1 Reaching The Climax

We've been together for four years. Masasabi kong napagdaanan na namin ang lahat ng pagsubok. Away, selos, babae, bisyo, ugali. Mga karaniwan at kadalasang pinag-aawayan ng isang magkarelasyon. Hanggang sa dumating ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Na ang pangarap kong makasama sya habang buhay ay unti-unting maglalaho. Gusto ko syang ipaglaban pero paano? Kung sya mismo ay unti-unti ng sumusuko. Na wala kang magawa dahil sa pagsuko nya.

Kasi ito ang tama...

Hindi namin ito kayang ipaglaban...

Kung ang isa sa amin ay naguguluhan.

Twenty-three ako ng nakilala ko sya through friends. May girlfriend sya that time. Hindi naman ako attracted sa kanya. Dahil yung mga ikinikilos nya ay hindi kagandahan. He's the HAPPY GO LUCKY type, BABAERO, at MAYABANG. Mga tipo ng ugali na hindi ko kailanman magugustuhan. Sa itsura nyang yun ay ang tipo ng taong di magseseryoso. Hindi din naman kami close sa isat isa. Magkaiba kasi ang trip namin sa buhay.

Pero nagbago ang lahat ng pagkakakila ko sa kanya ng minsang tinulungan nya ako. O sadyang nagkataon lang. Nung mga panahon na yun ay iniiwasan ko ang ex-boyfriend ko na wala man lang pasabi na iiwanan na pala ako para magtrabaho sa ibang bansa. Sa takot kong maiwan mag-isa ay nagdesisyon akong makipaghiwalay dito. Naniniwala kasi akong mahirap ang long distance relationship. Ayaw nitong pumayag kaya kahit wala na kami ay pilit nya pa din akong pinababalik sa kanya. Naging stalker ko sya to the point na ako mismo ay natatakot sa mga pinaggagagawa nya.

Isang gabi ng nag-overtime ako sa trabaho ay nandun na naman sya at nag-aabang sa akin. Pero this time, hindi malayo ang distansya namin. Lumapit sya sa akin, sa boses pa lang nya ay alam ko na lasing sya.

"Gwen, mag-ushap tayo" sabi nito sa akin. Gusto nya akong hawakan pero lumayo ako. Parang hindi ko na sya kakilala. Hindi naman kasi sya umiinom.

"...gagawin ko naman ito para shatin, gushto kong pagdating ng araw maibigay ko shayo at sha bubuin nating pamilya." lumayo ako sa kanya. Tinulinan ko ang lakad ko. Ayaw ko syang kausapin. Gusto kong umiyak dahil sa nangyayari. Bakit ba kami umabot sa ganito? Bakit ba hindi nya maintindihan na kailangan naming maghiwalay. Psh...

Hinahabol nya ako. Hanggang sa nacorner nya ako sa isang madilim na lugar. Pinilit kong magpakatatag at ipaliwanag sa kanya na tapos na ang lahat. Ayaw kong dumating sa punto na iiwanan nya ako kagaya ng ginawa ng tatay ko sa nanay ko ayokong matulad sa kanila.

Napasandal ako sa pader. Habang nakatukod ang magkabila nyang kamay sa pader para di ako makawala. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya. Nangangatog ako sa takot. Hindi ako makaisip ng matino para manlaban. Ibang iba kasi ang aura nito tulad ng dati na masayahin. Hindi na sya ang boyfriend na nakasama ko sa loob ng 3 taon. Ibang tao na sya.

"Marlon, please... umuwi ka na" pilit kong pinalakas ang sarili ko para pakiusapan sya.

Pero nanatili lang syang tahimik. Nakakatakot ang mga mata nya. Na parang kahit anong oras may balak syang gawin na masama.

Hinalikan nya ako, hindi ito katulad ng mga halik na pinagsaluhan namin nuon. Mapupusok ang mga halik nya ngayon. Parang wala sya sa sarili. Pinilit kong kumala pero di ko magawa dahil mas malakas sya sa akin.

"Hindi ako makakapayag na iiwan mo lang ako basta Gwen. Akin ka lang kahit anong mangyari" matigas nyang sabi sa akin. Wala na akong magawa pa kundi ang humagulgol. Ilang beses akong nakiusap pero naging bingi sya. Hawak nya ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para makatakas. At sa puntong yun nawalan na ako ng pag-asa wala na akong magagawa.

Hawak pa din nya ang kamay ko ng hinatak nya ako papunta sa isang parking lot. Iyak lang ako ng iyak. Nakikiusap na pakawalan ako kahit alam ko na malabo na na pagbigyan nya ako sa gusto kong mangyari. Nakita ko ang sasakyan nya. Mas lalo akong natakot dahil lasing sya. Baka maaksidente kami sa byahe. Kahit hindi ako madasalin ay napadasal ako ng di oras ng panahon na yun. Milagro na lamang ang kailangan ko para makatakas kay Marlon.

