webnovel

EMOTIONS

Laura Reyes and John DeCordova.

Akalain mo yun.. Isang lingo palang syang nabubuhay bilang Jenny, heto at nakita nya na agad ang dalawang taong pumatay sa kanya bilang Margaret. World is indeed small. Nakalimutan nyang kasama nya si Zion ng mga sandaling yun. Nakatuon ang atensyon nya sa dalawang naglalakad sa unahan nya. Lumiko ang dalawa patungo sa bilihan ng mga alahas. Sumunod parin sya dito. Zion is just following Jenny wala itong kamalay-malay na may hinahabol na pala ang kasama.

Narinig ni Jenny na naghahanap ng ruby dalawa para daw sa engagement ng dalawa. The heck! Kamamatay nya pa lang gusto na maging engaged ng dalawa? Narinig nya rin sumagot ng wala ang staff.

Disappointed ang dalawa subalit nag stay parin ang mga ito doon at patuloy na tumingin. Tinawag ni Jenny ang staff, medyo may katamtamang lakas ang boses na tinanung nya kung bumibili ba ang mga ito ng Ruby.

"I urgently need cash right now so I want to sell ruby." Aniya habang dinudukot ang Ruby sa sling bag nya. Nakita nyang lumapit sa kanya si John.

"I'm interested in Ruby.. Would you mind me checking it?" Nakangiting approach nito.

Hindi umimik si Jenny. Nakatitig lang sya sa lalake. Kung makangiti si John ay parang santong napakabait. Lumapit din si Laura dito. Pumulupot sa braso ng lalake na para bang pinangangalandakan nito na girlfriend sya ng lalake. What a perfect pair. Aniya sa isip. She really wanted to kill this people right now.. But...

"Excuse me?" Pukaw sa kanya ni John.. Napakurap naman si Jenny.. "May I see it?" Ulit nito sa kanya.

"Sure," ani Jenny na malambing na nginitian ang lalake. Inilabas nya ang Ruby. Kinuha naman ng staff ang aparatus na ginagamit ng mga ito upang alamin kung totoo ba ang gems o hindi. Habang kinukuha iyon ng staff ay umupo sa harapan nya ang dalawa.

Nakapulupot parin ang braso ni Laura kay John. Nilingon ni Jenny si Zion.

"You don't have to wear your glasses here.." Malambing nyang sabi. Narinig naman iyon ni Zion saka nito tinanggal ang suot na itim na sunglasses. Napatingin sya kay Laura.. Kitang-kita nya ang reaksyon ng mukha ng dating pinsan. Pilit man nitong tinatago yun dahil katabi nito si John, hindi parin yun nakaligtas sa paningin ni Jenny. Napa smirk si Jenny. Yess... That's Laura. She likes handsome faces. Pipilitin nitong maagaw ang lalakeng gwapo na magustuhan nito.

"You're quite handsome, are you a model?" Tanong ni John kay Zion.

"No." An answer with cold and uninterested tone. Na sagot ni Zion. His voice sounds hoarse..

Nanatiling nakamasid lang sya kay Laura. Bahagya nitong inilayo ang katawan kay John. Saka ngumiti kay Zion.

"This is John and I'm Laura Reyes." Pakilala nito kay Zion. Inilahad din nito ang palad kay Zion. Iginalaw ni Zion ang braso pero hindi para makipag kamay kundi para magsalita sa relo nito. Binigay nito ang location nila sa mga tauhan.

"I'm Jenny." Siya ang nag tanggap ng palad ni Laura. Nakita nya ang dismaya sa mata nito pero pinilit parin nitong ngumiti. Binawi ng dalaga ang sariling kamay habang sya naman ay inilipat ang tingin sa staff na palapit na ulit sa kanila.

"According to our test.. It's indeed a Ruby and a rare one. Since it has 99.9999% purity." Anang staff.. Of course. It's from her Phoenix.

"How much it'll worth?" Tanong ni Laura na mapapansing interesado sa Ruby.

"According to our records it worth 35 million pesos per gram. "

Nakangiti parin ang dalawa.. Jenny is sitting there thinking.. Hindi maaring makuha ng dalawa ang gusto ng mga ito sa oras na iyon.

"Thank you.." Ani Jenny saka tumayo na. Napatayo din si Zion.

