2 Chapter 1: Encounter

POV ito ni Jazz Andrei

Kevin:pare, shot ka muna, nag eemo ka na naman diyan(sabay abot ng baso sa akin na may alak)

Kinuha ko naman ito pero di ko muna ininom, hawak hawak ko muna ito

Ako:(sabay tingin kay kevin) alam mo pare, hanggang ngayon di ko pa rin makita kung sino yung demonyong hayop na yun ang pumatay sa mga magulang ko,15 years na, 15 years na akong naghahanap sa kanya, pero di ko pa rin siya makita, talagang magaling magtago ang demonyong yun(galit kung sabi kay kevin)

Kevin:chill lang pare, alam mo pare, kaya ka di nagkaka girlfriend kasi yan parati ang iniisip mo, akala ng mga babae ay suplado ka, masungit at higit sa lahat masamang tao, 25 ka na pero NGSB ka pa hanggang ngayon, may itsura ka naman di ka naman panget, bakit di mo na lang ipaubaya yung taong yun kay lord, sa dami ng mga kriminal ang nahuhuli mo, pero yung hinahanap mong tao ay di mo nahuhuli, isa lang ang ibig sabihin niyan pare, may tamang panahon para makita mo yung killer na yun, di lang naman ikaw ang gustong makita siya, halos buong pilipinas gusto siyang mahanap, pati nga presidente gusto siyang mahanap at di lang naman siya ang most wanted pare pati na rin yung alyas blackshades na yun, yung isa ring killer pero yung pinapatay niya ay mga rapist,holdaper, mga kriminal, ewan ko ba pare kung alagad siya ng batas o isa rin siyang kasangga ng serial killer na pumatay sa mga magulang mo..

Pagkasabi nun ni kevin ay di na lang ako nagsalita, kasi yung sinasabi niyang alyas blackshades ay walang iba kundi ako.. Oo isa rin akong murderer pero mga masasamang tao ang pinapatay ko, gusto niyong malaman kung bakit ako nagkaganito.. Okey ikwekwento ko ang nangyari nung year 2005

Throwback..

Year 2005..

November 4,2005,7:50 ng gabi,di ko alam na ito na pala ang huling araw na makakasama ko sila mama at papa,

Masaya akong naglalaro ng aking NINTENDO dito sa aking kwarto , habang nanonood ng tv sa sala si papa at nagluluto naman ng ulam si mama, only child nila ako,,

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni mama na

Mama:baby jazz ko, lumabas ka na dito, luto na iyong favorite food mo,

Ako:limang hotdog ba yun niluto mo ma, (sigaw ko kay mama habang busy sa kakalaro ng nintendo)

Mama:opo mahal na prinsipe.. Halika na dito, mamaya na yan,

Ako:sandali lang ma, di pa ako dito tapos..

Narinig ko ang sigaw ni papa sa akin

Papa:ISA..pag hindi ka pa lumabas pagbilang ko ng tatlo, sisirain ko yang nintendo mo.. DALAWA

Ayun kaagad akong tumayo at lumabas ng kwarto, sabay napakamot sa ulo, takot ako pag nagagalit na si papa eh, hehehe

Papa:halika nga dito jazz..

Sabay lapit kay papa, magkatabi na sila ni mama sa lamesa, at inakbayan niya ako, ginulo pa ang buhok ko

Papa:anak, pwede bang pag tinawag ka ng mama mo ay lumapit ka kaagad, para di na kita pagalitan, paglaki mo magiging isa ka ring pulis kagaya ko, maliwanag ba, tiyak ang dami mong chicks paglaki mo, hahaha

Mama:crisanto, pwede bang wag mong igaya yang anak mo sayo, di yan magiging babaero kagaya mo, sige na baby jazz ko, umupo ka na, kumain ka na,

Ako:mama, naman eh, wag muna akong tawaging baby, 10 years old na ako,

Mama:hahaha, basta kahit ilan taon ka pa, tatawagin kitang baby jazz ko, kasi ikaw lang ang baby ko, hehehe,

Papa:hehehe.. Sige na anak, kumain ka na,

Ayun sumimangot na lang ako, haysss, si mama talaga..

Habang masaya kaming kumakain biglang may kumatok sa pintuan namin..

Mama:hon, may bisita ka ba..

Papa:wala, teka buksan ko lang kung sino yung kumakatok na yun

Ayun tumayo si papa, at pumunta siya sa pinto kung sino ang kumakatok,

Maya maya nakarinig kami ng putok ng baril.., bigla kaming natakot ni mama, at narinig ko ang boses ni papa

Papa:magtago na kayo...

