webnovel

BACK TO TAGAYTAY

Ang lahat ay nakahanda na sa kanilang pag-alis. Naka-ipon na ang mga ito malapit sa mga sasakyang helicopters. Ang matandang kausap ang Ama ni Lui, at ang magulang ni Zion na kausap din ang Mama nya at Auntie Sely. Si Lui naman ay palinga-linga na may hinahanap. Sya na lang pala ang hinihintay.

"Zion...." Boses yun ni Mia. Natigil din si Jenny sa paglalakad at nilingon ang nasa likuran nya.

Kalalabas lang din ni Zion sa Mansion at mukhang sumusunod sa kanya. Nakita nyang dumilim ang anyo ng binata at kunot-noong tumingin ito kay Mia. Nang mga sandaling yun lihim na napangiti si Jenny. Sa reaksyon palang ni Zion alam nya ng sya nga ang gusto ng binata. Masayang tumalikod si Jenny, kailangang mag-usap ng dalawa kaya nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Nang malapit na sya sa mga kasamahan ay napansin na sya ni Lui. Masaya ang mukha nito na kumaway sa kanya. Ngumiti naman sya dito at gumanti ng kaway.

"Antagal mo! Kanina kapa namin hinihintay." Anito sa kanya habang inaabot ang kamay nya.

"Sorry, umihi pa ako." Pag dadahilan na lang nya.

Paano nya sasabihin dito na nakipag-halikan pa sya kay Zion bago lumabas? Nang maalala ang eksena sa loob ng mansion ay namula ang mukha ni Jenny.

"Okay ka lang? Namumula ka." Pansin ni Lui sa mukha nya. "And your lips! "

"Andami mong napapansin." Iniwas nya ang tingin dito. "I'm okay, let's go to Lolo." Pag iiwas nya sa matinik na mata ni Lui.

"Boss! Anong nangyari sayo?" Si Tommy katabi si Aron.

"Yeah.. Little Boss, namumula din yung lips mo." Puna din ni Aron.

Tiningnan nya ng masama ang dalawa. Kailan pa naging matinik ang mga mata ng mga taong malapit sa kanya?

"Gusto nyong masaktan?" Gigil na sambit nya dito.

"Andami nyong napapansin, tapos na ba kayo maghakot ng gamit na isasakay?" Pag-iiwas nya ng topic.

Napakamot naman ng ulo ang dalawa. Saka tumango.

Nilampasan nya na ito at lumapit sa Lolo nya.

"Nag-aalala lang naman ako sa lips nya eh." Ani Aron na naka simangot kay Tommy.

"Lips nino?" Boses yun ni Zion. Kararating lang.

Napatingin naman ang dalawa dito. Sabay pang kumunot ang noo ng dalawa si Aron ang nagtanong.

"Boss! Namumula din lips mo? Kumain ba kayo ng maanghang ni little boss bago lumabas?" Inosenteng tanong nito.

Si Tommy na mukhang mabilis na nahulaan ang sitwasyon ay mabilis na hinila ang likod ng kwelyo ni Aron na nagpapalag naman dahil hindi sumagot si Zion. Si Zion naman ay nakangiting yumuko saka pasimpleng hinaplos ng hinalalaking daliri ang sariling labi. Sinulyapan nya ang nakatalikod na si Jenny. Nakikipag-usap ito sa Sampung tauhan ng Dragon na hiniram nito.

Mukhang napansin ng dalaga ang titig nya dito kaya napalingon ito sa kanya. Nang magtama ang kanilang paningin ay mabilis nitong iniwas ang tingin. He Chuckled.

Nauna ng sumakay ang mga kasama ni Jenny. Sya na lang ang hinihintay. Sa ngayon, apart na helicopters ang gagamitin para maghatid sa kanila sa Tagaytay. Gusto ng matanda na dumiritso na daw sila sa Tagaytay agad habang sila Tommy at ang tatlong tauhan na hiniram nya ay bababa sa Manila para kunin ang sasakyan na ginamit nila ng pumunta sila doon. Maiiwan naman sa Manila ang Dalawa para protektahan si Betty. Ibinigay nya na sa mga ito ang impormasyon ni Betty.

Muli syang niyakap ng Lolo nya saka sya binitiwan. Nakangiting niyakap din sya ng Mama ni Zion na mukhang natuklasan narin nito kung sino ang babaeng tinutukoy ng anak ng gabing makipagsagutan ito sa sariling Lolo. Habang kinamayan sya ng Ama ni Zion. Sinabi rin ng mga ito na dadalawin sya ng mga ito kapag alam nilang hindi na sya busy. Nabanggit kasi nya ang tungkol sa pinapagawa nya sa Sanchez Mansion.

"Don't forget to call us darling.. " malambing na paalala ni Selena.