"I thought you're going to sell it?" Mabilis na tayo ni John.. And so Laura. "We are willing to buy it from you.. How much?" Interesado talaga ito sa Ruby nya.

"I'm sorry I changed my mind.." Aniya na nginitian pa ang dalawa.

"But you said you need money right now? Humakbang pa si Laura palapit sa kanya.. Naaahhh now. What you gonna do cousin?

" I was.. Because I forgot that I'm with my Boyfriend right now." Aniya saka pumulupot sa braso ni Zion na parang na estatwa sa narinig. Nilingon nya si Zion. "You have money in you right now right?" Malambing nyang tanong sa lalake na tiningala pa ito at saka nag puppy eyes sa harap nito.

Napalunok naman si Zion ng sunod-sunod. What kind of face expression is that?

"You already know that I'm from Fuero Family, why do you keep asking if I have money in me right now?" Seryosong sagot ng binata.

"Pfft..- di makatiis na tawa ni Jenny. Magsasalita pa Sana sya ng makita nya ang kanilang15 bodyguards na palapit na sa kanila. Kahit ang staff ng nasabing gems store ay nagulat.

" Boss, I'm sorry.. Medyo natagalan sa checking." Ani Aron na katabi Si Tommy.

"Boss, are you okay?" Tanung naman sa kanya ni Tommy.

Magkasabay na sumagot sina Jenny at Zion ng it's fine.

Too eye catching talaga ang mga to.

"Excuse me, you mentioned that you're from Fuero family." It's John, approaching Zion. "There's only one Fuero family in this country and everyone knows how rich they are. But please" anito habang dumudukot sa bulsa. "Here's my calling card.. I'm from DeCordova companies.. Future heir of DeCordova family."

Nakita ni Jenny na napakunot ang noo ni Zion saka lumingon sa kanya. Muling hinubad ang sunglasses nito saka sya tinitigan na para bang binabasa nito ang utak nya. Guilty pa sa lahat ng guilty na iniwas nya ang paningin dito. For sure, natatandaan nito si Kevin DeCordova na muntik nya ng mapatay kagabi.

"No." Malamig na sagot ni Zion kay John. "I'm not interested" sabi pa nito saka tumalikod habang inaalalayan sya.

So fierce! Hiyaw ng utak ni Jenny.

"Wait Miss. About Ruby.. Please...

" can't you see that she doesn't need money?"

Ahhhh... Ang north Pole ay kasalukuyang nasa lalamunan ni Zion ng mga oras yun.. So cold and scary ang boses at expression ng mukha ng lalake.

Zion is really pissed right now. Akala nya ay talagang magbebenta ng Ruby ang dalagita kaya sumunod lang sya dito. Kanina pa sa escalator napansin nya ng nakatitig ang dalaga sa dalawang kaharap. Hanggang sa sundan pa nga nito. Pero Hindi nya akalain na it's because He's a DeCordova. Anung meron sa DeCordova na sobrang pumupukaw sa interest ni Jenny? Kilala nya rin ang lalakeng ito for sure. What is their relationship?

Gustong sumabog ng utak nya sa isiping yun. Hindi na rin nakasagot pa ang dalawang magkasama kaya muling nagpatuloy sa paglalakad si Zion. Madilim ang anyo nito.

"You okay?" Di na makatiis na tanung ni Jenny dito.

Subalit wala syang narinig na sagot galing dito. Nilingon nya na lang ang mga lalakeng sumusunod sa kanila. Inabot nya dito ang sariling card. Pagkatapos nyang ibigay ang passcode ay masayang gumala na ang mga ito sa loob ng Mall. Muli nyang nilingon si Zion pero wala na ito sa tabi nya. She feel disappointed. Really.

Hindi nya alam na nakaramdam sya inis ng mga sandaling yun kaya pinili na lang nyang lumakad palabas ng Mall. She decided to go to Universidad de Manila ng mag-isa.

Sumakay sya ng taxi. At tinungo ang nasabing school.

Back to the Mall.

Laura and John is debating about the Ruby. Laura is really angry. Pakiramdam nya ay pinaglaruan sila ng babae kanina.

They really need the Ruby. Dahil ireregalo nila yun sa palapit na kaarawan ng matandang Reyes. They need to get that Ruby no matter what.

John called the Phoenix and give the mission to his underlings. Simula ng mamatay si Margaret, sya na humawak ng grupo na hawak dati ng kanyang ex-fiancee.