"Bitawan mo si Gwen" parang huminto ang mundo ko ng may nagsalita mula sa likuran ko. Dahil sa boses na yun ay nabuhayan ako ng pag-asa. Lalo na at naramdaman ko na hawak nya ang isa kong kamay.

Nilingon ko ito. Pero nagulat ako ng makita ko si Carlo.

"Okay ka lang ba, Gwen?" tanong pa nito sa akin. Pero bago ko pa ito nasagot ay nagsalita si Marlon.

"Wag kang makialam dito. Kailangan naming mag-usap ni Gwen" sabi naman nito na napabitaw sa akin.

Dahil sa pagkakabitaw ni Marlon sa akin ay nahigit ako ni Carlo papalapit sa kanya at niyakap ako. Kaya napayakap din ako sa kanya. Para akong bata na sumiksik sa dibdib ni Carlo. Punung puno ng takot ang dibdib ko.

"Huwag ka ng lalapit sa girlfriend ko. Kung ayaw mong samain sa akin" biglang sinabi ni Carlo kay Marlon. Napatingin ako sa direksyon nito. Tinitingnan ako nito na parang gustong kumpirmahin kung totoo ang sinabi nito sa kanya.

Tumango lang ako saka ko muling siniksik ang sarili kay Carlo.

Mas mabuti na na, mapaniwala sya na may bago akong boyfriend para layuan nya ako. Tutal three weeks na lang aalis na sya ng pinas.

Tulad nga ng inaasahan ko ay nilayuan nya ako. Pero kasabay ng paglayo nito sa akin ay ang pagdikit sa akin ni Carlo. Sa halip na stalker ko ang inaabutan ko paglabas sa office ay sya ang nadadatnan ko, para ihatid ako.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko sa kanya habang binabagtas namin ang byahe pauwi sa bahay.

"Girlfriend kita di ba?" balik tanong nya sa akin, while giving me an ear to ear smile.

"Psh... di ba girlfriend mo si Stephanie at hindi ako?" iritado kong tanong dahil balak pa yata nya akong idagdag sa listahan ng mga babae nya.

"Break na kami" diretsa nyang sagot habang nakatingin sa kalsada at nagdadrive.

Anong connect ng pagiging break nila sa pagiging girlfriend nya daw? Wala nga kaming napag-uusapan nito kahit lagi nya akong sinusundo sa trabaho.

"Kanina ka pa?"

"Thank you"

"Good night"

at

"Byebye"

...lang ang kadalasang sinasabi namin sa bawat isa. Tapos ngayon sasabihin nya na girlfriend nya ako? Lakas talaga mantrip eh.

-o-

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging close friend kami. Hindi na nga kami mapaghiwalay. Nahahawa na din ako sa mga kalokohan nya. Minsan nagpaparamdam sya na gusto daw nya ako. Pero ayaw ko namang umasa dahil kagagaling ko lang sa hiwalayan.

Pero sadyang mapilit sya sa mga gusto nyang gawin. Tulad ng magtawagan gang abutin ng madaling araw kapag weekends. Madalas ko pa nga syang makatulugan sa mga phone calls namin. Andun pa din ang pagsundo nya sa akin sa office, pero ngayon ay inihahatid na din nya ako papasok. Pumapayag naman ako dahil sayang ang pamasahe. Minsan kasi libre pa ang breakfast at dinner. Ang laking tipid kaya noon.

We became the best of FRIENDS. We enjoyed each others company. Hindi katulad noon na pare pareho kaming may sariling mundo. To the point na tinutukso na kami ng barkada. Na kesyo bagay daw kami. Na sagutin ko na daw siya. Na wala na daw akong hahanapin pa kapag naging kami. Pero, hindi eh... pang magkaibigan lang talaga ang nararamdaman ko kay Carlo.

Hanggang sa...

biglang bumalik si Stephanie.

Dun ko narealized na mahal ko na nga pala si Carlo. Bawat araw na nakikita kong inaayos nila ang relasyon nila ay nasasaktan ako. Kahit gusto kong maging masaya para sa kanila ay hindi ko magawa.

Kaya bago ko pa saktan ng tuluyan ang sarili ko kapag nakikita sila. Nagpasya na akong lumayo. Hindi ko na pinag-aksayahan pang replyan at sagutin at mga text at phone calls nya. Ni hindi na nga ako sumasama sa barkada. Maaga na din akong pumapasok sa opisina at palagi ko syang tinatakasan kapag nakikita ko sya sa labas ng building. Hindi ko sila pwedeng guluhin. Ayokong sirain ang relasyon nila.

Pero sabi nga nila hindi mo laging matatakasan ang problema.

