webnovel

THE DRAGON'S EARLY ARRIVAL

"Your Group is DRAGON. " Sagot ni Jenny sa kanyang Lolo

Hindi sya pwedeng mag salita ng basta-basta tungkol spirit beasts. Hindi nya pwedeng ibunyag basta-basta na mayron syang spirit beast. Lalo at hindi nya pa kilala ng masyado ang matanda. At higit sa lahat hindi nya alam kung kakampi ba nya ito O hindi.

"Just that?" Tanong nito sa kanya.

Inosenteng tumango naman si Jenny dito. Napabuntong hininga ang kanyang Lolo. Saka sya hinawakan sa kamay.

"Let's have breakfast together. " Aya nito sa kanya.

Nakangiting sumang-ayon sya. Magkahawak kamay na bumalik sa mansion.

Kumain nga sila ng mag ka kasabay. Natuwa naman sya matanda dahil hindi nito binanggit sa Pamilya nya ang nangyari kaninang umaga.

Nang bandang alas nueve ng umaga ng dumating ang anak ng matanda na si Zoren at asawa nitong si Selena Fuero. Magulang ni Zion. Nakangiting nakipag kamay sya sa mga ito habang nakikipag-kilala.

Pagkatapos ay kinausap ng Mama ni Lui at Mama nya ang Mrs. Fuero, habang si Mang Leo naman kumausap sa Ama ni Zion.

Malapit ng mag-tanghali ng may dumating na bisita. Nasa hardin sila ng dumating ang mga ito.

"Mia... " bati ng Ama ni Zion sa bagong dating.

Napalingon si Jenny sa dumating. Nakaharap nya rin ang fiancee ni Zion sa wakas. Nakatitig din ito sa kanya ng ilang sigundo bago ito lumapit sa Pamilya ni Zion.

"Tita, Tito." Bati nito. Saka humalik sa pisngi ng mag-asawa. Nilingon din nito ang matanda. "Grandpa". Anito.

"En." Sagot ng matanda na nagpatigil sa paglapit ng babae dito.

Napansin ni Jenny na kailangan nyang umalis ng mga oras na yun. Tumayo sya saka nilingon ang kanyang Lolo. Yayayainnya na lang si Lui maligo sa dagat. Total naman ay hapon pa sya pipili ng 10 katao para hiramin nya sa Lolo nya.

"What are you all guys doing here?"

Parang ipinako si Jenny sa kinatatayuan ng marinig ang boses na yun. Natuyo din bigla ang kanyang lalamunan. Sobrang lakas ng kabog ng dindib nya. Lihim syang napamura. Anong nangyayari sa kanya?

So, magkasabay na dumating sina Zion at Mia. Nag bakasyon siguro ang dalawa. Bahagyang kumirot ang dibdib nya kaya napakunot si Jenny.

"We're here talking. " ang Mama ni Zion ang sumagot. "Kumusta ang byahe mo anak?"

"It's okay". Tipid na sagot ng binata.

"Zion.. I think you should greet grandpa too." Boses yun ni Mia.

"Jenny Apo, kung gusto mo mamasyal ngayon sa base, then let's go. I think, it's the right time to choose your people." We can get back here before lunch"

Napatingin si Jenny sa Lolo nya. Choose? Diba mamaya pa dapat sya pipili? Inilalayo ba sya nito kay Zion? Is it because Mia is here? Lihim na naikuyom nya ang palad saka muling ngumiti sa matanda.

"Okay"

Tumayo si Jenny sa pagkakaupo.

"Jenny? " tawag ni Zion sa pangalan nya. Mukhang naniniguro pa ito kung sya nga si Jenny na kilala nito.

Nilingon naman nya ang binata. Sa ito nginitian.

"Hi!"

Tipid ang ngiting ibinigay nya dito.

"Please excuse me.. " sabi nya pa. "I'll wait for you near the entrance Lolo." Lingon nya sa matanda.

Ngumiti naman ito sa kanya. Saka sya pinayagang umalis.

Nilampasan nya ang dalawang nakatayo.

"Wait!" Mabilis na nahawakan ni Zion ang braso nya.

Nilingon naman ito ni Jenny. Their eyes met. May ilang segundo na nakatitig lang sila sa isat-isa. Si Jenny na ang unang bumawi.