Kinuha ni Laura ang CCTV copy footage ng Gems store para makuha ang larawan ng nagpakilalang Jenny.

She's just a girlfriend to the Fuero Heir. It's not a big deal for him if they killed that girl. That's what they think.

Samantala,Nilingon ni Zion ang babaeng inakala nyang nakasunod parin sa kanya. Medyo nabawasan ang inis nyang nararamdaman ng mga sandaling yun. Subalit ng malaman nyang walang babaeng nakasunod sa kanya ang inis ay napalitan ng pag-aalala. Mabilis syang bumalik sa pinang-galingan subalit wala doon ang babae. He decided to contact his subordinates.. But he got a negative answer too.

"Damn it!!" Mahinang mural ni Zion. Kinuha nya ang contact number ni Jenny kay Tommy pero nakaka-ilang dial na sya ay walang sumasagot. "Fuck". Gusto nyang gulpihin ang sarili. He is the General commander of the DRAGON force yet he can't even secure the safety of his subject!! Nagsimula syang lumakad para hanapin si Jenny habang patuloy parin itong tinatawagan. Still no answer. He then decided to go to monitoring control. Using his ID he easily used the monitor.

Ilang sandali pa nakita nya na si Jenny.. Nakita nya na iniabot nito ang card sa mga bataan nila habang patuloy sya sa paglakad. Ng lingunin sya nito ay sobrang layo nya na kaya pinili na nitong lumabas ng mall. And outside the Mall she ride a taxi. End.

Is she mad? Damn! Naisuklay ni Zion ang mga daliri sa kanyang buhok. Alam nyang walang mangyayaring masama sa dalagita pero how about her impression to him??? Will she avoid him now?

Napalunok ng sunod-sunod si Zion sa naisip. His chest suddenly feel tight. Pinilit nya paring magpasalamat sa mga tao sa loob ng monitoring room saka lumabas. Now.. All he have to do is to wait for that girl to come back to the hotel.

Sa Universidad de Manila.

Nag pre-enroll lang si Jenny. Isinama nya rin sa listahan ang kaibigang si Lui. Two weeks from now graduation ceremony na. Pagkatapos nyang mag pre-enroll sa nasabing eskwelahan, isinunod nya ang paghahanap ng condo na titirahan nila ng kaibigan kapag nag-umpisa na ang pasukan.

Napili nya ang condo na 20 minutes lang ang layo sa School kung sasakay ka sa sasakyan. But since she planned to jog from her house to school then.. No car needed.

Nag inquire sya sa loob ng building and luckily find some vacancies. Sinamahan pa sya ng VP ng building para mamili ng unit. Pinili nya ang isang unit na may dalawang kwarto. It's perfect for them both. (She meant Lui and her) Privacy is needed specially sa case nya.

Binili nga nya ang buong unit. There's a furnitures inside so all she needs are some beddings. Kinuha nya ang kanyang cellphone na sinilent nya kanina.

Napanganga sya ng makitang ang dami ng missed calls at higit sa lahat, low battery na sya. Anonymous number ang pinakamaraming try. Malakas ang kutob nya kung kaninong number yun kaya sinave nya. Binura nya nga pala yung number ng lalake nung lumabas na sila sa Ospital.

Muling tumunog ang cellphone nya.. Ready na syang sagutin yun pero tuluyan na ngang namaalam ang battery ng phone nya. Napatingin sya sa relo. It's already late.

Lumabas na sya ng kanyang bagong biling condo. Kung gugustuhin nya, pwedeng doon na sya matulog pero hindi pwede. Mag-aalala ng husto ang mga tao sa hotel.

Nag-abang sya ng taxi tsaka nagpahatid sa Hotel. Nagkataon pa na inabutan sya ng traffic.

It's already 7:30 PM ng marating nya ang hotel.

"Boss!"

"Little Boss!"

Magkakasabay na sigaw nina Tommy at Aron habang tumatakbo palapit sa kanya. Hinawakan ng dalawa ang mag kabilang kamay nya.. Binusisi kung may galos ba sya, kung amoy dugo, dahil baka napalaban nanaman sya. Natatawang binawi nya ang kamay.

"I'm fine..".. Aniya.. "Let's go inside." Yaya sa mga ito.

Humakbang sya papasok sa hotel ng mapahinto..

Her instincts telling her to go back to her new condo..