"Gwen, iniiwasan mo ba ako?" tanong nya sa akin. Nasa labas ito ng bahay namin at mukhang inantay nya talaga ang pagdating ko.

"Hi-hindi" nauutal kong sagot sa kanya psh... mukhang di kapani paniwala ang sinabi ko.

Papasok na sana ako sa may gate ng hawakan nya ang braso ko. "...ano bang problema? Bakit naging ganito tayo?" seryoso nyang tanong. Ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura nya nun. Hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa sya. Sasaktan ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko yun.

"Bumalik na si Steph. Hindi mo na ako kailangan" pinipigilan kong maluha. Kasi maisip ko lang na sya ang mahal ni Carlo. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.

"Mahal kita Gwen. Tapos na kami ni Steph matagal na at alam mo yan." hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi nya.

Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako. Habang ako ay naiyak na lang sa tuwa. Buong akala ko kasi ay mawawala na sya ng tuluyan sa akin. Akala ko ako lang ang nagmamahal. Pero hindi eh, mahal namin ang isat-isa.

********************

At tulad ng inaasahan naging kami ni Carlo. Super sweet nya sa akin. Ginagawa pa din naman nya ang mga ginagawa nya nung mga panahon na hindi pa kami.

Happy din ang barkada ng nalaman na naging magboyfriend na nga kami. Nagpaparty pa nga sila. We became an ideal couple. Na kinaiinggitan ng barkada. We're always together. Mas nakilala ko na din sya. Every sunday ay maghapon syang wala. Isa daw kasi syang deboto ng Itim na Nazareno. Minsan ay niyaya nya ako pero hindi ako sumama dahil araw ng uwi ko nun sa Bulacan para bisitahin ang mga magulang ko. Alam din nya na hindi ako palasimba kaya hindi na din naulit ang pag-aya nya sa akin.

Ayaw din nya na may kinakausap akong lalaki. Napakaseloso nya to the point na madalas ay nag-aaway kami. Dahil mahilig sya sa tamang hinala.

Malinis din sya sa bahay. Ilang beses din kaming nag-away dahil makalat lagi ang apartment ko. Na kadalasan ay nililinis pa nya bago umuwi sa gabi. Kasama na din ang pagluluto nya lagi ng dinner.

Ano pa nga ba ang hahanapin ko sa kanya? Na kay Carlo na ang mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki.

Ang swerte ko talaga sa kanya...

Ang buong akala ko kasi ay wala syang alam gawin kundi ang magpakasaya sa buhay at mambabae. Ang layo ng inakala ko sa kanya.

Pero hindi nagtagal...

Tulad ng ibang mga lalaki...

Hindi yata talaga maaalis sa isang babaero ang mga babae...

Isang araw habang pauwi kami galing trabaho ay may nakita akong sulat sa may compartment ng kotse nya.

To: Aguiluz

I love you. Ingat ka pauwi. Sobrang miss na kita... mwaah <3

Love,

Alwina

Nang tanungin ko sya tungkol sa sulat ay sinabi nyang pag-aari ito ng isa sa mga kaibigan namin. At naiwan ito sa kotse ng makisabay ito sa kanya. Naniwala naman ako sa sinabi nya. Kampante ako na matino na si Carlo at hindi na nya maiisipan pang mambabae pa. Mahal nya ako e, basta sigurado ako.

Nagpatuloy ang mga araw, binalewala ko ang mga sulat. Pero kasabay nun ang unti unting pagkawala ng oras nya para sa akin. Nawala na ang mga phone calls na ipinangako nya. Na kahit text ay wala. Kaya ang nangyari ay napapraning ako sa pag-aalala. Ilang beses kong tinatawagan ang phone nya pero hindi naman nagriring dahil naka-off ito.

Tapos out of nowhere bigla na lang siyang magpapakita. Na imbes na magalit ako ay mapapangiti na lang ako sa kilig dahil naroong dalawin nya ako sa bahay ng parents ko sa Bulacan, kahit mag-isa lang sya. Todo effort nga ang ginagawa nya noon dahil kusa syang nagpunta sa bahay ng mag-isa. Hinanap talaga nya ang bahay namin. Kaya madali syang nagustuhan ng parents ko.

Mas niligawan pa nga nya ang magulang ko kesa sa akin. Kung ako tinatyaga nya lang sa mga cards kapag birthdays ko. Yung mga parents ko naman ay todo effort sya para mapasaya ang mga ito.

Dumating din ang punto na naging busy din ako sa trabaho kaya nawalan ako ng time sa kanya. Dumalang na din ang pagkikita namin dahil busy din sya sa trabaho. Kaya sa loob ng isang araw ay nagiging 20minutes a day na lang ang tawagan namin tuwing 4pm.