"Yes?" Tanong nya dito saka dahan-dahang binawi ang sariling braso.

"Let me go," bulong nya dito. "Your fiancee is watching us.." Aniya nang hindi sya binitiwan ni Zion.

"Zion?" Tawag ni Mia dito.

Lalo lang nakaramdam ng matinding inis si Jenny. Marahas nyang binawi ang braso.

"I'm sorry," aniya saka bahagyang yumuko saka tuloy-tuloy ng naglakad palayo sa mga ito.

Sa totoo lang, hindi naman alam ng dalaga kung saan ang main base ng DRAGON. Kaya hindi din nya alam kung saan ang entrance. Basta lumakad lang sya ng walang dereksyon. Ilang minuto na syang nag-lalakad at hindi nya na alam kung saan sya.

Busy ang utak nya sa pag-iisip kung saan galing si Zion at ang fiancee nito. Kung bakit sya pinili ng matanda na gawing Apo nito. At kung bakit sumisikip ang dibdib nya tuwing maiisip na magkasama ang dalawa sa loob ng ilang lingo na hindi nya nakita ang binata.

She....

She's jealous?

Nakagat nya ang ibabang labi at napahinto sa paglalakad.

"She likes him..

Nanlambot ang tuhod ni Jenny at bigla na lang syang napa upo sa buhangin. She likes Zion? This can't be.

Sinikap nyang maging kalmado. Hindi pwedeng malaman ng lalake O ng kahit sino ang nararamdaman nya. Namatay sya dahil nakipag relasyon sya sa taong may ibang gusto. Hindi na pwedeng maulit yun. Zion.. Is already engaged.. Alam nya ang pakiramdam ng naloko, kaya ayaw nyang maramdaman yun ni Mia.

Inayos nya ang upo sa buhangin. Saka nya kinuha ang cellphone at nagsimulang kumuha ng letrato.

" What are you doing here?" Boses yun ni Zion.

Napalunok si Jenny ng sunod-sunod at tsaka napa-pikit ng ilang segundo. Nilingon nya si Zion. Nakatayo ito dalawang dipa ang layo sa kanya.

Pilit ang ngiting ibinigay nya dito. Saka sya sumagot.

"I find this place beautiful so I tried to took some pictures." Aniya na pilit ding ginagawang normal ang boses. "How about you? Why are you here?"

Humakbang ito palapit sa kanya at nagpaalam na umupo sa tabi nya.

"I... Followed you here." Anito saka sya tinitigan. "Nagulat ako at nag-alala at the same time, ng makita ko ang trending photos nyo ng Lolo."

"Nag-alala? Bakit naman?" Nilingon nya din ang binata.

Dalawang dangkal lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. Nakatitig sya sa mata ng binata habang hinihintay ang sagot nito.

"Well... Inisip ko na baka tinatakot ka ng Lolo ko or sinusubukan ka nyang bayaran para iwasan ako." Naging malalim na paos ang boses ni Zion.

Iniiwas ni Jenny ang tingin dito.. Delikado, Sumisigaw na ang utak nya na kabigin ang batok ng lalake at halikan ito.

"Nasobrahan ka sa pag-aalala. Maganda ang pakikitungo sa akin ni Lolo." Aniya.

Gusto nyang piktusan ang sarili. Kailan pa sya naghangad na manghalik? Si John nga kahit fiancee nya na, hindi man lang naka-halik sa kanya.

"Yeah.. He told me that, bago kita sinundan dito." Ani Zion na inilipat din ang tingin sa dagat. "Sinabi din nya na humihiram ka ng 10 tauhan ng DRAGON forces." Nilaro nito sa kamay ang manipis na stick ng kahoy.

Nangangati na ang dila ni Jenny na itanong sa binata kung saan ito galing kasama si Mia, subalit nag pigil sya.

"Yeah.. I need people to shadow someone and protect that person." Sagot nya habang muling tiningnan ang Cellphone.

Nakalimutan nya i-check kung na-i-public na ba ni Betty ang leak footage na binigay nya dito.

"Protect someone?" Kunot noong napatingin sa kanya si Zion.

"En."

Tipid nya sagot. Nang hanapin nya ang trending news ng mga sandaling yun. Sumilay ang matagumpay na ngiti sa kanyang labi. At nakita yun Zion.

