webnovel

THE MYSTERY OF THE TWINS

"Humihingi ako ng paumanhin sa biglaang pagdalaw ko, sa totoo lang po hindi ko alam na may bago ng may-ari ang bahay na ito kung hindi pa binanggit sa akin ng mga anak ko." Sinisikap ng kaharap na maging normal.

"May dalawa akong anak, kambal." Anito panay ang hawak nito sa daliri at panay din ang sulyap sa kung saan.

Sunundan ni Jenny ang tinitingnan ng lalake. Sumusulyap ito sa isa sa bodyguards nito.

"Please tell me immediately what is the reason you came here." Nakakaramdam na ng pagka-inis si Jenny.

"Sorry, napilitan lang din akong pumunta dito dahil sa utos ng dalawa kong kambal. " anito. "To be honest I'm afraid of them." Dugtong pa nito. "Pero mga anak ko sila kaya hindi ko rin pwedeng isuko na lang sa gobyerno."

Natigilan si Jenny.. Nakayuko na kasi ang lalake at nakita nyang umiiyak ito. He looks so depressed. Sininyasan ni Jenny si Edgar. Lumapit naman sa kanya ang lalake. Inutusan nya itong kumuha ng meryenda sa loob ng bahay.

Nang makaalis na si Edgar saka si Jenny nagsalita ulit.

"Bakit ka takot sa mga anak mo? Are they bad? Bullies?"

"No!" Napatingin ito sa kanya. "They're nice kids.. I'm sure of it.. It's just that.. They can't control it.. They don't know how to control it.."

Sasabog na ata ulo ni Jenny sa pagsisikap na buoin ang puzzle na binibigay sa kanya ng kausap.

"They can't control what?" Tanong nya dito.

"Paano ko ba sasabihin sayo. They said I have to trust you but... I'm afraid for their safety."

Huh! Konti na lang. Palalayasin nya na ito. Pwede namang sabihin na lang sa kanya agad kung ano ba talaga ang pakay nito.

"Bring them to me.. I think yan ang tama na gawin mo ngayon Sir." Pinag-diinan ni Jenny ang salitang Sir. Gusto nyang iparamdam sa lalake na naiinis na sya.

"Yes.. Yes.." Natatarantang kinuha nito ang cellphone saka nag dial. Narinig nyang may babaeng sumagot.. Asawa ata ng Mayor.. "Bring them here.." Utos nito sa kausap.

Ilang sandali pa ay napaangat ito ng tingin.. Kaya napalingon din si Jenny sa tinitingnan nito.

Hindi kaagad nakapag salita ang dalaga. Kasama ng isang may edad ng babae ang dalawang binatilyo na palagay nya ay ka edad nya lang or matanda sa kanya ng isang taon. Naka suot ang mga ito ng basang-basa na makapal na jacket at pants. Automatic na napakunot ang noo nya.. Saka sya napalingon sa Mayor. Nakita nyang napalunok lang ito ng sariling laway. Tiningnan nya naman ang babaeng kasabay ng kambal. Bagamat nakaalalay ito sa mga anak ay makikita rin ang pag-aalala at takot sa mukha nito.

Inilipat ni Jenny ang tingin sa dalawa. She has no choice then. Kung hindi kayang sabihin sa kanya then aalamin nya mag isa.. She activated her Phoenix eyes.

Napahawak si Jenny sa sandalan ng upuan ng matuklasan nya ang lihim na gustong sabihin sa kanya ng Mayor.

"No way..." Aniya... Iginala nya ang tingin sa mga magulang ng kambal pero wala syang makitang trace sa mga ito.

Mabilis nyang dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si Tommy..

"Anong building ang pwedeng gamitin ngayon dyan?" Aniya..

"Yung sa dulo Boss." Sagot naman nito.. Mabilis nyang ibinaba ang linya.

Saka tumingin sa apat na kaharap.

"Follow me.." Utos nya dito..

Sumunod naman ang mga ito sa kanila. Naka salubong pa nya si Edgar na may dalang meryenda.. Inutusan nya itong hintayin sya sa inalisan nyang upuan at wag na wag itong aalis dun hanggat hindi sya bumabalik. Tumango naman ang naguguluhang tauhan.

Nang marating nya ang nasabing building.. Inutusan nya si Tommy na tawagin si Fidel para magbantay sa labas ng pinto. Si Fidel ang myembro ng DRAGON na hiniram nya sa pamilya Fuero.

Nang makapasok sila sa loob ng nasabing bakanteng building ay tumayo si Jenny sa harap ng kambal. Inutusan nyang lumayo ang mga magulang nito. Kaya pumwesto ito sa dulo sa loob at silang tatlo naman ay kabilang dulo din. Pure semento ang buong building dahil plano nya magpagawa ng small gym doon.

"Now... Let me see.. " utos nya sa dalawa..

"We can't do it here.. The area is so small."

