ay naglalakad papalayo.

"Aking mahal....bumalik na ako...nasaan na ang halik ko?" humahagulgol sa likod ng puno si Jillano habang nakatalikod sa asawang nakangiti sa kerida "Sinabi kong hinatayin niyo ako dahil babalik ako! Bakit..? Bakit hindi niyo man lang ako hinintay? Bakit? Bakit?" Paulit-ulit na sambit ni Jillano sa sarili.Umiiyak siya sa likod ng puno na iyon at napahawak sa kaniyang puso na ngayon ay parang pinupunit ng paulit-ulit. "Paalam..aking mahal.." mahinang sambit nito at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.