webnovel

Chapter 1

Summer Point of View:

Napadilat ako Ng Wala sa oras ng maalala ang bagay na nangyari sakin, napatingin ako sa paligid ko at nalaman na nandito ako sa loob Ng kwarto ko. Puno ng pagtataka at gulat ang naramdaman ko ng Makita ko ang muka ko sa salamin na maayos at Walang gasgas ng hiwa o sunog dahil sa pagsabog nayun..

Imposible na maging panaginip ang mga bagay nayun.

Pero bakit ako nandito?

Bumukas Ang pinto at natigilan ako Ng Makita si Golden na pumasok sa loob, pinakita nya sakin ang inosente nyang ngiti habang papalapit sakin.

Kumuyom ang palad ko at ramdam Ang namuong galit sa dibdib ko. Ng makalapit sya ay nagtaka ang muka nya ng Makita Kong gaano ako kasama makatingin sa kanya.

Gusto ko syang sapakin, sipain, bugbugin o mas mabuti ay gusto ko nalang syang patayin. Pero may pumipigil sa kaloob-looban ko na wag Kong gawin ang bagay nayun.

Ang lakas Ng loob nyang ngitian ako! Pagkatapos ng lahat Ng bagay na ginawa nya ay magpapanggap syang parang walang nangyari!

You damn shit!

"Ano nangyari sayu? Nanaginip kaba ng masama?" aniya

Damn it! Gusto ko talaga syang i-untog sa semento.

But, what the hell is happening?

"Anong taon ngayon?" nagtaka sya sa tanong ko pero di ko nalang pinansin ang muka nyang sarap tigpasin at inilapat ang attention ko sa ibang bagay.

Ang kwarto ko. Naka desinyo sya tulad nung nasa high school ako, I change the style of my room according sa ideya ni Ranz na gawing luxurious design Ang room at Hindi puro poster at plain design thingy.

Napatingin ako sa mesang nakapwesto sa tabi Ng kama ko. Nakalapag don ang luma Kong notebook na Kung Tama Ang pagkaka-alala ko ay nawala ko yun nung 18th ako.

Kinuha ko Yun at tinignan

Walang duda! This is my treasure book

Nakalagay don ang kantang mga design na ginawa ko, kanta at kahit na poems. Kahit na ang picture Ng taong gustong gusto ko. Si ranz.

Gusto ko sana agad punitin ang picture at pangalan nyang nakalagay doon sa likod pero di Kona muna ginawa. Lalo na at nandito pa si Golden at baka magtaka sya sa ginawa ko.

Looks like I really did travel back in time…..dahil Kong Hindi ay dapat namatay na ako sa pagsabog nayun.

If that's the case then…..diba dapat di ko sayangin Ang magandang opportunity na binigay sakin diba?

Right! Humanda kayo.

Ngumisi ako sa naiisip ko, inilapag ko pabalik ang notebook sa Mesa at bumaling Kay Golden.

Nagkatitigan kami saglit bago ako ngumiti sa kanya ng napaka ganda.

Fake

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?" maayos Kong pagkakatanong

Umarte na muna tayo.

"Ah, gigisingin Kita. Nakahanda na Ang pagkain sa baba"

Napaka galing nyang umarte sa harap ko. Kung tutuusin kahit Sino aakalain na isang anghel na tao ang babaeng to. Sino mag-aakala na may tinatagong ka demonyohan pala ang kupal natu.

"Bakit ikaw ang gigising sakin? Trabaho moba Yan?" napamaang sya sa sinabi ko

"Okay, labas kana, susunod ako" ngumiti ako sakanya at panaypay ko ang kamay ko bilang senyas paalis. Malamang ay nagtataka sya sa mga inaasal ko dahil Kung ituring ko sya ay parang mas respetado pa sa magulang ko.

lumabas sya ng kwarto ko.

Fake!

Ang hirap pala ngumiti ng pilit. Mukang magaling Artista yang si Golden. Nagawa nya akong lokohin sa loob ng mahabang taon.

The relationship between her and Ranz might start before me and Ranz became a couple. Kung ganon lahat Ng mga moments noon na akala ko tadhana ay planado pala.

Kumuyom Ang palad ko sa iniisip ko. Kinalma ko ang sarili ko at nag ayos. 

Let me show something amazing