webnovel

Queen of the Game

Queen Alexandria Fuentes finds herself in the middle of chaos caused by a document that can destroy her family's name. They stole the document from the President's archive but later on found out that it was only a fragment of the whole document.

amadeiamori ¡ War
Not enough ratings
4 Chs

Chapter Three

Nang makauwi ay naramdaman ko ang pagod dahil sa pagi-ikot namin sa buong campus na kasing lawak lang naman ng NAIA. Mas nakaka-drain ang pagkausap sa mga taong utak taho.

Nagpahinga muna ako pagkatapos kumain at nagset ng alarm para makapaghanda sa pagpunta sa mansyon ni Miss Black.

All things black.

Nang magising ay dumiretso ako sa banyo para maligo na at maghanda. I wore a black t-shirt, black pants and black rubber shoes.

Itinali ko ang buhok ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Maybe I should cut my hair short. Ang haba na nito.

Pagbaba ay kumain ulit ako. Nakita ko kasi sa ref ang donuts na dala ni dad kaya sumubo ako ng kaonti (marami) bago pumunta sa garahe.

I looked at the thing under the white cloth. Ilang linggo ko na rin 'tong hindi nagagalaw.

Tinanggal ko ang takip ng motor ko. "Pang-racing" na motor ang tawag dito nila Ky. Pinaandar ko iyon. It roared so beautifully kaya napangiti ako. Tiningnan ko ang relo at nagulat nang sampung minuto na lang ay 10 na. The last thing I'd want to happen is to be late!

Pinatakbo ko na ang motor palabas ng subdivision namin at at minura ang sarili. Anong ginawa ko at naubos ang oras ko? What the heck.

Pinabilis ko pa nang pinabilis ang takbo hanggang sa pumatak ng 100 km/h ang bilis ng patakbo ko. Let's just pray na walang checkpoint sa dadaanan ko.

Just to make sure, dumaan ako sa Xavis Ville para wala talagang checkpoint. Sa bilis ng patakbo ko ay parang nagwa-warp na ang dinadaanan ko.

Lumiko ako sa makipot na daanan at binilisan ulit ang patakbo. I beeped in a certain manner nang makita ko na ang napakalaking gate. Dahan-dahan 'yon bumukas at dahan-dahan din akong nagpreno.

I looked at the time nang makapasok ako sa double doors ng mansyon. 1 minute!

I sprinted from the ground floor papunta sa vault looking room. I typed the password and when the door opened, it revealed a stone staircase pababa. Tinakbo ko 'yon. Nag face recognition at nag biometric scan pa bago bumukas ang salaming pinto papasok sa isang pabilog na kwarto.

Blue lights on the floor lit when I stepped on it. Sa sobrang lamig ng paligid ay nagsitayuan ang balahibo ko, but that's the least of my problems dahil ilang segundo na lang ay 10 PM na.

Sa gitna ng pabilog na kwarto ay mayroon pang isang mas maliit na kwarto kung saan mayroong puti at oval-shaped na mesa kung saan nakaupo ang mga kasamahan ko.

Umakyat ako sa three-step stairs. "Stella, open the door," utos ko.

"Good evening, Queen, you're almost late," bati ng artificial intelligence habang bumubukas ang sliding doors na salamin. Halos lahat ay salamin maliban sa kwarto sa labas.

Agad akong naupo sa tabi ni Night. Hinabol ko ang hininga at tumingin sa paligid.

"...and it's 10 PM," sabi ni Mark habang tinitingnan ang relo niya. Tiningnan niya ako nang nakakaloko. That look is so annoying but what can I do? He's Mark.

"Stella, meeting mode: on," ate Monic commanded.

Biglang namatay ang ilaw sa loob ng kwarto at ang natatanging ilaw lang ay ang blue lights sa sahig sa labas. I can't see a thing, and that makes meetings exciting.

Naging soundproof na ang kwarto dahil wala na akong marinig na ingay mula sa labas maliban sa pagbukas ng sliding doors at ang pagtunog ng stilletos papalapit sa table.

"Good evening," bati ni Miss Black.

"Good evening, Miss Black," we all said in unison.

Thirteen people including Miss Black in the room isn't so suffocating dahil hindi ko naman sila nakikita.

"Our plans for this country are going smoothly, ain't it?" she said in sharp English. "Now let's move on to the second step to build our empire."

Walang nagsalita. Lahat nakikinig.