Dahil pareho kaming may trabaho at para hindi agrabyado ang isa. Napagpasyahan namin na magiging alternate ang call namin.

Minsang tumapat ng Sunday ang araw ng tawag ko. Nagulat na lang ako dahil hindi na naman mareach ang phone nya. Imposible naman na nasa simbahan sya, dahil wala namang syang sinabi na maghapon sya sa don. Hindi ko na mabilang kung gaano kadaming text ang isinend ko sa kanya dahil sa pag-aalala.

Galit na galit ako that time. Pakiramdam ko naiwan na naman ako. Pero bigla syang magtetext gamit ang ibang number. With his palusot na...

"Hon, busy lang"

at ang pinakanakakbwisit sa lahat ay ng tanungin ko sya kung bakit iba ang number nya ay...

"trip ko lang"

Sige, dahil mahal ko sya kahit alam ko na palusot lahat yun ay pinagbigyan ko na pero dumating ang punto na hindi ko na sya makontak. Napapadalas na din ang pagbabago bago nya ng number. Hindi na tama yun na sasakay na lang ako sa trip nya. Kinompronta ko sya ng minsang magkasama kami.

Alam ko na may tinatago sya pero hindi ko alam kung ano? Napapraning na ako sa mga pinaggagagawa nya. Hindi ako kuntento sa sagot nya. I know that something fishy is going on with him. Pero wala akong alam. Hanggang sa umabot kami sa sumbatan. Mga nagawa namin sa bawat isa. At lalo akong nasaktan pati ang pride ko. Kauna-unahang masasakit na salita sa pinakaseryosong away namin.

Humantong kami sa hiwalayan. Nagpataasan kami ng pride. Nagsolian ng mga bagay na binigay sa bawat isa. Kahit mga nagastos namin sa bawat isa. Ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya. Pero ibinalik lang nya ito sa akin kasama ng sobre na may lamang pera na inihulog ko sa bank acct nya. Pero this time bumalik ito sa bank acct ko. Hanggang sa nabwisit sya sa pagbalik balik ko ng pera sa kanya. Nabalitaan ko sa Tita nya na ipinamigay nya sa barkada ang pera na isa sa pinag-aawayan namin.

Nawalan na kami ng communication. Hindi na rin sya sumasama sa barkada. Matapos ang break-up namin. Pinilit kong magpakatatag na wala na sya sa buhay ko. Pero hindi e, mas lalo nya akong sinaktan. Nalaman ko na sila na ng isa sa mga kaibigan namin. At ang pinakamalala pa ay yung pinakaclose ko pa na kaibigan. Para akong natraydor ng mga panahon na nakita ko na magkasama sila at masaya. Wala pang one week ang break-up namin pero eto sya parang wala lang ako ng palitan nya.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng bar. Kahit pilitin ko na huwag umiyak ay panay ang tulo ng luha ko. Masakit pakiramdam ko na bawat flashback sa utak ko na nakikita ko silang magkasama at masaya ay sinasaksak ako ng madaming beses. Di ko na napigilang humagulgol. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin. Basta masakit sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Miss, panyo" biglang may nag-abot sa akin ng panyo. Isang lalaki na hindi ko kilala. Kinuha ko ang ibinigay nya saka nagpasalamat.

Nakatayo lang kami pareho hindi nagp-uusap. Nawala na din ang pagtulo ng luha ko. Nahiya ako sa itsura ko sa taong nakatingin sa akin ngayon. Nagpakilala sya sa akin ganun din naman ang ginawa ko dahil mukha syang mabait. Nung una ay napag-usapan namin ang dahilan ng pag-iyak ko. Hanggang sa binago nya ang topic at napunta kami sa masayang kwentuhan. Kahit paano ay nawala ang sakit na nararamdaman ko kahit paano ay sumaya ako at nalimutan ko ang problema.

"Umuwi na tayo." nagulat ako sa sinabi ni Carlo, hinatak nya ang kamay ko papalayo sa kausap ko. Isinakay nya ako sa kotse na. Walang nagsasalita sa byahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa. Oo alam ko ako ang nakipagbreak sa kanya. Pero pinalitan naman nya ako agad. Kaya bakit sya magseselos?

"Gustong gusto mo talagang magpaawa para makahanap ng lalaki." pasinghal nyang sabi ng makarating kami sa bahay. Nasa kanya pa pala ang susi ng bahay ko. Kaya kami nakapasok.

"Ano bang pakialam mo? Sa halip na lovelife ko ang inaatupag mo. Asikasuhin mo ang girlfriend mo" matabang kong sabi, saka sya tinalikuran. Ayokong makipagtalo sa kanya wala ng sense.

"Gwen, mahal kita" iritado nyang sabi. "nagseselos ako."

Napasigh ako sa sinabi nya. Kailangan kong kumalma. Ayokong makagawa ng maling desisyon na pwede kong pagsisihan sa huli.