Pagkatapos nun ay nakarinig ulit kami ng putok ng baril at saka kami pumunta ni mama sa kwarto, agad na kinandado ni mama ang pintuan ng kwarto at iyak siya ng iyak, at ako rin iyak rin ako ng iyak habang niyayakap ako ni mama

Mama:crisanto, huhuhu 😭😭😭, lord please wag niyo po kaming papabayaan ng anak ko, huhuhu 😭😭😭

Nanginginig sa takot si mama, kaya kinuha ko ang cellphone niya sa may kama

Ako:ma, heto po cellphone niyo, tawagan niyo po si tito jack, para pumunta po sila dito, huhuhu, mama, ano pong nangyari kay papa, bakit po nakarinig tayo ng putok ng baril,

Niyakap ulit ako ni mama at kinuha niya ang cellphone niya,

Mama:anak, di ko alam, di ko alam, huhuhu(takot na takot si mama)

Tatawagan na sana ni mama si tito jack ng biglang nakarinig ako ng putok ng baril,habang si mama ay mahigpit ang yakap niya sa akin, nagdadasal na siya, habang ako ay tinitingnan ko ang doorknob ng pinto, sinisira ito ng biglang tuluyan ng masira ang pinto, sinipa ito ng isang naka maskara na tao, halos puro itim ang suot niya di ko makita ang mukha niya, tanging ang tattoo niya lang sa kaliwang braso niya na may kutsilyo na may nakatusok na puso,

Mama:kung sino ka naman po, parang awa niyo na, wag niyo po kaming sasaktan ng anak ko, huhuhu(hagulgol niyang iyak)

Biglang lumapit si mama sa taong nakamaskara at lumuhod siya

Di nagsalita tong demonyong taong to, bigla niya na lang hinila ang buhok ni mama at itinayo niya ito

Ako:ma, hoyyyyy...bitawan mo ang mama ko, demonyo kaaaaaaa(malakas kung sigaw sa demonyong to)

Mama:anak, wag ka ng maingay, please kung ano man ang kasalanan namin sayo o ng asawa ko, sorry, humihingi ako ng kapatawaran sayo, sorry, huhuhu,

Habang nagmamaka awa si mama sa demonyong tao na ito ay bigla niyang sinuntok sa may tiyan si mama, kaya di ko natiis ang sarili ko, lumapit ako sa kanila at kinagat ko ang kamay ng killer na ito, pero bigla niya akong inihagis sa pader, nauntog ako sa pader,

anaaaaaaaaak(sigaw ni mama) ano ba wag munang idamay ang bata, ako na lang ang patayin mo, wag lang yung anak ko, please, nagmamaka awa ako sayo(humahagolgol ang pag iyak ni mama)

Di na ako nakatayo, malakas ang pagka untog ko sa pader, tumingin sa akin yung demonyong killer at nagulat ako ng makarinig ako ng putok ng baril, binaril niya na pala sa ulo si mama, at ayun biglang inihagis niya si mama sa kama na duguan, wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak,wala akong laban, isa lamang akong bata, huhuhu.., akala ko papatayin ako ng killer na ito, nilapitan niya ako at bigla siyang bumulong sa akin

Murderer:gusto pa kitang makita paglaki mo, gusto kung ikaw ang pumatay sa akin, hahaha

Pagkasabi niya yun ay sobra akong natakot at umiyak ng umiyak,, ayun umalis na siya, at kaagad akong tumayo at nilapitan ko si mama na wala ng malay, na duguan, niyakap ko siya

Mamaaaaaaaaaaaaaa...😭😭😭, gumising ka na po...parang awa niyo na, huhuhu 😭😭😭 pagbabayaran ng demonyong yun ang ginawa nila sayo pati kay papa, huhuhu 😭😭😭 mamaaaaaaaaa...

End of throwback..

At yun na ang last na nakasama ko ang mga magulang ko kaya hanggang ngayon di ko pa rin malilimutan ang sinabi sa akin ng demonyong hayop na yun, hanggang ngayon di pa nakakamit ang hustisya sa mga magulang ko, ako mismo ang papatay sa kanya,putang ina niya, hayop siya, 😢😢😢, bakit di pa siya nahuhuli ng mga kapwa ko pulis,..