"Are we complete?" tanong niya. "All twelve?"

"Affirmative, Miss Black," sagot ni Stella.

"Good. Let's proceed," nag-iba na ang tono ng boses niya. "First of all, as Monic stated, everything went smooth when the President's assassination was put on motion. That's good."

Napatango ako at hinawakan ang braso na nagsisimula na namang kumirot. Naramdaman ko ang mainit na palad na humawak doon. I assumed that it was Night kaya pinabayaan ko siya.

"Now the second objective is: to kill the Vice President and steal the second part of the document from one of his sons."

My mind went haywire. Vice President?

Oh my god.

Anthony's dad?

And what would he feel if he knew?

His father is going to be killed by us.

Shit.

And one of his sons is holding the document? Oh god.

Paano kung si Anthony? I'm going to face him?

Napasinghap ako. Nakaramdam ako ng paggalaw mula sa paligid.

"Is everything alright, Queen?" tanong ni Miss Black. Nagulat ako dahil nakilala niya kahit na suminghap lang naman ako.

"Y-yes, Miss Black. Please continue."

"As I was saying, I want the man—and maybe his wife—to be killed on New year's Eve. Puwede na rin isama ang mga anak niya," she jokingly said and chuckled.

Umawang ang bibig ko. Sana hindi ko na lang nakita si Anthony kanina para hindi ako nakakaramdam ng guilt sa gagawin namin.

I gulped and bit my lower lip. Shut the hell up, Queen. This is just a job.

"I want all of you in this mission. Monic, guide them. We'll have more meetings to iron things out. I'll contact you. Meeting adjourned."

Narinig namin ang pagtayo niya at ang paglabas sa sliding doors. Mayamaya ay bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto. Nag-adjust ang mata ko sa liwanag.

Nagsitayuan na kami at nagkaalukan na namang magclub. Every end of a meeting, we always do this dahil nakakapawala raw ng kaba ayon kay kuya Axel.

"Revel?" suhestiyon ni East at West. Ang kambal na pinagnanasaan ng mga grade 12.

Sumang-ayon ang lahat.

"Change clothes first. We can't show up on a club wearing these black things. Baka maisip nila, bodyguards tayo or something," maarteng sabi ni Frenzy.

"Sige, magkita-kita na lang tayo sa Revel. I'll have a Magnum booking," sabi ni West. He can pull that off. Ang daming connection niyan, eh. Kahit late na, magkakaroon kami ng reservation.

"Sasama ba kayo sa bahay? Malayo ang sa inyo, ah. Sabay-sabay na lang tayo," alok ko kay Night, Mark, Adrian, at Frenzy.

Tumango ang apat at sumakay na sa kani-kaniyang motor.

Dumaan ulit ako sa Xavis kaya naman sumunod ang apat sa akin. Nang napadaan kami sa plaza ay nagulat ako sa nakita.

Anthony was sitting alone on a bench. Papikit na siya. I halted and turned around para mapuntahan siya.

"Queen, where are you going?" sigaw ni Frenzy.

"Mauna na kayo!" sigaw ko pabalik.

I looked at Anthony na hindi man lang namalayan ang paglapit ko.

11 na at wala pa siya sa bahay nila! And he's the son of the currently most powerful person here in the Philippines! What the hell!

Hinubad ko ang helmet at kinalabit siya.

Nagulat siya. "Nix—Queen?"

I looked at his eyes. Antok na ang mga 'yon. "Anong ginagawa mo rito? 11 na. Umuwi ka na."

"May hinihintay ako," dahilan niya at tumingin sa paligid.

"Well, kung sino man 'yang hinihintay mo, he or she is an asshole for making you wait. Umuwi ka na. Ihahatid kita."

Umiling siya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? And—" napatingin siya sa likod ko "—what in the world are you riding?!" gulat niyang sabi habang nanlalaki ang mga mata.

I chuckled. Hinila ko ang kamay niya para tumayo na siya. "Bilis na. Mapapahamak ka pag nagtagal ka pa rito. Hindi na darating 'yon."

He bit his lower lip and nodded. Nagpatianod siya sa hila ko. Parang natunaw ang puso ko knowing that his family will be wiped out soon, and maybe I will be the one to shoot every member of his family. Even him.

Sumakay na ako sa motor at tinapik ang espasyo sa likod ko. "Dito ka." Hinila ko siya palapit at isinuot sa kaniya ang helmet. "O, para hindi ka kabahan."