"May girlfriend ka na." mariin kong sabi sa kanya.

"Hindi ko sya mahal"

"Psh..."

"Tss... Okay ginawa ko yun para pagselosin ka. Tinotopak na ako sa mga pinaggagagawa mo. Papakawalan mo na lang ako ng ganun na lang? 2 years Gwen, sasayangin mo ang two years dahil lang sa tamang hinala mo. Hindi ako makapaniwala na kaya mong itapon yun?" isa isa ng tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya.

"Mahal kasi kita Carlo. Kaya kapag wala ka sa tabi ko hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako na baka hindi mo na ako balikan? Presensya mo lang naman ang kailangan ko. Wala akong hinihingi kundi time lang. Yung maalala mo ako, kamustahin kung buhay pa ako. Hindi ako aso na mag-aantay na lang sa pagbalik ng amo nya. I need you and i need you to be honest with me." niyakap nya ako ng mahigpit. With that i felt home, i felt safe... and loved.

Matapos ang away namin ay nagkasundo na kami. Pumayag ako na mag-antay ng 1 week para ibreak nya ang kaibigan namin. Nagalit ito sa aming dalawa ni Carlo. Pinaglaruan lang daw namin sya. Na ginamit para pagselosin ako. Binalewala ko lahat ng mga sinabi nya. Sa ginawa nya sa akin ay trinaydor nya ako. Kaibigan ko sya kaya dapat alam nya na masasaktan ako kapag naging sila ni Carlo. Pero wala na tapos na. Lumayo sya sa barkada. Dahil buong akala nya ay napagkakaisahan sya. Pero bago yun ay sinabi sya bago sya mawala sa grupo.

"Gwen, alam mo ba na si Aguiluz at Alwina ay ang bestfriend mo at ang boyfriend mo?" halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Kakaayos lang ng problema namin. Mag-aaway na naman ba kami?

At dahil mahal ko nga talaga si Carlo. Nilunok ko ang pride ko at binalewala lahat ng sinabi ng ex-friend ko. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na sumuko. Kailangan kong paglaban ang sa AKIN.

Matapos ang huling away na yun naging smooth na ang relasyon namin. Wala na ding babae na nakukunek sa kanya. Tahimik ang pagsasama namin. Nakilala ko na din ang dalawa nyang kapatid na lalaki. At minsan nakakausap ko sa phone ang nanay nya. May mahihiling pa ba ako.

Kulang na nga lang daw samin dalawa ni Carlo ay ikasal daw kami. Natatawa naman ako dahil hindi pa yun pumapasok sa isip ko. Kahit 25 na ako, hindi ko pa din makita ang sarili ko na nasa bahay at nag-aalaga ng mga anak. Mahilig naman ako sa mga bata pero parang hindi pa ako handa na ako mismo ang magkakaanak.

"Kaninong anak yan?" tanong ko kay Carlo ng minsang umuwi sya ng bahay na may dalang bata na edad 1 taon.

"Pamangkin ko. Si Iñigo" sagot naman nya habang karga ang bata.

Kinuha ko ang bata sa kanya at sumama naman ito. Ang cute nya kahit na parang masungit ang mga mata nito. Mukhang may sumpong.

"Bakit na sa sayo?" tanong ko naman habang nilalaro ang bata. First time nya kasing mag-uwi ng bata sa bahay. Dati rati kasi ay ako lang ang mahilig maguwi ng bata. Mga pamangkin.

Sabi nya ay wala daw mag-aalaga dito kay kinuha na nya at inuwi para alagaan. Niyaya ko na din siya na sa bahay muna tumira habang nasa kanya si Iñigo. At pumayag naman siya.

-*-

Sa panahon ng inilagi ni Iñigo sa bahay. Napalapit ako sa bata. Super close na nga kami. Though may pagkamasungit talaga ang itsura nya. Hindi ko masabi o talagang suplado lang sya. Lagi syang naglalaro mag-isa. Kadalasan ay ang telepono ang nilalaro na kunwari ay may kausap. Sobrang nakakaaliw talaga.

"Hon, gusto ko ng magkaanak tayo." sabi sa akin ni Carlo na kakadating lang ng bahay. He hugged me from my back. Saka hinalikan ang balikat ko.

Lumudag ang puso ko sa mga sinabi nya. Ni hindi nga nya ako inaalok ng kasal pero eto sya humihingi ng anak. Hindi ba dapat na kasal muna bago ang baby? Pero sabagay hindi na din naman uso sa panahon ngayon ang mga iniisip ko. Kung hindi sya seryoso sa akin. Hindi nya naman siguro hihingin ang bagay na alam ng namin na isang seryosong responsibilidad para sa aming dalawa.

