webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 9

Xam's POV

Nang umuwi na ako galing sa mall, namumugto na ang mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha doon palang sa mismong sandali ng aming pagtatalo or should I say confrontation.

Hindi na ako umimik nang marinig ko ang gusto kong marinig na yong ring nakakasakit sa damdamin. Inaamin kong nagkamali ako sa pag reject kay Kim noon, sino ba naman kasi ang hindi tatanggi kung ang lola mo ay nag aagaw-buhay?.

Ever since that day came, hindi na masyado naging sweet si Kim sa 'kin. Yung extra sweet, kapag may kaunting pawis sa noo ko, papagalitan ako. Kapag nilalagnat, hindi a-attend ng classes para lang maalagaan ako. So much for a fucking rejection.

Hindi ko akalaing tatlong buwan na silang nag kikita, at hindi ko man lang 'yon napansin!. Ngunit ang lungkot na 'yon ay napalitan ng inis dahil sa peste'ng babaeng 'yon!.

Pasulpot-sulpot siya kung saan ako! Nakakairita na!. Nakakasawa ang mukha niya, para akong nakakakita ng daga. 'Yong bunny na tinawag ko sa kaniya? Scam 'yon! Balyena, baboy talaga tawag ko sa kaniya.

Naghahalo ang inis, galit, lungkot. And trust me, hindi maganda sa pakiramdam. Parang gusto mong manapak kasi galit ka pero at the same time hindi kasi may lungkot at panghihinayang sa kaloob-looban mo.

Matamlay ko'ng inilock ang kotse ko pagkatapos ko'ng ipark sa garahe. Alas dose na ng hating gabi, patay na lahat ng ilaw bukod sa mini chandelier sa kusina. Nasisiguro kong iniwan 'yong nakabukas para sa pag dating ko. Pagkapasok na pagkapasok ko, agad ko'ng inalis ang mga sapatos ko at pinalitan ng tsinelas.

Bagsak ang mga balikat ako'ng nag lakad papunta sa sofa at pasalampak na naupo. Isinandal ko ang batok ko sa sulok ng sofa. Tumingala ako sa kisame at doon na naman nag simulang pumunta sa kung saan ang isipan ko.

Iniisip ko kung bakit nagawa ni Kim na lokohin ako. Iniisip ko kung bakit hindi niya ako naintindihan nung araw na 'yon. Iniisip ko kung bakit.. napakasinungaling niya..

Napapikit na naman ako nang maramdaman ko ang mainit ko'ng luha na dumadaloy mula sa aking mga mata papunta sa aking t'enga. Masakit, napakasakit. Kung pwede lang patayin ang sakit na nararamdaman ko ngayon, naging brutal na sana ako sa pag patay pero hindi, e. Napabuntong-hininga ako, nag mulat ng mata tsaka hinayaang mag punta sa kung saan ang isipan ko.

Wala akong pakialam kung alas dose na ng hating gabi at may klase pa bukas. Wala akong balak na pumasok. Parang apektado buong katawan ko dahil lang sa sakit na nararamdaman ko sa aking dib-dib. Lahat masakit, kahit nga pag tayo, e. Nawalan ako ng gana.

Sana mawalan rin ng gana ang sakit sa pagpapasakit ng puso ko. Sana kunin lahat ng sakit na nararamdaman ko, kahit ngayon lang. Ilang minuto ang lumipas ng may kumatok sa pinto namin. Nangunot ang nuo ko.

Tumayo ako, dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto para pagbuksan kung sino man ang kumatok. Ang sakit kanina ay medyo nabawasan dahil sa kaba na lumukob sa aking puso. Hinawakan ko ang doorknob tsaka akmang pipihitin pabukas ng maalala ko na baka si Kim 'yon.

Napabuntong-hininga ako tsaka binitiwan ang doorknob. Naglakad ako papunta ulit sa sofa, naupo tsaka tiningnan ang gawi kung saan ang pinto.

Hinintay ko kung kakatok pa ulit. Sinabi ko sa sarili ko'ng kapag tatlo lang ang katok, pagbubuksan ko. Kapag lumampas, sigurado si Kim 'yon. Ilang segundo ang lumipas ng kumatok ang nasa labas.