Ang ina ni Zion na hindi nya na masyadong nakausap dahil halos hindi ito iwan ni Mia. Kaya ng isang beses nya itong nakausap nung pagkatapos ng sparring nila ni Zion ay nalaman nyang nakipag-away nga ang binata sa Lolo nito. Subalit hindi naman nito nabanggit ang tungkol sa babaeng tinukoy ni Zion na gusto nito. Tanging ang eksena lang na sinigawan ni Zion ang matanda dahil ayaw nito sa engagement nito kay Mia.

"Yes po Tita, I will also send you an invitation for my upcoming birthday party." Aniya.

As margaret before. Hindi sya mahilig mag celebrate ng kanyang birthday. Pero ngayon, dahil naalala nya na taon-taon ay isini-selebra ng mag ina ang kaarawan ng totoong Jenny.. Wala syang choice kundi sundin ang nakasanayan ng pamilya.

"Really? Hihintayin ko... " nakangiting muling yakap sa kanya ng ginang bago sya pinakawalan.

"Zion, anak. Hindi kaba magpapaalam sa kaibigan mo?" Tanong ni Zoren sa anak.

Nilingon naman nila ang binata. Napatitig si Jenny dito.

"Naka paalam na ako.. " anito na nakatitig din sa kanya.

"Ha? Kailan?" Tanong naman ni Selena.

Napataas ng dalawang kilay si Zion saka sumagot.

"Kanina, sa loob ng mansion." Anito na natawa ng makita ang muling pamumula ng mukha ni Jenny. "And, susunod din naman ako sa Manila sa susunod na araw dahil kailangan ko mag report sa underground Intelligence group." Dugtong pa ni Zion para hindi na masyado pang magisa ang babaeng gusto nya.

"Oh! Right..'! " sang-ayon ng matanda. "Then, mag-iingat kayo sa byahe Apo." Paalam na nito. Kumaway naman ang mga nakasakay na. Habang si Jenny ay sumakay narin.

Nilingon nya ang binatang nakatayo malapit kay Aron. Zion also looking at her.. Parang may mga sariling mundo. Ng umangat ang helicopter na sinasakyan nya ay kumaway na sya mga ito.. Nang muli nyang sulyapan si Zion ay nakahawak na ito sa Cellphone. Ilang sandali pa nakatanggap sya ng message.

<See you the other day, I miss you already>

Napayuko si Jenny... The hell! Kinikilig talaga sya? Seryoso? Hindi sya nag reply sa text na yun. Mahirap na, baka iba pa masabi nya. Kaya pinatay na lang nya Cellphone.

Nang marating nila ang Tagaytay ay masaya silang sinalubong ng mga naiwang tauhan. Binati silang dalawa ni Lui dahil pagtapos nila ng middle School.

Pumasok na sila sa loob habang ang pitong tauhan galing sa Isla Trio ay namamanghang nagmasid sa buong paligid. They're right. Miss Jenny is also not just an ordinary Student whos powerful.. She's also rich! Hindi na nalalayo ang yaman nito sa pamilya Salvador or mas hihigit pa pagdating ng araw.

Sa sobrang pagod ay maaga silang nakatulog ng dumating ang gabi.

"What did you do?" Salubong ni Kevin sa kanya sa linya ng tawagan nya ito kinaumagahan. "Nagkakagulo ngayon ang kumpanya dahil sa nangyari sa tatlong families na nasangkot sa trending news ngayon... The company is at risk! Those investors will soon pull out their money from company dahil kailangan din nila ng mas malaking pera ngayon. Hindi na ako magtataka kung ibebenta nila ang kanilang shares."

Mahabang pahayag ni Kevin na halatang frustrated. Humigop muna si Jenny ng kape bago umimik. Kasalukuyan syang nasa hardin. Maganda sa paningin nya ang nakikita nyang sari-saring bulaklak na inaalagaan ng dalawa nyang hardenero.

"That's exactly what I want." Aniya. "Hindi ba dapat maging masaya ka? Maaga pa lang ay maaalis muna ang anay na pwedeng sumira sa company mo. Dahil sa balitang kinalat ko nahukay din ang lihim na sabwatan ng kuya mo at ng tatlong families.. Isn't it good?"

"Nalaman nga ang ginagawang pagnanakaw sa kumpanya.. Pero paano naman ang pangalan ng company! Hindi lang tatlo ang pamiyang nag-iinvest sa company, kapag sabay-sabay silang nag pull out babagsak ang kumpanya.! " napasigaw na si Kevin.

Yun naman ang gusto ni Jenny.. Ang bumagsak ang company ng DeCordova... Pero may mas maganda syang plano.

"That can't be. I'm planning to buy their shares." Aniya.

Natahimik si Kevin sa kabilang linya.

"You what?"

Tiningnan ni Jenny ang screen ng kanyang laptop. Naka display doon ang Pangalan ng tatlong families kasama ang contact information ng mga ito.

"I'll call you again later. And don't panic too much. I know what I'm doing.. Hindi ka babagsak.. I won't allow it."

Hindi nya na hinihintay na sumagot pa ito. Pinutol na nya ang linya. Tinawagan nya ang isa sa kanyang Attorney.

"Good morning Miss Jenny, anong ipag-uutos nyo?"