webnovel

DRAGON VS PHOENIX 2

Jenny using Phoenix eyes para basahin ang galaw at mapa-slow ang movement ni Zion.

Zion using Dragon wind to move faster than ordinary people.

Walang kahit na sino ang nagtangkang magsalita habang nanonood. Dumating din ang grupo nina Aron at Tommy bago magsimula ang sparring.

Magkasabay ng nagpakawala ng pressure sina Zion at Jenny. Sa pakiramdam ng naroroon sa oval ay parang may isang mainit na bolang hangin ang sumabog sa gitna na kinatatayuan ng dalawa. At sa lakas ng enerhiyang iyon hindi napigilan ng mga nanonood ang mapa yuko at protektahan ang sarili. Napatayo naman sa kinatatayuan ang matandang lalake. He remembered he's grandfathers words.

"The power of the dragon is wind"

This can't be.. He's grandson.. Is the Dragon Master? Nanginig ang katawan ng matanda habang nakatayo.. Kung totoo ngang kapangyarihan ng Dragon ang pinakawalan ni Zion. Bakit nananatiling nakatayo lang Si Jenny? Diba dapat, mas malakas ang epekto ng energy wave dito dahil dalawang dipa lang ang pagitan ng dalawa.

Sa gitna ng oval. Isang seryosong ngiti ang sumilay sa labi ni Jenny. She's right.. Zion is also a spirit beast Master.. And a dragon as that.

Natigilan naman si Zion sa nakita nyang ngiti sa mukha ng dalaga. Pero mas nagulat dahil hindi man lang nya napa-atras ang dalaga sa energy wave na pinakawalan nya. Bukod pa dun, naramdaman din nya ang mainit na energy wave na dumikit sa bahay nya.

"Sa palagay ko, ito na ata ang Sparring na pinakagusto ko." 'Di mapigilang sambit ni Jenny. Saka nya inatras ang isang paa.. Paghahanda sa pag-atake.

Nakabawi s Zion sa pagkagulat..

"Huh! Seriously, well I guess... Kailangan ko na rin mag seryoso.." Anito.. "Here I go Baby" dugtong pa nya.

Napa-chuckle si Jenny..

"Baby? That's sweet. " aniya saka sila magkasabay na sumugod sa isat-isa.

Bawat atake ni Zion ay naiiwasan ni Jenny at bawat atake ni Jenny ay naiiwasan din ni Zion. Sa isang pag ikot ni Jenny isinunud nya ang ang pag sipa kay Zion na na-block din ng dalawang braso ni Zion. Sa lakas ng empak ay pasadsad ang dalawang paa na napa-atras si Zion. Pero mabilis din itong nakabawi. Gamit ang hangin ay nagawa nyang makalapit kay Jenny sa isang kisapmata lang. Sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan nya na na sangga lahat ng babae.. Nang mapansin nyang naka-open ang bandang tagiliran nito.. Umarte syang aatake ulit ng sipa pero mabilis nyang na itulak ng palad ang tagiliran ng babae na nag paatras kay Jenny.

Ramdam ni Jenny ang malakas na pwersa ng hangin sa palad na ginamit ni Zion sa atakeng yun. Inayos nya ang tayo.

"So, you use the power of the wind?" Aniya.. Ang lakas ng boses nya ay tama lang para sila lang dalawa ang makakarinig.

Natigilan si Zion.. How does she know?

"How did you know?" Seryosong tanong nya..

"Well, isn't it obvious?" Ani Jenny na iniunat ang kamay at itinuro ang daliri sa may uluhan ni Zion.

"Dodge!!!!!!!" Malakas na sigaw ng Lolo ni Zion ang narinig nilang dalawa.

Mabilis na napatingala si Zion. Nandilat ang kanyang mga mata sa nakita. Sa uluhan nya ay ang isang malaking bolang apoy at doon nakaturo ang daliri ni Jenny.

Literal na napamura si Zion ng mga sandaling yun. Hindi pa sya masyadong ekspert sa kapangyarihan nya dahil kamakailan lang nya nalaman na meron sya nun. Kung ganito na kagaling si Jenny sa pag control ng apoy.. Ibig bang sabihin, she has it ever since?

"I'm sorry baby, but.. I really wanted to know how long you can do it.." Ani Jenny saka nya isinenyas ang daliri para pabagsakin na ang apoy.

"Zioooonnnn!!!"

"Young Master!!!

" Boss!!!

Sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa paligid..

"I surrender.." Mabilis na banggit ni Zion.

And just that. Sa isang snap ng daliri ni Jenny naglaho ang bolang apoy sa uluhan ni Zion. Nakangiting inayos nya ang buhok.