Tok! Tok! Tok!

Napamaangan ako. Tatlo lang yung katok. Napalunok ako tsaka ulit na tumayo, tinahak ang daan papunta sa pinto tsaka marahang binuksan. Sinilip ko kung sino ang nasa labas pero wala ako'ng makitang tao. Mas dumiin ang pangunot ng nuo ko.

Sinulyapan ko ang mag kabilang gawi pero wala akong nakita. Bigla akong kinilabutan, nagsi-taasan lahat ng balahibo ko. Hindi ako makagalaw, naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Nang may makita ako'ng bulto sa may gate sa labas, nakaupo. Hula ko'ng babae. Imbes na mawala ang takot ko, mas tumindi 'yon ng makilala ko kung sino ang babae'ng 'yon!

Si Lola!

Natulos ako sa may pinto habang nakangangang nakatitig sa likod ng lola ko. Malalaki ang mata ko. Tumayo si lola tsaka nag simulang maglakad papunta sa akin! Wala akong magawa! Pero lola ko naman siya, hindi ako no'n tatakotin.

Kumalma ang nagwawala kong puso kanina. May tiwala ako kay lola. Nang mapunta na siya sa harapan ko, ando'n ang mga ngiti niya'ng walang singkay ganda ng iba.

Nginitian niya ako ng napakatamis. Umangat yung dalawa niyang kamay tsaka hinaplos ang aking mga pisngi, nangilid ang mga luha niya sa kaniyang mga mata at gano'n na rin ang akin.

"Pasensiya na, apo ko. Nang dahil sa akin ay naranasan mo ito".

Nagulat ako sa sinabi niya, mas nagulat ako nang mag umpisa na si lola na umiyak! Hindi ako gano'n ka close sa lola ko pero ngayon parang siya lang ang nakasama ko sa buong buhay ko.

"Pasensiya na at mas inuna mo pa ako kaysa sa nobya mo".

Marahas akong umiling-iling habang nakatingin sa mga mata ni lola.

"N-No, la, hindi mo kasalanan. 'Wag ka mag sorry".

"Just always remember I love you, and I'm sorry".

Nagsimula na siyang nag fade, unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig niya. Ang mga kamay na kaninang humahaplos sa mga pisngi ko, nagsisimula ng mabura sa paningin ko. But before she leaves, may sinabi siyang nakapagpalito sa akin.

"The right one is already here".

'Yon nalang ang sinabi niya bago tuluyang mawala.

Tok! Tok! Tok!

Nagpabumalikwas ako ng gising dahil sa tatlong katok na 'yon. Hindi ko na akalaing nakatulog pala ako sa sofa habang nakaupo. Siguro sa sobrang pagod, hindi lang pampisikalan kundi pang emosyonalan.

Habol ang hininga akong umupo ng nakayuko ang ulo. Panaginip lang pala 'yon. Miss na miss ko na ang lola ko, hindi man kami close pero sa araw-araw na nandito siya sa bahay, feeling ko may kakampi ako. Nangilid uli ang luha ko dahil sa napanaginipan kong 'yon.

Nanakit ang likod at batok ko, medyo nalulula pa ako dahil sa biglaang pag gising. Tanginang katok naman kasi. Nakailang hinga pa ako ng malalim bago tumayo at inis na tinungo ang pinto at marahas iyong binuksan.

Kunot na kunot ang mga nuo ko'ng tiningnan ang nasa labas. Gano'n nalang ang sobrang gulat ko nang makita si Balyena sa labas ng pintoan. Nakapamulsa, naka-cap na plain Black, pansin ko'ng nag bihis siya.

All Black siya ngayon mapasapatos hanggang sa kalo. Pinangunotan niya rin ako ng nuo tsaka taas ang kaliwang kilay na pinasadahan ako ng tingin.

"Tangina, 'di ka pa nag bibihis?" Iritado niya'ng tanong.

Napatanga ako. "Pakialam mo ba! Eh natulog ako eh!".

