webnovel

CHAPTER ONE

Forsythia's POV (Mortal)

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa park. Umiinom ng coke, kumakain ng street foods.

"Hoy Forsi" sigaw sa akin ng kaibigan kong si Stella, kahit kailan talaga napakaingay nito.

"Oh ano na naman tela?" mapang asar na tanong ko.

"Ooohhhh! Witww payag ka non baby Stella tela ka daw?" sabat naman ni Jessa sa aming tatlong magkakaibigan siya yung mahilig mamikon pero pag siya yung pinikon pikon na pikon, gets?

"Epal ka talaga, papansin lang Jessa? heh atleast di ako pikon" balik na pamimikon ni Stella kay Jessa.

"Wewwwssss nagbibiro lang naman ako eh pinersonal mo naman ako ang sama mo talaga!!" sigaw ni Jessa.

Meet my bestfriends Stella and Jessa. Stella Reyes ang buong pangalan ni Stella at Jessa Salvador naman si Jessa.

Ambag sa earth ni Stella: pagiging maingay, mataray at kung gusto mo siyang pikonin nako wag nalang baka umuwi kang luhaan.

Ambag sa earth ni Jessa: boyish, maingay din at pikon.

Ako naman? eto lang naman kagandahan, katalinuhan at....balik sa kagandahan hehe.

"Pasalamat ka 'crush kita' kaibigan kita" may ibinulong siya na hindi namin narinig.

"Oh talaga? I-slap pa kita ng purse ko eh. Pasalamat ka kaibigan kita" balik niya kay Jessa.

"Naalala ko yung score ko sa quiz kanina" pag-iiba sa topic ni Jessa.

"Bakit? Heh! Panigurado mababa score mo" pabirong sagot ni Stella.

"Oo HA HA HA HA!" tawa ni Jessa.

"Baliw ka talaga noh? Bakit may space?" iiling-iling na ani ko.

"Oh my bat ayaw nya umalis" girl 1

"Hilahin nyo baka masagasaan" girl 2

"Hilahin nyo may truck" girl 3

Biglang nagkagulo lahat ng tao sa paligid namin at nakaharap sa isang direksyon. Tumingin ako sa direksyon na pinag-uusapan nila at may nakita akong bata na tumatakbo papunta sa gitna ng kalsada at meron ding truck na parang walang preno.

Hindi ko alam kung bakit biglang gumalaw ang mga paa ko at pumunta sa batang kinukuha ang laruang bola at tinulak siya sa gilid.

*BEEEEEPP*

*BOGSHHH*

"Forsithia!!" sabay na sigaw ni Stella at Jessa.

Nasagasaan ako ng truck...

Habang papalapit na ang malaking truck sa akin ay sinubukan kong gumalaw, pero hindi ko maigalaw ang paa ko para makaalis doon.

'Hindi ko akalain na maikli lang pala ang buhay ko'

"Paalam" huling nasabi ko dahil bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at nahihirapan na din akong magsalita.

"Forsi kapit lang dadalhin ka namin sa ospital, please huwag ka munang mamatay!" huling narinig ko bago ako kainin ng dilim.