1 Kabanata I - Karin Samonte

"Ma, malayo pa ba tayo?" Tanong niya habang nakasulyap sa bintana ng bus na kanilang sinasakyan. Katabi nito ang bintana habang siya ay nakapuwesto sa kabilang bahagi ng upuan. Nilingon siya nito at nginitian.

"Malayo pa. Matulog ka muna." Sagot nito. Tumango na lamang siya at binaling ang ulo sa kahilerang upuan ng bus. Hindi tulad ng puwestong inuupuan nila ng kanyang Ina na pang dalawang tao lamang ay tatluhan naman iyon.

Pinagmasdan niya ang tatlong tao na kasalukuyang nakaupo dito. Isang may edad na ginang at dalawang batang babae na tingin niya ay nasa pagitan ng walo at sampu ang edad ng mga ito. Pinagigitnaan ng dalawang bata ang ginang.

"Lola, totoo po ba ang magic?" Napukaw ang kaniyang atensyon sa itinanong ng bata.

"Bakit mo naman naitanong 'yan iha?" sagot ng matanda.

"Gusto ko po kasi magkaroon ng magic katulad ng mga napapanuod ko sa palabas, lola." sagot nito.

"Anong klaseng magic ba ang gusto mo?"

"Yung magic na nakakatulong at nasa panig palagi ng mabuti!" masiglang sambit nito. Mabilis namang sumingit ang isa at nagsalita. "Ako gusto ko yung black magic, tapos tatalunin kita!" sagot naman ng isa. Napataas ang kaliwang kilay niya sa narinig. Tinignan niya ang reaksyon ng naunang bata at nakitang nakasimangot lamang ito sa huli.

"Lola, kwentuhan niyo po kami." Ani ng isang batang babae na may full bangs. Ngayon niya lamang napansin ang mga itsura nito. "Oo nga po, Lola!" Masiglang pag sang ayon naman ng isang batang babae na di tulad ng nauna ay walang bangs. Kapwa ito naghihintay sa isasagot ng matanda. Nakatingin ang mga ito dito habang nakaabang na magsimula ang kanilang lola.

Natuon naman ang atensyon niya ng magsalita ang lola ng dalawang bata at magsimula itong magkwento. Tulad niya ay nakatuon din ang dalawang bata sa pagku-kwento ng matanda at namalayan na lamang niya ang sarili na mariing nakikinig sa nakakamanghang istorya nito hanggang sa hilahin siya ng antok at tuluyan ng makatulog sa biyahe.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makatulog ay narinig pa niya ang huling mga salita nito. "Love is the biggest magic of all."

"Hey!" Napaangat siya ng tingin ng pumitik ang kaibigan niya na ngayon ay nasa harapan na niya. Nakapamewang ito habang asar na nakatingin sakanya.

"Sabihin mo nga saakin. May kasama ba talaga ako ngayon?" sambit nito na may nanlalaking mata.

"Kung wala ba kinakausap mo ako ngayon?" Pabalang na sagot niya sa kaibigan. Inirapan lang siya nito at muling humarap sa kumpulan ng mga libro.

Sofia Mendiola, her bestfriend since highschool. Maingay, mareklamo at higit sa lahat noong magsabog ang kalangitan ng pagka bitter ay sinalo nitong lahat. As in. Nagsimula ang friendship nila noong mag transfer si Sofia sa university na pinapasukan niya nung highschool siya. Ilag at tahimik ito nung una ngunit kalaunan ay nagawa na nitong makipag-sabay-an sa iba pa nitong kaklase at ngayon ay nangunguna na sa pagiging magulo at maingay.

"Sure ka na ba sa pagiging working student mo?" Tanong ng kaibigan niyang ito. Binigyan naman niya ito ng irap bilang sagot. Hindi naman nito pinansin ang kawalan niya ng gana sa tanong nito at nagpatuloy padin sa paglilibot sa mga book shelves.

"Pang ilang tanong mo naba 'to? Oo nga diba? Oo." Walang ganang sambit niya.