Tumingin siya kaliwang gawi niya tsaka napabuntong-hininga. "Mag bihis ka, all Black".

"Ano na naman ba'ng trip mo?! Atsaka ba't andito ka? Sinusundan mo 'ko 'no!".

"Pasalamat ka nga at dinadamayan ka pa'ng ugok ka. Mag bihis ka na do'n!".

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Sarkisto ko'ng tanong.

"Kasi ako master mo".

"Lakas ng tama mo eh 'no?! Singhot pa rugby!".

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang, atleast ngayon lang, ikaw? Araw-araw at hindi lang rugby, pati katol hinihit-hit mo".

Dumoble na ang galit at inis ko na nasa punto na ako'ng pagpipigil sa pag sapak sa mukha niya. Gusto ko siyang kalbohin! Gusto ko siyang tirisin na parang kuto!

"Oh ano? Bibihis ka o ibabalibag kita?" Maangas ngunit may yabang na tono sa pagkakasabi ni Balyena.

"Oo na! Namoka".

Hana's POV

Pasalamat nga siya at nag effort pa ako mag kuha ng location niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, e. Nakakaawa masyado si aso kanina, kahit iniinis ko siya kanina sa mall, nando'n ang awa. Hindi ako makapag focus kanina sa sinehan, nag punta sa kung saan-saan ang isipan ko. Pilit ko'ng hindi ipahalata ang pagmamadali ko nang matapos ang pinapanood namin.

Gumawa ako ng excuse dahilan para pakawalan ako kaagad nila Rex at Cy. Hindi naman gano'n kalayo ang Women's Dormitory sa mall. Mga tatlong kanto lang, oo tatlong kanto pero hanep ang layo bago kada kanto.

Nag commute nalang ako papunta sa WD. Pagkarating na pagkarating ko doon, saktong alas onse na.

Nag shower muna ako, nag bihis. All Black para naman ramdam ang pakikiramay sa nabasag na puso ni aso. Nag polbo, nag lagay ng kaunting tint sa lips at tsaka ko kinuha ang belt bag ko. Lumabas ako tsaka pumunta sa Men's Dormitory, doon ko kinuha ang address ni aso.

Nag commute ako papunta doon sa bahay nila.

King ina'ng aso 'to.. Umuwi pa talaga siya sa bahay nila, napamahal tuloy ako sa pamasahe!

Nang makarating sa village nila, pinahinto ko ang sasakyan sa may entrance palang. Gusto ko'ng lakarin ang papunta sa kanila, atsaka baka marinig ni aso ang tunog ng sasakyan. Nang marating ko, napamangha ako sa bahay nila, hindi man kasing engrande ng ibang mayayaman pero isang sulyap mo palang. Nananakit na sa mata mo sa sobrang mahal ng mga gamit.

Saktong alas dose ng hating gabi nakarating na ako doon, nakailang lipas pa ng segundo bago ako kumatok. Hindi ko naman 'yon sinasadyang mapalakas, malakas lang talaga ako. Eheh. Nang pagbuksan ako ni aso, namumugto ang mga mata niya. Batid ko'ng galing sa pag iyak.

Nakakunot ang mga nuo, ando'n nanaman ang kamumuhian sa mga mata niya.

"Tangina, 'di ka pa nag bibihis?" Iritad ko'ng tanong.

Napatanga siya. "Pakialam mo ba! Eh natulog ako eh!".

Tumingin ako kaliwang gawi ko tsaka napabuntong-hininga. "Mag bihis ka, all Black".

"Ano na naman ba'ng trip mo?! Atsaka ba't andito ka? Sinusundan mo 'ko 'no!".

"Pasalamat ka nga at dinadamayan ka pa'ng ugok ka. Mag bihis ka na do'n!".

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Sarkisto ko'ng tanong.

"Kasi ako master mo".

"Lakas ng tama mo eh 'no?! Singhot pa rugby!".

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang, atleast ngayon lang, ikaw? Araw-araw at hindi lang rugby, pati katol hinihit-hit mo".

