webnovel

MOTHER AND DAUGHTER BONDING

Nang gabi ding iyon, pumutok sa buong Pilipinas ang balita tungkol sa pagka-matay ni Margaret Reyes at tungkol sa planong pag ayaw ni Laura Reyes sa pag-aari ng pinsang si Margaret. DeCordova also announced their breaking ties with John DeCordova telling his a disgrace to the family. Nang gabi ding iyon ay tumawag sa kanya ang kanyang Attorney at sinabing tagumpay ang pag-bili ng shares sa DeCordova family.

"That's great, good job." Pag-puri nya dito.

"There's also another share that I bought for you Ma'am. One of the shareholders sell his share also. It was a coincidence that he was there when I met the three." Paliwanag ni Attorney Lopez.

"Great Job. Thank you!"

So, sya rin pala ang naka-bili ng share na binanggit ni Kevin kanina. 25% shares owned by her... Isn't that means she's now the biggest shareholder? And also means that she's now the boss?

"Congratulations for being the Boss of the DeCordova company Miss. Jenny." Mukhang nabasa din ng kausap ang kanyang isip.

"Haha.. Yes.. Thank you." Masayang pasasalamat niya dito.

Pagkatapos makipag-usap ay pinuntahan nya si Lui.

"Let's drink." Aya niya dito.

"Huh?! Jenny alam mo naman na hindi pa ako umiinom."

"It's just wine.. Hindi ka naman malalasing."

"Sigurado ka?!" Pinag-dudahan pa talaga s'ya.

"En... Promise.. Now come on.. I want to celebrate yah know?" Hila-hila n'ya ang kamay ng kaibigan.

"For what?" Tanong naman ni Lui ng makapasok sila sa bar sa loob ng mansion.

"Well, it's because I now owned a very big business" naka-ngiting kinuha niya ang bote ng red wine at nag-salin sa kanilang baso.

"Business? Really?" Hindi maka-paniwalang pani-niguro ng kaibigan sa kanya.

"Yes!.." Naki-pag-cheers sya sa kaibigan sa ka tinungga ang red wine na sa baso.

"Congratulations Jen-Jen" ginaya sya ng kaibigan sa pag-inom. "Wow! It's sweet!"

"En. Masarap diba?"

"En-en. Pahinge pa." Inilapit nito ang basong hawak sa kanya. Nilagyan naman n'ya ito ng laman.

They celebrate until they become drunk.

The other day...

Nakababad si Jenny sa kanyang bath tub dahil sa sakit ng ulo. Alas nueve na ng umaga ay hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto kaya kinatok na sya ng kanyang Ina.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Lui? Parehas kayong naka-babad sa bathtub"

Tinawag n'ya ang ina sa kanyang shower room dahil narin sa ayaw n'ya umalis dun.

"Hehe.. We celebrated last night kaya napa-sarap ng inom. I'm sorry." Hawak niya sa kamay ng ina.

"Ano namang pinag-celebrate nyo? May boyfriend ka na ba? " nakangiti ang ina sa kanya.

"You want me to have a boyfriend ?" Doon na napunta ang usapan nila.

"... Dalaga kana so, kung magno-nobyo ka ay normal narin naman. Pero sana, piliin mo ang lalakeng hindi ka sasaktan. Alam mo naman ang nangyari sa akin." Hawak din ng kanyang ina sa kamay n'ya.

Napa-ngiti si Jenny sa tinuran ng ina.

"Yes.. Don't worry.. I only have someone in my mind." Namumula ang mukha na sabi n'ya.

"Hm? Meron na? Sino???"

Natigilan si Jenny sa reaksyon ng mukha ng kanyang Ina. She looks excited.

"Come.. I'll whisper it to you.."

Namimilog ang mata na lumapit sa kanya ang ina saka bumulong dito. Lalo itong natigilan saka namimilog ang matang napa-tingin sa kanya.

"No way! Akala ko si ano! Dahil napansin ko na medyo iba ang tingin mo sa kanya!"

"Whaaat? Sino?!" Napa-upo sya ng tuwid dahil sa sinabi ng ina.

"Si ano ba..." Lumapit pa ito saka bumulong..

"Noooo!" Mabilis nyang tanggi saka sabay silang napahalakhak ng ina. "He's just a brother to me!!!" Sinabuyan nya pa ng tubig ang ina kaya wala na rin itong nagawa kundi ang sumampa na rin sa bathtub.

"Unfairness, gwapo din talaga yung napili mo ha.." Ani ng kanyang Ina..

Napahalakhak si Jenny.. Her mom knows who is who.

"And hot.. " dugtong nya dito.

"Oh?! Paano mo naman nalaman?" Na-intriga na ito.

"Well, I feel it.." She shrugged.

"Noooo!" Sigaw naman ng Ina.. Rated SPG ata ang na-imagine nito.

"Hahahaha you think wrong.. Hahaha!

" you sure?" Pailalim ang tingin na ibinigay nito sa kanya.

"Yeah.. But do you want me to confirm it?" Kindat nya sa Ina.

"Wicked!!!"

Ani ng Ina saka sila sabay na napahalakhak ulit.

Alas dyes na ng matapos sila sa kanilang girl talk. Inutusan nya ang maid na nakita sa labas ng pinto na dalhan ang kanyang Ina ng pampalit na damit.

" 'nak. Tumatawag si Zion.!" Sigaw nito sa kanya.

Pumasok sya ulit at kinuha ang cellphone sa side table. Hiniram naman ng Ina ang kanyang hair dryer at nag-patuyo ito ng buhok.

"Yes, Zion?" Pormal na boses ang ginamit nya.

"I'm down stairs.." Napa-balikwas si Jenny ng tayo. At natatarantang napa-sulyap sa Ina.

"What?" Bulong nito sa kanya.

"Zion is down stairs." Bulong nya din dito.

Namimilog ang mata ng Ina na mabilis syang pinag-tabuyan.

"Alright, I'm coming down. Give me a sec." Pinilit nyang naging normal ulit ang boses.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Fire_QUEENcreators' thoughts