Isa na akong pulis ngayon, lumaki ako sa bahay amponan, di ako inampon ng mga kamag anak ko baka raw sila madamay, baka patayin rin sila, diba the best, walang pakialam ang mga kamag anak ko sa akin, dinala ako ng tito jack ko noon sa bahay amponan, sabi niya wala na raw siyang pakialam sa akin, baka raw sila ang patayin ng killer, ako naman ay walang nagawa kasi bata pa ako noon, iyak na lang ako ng iyak, di ko alam kung bakit ginawa niya yun sa mga magulang ko, 😢😢, boysit napapa iyak tuloy ako pag naalala ko ang mga nangyari,

Kaya ginawa ko ang lahat para matupad ko ang hiling ni papa na maging pulis ako, pina aral ako ni sister emerald tinuring niya akong anak, higit pa sa tunay na anak, wala kasi siyang asawa at anak, kaya siya na lang ang nag ampon sa akin, pag tungtung ko ng 15 years old, nasa bahay na niya ako nakatira, sobrang saya ni mama emerald na naging pulis ako, parati niyang sinasabi sa akin na ang diyos na lang ang bahala sa killer na yun,

Ako nga pala si Jazz Andrei Reyes, 25 years old na ako at tama si kevin NGSB ako, di pa ako nagkaroon ng gf kahit kailan, meron namang nagkakagusto sa akin pero di ko sila pinapansin,lalo na yung kapwa ko pulis na si SPO1 Cecilia, siya ang patay na patay sa akin, nakukulitan na nga ako dun pero kaibigan ko lang yun, tropapips, hehehe, di naman ako suplado, talagang hot temper lang ako, dahil parati kung iniisip yung demonyong yun, mapapanatag lang ang kalooban ko pag napatay ko na yung demonyong yun, di alam ni mama emerald na pumapatay ako ng tao, ewan ko nakokonsensya na ako sa mga pinaggagawa ko alam ko mali ito, pero ititigil ko naman to pag nahanap ko na yung demonyong yun, kahit isang madre ang nagpalaki sa akin, di ko pa rin naiisip ang mga pangaral niya mula sa sampung utos ng diyos, hayssss..sorry lord, isa na rin akong demonyo, pero promise ititigil ko na ito pag napatay ko na yung pumatay sa mga magulang ko, gusto ko bigyan ko sila ng justice..

Kevin:hoyyy pare (sabay batok sa akin) nag eemo ka na naman diyan, hehehe, uminom ka na, dadalawa lang tayo ditong umiinom, hehehe, kung papuntahin ko kaya dito si SPO1 cecil, hehehe

Isa ring pulis si kevin pareho kaming SPO2, ayun bago ko batukan si kevin ay ininom ko muna ang baso na may alak

Ako:pwede ba pre, wag mong papapuntahin dito yang babaeng yan, baka gawin niya akong panghimagas,

Kevin:wow, choosy, hahaha, alam mo pre kung wala lang akong asawa, matagal ko ng niligawan yang si cecil, hahaha, maganda naman siya, pareho kayo matangkad, ano pa ang hahanapin mo, matapang rin kagaya mo,

Ako:tumahimik ka diyan pare, talagang di mo lang type si cecil, hehehe, yung type kung babae halos wala kay cecil, sige na pre,akin na yang isang bote ng redhorse uubusin ko,

Kevin:hanep..(sabay palakpak ng kamay) hehehe, ikaw na pre, SANA ALL na lang sayo.., yun ohhh, kanina ko pa yang hinihintay, ito isang bote, ubusin mo pre, hahaha

Ayun binuksan ko ang isang bote ng redhorse at nilaklak ko na ito..

Mga ala una na ng madaling araw kami natapos ni kevin, grabe lasing na lasing na ako, dalawa na yung pagtingin ko,

Kevin:pare, tara na umuwi na tayo, hahaha

Ako:di pa ako lasing pare, isang shot pa diyan, woaaaahhhhh..(sigaw na sabi ko)

Kevin:hahaha, siraulo limang case na ang ating naubos pare, dalawa lang tayo dito, bahala ka basta ako uuwi na, sinuka ko na ang ininom natin, hehehe

Ako:hayop ka, wala kang kwentang kaibigan, tang ina ka, sige umalis ka gago ka, pag may masamang mangyari sa akin, mumultohin kita, hayop ka..

Kevin:hahaha, konsensya pa more pre, hahaha, maari ko bang iwanan ang lonely kung kaibigan, tatawag ako ng grab driver, para siya ang maghatid sayo sa bahay niyo

Ako:siraulo ka, baka saan niya ako dalhin, bakit di na lang ikaw ang mag drive, gago

Kevin:baliw,di ko kayang mag drive ngayon, pupunta dito asawa ko,

Ako:kita mo to, napaka walang kwenta mong kaibigan, dun na lang ako sasakay sa inyo, kayo ang maghatid sa akin sa bahay, wala akong tiwala sa mga taong di ko kilala,

Kevin:paano yung kotse mo pre,

Ako:bukas ko na yan babalikan

Kevin:hindi, pre , heto na nag contact na ako ng grab driver, hahaha

Ako:bahala ka, siraulo ka, dito na lang ako matutulog,

Ayun nahiga na ako sa sofa, di ko na kaya eh, lasing na lasing na ako....naka tulog ako sandali..