Dumoble na ang galit at inis niya na nasa punto na ako'ng pagpipigil sa pag sapak sa mukha ko. Na para bang ako na ang pinakapangit na bagay sa buong mundo.

"Oh ano? Bibihis ka o ibabalibag kita?" Maangas ngunit may yabang na sa tono na sabi ko.

"Oo na! Namoka".

Napangisi ako. Papayag naman pala, ang dami pang arte. Tsk, bading. Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko'ng muli ang pagbukas ng pinto sa may likuran ko. Hindi ko na siya nilingon tsaka dumeretso sa garahe nila kung saan ang kotse niya. Huminto ako sa may passenger seat tsaka siya hinintay na lumapit.

Taka siyang tumingin sa akin. "Ano? Pinagbihis mo ako tapos dito lang pala tayo pupunta?".

"Ang slow mo naman! Kotse mo gagamitin natin!" Inis kong singhal sa kaniya.

"Ba't kotse ko?! Ikaw nag aya!".

"May nakikita ka ba'ng ibang sasakyan sa labas?" Sarkisto kong ani habang iminumuwestra ang kamay sa labas.

Tumingin naman siya at napapahiyang bumaba ng tingin. "W-Wala..".

"Oh? 'Yon naman pala, e! Ayaw mo naman atang sayangin ang porma nating dalawa? Ikaw na mag drive".

"Wala naman akong choice! Tsk".

Muli akong napangisi. 'Di talaga tatagal ang isang 'to sa kayabangan at kaangasan ko. Binuksan niya tsaka pumasok sa loob, 'di naman ako nag aksaya pa ng panahon, pumasok na rin ako sa loob ng kotse niya.

Isinuot ko ang seatbelt, gano'n rin si aso. Binuksan niya ang aircon. Nakakunot pa rin ang nuo na nilingon ako.

"Ano na!?" Inis niyang singhal. 'Di naman ako nag patinag.

"Drive".

"Saan nga?!".

"Sa lugar kung saan mo gustong pumunta sa mga oras na malungkot ka".

Doon ko siya nilingon, halata'ng nagulat siya. Nakita ko pa ang pag lunok niya tsaka bumuntong-hininga. Ilang segundo ang lumipas bago siya mag salita.

"Okay, you said it".

"GINAGAGO MO BA AKO, ASO?" Asik ko nang makita ko kung saan kami ipinunta ni aso.

"What? Sabi mo pumunta sa lugar kung saan gusto kong puntahan kapag malungkot ako. Oh," Iminuwestra niya ang kamay niya sa labas "Hayan".

"Amusement park?".

Nasa tono ng boses ko ang pagsisigurado kung tama ba ang iniisip niya o hindi. Wala namang masama kung sa amusement park gusto ni aso pumunta, 'di ko lang in-expect, ang inaasahang ko'ng gusto niyang puntahan ay beach. And second, the worse, naka all Black kaming dalawa.

Alam ko'ng kasalanan ko pero for the second time, hindi ko inaasahan ang dapat na asahan sa isnag isip -bata. Napabuntong-hininga ako tsaka inalis ang seat belt. Marahan kong isinara ang pinto ng kotse niya tsaka hinintay si aso na lumabas ng kotse.

Nang makalabas, tumabi siya sa akin. 'Di gano'n ka close pero kung iba akong tao, mahahalata ko'ng mag kasama kami ni aso. Nagsimula na kaming pumunta sa ticket booth. Binigyan kami ng blue and red tie sa wrist namin bago pumasok.

Nang tingnan ko ang mukha niya, nagulat ako nang makita ko'ng nangilid ang mga luha niya sa mga mata niya

Agad ko'ng kinuha ang panyo ko- syempre always prepared sa mga scenes na ganito. Kinuha ko ang panyo ko tsaka inilahad kay aso. Gulat naman siya'ng tumingin sa panyo tsaka sa 'kin. Pinagpapalit niya pa muna ang tingin niya bago tanggapin ang panyo

"Mukhang diring-diri ka sa panyo ko, a? Nag iisip ka pa pa talaga?" Sarkisto ko'ng ani.