And from that moment. I found myself kissing him back. Ni hindi ko na nga alam kung paano kami nakarating sa kwarto...

-*-

Wala na akong mahihiling pa sa nangyayari sa buhay namin ni Carlo. Too good to be true na nga eh. Sobrang saya namin. Nasasabayan ko na din ang ugali nya. Para hindi kami mag-away. Pero hindi pa din nawawala ang bigla bigla nyang pagkawala. Nagiging busy daw sya sa trabaho. Kaya minsan o madalas nakaoff ang phone nya. Kapag tuloy importante yung sasabihin ko ay kailangan ko pang antayin ang tawag nya. Hindi na din kasi kami madalas magkita dahil pareho na naman kaming busy.

"Hon I'm 8 weeks pregnant" abot tengang ngiti ng sinabi ko sa kanya ng tawagan nya ako.

Sobrang saya ko talaga ng malaman ko na buntis ako. Hiniling nya 'to di ba? At ngayon nga magkakaanak na kami. Bubuo na kami ng isang pamilya.

"Hello, hon nandyan ka pa ba?" tanong ko ulit. Hindi ko na kasi sya madinig sa kabilang linya." tiningnan ko ulit ang celfone ko, takte putol nga ang tawag.

Okay lang yan madami pang araw. Bawal ako mastress,hehe...

Dumaan na naman ang mga araw. Wala na naman akong balita kay Carlo. Gusto ko ng maasar dahil sobrang excited na akong sabihin sa kanya ang magandang balita pero wala eh... Walang ha ni ho. Psh.

"Carlo, im pregnant" masaya kong bungad sa kanya. Nang muli syang tumawag after hundred years.

"Gwen, may kailangan tayong pag-usapan." seryoso nyang sabi.

"Ano yun?"

Ganon ba kaimportante ang sasabihin nya at binalewala nya ang sinabi ko na magkakaanak na kami? Ayaw na ba nya? Kinakabahan ako sa mga sasabihin nya. Ang dalang lang neto magsalita ng seryoso. At yung mga panahon pa ng pagseseryoso na nakita ko sa kanya ay ang mga panahon na nag-aaway kami.

"I love you" yun ba yung sasabihin nya? Parang tanga lang eh, kinabahan pa talaga ako sa 'i love you'

"I love you too hon" nangingiti kong tugon. Hanggang ngayon kasi ay kinikilig pa din ako sa mga 'i love yous' nya.

"Hon" muli nyang sabi. Bakit ba kasi masyadong seryoso 'tong taong 'to? State of shock ba ito.

"Bakit?"

"I'm married" parang patalim na sumaksak sa puso ko yung sinabi nya. 4 years na kami di ba? Napikot ba sya sa trabaho? Nakabuntis ba sya? Bakit hindi nya agad sinabi sa akin?

"Kailan pa?" pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Ayoko din na madinig nya na hindi ako okay. Talunan na ako eh, kahit pagbali-baliktadin ko ang mundo. Kailangan ng matapos ang lahat. Pero paano ang anak ko? Ang anak namin.

"Four years ago, 2 months bago kita nakilala" ouch lang... sobrang sakit. Biglang bumaligtad ang mundo ko. Sa apat na taon na pinagsamahan namin. Buong akala ko pag-aari ko sya. Almost perfect na ang love story ko eh. Akala ko ako ang Queen ng buhay nya. Pero ngayon. Ako ang OTHER WOMAN. Bakit hindi ko nalaman agad. Bakit hindi ko napansin ang mga signs. Bakit ang tanga ko?

"So this means goodbye?" kahit ayoko. Kelangan ng matapos ang kahibangan namin. All this time kasalanan pala ang ginagawa namin.

"Gwen, I'm sorry. Ayokong mawala ka sa akin pati ang anak natin. Mahal na mahal kita pero, mali na ang nangyayari. Buong akala ko na kaya kitang panagutan. Na kaya kong iwan ang pamilya ko para sayo. Pero si Iñigo, ayaw kong mawala sya sa akin. Ayaw kong dumating ang panahon na kamuhian nya ako dahil sa pag-iwan ko sa kanila. Pero believe me Gwen, ikaw lang ang mahal ko" dinig ko ang pag-iyak nya sa kabilang linya. Ibig sabihin hindi nya pamangkin si Iñigo, kundi anak nya.Swerteng buhay 'to oh, anak pa pala nya ang inalagaan ko. Nasasaktan ako sa sitwasyon namin lalo na sa magiging sitwasyon ng anak ko.

Handa na ba akong palakihin sya ng mag-isa? Paano ko sasabihin sa kanya kung nasaan ang tatay nya kung sakaling hanapin nya pagdating ng panahon?