Karin Samonte is just a typical college girl with a normal and not-so-happy life. Hindi ganun kabait at hindi rin naman ganun ka-sama. Minsan mapagbigay pero kadalasan maramot. Construction worker kung kumain, masipag pero madalas tamad. Isama na ang natutulog, nagaaral at malamang naliligo. Normal na ugali at gawain para sa henerasyon ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Puspusan ang ginagawa nilang pagre review para sa nalalapit na finals next week. Nakaraos man sila sa tambak na projects at requirements ay panibagong hell week nanaman ang sasalubong sa kanila. Napaismid siya ng parang walang narinig ang kaibigan at walang lingon siya nitong nilagpasan patungo sa isa pang kumpulan ng lumang libro.

"Hindi ko lang kasi maintindihan," saglit itong tumigil sa pagsasalita bago nagpatuloy. "Kung bakit kailangan mo pang mag work? Papahirapan mo lang sarili mo." Pabulong na sambit nito sakanya bago nag martsa papunta sa kabilang parte ng library.

Napairap na lamang siya ulit at sumunod sa kaibigan. Naiintindihan niya ito. Wala naman siyang problema sa pera dahil andyan ang pamilya niya para suportahan siya. Ngunit para sakanya, kailangan niyang matutong kumita ng sariling pera at hindi humingi nalang sa magulang. Nasa legal age na siya, kaya niya ng magtrabaho kahit pa sabihing maliit lamang ang sahod na makukuha niya roon.

"Hindi naman por que suportado ako nila mama sa lahat ng gusto ko eh iaasa ko na lahat. Ang daming gastusin sa school ngayon. Alam mo 'yan." Sagot niya rito.

Pinanlakihan siya nito ng mata.

"Wow ha." Sambit nito at umarte pa na hindi makapaniwala sa mga nasabi ng kaibigan.

"Tigilan mo ko ha! At isa pa. Iba parin ang may experience na habang maaga!"

Inirapan siya nito bago umiling. "Ewan ko sa'yo. Goodluck ha."

Huminto si Sofia sa isang hilera ng mga libro habang diniretso naman ni Karin ang lakad patungo sa dulo ng library.

Napabuntong hininga siya ng lingunin ang kaibigan na seryosong nagtitingin ng mga libro. Inalis niya ang tingin dito at lumiko sa pinaka dulong hilera ng mga book shelves. Napansin niya ang isang makipot na daan na nagdudugtong sa tagong parte ng library. Nasa pinakadulong bahagi ito.

Sa sikip ng daanan nito ay isang tao lamang ang kasyang sumuot. Tatlong hakbang lamang ang nilakad niya upang makalusot sa makipot na daanan patungo sa kabilang parte ng library. Tago ito at hindi basta pinapasukan ng ilang estudyante. Tanging mga guro at ang librarian lamang ang pumapasok dito para sa mga mas lumang libro na nakatabi.

Mariin niyang inilibot ang mata sa bawat libro na madadaanan. Napansin niya ang pagkakaiba ng linis ng kabilang parte ng library at ang maalikabok na parte na kasalukuyan niyang kinatatayuan. Halatang wala masyadong pumapasok doon.

Nagpatuloy siya sa pag-scan ng mga shelves bago huminto at kumuha ng isang libro at binuklat ang bawat pahina gamit ang kanang hinlalaki sa kamay. Nang walang makita na interesante ay mabilis niya itong sinara at binalik sa pinagkuhanan ngunit hindi pa man tuluyang nalalapat ang libro ay napansin niya ang bahagyang pag-usli ng katabing libro nito. Napataas siya ng kilay.

"Nagalaw ko ba yan? O baka natamaan ng librong binalik ko kaya umusli?" mahinang bulong niya sa sarili.

Umatras siya para lumingon sa magkabilang gilid ng marinig niya ang paglangitngit ng kahoy na inatrasan niya na ngayo'y tinatapakan ng kanang paa niya.

Bumaba ang tingin niya dito ng mapansin ang maliit na siwang doon. Bigla naman siyang nakaramdam ng kuryosidad. At akmang luluhod na sana siya upang tignan ng marinig niya ang pagtawag ng kaibigan. Nilingon niya ang kinatatayuan nito.

"Ery? Gosh, don't tell me hide and seek ang peg natin today?" Mahinang sambit nito sa kabilang dulo.