Samantala. Kanina parin nagpipigil si Zion na haplusin ang mukha ng babaeng kaharap. Matindi rin ang kanyang pagpipigil na kabigin ito at angkinin ang labi ng dalagita. Ilang beses nyang ikinuyom ang mga palad ng mga sandaling yun. Ayaw nyang matakot sa kanya ang dalaga. At isa pa, hindi pa nai-sasa-publiko ang pag tanggi nya sa engagement nya kay Mia. Alam nya sa sarili nya na nananatili syang engaged kay Mia. At yun ang bagay na ikinakagalit nya ngayon.

"You looked happy.. May maganda bang nangyari?" Inilapit nya ang katawan dito at saka tiningnan ang Cellphone nito.

TRENDING NEWS:

Tatlong kilalang personalidad at shareholders ng DeCordova corporations sangkot sa Drug trafficking.

TRENDING NEWS:

Mga anak ng nasabing tatlong personalidad aksidenteng nakuhanan ng video habang gumagawa ng malaswang bagay sa isang pribadong condo.

Napakunot ang noo ni Zion.. DeCordova again?

"Jen-Jen.... " tawag nya sa palayaw ng dalaga.

Muntik na atang tumalon ang puso ni Jenny palabas sa kanyang dibdib ng marinig ang paraan ng pagtawag ni Zion sa kanyang palayaw. Napalingon sya dito.. She's obviously blushing right now. Alam nya yun.

"What?" Tanong nya dito.

"Why are you so obsessed with DeCordova family?"

Napatitig sya kay Zion. Paano nya ipapaliwanag dito?

Hindi lang sya basta obsessed. Kung pwede lang na burahin sa listahan ng buong Pilipinas ang apilyedong DeCordova, gagawin nya. Pero hindi nya masabi yun sa binata, syempre.

"Well, because.. Nangako ako sa kaibigan ko na ipaghihiganti ko ang pagkamatay nya." Telling the half truth is better right now.

"Kaibigan?"

"Yeah.. Isa ang kaibigan ko sa pinatay ni John DeCordova. Kaya naghihiganti ako." Nasa mga mata ni Jenny ang totoong galit.

Kung totoo man ang sinasabi ni Jenny na para sa kaibigan nito ang paghihiganti nito, then it's good. He will also help. Pero kung naghihiganti ang babae dahil ito mismo ang kunektado sa DeCordova.. Then.. He can just easily wiped out those people.

"I see.."

Magtatanong pa sana si Zion pero narinig na nila ang tawag ng kanilang Lolo.

"Grandpa is calling.. Baka na-ipon nya na ang mga tauhan ng DRAGON na pwede mong pagpilian. " sabi ni Zion habang tumatayo. Pagkatapos nitong pagpagan ang sarili ay iniunat nito ang kamay sa kanya para alalayan syang tumayo.

Tinanggap ni Jenny ang kamay ng binata. At naramdaman nya ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan. Kaya mabilis din nyang binawi ang kamay.

"Thanks" aniya.

Si Zion ay naramdaman din ang mala kuryenteng yun. Napalunok pa nga ito ng ilang beses.. He's heart is itching.

Magkasabay silang lumapit sa matanda na nakangiti pa sa kanila habang nakatingin. Para bang sobrang saya nito na makitang magkasama silang dalawa.

"Let's go Jen-Jen. " Aya nito sa dalagita. Hinawakan pa ang kamay nya.

Nakangiting sumunod si Jenny sa matanda.

"Enough holding her hands, already!" May inis sa boses na sabi ni Zion. "You just walk without holding hands." Dugtong pa nito.

"You better shut up. I'm having an HHWW with my Jen-Jen." Banggit naman ng matanda.

"HHWW what? " kunot noong tanong ni Zion.

"Holding Hands While Walking. " pa snob na sagot ng matanda.

Hindi mapigilan ni Jenny ang mapahagikgik. Ang cute panoorin kapag nag-aaway pala ang tunay na mag-lolo.

"Matanda kana para sa mga ganyang words of choices.. For Christ sake!" Halos mahilamos ni Zion ang palad sa sariling mukha sa sobrang frustration.

But at the same time. Masaya din sya. Masaya syang nakikitang pinapahalagahan ng matanda ang babaeng gusto nya.