"Okay lang yun" ang plastic lang ng sagot ko. "Ayusin mo na ang pamilya mo. Hindi kita guguluhin.. Goodluck" tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

*Ding dong*

Natigil ang pag-emote ko. Pinunasan ko ang luha ko. Ayaw ko namang makita ako ng bisita ko na mukha akong zombie.

"Gwen, bigyan mo ako ng konting panahon. Don't leave me please" sabi ni Carlo na nasa harap ko ngayon at umiiyak.

Bigla ko syang niyakap. Ayaw nyang mawala ako? Nasasaktan ako sa mga sinabi nya, pero wala akong maramdamang galit sa sarili ko. Ganito ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Na kahit niloko ka nya ng matagal na panahon ay tatanggapin mo na lang.

"Hi-hindi ako aalis sa tabi mo. Hanggat hindi mo sinasabi. Hindi ako bibitaw hanggat ayaw mong bumitaw." hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi ko sa kanya. Pero kahit ganon pa man, sigurado ako sa sinabi ko.

Handa akong maging OTHER WOMAN sa kanya. At wala akong pakialam sa sasabihin ng mg tao sa akin. Mahal ko sya kaya hindi ako bibitaw hanggat hindi nya sinasabi. Handa akong tiisin lahat ng paghihirap na pwede kong kaharapin. Basta huwag lang bumitaw si Carlo.

-o-

Dahil bago na ang stage ng buhay ko. Kinailangan ko ng magresign sa trabaho. Hindi ko naman kailangan na magtrabaho dahil may sarili akong business. Umuwi na ako sa poder ng mga magulang ko. Kailangan ko sila, lalo na at hindi ko alam ang gagawin ko sa kalagayan ko. Natanggap naman agad nila ang pagbubuntis ko. Hindi ko sinabi sa kanila ang kalagayan ni Carlo. Paniguradong magkakagulo kapag nalaman nila. Sinabi ko na busy sya kaya hindi ako madadalaw mukhang at mukhang naniwala naman sila.

"Gwen, let's break up" halos madurog ang puso ko sa sinabi nya sa kabilang linya ng telepono.

Hindi ba handa ako para dito?

"Hindi ko pala talaga kaya. I'm sorry" tumulo na ang mga luha ko. Napanganga ako sa mga sinabi nya. Nabingi na ako sa mga paliwanag nya.

Wala na kami. Desidido na sya.

"Bakit sa telepono mo 'to tinatapos?" tanong ko sa kanya na hilam pa din ang mga mata ko sa pag-iyak.

"Ayokong magbago ang isip ko. Kapag nagkita tayo. Baka imbes na layuan kita. Hilahin na naman kita pabalik. I'm sorry. Kalimutan nyo na ako ng anak natin."

Napapikit ako sa mga sinabi nya. Namanhid ang buong katawan ko

"GWEN DINUDUGO KA!!" sigaw ng nanay ko.

Kapapasok lang nito sa kwarto ko. Napatingin ako sa binti ko. May dugo nga. Pati ba naman baby ko mawawala sa akin?

"Ma, ang baby ko" lalo akong napaiyak. Iniwan na nga ako ng tatay nya pati ba ako iiwan nya?

Halo halong emosyon ang bumalot sa akin. Ayokong mawala ang anak ko. Siya na lang ang natitira na meron ako galing sa kanya.

-*-

Nagising ako sa ospital. Wala na ang anak ko. Ako na yata ang pinakamalas na nilalang ng panahon na yun. Dalawang importanteng tao agad ang nawala sa akin. Iniwan nila ako na hindi man lamang nila pinansin yung mararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.

Ilang beses din akong tinanong ng parents ko kung nasaan si Carlo. Dahil ayaw kong magalit ang mga magulang ko sa kanya ay sinabi ko na nasa ibang bansa sya para sa isang seminar. At sa pangalawang pagkakataon ay naniwala naman sila.

Pag-uwi ko ng bahay ay pinilit kong tawagan si Carlo. Gusto kong itanong kung bakit hindi man lang nya ako dinalaw? Hindi ba mahalaga ang anak namin para sa kanya. Nalungkot din ba sya sa pagkawala ng baby namin? Ang pagkikita namin ay magiging huli na. We need closure. Hindi naman kasi ito break up na kayong dalawa lang ang involve. Nagkaroon kami ng anak.

Ilang buwan din bago ko sya napapayag na magkita kami. Kinailangan ko pang magcommute para lang makita ang meeting place namin. Hindi kasi ako pamilyar sa lugar. Bumaba ako sa isang school. Nagpalinga linga ako para hanapin sya. Bago ko pa nakuha ang phone ko sa bag para itext sya ay may humawak na sa kamay ko. Ang init ng kamay nito. Napatingin ako sa taong naglakas loob hawakan ang kamay ko. Tulad ng inaasahan ko si Carlo.