"You're so happy , huh!" Ani Zion na lumapit sa kanya saka hinubad ang T-shirt nito at itinakip yun sa harapan ni Jenny. Natigilan pa si Jenny pero napayuko nalang. "Wear it" utos ni Zion.

Pulang-pula ang mukha na sinunod nya ang binata.

"Gaano kana katagal gumagamit ng kapangyarihan mo?"

Tanong ni Zion. Napasulyap naman si Jenny dito.

"A month.. You?"

"Just a week ago." Ani Zion na inayos ang damit nito na suot nya.

Aksidenteng napasulyap si Jenny sa perfect abs ng binata... Pangalawang beses nya na yung nakita pero nakakatakam talaga.. Este.. Ang ganda tingnan.

"Saan ka nakatingin?" Ani Zion na nagpataas ng tingin nya dito.

"En?, nothing..." Namumula ang pisngi na iniwas nya ang tingin nya dito. "Isang lingo pa lang ang nakakalipas Nang magising ang power mo pero ganyan na kaganda ang abs mo?.. That's great." Aniya.. Wala na yata sya sa katinuan.

"Huh?, naka salalay ba sa awakening yung kagandahan ng abs?" Tanong ni Zion na napayuko at sinuri ang sarili.

"Ha? ... What?"

Wala na.. Lutang na talaga sya. Napatitig sa kanya si Zion. Maya-maya ay sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Humakbang ito palapit sa kanya at saka bumulong sa tenga nya..

"If you admired my body that much.. I can even show you something more. "

Nagtayuan ang buong balahibo sa katawan ni Jenny.. Kasabay ng kanyang pag-singhap ay ang pagpalabas nya ng energy wave na para lang kay Zion. Hindi naman nakabantay si Zion kaya tumilapon ng tatlong dipa palayo sa babae. Saka nya ito tinalikuran.

Ang matanda at ang secretary nito kasama ang mga malalapit na tauhan nila ni Zion ay bahagyang napatigil sa paglapit.. Iniisip nila.. Hindi pa ba tapos ang laban?

Samantala.. Isang malambing na hagikgik naman ang pinakawalan ni Zion saka ito tumayo. Lumapit itong muli sa babaeng nakatayo.

Nang makita naman ng mga papalapit na tapos na nga ang laban saka lang ang mga ito lumapit.

"Are you guys okay?" Tanong ng kanilang Lolo,

Inabutan ng twalya ni Aron si Zion. Sa mukha ng mga ito ang maraming tanong.

"Yes Lolo, okay lang po kami."

Napatango ang matanda.. Hindi nito Alam ang gagawin. Wala syang problema sa mga tauhan nila dahil Alam nyang Hindi ng mga ito ipagkakalat ang nasaksihan. Subalit paano kung may ibang makaalam? World government will obviously be interested to this two people.

Nababasa nina Jenny at Zion ang pag-aalala sa mukha ng kanila Lolo. Kaya sabay nilang sinabi na wag itong mag-alala. They can control and keep their power hidden from other people.

Napatango naman ang matanda. Saka nilingon ang mga taong nakasaksi. Sinabihan ang mga ito na wag na wag ipagsasabi ang napanood. Sabay-sabay namang yumuko ang mga ito kasama ang kanyang mga tauhan.

Lumapit si Jenny kay Zion.

"Actually, you can make a soul contract to them. Just let them promise you and your spirit beast can activate the soul contract between them. " aniya dito.

Napatingin naman sa kanya si Zion. Bahagya itong natulala. Alam nyang kinakausap nito ang spirit beast ng lalake.

Ilang sandali pa napatango si Zion. Saka humarap sa mga tauhan. At ganun nga. Nabuo ang soul contract sa pagitan ng mga ito.

"Anyway Jen-Jen, " ang Lolo nila ang nagsalita. " nung tinanung mo ako ng tungkol sa Dragon Blood ng pamilya. Alam mo na ba na may Master na ang pamilya?"

Hindi na magsisinungaling pa si Jenny.. Saka sya tumango.

"Yes. My Phoenix actually felt the energy of the dragon in your family." Paliwanag nya dito.

Magpapaliwanag pa Sana si Jenny nang bigla syang makaramdam ng bahagyang pagkahilo kaya napaluhod ang isang paa nya. Ganun din si Zion. Parehas silang dalawa na habol ang hininga. Napatingin sya sa binata na napatingin din sa kanya. Nag-aalalang nataranta naman ang kanyang Lolo at ibang tauhan. Naririnig nila na sumisigaw ito habang inuutusan ang secretary na kumuha ng upuan at tubig. Pero walang sumunod kahit isa.

Ang lahat ay nakatingala sa may uluhan ng dalawang nakaluhod.