1 Third Wheel

Sanay na ako. Maraming beses na din akong naging third wheel sa mga kaibigan ko at ng girlfriend nila. Kahit nga sa mga pinsan ko, kung minsan nga ay tanga picture lang ako, i mean taga not tanga.

One time nagpunta ako sa mall, hindi ko inasahan makikita ko ang kaibigan ko. Since magisa lang ako inaya nya ako pero kasama niya girlfriend nya, so third wheel na naman. Sometimes it feels so wierd just following them, then we went to restaurant and I'm trying to enjoy my food. Hindi ko din nagawang pansinin ang kaibigan ko at gf nya kahit nakaharap sila sa akin. Nagsusubuan at naghaharutan pa kala naman nila naiinggit ako! Hmmm. . . .

Napaka awkward lang nung time na yon. Ito na yata yung pinaka ayaw kong pangyayari na naging third wheel ako.

Last month kasi break na sila, di ko lang alam ba't sila nagkabalikan. Ang saya ko non kasi break sila, pero nang makita ko sila ngayon na magkasama, feeling ko ba tanga na naman ako. Kung pwede lang sana umalis na kaso baka makahalata naman sila, kaya wag na lang!

Hindi ba siya nakaka ramdam o nakaka halata man lang? Nung panahon na wala yung kaibigan ko nandyan ako para sa kanya at masaya ako na nakakasama siya. Pero wala akong inamin o sinabi sa kanya, pero di ba nya nararamdaman? Si girl ang tinutukoy ko ha! Nung minsan nga ay may lakad ako, bigla siyang nagtext o tawag sakin non na cancel ko lakad ko para sa kanya. Nung time non feeling ko ba natatarantado ko na ang kaibigan ko.

Hindi ba nya talaga niya nahahalata kasi ilang beses na rin kaming lumalabas na kaming dalawa lang pero madalas may nakakasama rin naman kaming iba. Sabagay para sa kanya siguro hindi date yon, nagpapasama lang naman siya, pero masaya ko non kasi nakakasama ko sya.

Napaisip tuloy ako kapag umamin kaya ako sa nararamdaman ko, iiwan mo kaya ang kaibigan ko para lang sakin?

Pero umaasa ako na sana magiba ang ihip ng hangin.

avataravatar
Next chapter