webnovel

SECRET REVEALED

"Lui..." Tawag nya sa kaibigan.

"Hmm?"

Palipat-lipat ang tingin ni Lui sa kanya at sa kambal. 'She looks like a chipmunk' bulong ni Jenny.

"This is Hilbert and this is Gilbert.. They are twins." Pagpapakilala nya dito sa kambal. "This is Lui, she's my friend and also a sister to me." Dugtong nya pa.

Nakangiting nag kamay ang tatlo.

"Magiging kaklase natin sila?" Masayang tanong ng kaibigan nya saka sinulyapan ang mga magulang ng kambal. "Hello po" bati nito dito.

"Hello Lui." Ganting bati ng ina ng kambal. "Hindi pa namin napag-uusapan kung gusto na ba nila bumalik sa School.. Pero kung magkataon man.. baka ipa-enroll namin sila kung saan kayong dalawa ni Miss. Jenny." Ani ng Ginang.

Nakita ni Jenny ang pagkislap ng mata ni Lui. Mukhang masaya ang kaibigan nya.

"Naka-enroll na po kami sa Universidad de Manila. If they want to come with us.. They don't need to find place to stay. There's still 2 condo units available in my building." Deritsong sagot nya dito habang umiinom ng orange juice na dala ng kanyang ina.

"Wow! May sarili kang condo building Miss. Jenny?" Humahangang tanong ni Gilbert.

Sa halip na sagutin yun. Tumingin sya sa mag-asawa.

"Pwede nyo po ako kontakin kapag nakapag-usap na kayo. I also need to observe them.." Aniya dito.

Masaya namang tumango-tango ang mag-asawa.

"Yes... Yes. Tatawag kami agad sayo Miss." Sang-ayon ng Mayor sa sinabi nya.

"Gusto namin pumasok ulit Dad.. I-enroll mo na kami agad." Sabat naman ni Hilbert.

"Kaya nga. Gusto namin sumabay kay Mas.. Miss. Jenny." Dugtong naman ni Gilbert.

Mukhang mabilis yatang matatapos ang pag-uusap ng buong mag-anak.

"Wag po kaya mag-alala Mayor. Ligtas po mga anak nyo kapag kasama si Jenny.. may mga bodyguards naman po kami." Sambit naman ni Lui na umupo pa sa sofa.

Of course ligtas ang mga anak nila kapag si Miss. Jenny ang kasama. Ikaw ba naman may spirit beast na Phoenix. T*nga na lang ang mga taong babangga sa babae. Yun ang nasa utak ng Mag-asawang Perida.

"Well, kung gusto na talaga ng mga kambal.. " maya-maya ay usal ng ginang.

"Yaaaayyyy!!!! " hinawakan pa ni Lui ang dalawang kamay ng kambal saka tumalon-talon na sinabayan din ng dalawang lalake.

Sa ngayon, naiisip ni Jenny. Mukhang nadagdagan ang batang babantayan nya. Saka sya lihim na napabuntong hininga at nasapo ang noo. Bahagya nya pang hinilot-hilot ang sintido.

"Anak, kung napapagod ka ay pwede kana umakyat sa kwarto mo at mag pahinga. Kami na ni Lui at ng Auntie mo ang bahala dito." Napansin ng kanyang ina ang kilos nya kaya nasabi nito yun.

"Oo nga naman Miss. Jenny.. Maraming Salamat po ulit sa inyo. Kung may kailangan ka dito sa bayan ng Tagaytay, dito lang po ako para tumulong." Ani ng Mayor na bahagya pang yumuko ng dalawang beses.

Napatango naman si Jenny.. In the future, for sure. Kakailanganin nga nya ang tulong ng Mayor. Tumayo sya para umakyat sa kwarto nya. Iiwas muna sya sa ganitong sitwasyon. Hindi pa talaga sya sanay.

"Maiwan ko po muna kayo." Aniya saka tuluyan ng tumalikod.. Narinig pa nya ang pag sang-ayon ng mga ito.

Sa kwarto nya, Itinuon nya ang atensyon sa pag gawa ng fake files na gagawin nyang pa-in sa kanyang pangalawang target.

Afternoon

REYES MANSION.

"How many times I've told you, it wasn't me!" Sigaw ni Laura kay John.

Umiiyak ang dalaga dahil dumating doon ang Pamilya DeCordova after lunch at pinipilit na pinapabuksan ang private files ng dalaga.

"I'm sorry, Iha.. But this is just for checking. Kung hindi nga ikaw ang nagbigay then it's also good for you.. We will compensate you." Pangungumbinse ng Ama ni John.

"You guys are suspecting me? Dahil lang sa ayaw kong pumayag? It's my private files, I can't just show it you.. There's a lot of important matters I'm keeping in there!" Sigaw nito ulit.

Tumingin ito sa matandang Reyes na kasalukuyang nakaupo din sa conference room sa loob ng mansion.

Mrs. Florita Reyes. Ang matandang Reyes na isa sa tumatag ng PHOENIX assassination group. Ang asawa nito ang original na nagplano ng pagbuo ng grupo habang sya ang natatanging taga pamahala ng lahat ng taong gustong sumali sa grupo. May isa pang kasama sa bumuo subalit hindi manlang ito nakita ng mag-asawa ng personal. Ang taong iyon lang naman ang totoong nag budget sa pag-gawa ng grupo. Nakaka-usap parin ng matandang Reyes ang nasabing Financer ng grupo at nag-rereport dito hanggang ngayon.

"Let them be, Laura... " maotoridad na sabi nito.