"'Di lang ako sanay sa pagiging mabuti mo" Simple nito'ng tugon.

"Masanay ka na kasi sanay na ako".

"Ba't ba kasi ganito ang pag akto mo? Una sa field, sunod sa school, sunod dito.".

"Naranasan ko na at nararanasan ko pa rin ang pinag dadaanan mo ngayon," Ani ko habang diretso'ng nakatingin sa malaking ferris wheel, alam ko'ng natigilan siya at ngayon ay nakalingon na sa akin "At ayoko'ng may nakakaranas ng gano'n".

Nanatili siyang tahimik. Batid ko'ng nakikinig talaga. Doon ko siya nilingon, tiningnan sa mga mata. Nando'n pa rin ang pamumugto ng kaniyang mg mata. Naaawa talaga ako sa kaniya, alam ko ang pakiramdam ng maiwan. 6 years ago..

Umiwas ako ng tingin tsaka itinuon kung saan ang aking mata. Tahimik pa rin siya kaya sinyales na 'yon na gusto pa niyang makinig ng ikukwento ko. Bumuntong-hininga ako bago ulit mag salita.

"6 years ago, naranasan ko'ng maiwan ng isang taong mahal ko. Hindi dahil kasalanan niya, kundi kasalanan ko," Natahimik ako ng mag simula nang mangilid ang mga luha sa mga mata ko "Na sapak ko siya dahil sa pag papanggap niya bilang kapatid niya na siyang crush ko dati," Tumingala ako sa langit na puno ng bituin para mapigilan ang pilit na mag kawala ng mga luha sa mga mata ko "Mula noon, bigla nalang ako umalis at pilit siyang iniiwasan".

Pero sadyang taksil ang mga luha ko dahil tuluyan ng kumawala at dumaloy papunta sa t'enga ko. Nakatingin ako sa taas, e malamang papunta sa t'enga ko. Napakurap-kurap ako ng makaramdam ako nang may pumahid ng luha ko. Marahas ko'ng ipinilig ang ulo ko sa gawi ni aso, gulat ako'ng napatingin sa kaniya.

Wala man lang reaksyon sa mukha niya o kahit na emosyon. Pagkatapos mapahid ang mga luha ko, kinuha niya ang kamay ko sabay lagay ng panyo sa palad ko.

"Next time, kung gusto mo'ng makatulong sa mga nalulungkot," Tinitigan niya ako "'Wag ka rin malungkot, ikaw na nga lang bibigay ng kasiyahan sa tao, e ikaw pa nag dadrama".

Napamaangan ako. "Hoy! Pasalamat ka nga at pinuntahan kita sa bahay niyo! Kundi-".

Pinutol ni aso ang dapat na sasabihin ko. "Kundi ano?," Pumunta siya sa harapan ko nang naka pamulsa "Sige nga, kundi ano? Hana" Binigyan niya ng diin ang pangalan ko.

'Di ko alam pero parang kinilabutan ako sa pag banggit niya ng pangalan ko. Parang nakakataas na tao ang nag sabi no'n. Parang hindi si aso ang nag sabi no'n. Iba ang aura niya ngayon. Parang may awtoridad.

"Kundi ando'n ka pa rin sana sa bahay niyo nag mumok-mok dahil iniwan" Maarte ko'ng ani.

"Hoy! Wala kang pakialam kung mag mok-mok man ako o hindi!".

"'Wag kang mag mok-mok sa mga walang kwentang tao, they ain't worth your tears".

"Palibhasa 'di mo naranasan ang masaktan-".

"At bakit ka sigurado? Nakasama ba kita mula sa pag ka bata ko?" Sarkisto ko'ng ani.

Natigilan siya tsaka napapahiyang yumuko. Napabuntong-hininga ako.

"Look, nevermind what I said. Let's focus on you, anong gusto mong gawin?".

Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya tsaka ako tiningnan sa mata. Napalunok ako, ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay may pinakakaba ang puso ko. Unti-unti akong umiwas ng tingin tsaka inilibot ng tingin ang paligid.

"Gusto ko mag ferris wheel" Kapagkuwan ay sabi niya.