Inirapan niya ang kaibigan bago umayos ng tayo at lumakad palapit dito. Muli niyang nilingon ang nakausling libro kasunod ang kahoy na tinatapakan niya kanina lamang. An unexpected spark of curiosity had lit inside her. Mabilis siyang hinawakan ng kaibigan sa pulsuhan ng makalapit siya dito.

"Tara na. Gutom na ko." Dagdag pa nito habang hinihila siya at nagpatiuna na sa paglabas ng library.

MABILIS na lumipas ang oras at uwian na, tahimik na naglalakad ang magkaibigan papunta sa kanya-kanyang locker hanggang sa marating nila ito. Halos magkatabi lang ang pwesto ng locker nila. Kapwa nila binuksan ang pintuan ng mga locker at naglabas ng ilang gamit sa bag at mga libro upang iwanan dito at hindi sila mahirapan sa pagdadala.

"Rin?" tawag sakanya ni Sofia, patuloy lamang siya sa paglagay at pag-aayos ng gamit habang hinihintay ang sasabihin ng kaibigan.

"Ano?" sandaling nanahimik ang kaibigan bago ito nagsalita.

"May tanong ako." Pabitin na sagot nito.

"Pwede ba, Fia. 'Wag kang pa-suspense kung ayaw mong pagkasyahin kita riyan sa locker mo." Tuloy-tuloy na sambit niya.

Hindi naman nito pinatulan ang sinabi niya kaya nilingon niya ito. Napataas ang kilay niya ng makitang seryoso lang ito habang nag-aayos ng gamit.

"What if.." sandaling tumigil ito.

"What if, what?" tanong niyang muli sa kaibigan, pakiramdam niya'y anumang oras mapuputol na ang konting pasensya na meron siya para rito.

"What if you know the ritual to summon one of the 72 demons to grant your wish in exchange for your soul? Anong gagawin mo?" Diretsong tanong nito sakanya. Napatigil naman siya sa tanong nito.

"Why? Anong klaseng tanong 'yan?" natatawang tanong niya pabalik sa kabigan.

"Pwede ba sagutin mo nalang?" umirap muna ito sakanya bago marahang isinara ang pintuan ng locker nito at isinandal ang kalahating bahagi ng katawan nito dito bago humarap sakanya. She mentally rolled her eyes sa inasta ng kaibigan at mabilis na sinalansan ang kanyang gamit sa loob ng locker at mabilis itong isinara para sagutin ang tanong nito.

"Well I'm not really worried about my soul." Panimula niya, chuckling.

"It's just that I have this own personal demon inside me who's hobby is consuming my sipag and my motivation in exchange for nothing." Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere, quoting the word sipag and motivation. Nilingon niya ang kaibigan na nakataas ang isang kilay sa naging sagot niya. Sinenyasan niya itong lumakad na sila at nagkibit balikat lamang ang isa.

Tumalikod na siya upang magsimulang maglakad at naramdaman niyang sumunod ito sakanya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago muling nagsalita habang patuloy silang naglalakad palabas ng university.

"I mean I got nothing from that. So if I summon another demon there will be two of them beside me and it's not very good to have them both. I have enough inside of me. If you know what I mean." Napatawa siya sa huling sagot niya. Pasimple niyang nilingon ang kaibigan at nakitang nag-iisip ito. Napakunot noo siya

"Whatever." Tanging sambit nito. Naiiling niyang nilayo ang tingin sa kaibigan.

"Weirdo." Sabi niya rito. Muli siya nitong inirapan at nauna sa paglalakad.

"Why am I even friends with you?" bulong na dagdag niya rito.

Nagmamadali si Karin na bumaba ng hagdanan habang mabilis na inaayos sa pagkakasukbit ang backpack sa kaniyang likuran. Pasado alas otso na ng umaga at kinse minutos na lamang ay magsisimula na ang klase sa first subject niya.

"Punyemas, late nanaman ako!" Sambit niya sa sarili. Naabutan naman niya ang kanyang mga magulang pati na ang nag-iisa at nakababatang kapatid na si Marco. Nakaupo na ang mga ito sa kanya-kanyang upuan at kumpletong nasa harap ng hapagkainan. Mukhang hinihintay na lamang siya para mag almusal.