Natigilan si Jenny.. Oo nga pala... Naalala nya...

"Then... " aniya saka nya tinawag ang kanyang Phoenix. "Banawa, come out.. And do something." Aniya..

Sa isang iglap lang.. Isang apoy na hugis ibon ang nakita ng mag-asawa sa dulo ang lumitaw sa may likuran ni Jenny. Natutup ng mga ito ang bibig. Their kids are right..

Mabilis na napa yuko sa semento ang dalawa. Kita ang panginginig ng katawan ng mga ito.

"What do you think, Banawa?" Tanong ni Jenny sa Phoenix.

"En.. They can't control it because their hatred is too much that their spirit beasts grow too much. And also their spirit beasts didn't recognize them yet as their Master. "

"Paano nangyari yun..?"

"Well.. Dahil hindi manlang sila nagkaroon ng blood contract.. This is the first time to me too.. I can clearly see na walang dugo ng spirit beasts ang bawat isa sa kanila."

"So? Kunot noo na si Jenny.. Malinaw pa sa utak nya ang paliwanag ni Banawa nung una silang nagkita sa mind space nya.

" this is beyond my knowledge."

"So, wala tayong magagawa?

Biglang napahagulgul ng mahina ang ina ng kambal. Kaya napalingon si Jenny sa mga ito.

" Subukan mong tawagan si Zion.." Napasinghap si Jenny ng marinig ang pangalang Zion. "Stop daydreaming.. Call him and let him talk to Yuso. Nabuhay si Yuso ng mas matagal sa akin after ko mamatay okay?"

"Ahh.. " aniya saka kinuha ang cellphone. Tinawagan nga nya ang binata.

Ilang ring lang din at sinagot na yun ng binata.

"Jen-jen.." Paos na boses nito.. Nagsimula tuloy bumilis tibok ng puso nya. Tsk!

"Sorry to disturb you but.. There's an urgent matter that I wanted to talk with Yuso." Sinikap nyang gawing normal ang boses.

"What is it?" Naging seryoso din ang boses ng kausap..

"Please ask Yuso, Normal ba manirahan ang isang spirit beast sa katawan ng isang tao kahit wala itong blood of beasts? And they don't have soul contract."

Matagal bago sumagot si Zion. Alam nya nakikipag-usap ito kay Yuso.

"Yuso said.. Those people has the spirit beasts from the day they were born?" Nang marinig nya yun ay tinanong naman nya ang magulang ng kambal.

"They said No." Sagot nya kay Zion.

"Bigla lang po sila nagkaganyan since last year.. After namin bumisita sa Bikol." Dinig nyang paliwanag ng babae.

"You heard it?" Tanong nya kay Zion. Sumagot naman ito.

"Yes.. And Yuso said.. If those kids can't control those spirit beasts yet.. You have to know their type of beasts. Dahil yung hari ng beasts sa bawat klase ng beasts ay may kakayahang gumawa ng soul contract para sa katawan ng tao at sa spirit beasts na maninirahan din sa katawan na yun." In short.. Pwedeng kumuha ng blood sa tao at part of spirit soul ng beasts at ibigay yun sa hari ng ganung klaseng beasts to mix it with it's power and return it to human body. "

Paliwanag ni Zion. Sa totoo lang Hindi masyadong naintindihan ni Jenny ang paliwanag.

"I'll be there tomorrow.. I'll help you.."

"Banawa said no need. She understood it.. Tho I'm not." Natatawang pag amin nya dito." Natawa din si Zion sa sinabi nya.

"Silly.. " he chuckle while saying it.

"Bye now.. I need to do the work." Ani Jenny saka pinutol na ang tawag.

Inutusan ni Jenny na umupo ang dalawa.

"Inutusan ba kayo ng beasts nyo na lumapit sa akin?" Tanong nya sa mga ito.

"Yes.. " magkasabay na sabi nito.

"So it means.. Fire type ang beasts nyo, tama? Kaya ba basa ang suot nyo?

Tango lang ang isinagot ng mga ito. Then.. Tinanung nya si Banawa kung gaano katagal ang pag-iisa ng soul ng bawat pareha.

" it's a soul and blood mixing so it'll be longer ang a bit painful kapag ibinalik sa katawan ng kambal ang mixed blood. " pagtatapat ni Banawa.

"Oh my God..." Sambit ng mag-asawa. " Gilbert, Hilbert.." Tawag ng mga ito sa pangalan ng mga anak.

"Okay lang kami Dad, Mom.." Sagot ng isa sa kambal.

"Kaya namin tiisin ang sakit.. Sigurado kami dun." Sabi naman ng isa.

"They looks brave.. " ani ng kanyang Phoenix.

"En.." Sang ayon ni Jenny.. "May concern lang ako.." Maya ay sabi nya. Natuon naman ang pansin ng lahat sa kanya. "If we successfully made it.. Kaya nyo bang mangako sa akin na papayag kayong maging master ako?"