"Lola!" 'Di makapaniwala ang dalaga sa sinabi ng kanyang Lola. Why? Why is it so hard for her grandma to believe her? Pero kay Margaret.. Nakagat ng dalaga ang pang ibabang labi.

"It's also a favor for you.." Walang emosyon na wika ng matanda. "You can do anything to them if we found you not guilty for all accusations. But, if they are telling the truth.. Then.. I'll be thankful to you and be grateful to you." Wika pa nito.

Natigilan si Laura, kung mapatunayan nya na wala nga syang alam, then her grandma will be grateful...? Then.. This is really good.

Sinulyapan nya si John.

"Fine, but if you don't find anything.. Then you have to pay the prize. " madilim ang anyo na banta nya sa lalake.

Hindi nya akalain na pagbibintangan sya nito na sya ang nagbigay ng impormasyon sa kanyang Lola tungkol sa mga past missions ni Margaret. Wala syang kaalamalam sa nangyayari. Higit sa lahat, akala nya ay mahal sya ng lalake, nagawa nga nitong patayin ang dati nitong ex-fiancee para sa kanya diba? So why now? Gaano ka halaga para dito ang PHOENIX? Mas mahalaga pa kesa sa kanya?

Kinuha ni Laura ang laptop na nakalapag sa mesa. Inilagay yun doon ng secretary ng kanyang Lola. Laura type her account name and password to a certain website. THE PHOENIX.

"Here," tulak nya sa laptop papunta sa secretary ng Lola nya. Sigurado syang malinis ang kaalaman nya.

Everyone is waiting for the results.. Ilang sandali ding naging busy ang secretary habang tinitingnan ang files ni Laura. Nang bigla itong matigilan. Everyone's eyes focus to her.

"What's wrong?" Tanong ng Lola ni Laura.

Hindi muna ito sumagot. Tumingin ito kay Laura.

"She doesn't have those files like Mr. Reyes mentioned." Anito.

"I told you!!!" Sigaw nito sa Lalakeng napayuko. Kuyom nito ang kamao.

"But..." The secretary speak again.

Kumunot ang noo ng lahat at muling napatingin dito.

"Anu itong files na hawak mo na nagsasaad ng plano mong makuha ang buong control sa grupong dating hinahawakan ni Margaret? And also this video clip.. " ani ng secretary na pinindot ang video clip play button.

Sa video ay mag-kausap si John at isang myembro ng PHOENIX na isa sa namatay sa mission na kinabibilangan nito. Si Margaret ang leader ng mission na yun. Nakita sa video na may inabot si John sa naturang lalake.

Na-estatwa ang dalawa. Si Laura na walang alam kung paano napunta sa files nya ang video clip. At si John na biglang kinabahan dahil alam nya ang pinag-uusapan nila ng lalake sa video.

"What's this video?" Ang matandang Reyes ang nagsalita.

"Grandma, I... I swear I don't know about it." Kinakabahan saad ni Laura. Paano napunta sa files nya ang video clip?????

"You don't know about it???" Sigaw ni John. "It's already obvious na nasa Files mo ang mga yan!! Are you gonna use that to frame me? Or to blackmail me???!! "

"No! I swear I don't know it!!" Bwelta naman ni Laura.

Ang dalawang Pamilya ay kapwa hindi makapag salita.

"And there's still more.." Ani ng secretary.

"What more?! " galit na galit na si John ng mga sandaling yun. Hindi sya makapaniwala na gusto syang traydurin ng babaeng pinili nya kesa kay Margaret.

"There's another video clip here.. And it's a bit..." Namula ang pisngi ng secretary.. Kaya inagaw ng matanda ang laptop. Iniharap yun sa lahat.

Lahat ay tuluyang natahimik at namula ang mukha sa napanood. It's a video clip kung saan nagtatalik si John at Laura.. And the date is actually the date after Margaret left to do the mission. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa. Itinaob ng matandang Reyes ang laptop.

"Lola, I can explain.. It's not what you think it is... I was drunk that time and John also drunk.. He entered my room and mistaken me as Margaret."

"What? You're the one who entered my room that time. And that's actually my room on that video!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalawa. Kay Laura ay galing sa Lola na namumula sa galit... At ang kay John ay galing sa Ama nito na namumula rin sa galit.

"Tell me, " nanginginig ang boses ng matanda habang nagsasalita. "Did you betray your cousin?" What is your relationship with your cousin's fiancee?" Tanong nitong galit na galit... "Answer me!!!!!!" Sigaw nito na nag pagitla kay Laura.

"I'm sorry, " umiiyak na saad ng dalaga. What's going on.. Why is everything turned out this way? Bulong nya sa utak.

Isang mag asawang sampal ang muling pinadapo nito kay Laura. "He is your cousin's fiancee!!! Partner na ng pinsan mo.. Inaahas mo pa?!" Sigaw ng matanda

Nanatiling nakayuko si Laura. Hindi nya kayang salubungin ang galit ng kanyang Lola. Hinihintay nya na ipagtangol sya ni John.

"And you!," lingon ni Mrs Reyes kay John.. "Did you try to assasinate my grand daughter???!" That's on the video!!!"

Napatayo ang Ama ni John na kasalukuyang nagulat sa napanood.

"Mrs. Reyes.. This is a very big and serious accusation. Please calm down.. We should talk this thing...

" Shut up! .." Putol nito sa sasabihin ng lalake. "Wait.." Anito na bahagyang natigilan.. "Margaret died in the ocean.. With bullets in her body.." Nagsimulang pumatak ang luha ng matanda... "You two.. Did it?"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Fire_QUEENcreators' thoughts