"Edi pumunta tayo. Pera mo, a?" Ngingisi-ngisi kong ani habang inuunahan na siya ng lakad papunta sa Ferris Wheel.

"Hoy! Ba't ako!?" Rinig ko mula sa likuran ko.

Hinintay ko siyang pumantay ng lakad sa akin bago ako mag salita

"Kasi wala akong dalang pera".

"Ba't 'di ka nag dala?!".

"King inang 'to.. 'Di ko naman kasi inaasahang sa amusement park ka pupunta pag malungkot! Atsaka ang mahal ng bayad papunta doon sa village niyo".

Napatanga siya sa akin. "Para lang sa bente? Hanep, a? Angas mo!".

"Ngayon mo lang napansin?" Mas lumawak ang ngisi ko ng marahas siyang bumuga ng hininga.

"Oo na! Wala naman ako'ng choice, e." Inis niyang asik.

"Papayag naman pala, dami pang satsat".

"Ikaw kasi!".

Tumigil ako sa pag lalakad tsaka humarap sa kaniya. Tumigil rin siya tsaka inis na tiningnan ako na may nag tatanong na mukha.

"Oh? Ba't tumigil ka? Ano? Bubuhatin pa kita?" Inis niyang tanong.

Eh kung ibalibag kita? Tibay mo, namoka.

Ani ko sa isipan ko. Ilang segundo pa muna ang pinalipas ko bago mag salita.

"Kung ayaw mo, edi ikaw nalang mag isa ang sumakay nang hindi 'yan masayang na pera mo" Pinaikot ko ang mga mata ko.

"Ako na nga 'di ba? Tara na!".

Natawa ako tsaka napailing-iling. Pinatuloy ko ang paglalakad hanggang sa marating namin kung saan ang ferris wheel.

Xam's POV

In fairness, a? Nabawasan ang lungkot ko ngayong gabi. Kasulukuyan kami'ng nandito sa seaside nag aya si Balyena. Uuwi na ata sa dagat. Hahaha. Ipinark ko ang kotse ko sa may buhangin na, patalikod sa dagat para doon kami sa likod umupo. Pagkatapos namin mag ferris wheel, nag punta pa sa bumper cars. Grabe yung tawa ni Balyena habang nakikipag-bunggoan ng sasakyan.

Masaya naman ako dahil ngayon lang ako pumunta dito na may kasama. Kahit si Kim, 'di ko naidala dito dahil ang rason ko nga ay kapag malungkot ako, dito ako pumupunta. Ayoko siya'ng dalhin sa lugar kung saan ko inilalaan ang atensiyon kapag malungkot. Ngunit 'di ko inaasahang siya rin pala ang dahilan ng kalungkutan ko ngayon.

Bumalik ang kirot sa dibdib ko, mabilis na nangilid ang mga luha ko. Nakaupo ako sa likod ng kotse ko, samantala si balyena, ando'n sa dagat nag lalaro sa tubig. Nang tuloyang tumulo ang mga luha ko, hinayaan ko lang 'yon. 'Di ko na kayang tiisin ang sakit na idinulot ni Kim.

Hinayaan ko lang mamalisbis ang sunod-sunod na mga luha sa pisngi ko. Panay buntong-hininga ko habang inaalala ang masasayang sandali namin ni Kim sa tatlong taon naming pagsasama. At mas nasaktan ako nang makita ko'ng suot niya ang dress na ibinigay ko sa kaniya na kasama ang lalaking 'yon.

"-Hoy!".

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko si Balyena. Napakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Meron siyang nagtatanong na naiinis na ekspresyon sa mukha. Kaagad akong umiwas ng tingin tsaka pilit na ibinalik ang kaninang naiirita kong mood.

"Oh ano?" Irita ko'ng tanong.

Sa totoo lang, nagpapasalamat ako kay Balyena dahil pinuntahan niya ako sa bahay. Hindi man siya ang inaasahan ko'ng pupunta pero atleast natulongan niyang bawasan ang matinding kirot sa puso ko. Ngayon lang rin ako nakakita ng babae'ng may ugali tulad ni Balyena. Si Kim, 'di siya gano'n. Magagalit pa nga 'yon kung malungkot ako.