Humawak siya sa baywang ko para sa suporta sa pagsakay sa likod ko. I felt electricity travelling from that part hanggang sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What the hell?

"O-okay na?" tanong ko.

"'Wag mong bilisan, ha." Humawak siya sa tagiliran ko. The same sensation was back, and it's fucking stronger. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan.

Agad kong pinatakbo ang motor. "Where do you live?" sigaw ko para marinig niya.

"Ituturo ko na lang!"

Tinuro niya ang direksyon papunta sa bahay nila. Ang isa niyang kamay ang nasa tagiliran ko pa rin kaya halos distracted ako sa pagda-drive.

Binilisan ko ang patakbo kaya napahawak ang dalawang kamay niya sa tagiliran ko at hinigpitan iyon.

Sumikip ang paghinga ko. Fuck!

Nang makarating sa bahay nila ay agad siyang bumaba at ibinalik sa akin ang helmet. "Thanks for the ride. Siguro kung hindi mo ako inalok umuwi, hanggang bukas na ako sa plaza."

The side of my lips rose. "That's nothing. Babae ba 'yang hinintay mo?"

Tumango siya.

"Then she's an asshole. Also, know your worth." I took a quick glance at his house and looked at his eyes. Tumango ako at pinatakbo na palayo ang motor.

Nang makarating sa bahay ay hinanap ko sila Night. Wala sa kwarto ko. Umakyat ako sa third floor. I ttped the password and the door unlocked. Nakita ko silang nagbibihis na.

"Bilisan mo na, mahuhuli na naman tayo. The party is on its peak. It's twelve," paalala ni Adrian.

I nodded and went back to my room. Nagbihis kaagad ako at tumawag sa maid quarters para gisingin ang driver namin. I need a driver para makauwi pa kami nang safe. I know that they'll be drunk as fuck by the time they decide to go home.

Nang makarating sa Revel ay agad kaming pumasok at dumiretso sa VIP lounge. Everyone was already there at nagsisimula na silang uminom.

"O! Pambawi! Tigtatatlong shots! Nakarami na kami kahihintay sa inyo!" sigaw ni East.

"Si Queen kasi, may nilandi pa!" biro ni Mark. Nahampas ko siya nang wala sa oras dahil doon.

As usual, nagpustahan na naman silang lahat kung malalasing ba ako o hindi. Pinainom na ako ng halos lahat ng nakalatag sa harap pero wala pa ring epekto.

"Hoy, malasing ka naman! Ilang taon na akong pumupusta na malalasing ka!" sigaw ni Gray. Nilapag niya ang isang shot ng Absinthe sa harap ko. Napalunok ako. "Siguradong bagsak ka diyan!"

"Pag nalasing ako, dito kayo matutulog," sabi ko sabay lagok sa shot. Gumuhit ang alak sa lalamunan ko kaya nanginig ako sa pait. "Chaser! Dali! Ang pangit ng lasa!"

Inabutan ako ni ate Monic ng iced tea at agad ko iyong ininom. I stood up and tried to go to the comfort room pero nahilo ako kaya naupo na lang. Patay. Tipsy.

I groaned and cursed them for making me drink that devil shot.

Nagsayawan na ang mga babae maliban kay ate Monic. Nahila rin nila ako. I ended up on the stage where the DJ was playing with the bass-boosted-electronic music.

"Queen Alexandria Fuentes, everyone!" sigaw ng DJ at nilakasan ang music. Dumagundong ang buong lugar at lalong umingay ang mga tao. Lumulutang ang bubbles sa dancefloor at nagsisitalunan ang mga tao.

I saw wild people kissing each other in the middle of the crowd. Grabe!

Sinayaw ako ng DJ. Oh, yes, may tama na nga ako dahil hinayaan ko siyang hawakan ako.

Nang mapagod ay bumaba na ako at nagpahinga sa table namin. I groaned dahil nahihilo na ako.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya napatingin ako. "Night, uwi na tayo."

Tumaas ang kilay niya at tumango. "O, sinong pumusta na malalasing si Q? Panalo kayo, iuuwi ko na 'to sa kanila!"

"Teka, sleepover tayo! Maguusap-usap pa!" sigaw pabalik ni Kuya Axel.

Binuhat ako ni Night. Ipinikit ko ang mga mata at inangkla ang mga braso sa leeg niya para hindi ako mahulog.

He groaned. "Bwisit na sugat 'yan. Dumudugo na naman."