Maya maya paggising ko..pero nakapikit ang mga mata ko, diba talented, hahaha, Aray ang sakit ng ulo ko, boysit, akala ko makikita ko na ang sikat ng araw, madilim pa pala at nandito na ako sa loob ng kotse ko, walangyang kevin na yun, agad kung sinipa ang upuan ng driver ko nasa backseat kasi ako

Ako:hoyyyy, siraulo ka, saan mo ako dadalhin, bakla ka ba ha, dadalhin mo ba ako sa motel, gago ka, papatayin kita, itigil mo tong kotse ko, ako ang mag dradrive.. (galit kung sabi)

Sabrina:sir, lasing po kayo, at di niyo alam pinagsasabi niyo, di po ako bakla, babae po ako, i was born to be a woman, grabe tong lalaking to, inom ng inom di naman pala kaya, tsk..at fyi lang wala akong balak dalhin kita sa motel, hindi ako cheap, ewwwwww...

Ako:aba sumasagot ka pa ha, wala akong pakialam kung babae ka, itigil muna to,

Ayun bumangon at tumabi ako sa babaeng driver na to,

Sabrina:anong ginagawa mo,, bakit ka tumabi sa akin(galit niyang sabi sa akin)

Di ko gaanong nakikita ang mukha ng babaeng to, tanging ang ilong niya lang ang nakikita ko

Ako:gusto mong hawakan tong katawan ko,

Agad kung kinuha ang kamay ng babaeng to at pinahawak ko sa kanya ang abs ko,

Sabrina:(pinahinto niya ang kotse) bastos ka(sabay sampal sa akin) alam mo napaka bastos mong hinayupak ka, porket gwapo ka ay gagawin muna ang lahat, pwes ibahin mo ako mister lasenggero, pag di ka tumigil diyan, dadalhin kita sa presinto, dun ka matutulog, makikita mo..

Ewan ko, di ko inintindi ang mga sinabi ng babaeng to, di ko na napigilan ang sarili ko, bigla akong sumuka sa harap ng babaeng masungit na to..sinukaan ko ang damit niya, ewan ko parang nahawakan ko ang boobs niya,..at pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay... Di ko na alam kung ano nangyari sa akin..

Nagulat ako ng magising ako.. Nandito na ako sa kwarto ko, aray..sobrang sakit ng ulo ko, putang inang kevin na yun, wala na akong suot na damit, naka boxer lang ako..

Biglang pumasok si mama emerald, may dala siyang pagkain

Mama:mabuti naman at gising ka na, pasalamat ka wala kang duty ngayon, kundi lagot ka sa aking bata ka, tumayo ka na, diyan, hay naku jazz kailan ka ba titino ha,.

Ayun nakahiga lang ako habang nagsasalita si mama, bigla kung pinikit ang mga mata ko

Ako:sorry na po mama ko, di na po mauulit, si kevin kasi eh..

Mama:dinamay mo pa si kevin, tumayo ka na diyan, hanapin mo iyong babaeng naghatid sayo dito, at humingi ka ng sorry sa kanya, para kang hindi professional, sinukaan mo pa talaga siya, hay naku jazz,

Ako:di ko kasalanan yun ma, di ko naman siya pinilit na magmaneho siya sa kotse ko, si kevin ang dapat humingi ng tawad sa kanya, sige na ma, mamaya ko na lang yan kakainin, matutulog ulit ako ma, pleasee

Mama:bahala ka ngang bata ka, heto ang buong pangalan ng babaeng yun, at nandito ang contact number niya, dapat ngayong araw humingi ka ng tawad sa kanya, pag di mo yun gawin, malilintikan ka sa akin jazz..

Ayun nilapag ni mama ang papel sa lamesa, grabe si mama beastmode agad, hehehe, hayssss, kahit ganun yun si mama emerald, mahal na mahal ko yun, parang tunay ko na siyang ina, iba si mama emerald sa mga madreng nakilala ko, hehehe, ewan ko ba bigla kung kinuha ang papel na nilapag ni mama sa mesa ko, at binuksan ko ito,

Ohhhh, Sabrina Marie Del Pilar pala name ng babaeng yun, hehehe, at nang iwan pa talaga siya ng contact number, pasabi sabi pa siya sa akin ng ewww, type naman pala ako, hehehe, akala niya tatawagan ko siya, hehehe, in her dreamsss..

...

avataravatar
Next chapter