Tinanong nya ako kung saan kami mag-uusap. Sinabi ko na hindi ako pamilyar sa lugar. Kaya sya na ang nagdesisyon kung saan kami mag-uusap. Nagulat ako ng sumakay kami sa isang bus.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko" pinilit nyang ngumiti.

Hinawakan ko ang noo nya. Ang taas ng lagnat nya. Nagsisi pa ako kung bakit pinilit ko syang magpunta.

Nakarating kami sa isang hotel. Nagcheck in kami. Imbes na makapag-usap kami ay inalagaan ko sya. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari. Gusto ko syang sumbatan sa mga ginawa nya. But it turned out to be na ang galit ko ay naging pag-aalala. Inalagaan ko sya. Hanggang sa bumuti ang pakiramdam nya. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan...

Ginising ako ng mga halik nya. Gustong tumutol ng isip ko pero hindi ang katawan ko. Sobrang namiss ko sya. Bawat halik na binibigay nya. Parang tinatanggal lahat ng sakit.

"Mahal kita" he said between our kisses.

"I'm sorry" muli nyang sabi.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ibinigay ko na pala sa kanya. Hindi ko ito pinagsisisihan. Mahal ko sya at ang tanging alam ko ay para lang ako sa KANYA. Ang lahat sa akin ay sa kanya.

Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang talagang pakay ko. Natulala ako sa nagawa na naman namin.

"Pinakasalan ko sya dahil buntis na sya. Ayoko man pero kailangan ko syang panagutan. Sa ilang buwan na pagsasama namin. Hindi nawala ang away namin. Hindi kami magkasundo. Nagpapakisamahan na lang kami para sa anak namin" sabi nya sa akin.

"Pero nang nakilala kita. Alam ko mahal kita. Gusto kong makasama ka. Pero nakukunsensya ako. Ilang beses na ko ng binalak na hiwalayan ka. Pero hindi ko magawa. Makita lang kita na may ibang lalaki na umaaligid sayo. Pakiramdam ko masisiraan ako ng bait." takte lumulundag ang puso ko sa sinasabi nya.

"Nung dinala ko sa bahay mo si Iñigo. Dun ko narealized na gusto kong magkaroon tayo ng anak. Alam ko na magiging unfair yun pagdating ng panahon. Pero yun lang ang alam kong paraan para hindi ka lumayo. Mahal kita Gwen" he said while holding my hand.

Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi nya. Kahit mahal namin ang isat isa. Kailangan na naming maghiwalay. Hindi dahil sa wala kaming magagawa kundi ito ang tama. Kahit ipaglaban namin kung ano ang meron kami. Dadating at dadating pa din ang sitwasyon na kailangan nyang mamili. At wala akong magiging laban sa sitwasyon na ang pamilya ang piliin nya. Huli na ang lahat para sa amin...

-*-

Wala ng patutunguhan...

Kahit na hindi namin gustong sumuko. Kailangan pa din namin. Wala na kaming laban. We will love each other seperately. Ang huling beses na pagkikita namin ay ang climax ng love story naming dalawa. Hindi na kailangan pang umasa na babalik sya.

Tulad ng sinabi nya...

Babalik lang kami sa dating sitwasyon kapag nagkita kami. At yung one last time na hiningi ko sa kanya bago kami maghiwalay ang patunay na...

Ang love na meron kami sa bawat isa ay dadalin lang kami sa ulan ng kalungkutan.

I guess that this is the end.

"We've reached the climax"

After 3 years...

"Mama, nasaan po ang Papa ko po?"

Niyakap ko ang anak ko. Hanggang ngayon hirap pa din ako ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa tatay nya. Ayoko na lumaki sya na galit sa tunay nyang ama.

"Baby , nasa heaven na si Papa mo. Pero kahit hindi natin sya kasama ngayon. He's watching you from heaven. Sobrang mahal ka nya." kinailangan ko pa talagang mag-imbento ng kwento para di na magtanong ang anak ko.

Binuhat ko sya, papalabas ng mall. Ayoko na magtanong pa sya ulit tungkol sa mga bagay. Manang mana sya sa ama nya sa kilos at ugali. Buti na nga lang mas kamukha ko si CJ. Kung hindi magiging little Carlo talaga sya.

"Gwen" halos manlaki ang mata ko ng makita ko sya sa tapat namin ni CJ. Nakatingin sya sa batang karga ko .

Dahil sa takot ko na malaman ni CJ ang totoo at masaktan sya sa sitwasyong mayroon ang ama nya. Dali dali akong tumakbo habang karga ang anak ko.

Dinig ko ang pagtawag ni Carlo sa akin pero hindi ko sya nilingon.

Natapos na ang lahat sa amin...

Wala ng balikan...

Wala ng iyakan...

At wala ng masasaktan pa.

'Coz this is Our Climax" :(

avataravatar