"Nasaan ba 'yang utak mo? Kanina pa kita kinakausap tapos 'di ka pala nakikinig".

"Ano ba kasing pinagsasabi mo!?" Sabay baling ko sa kaniya.

"Ang sabi ko," Pinandilitan niya ako ng mata "Umiyak ka lang kung ang dahilan ay nasasaktan ka, pero 'wag kang umiyak dahil lang iniwan ka".

"Eh sa mahal ko yung tao, e!".

"Mahal ka ba?".

"Bigwasan kaya kita?!".

"Nag sasabi lang naman ng totoo. Mag pasalamat ka nalang sa Diyos na ihiniwalay ka niya sa maling tao".

Natigilan ako sa sinabi niya. Tsaka napatitig sa kaniya. Natamaan ako sa sinabi niya at totoo 'yon. Nasaktan man ako, kailangan at dapat ako'ng magpasalamat dahil nga ihiniwalay ako sa maling tao.

"Sometimes, we gotta be with the wrong person to know who's right" Ani ulit ni balyena.

Wala nalang ako sinabi at nanatiling tahimik. Umiwas ako ng tingin at itinuon sa dagat ang paningin. Nakakakalma ang malamig na hangin, nakakakalma ang amoy ng kalikasan, ang ingay na ginagawa ng mga alon. Sabay sa pag hampas ng alon sa mababaw na parte ng dagat ang pag hampas ng kalma sa kabuoan ko.

Hana's POV

Ang inaasahan ko'ng pagkatapos namin sa seaside ay uuwi na pero mukhang nagkamali ako.

Nag drive papunta sa isang restaurant si aso. Oo, sa restaurant. Hula kong nagutom siya dahil sa pag mumok-mok niya dahil sa babaeng 'yon. Hahaha. Bading.

Nang makapili kami ng mesa, kaagad kaming nag order. Kasalukuyan kaming nag kwe-kwentuhan, kadalasan ay tungkol sa kaniya. Ayoko'ng pag usapan ang nakaraan ko, baka maiyak na naman ako. Labag 'yon sa kalooban ko.

"'Di ako papasok mamaya" Ani ni aso.

Nangunot ang nuo ko. Nagtatanong ang ekspresyon ng mukha ko. "Ha? Bakit?".

'Di siya nag salita, pero binigyan niya ako ng makahulogang tingin. Nakuha ko na agad ang punto niya pero ang pinagtataka ko, bakit madadamay pati pag pasok niya sa school sa nararamdaman niya? Alam ko'ng ando'n rin si Kim pero ando'n rin naman barkada niya. Mas madami pa ang pwede niya'ng pagtuonan ng atensiyon kaysa sa babaeng 'yon.

Napabuntong-hininga ako. "Sige, kung 'yan ang gusto mo".

"Ikaw?" Tanong niya siyang nag pagulat sa akin.

"Anong ako?".

Nag kibit-balikat muna siya. "Kung papasok ka ba mamayang umaga?".

Ano ba'ng iniisip ng isang 'to?

"Malamang, ano naman ang gagawin ko sa dorm?".

Napakamot siya sa ulo. Napahiya siguro. "Ayy oo nga pala".

"Ewan ko sa'yo".

Pagkatapos namin kumain. Hinatid na ako ni aso sa dorm, may kotse naman siya e. Nag pasalamat muna siya sa akin bago umalis. Nang makaalis, tumuloy na ako sa dorm, naligo ako tsaka nagbihis pantulog. Alas dos na ng umaga nang makatulog ako. Kinabukasan, may tatlong katok na gumising sa mahimbing ko'ng tulog.

Inis ako'ng tumayo, at walang ayos na pumunta sa pinto. Inis ko'ng binuksan ang pinto. At tumambad sa harapan ko si aso. Laki'ng gulat ko nang makita siya, gano'n na rin siya.

"A-Aso.."

"Mag bihis ka nga!".

Toffee | S.E.