"Oh anak kumain kana." Panimula ng kaniyang Ama ng makita siya nito. Madali naman siyang lumapit sa mga ito at humalik sa mga pisngi.

"Ma, Pa, mauuna na po ako. Late na kasi ako. Sa school nalang ako kakain." Sambit niya at tsaka mabilis na inabot ang baso na malapit at ininom ang laman nito.

"Ate, juice ko 'yan!" Inis na sabi ng kapatid pero hindi niya ito pinansin at patuloy parin sa paglagok hanggang sa tuluyan ng maubos ang laman ng baso.

"Ganun ba sige, magiingat ka anak." Sambit na lamang ng kanyang ina. Sanay na ang mga ito sa pagiging late niya, ngunit may pagkakataon naman na napapaaga siya ng pasok at nakakasabay siya mag-almusal sa mga ito. "Yes ma. Bye!" Paalam niya at pasimpleng nilingon ang kanyang kapatid na halatang beastmode sa kanya. Nilingon siya nito at mabilis niyang kinindatan.

Hindi sila nagkakasundo sa maraming bagay tulad ng ibang magkapatid ngunit hindi nila kailanman pinersonal o kinainisan ng husto ang isa't isa. Kinalakihan na nila ang mag asaran kaya naman normal na ito sa kanilang dalawa at sa pang araw-araw nila.

Tatlong taon lang ang agwat nang edad niya sa kapatid. Gusto niyang matawa sa itsura nito ngunit inirapan niya lamang ito at mabilis na umalis papunta sa school. Sa ngayon ay kailangan niyang magmadali para makaabot sa unang subject niya.

Mabilis siyang nakasakay sa punuan na bus. Rush hour ika nga. Sandamakmak na estudyante at trabahante ang naglipana sa iba't ibang uri ng sasakyan tulad ng kasalukuyan niyang sinasakyan ngayon. Kung tutuusin ay hindi naman ganun kalayo ang university na pinapasukan niya at mabilis siyang nakakarating dito ngunit kahit anong lapit niya sa naturang unibersidad ay kinareer na ng kanyang katawan ang pagiging late. Old habits die hard, ika nga ulit.

At dahil malapit lang ang university nila ay mabilis siyang nakarating dito.

Tumayo na siya ng matanaw ang university kahit wala pa sa saktong bababaan at nagsimulang makipag gitgitan sa ibang pasahero na nakatayo upang makalapit sa pintuan ng bus para madaling makababa. Huminto na ang bus sa babaan at nagsimulang bumaba ang ilang pasahero kabilang na siya. Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang lalaking papasok sa bus at mukhang hindi rin siya nito napansin ng tuluyan silang magka banggaan.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari at naramdaman na lamang niya ang bisig nitong pumulupot sa kaniyang baywang.

Maagap siyang nasalo ng lalaki at sandali pa silang nagkatitigan nito, ngunit kung anong bilis nito sa pagsalo sakanya ay mabilis din siya nitong binitawan. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakahawak sa pintuan at naibalanse ang sarili.

'Walangya 'to!' Inis na bulong niya. Balak na sana niyang bigyan ng bigwas ang lalaki ng magsalita ang konduktor ng bus na ikinatigil niya.

"Tabi! Tabi!" Sigaw ng kundoktor sa kaniya. Saka nya lang naalala na nakaharang siya sa pintuan ng bus at pinagtitinginan na sila. Mabilis siyang bumaba dito bago lumingon para sulyapan ang walang hiyang lalaki, ngunit ganun na lamang ang pagka-dismaya niya ng makitang wala na ito sa kinatatayuan at marahil tuluyan ng nakapasok sa loob ng bus. Napairap siya sa pangyayari.

"Magkikita ulit tayo! At lalapirutin ko 'yong makinis mong pisngi!" Nanggigigil niyang sambit.

Inis siyang tumalikod paharap sa daan at mabils na naglakad papasok ng campus. Magkasubong ang kilay niyang nilakad-takbo ang hallway upang makarating agad sa klase at makahabol sa unang subject.

Lingid sa kanyang kaalaman ang mga kakaibang pangyayari na magaganap ay nalalapit na.

avataravatar