webnovel

Queen of the Game

Queen Alexandria Fuentes finds herself in the middle of chaos caused by a document that can destroy her family's name. They stole the document from the President's archive but later on found out that it was only a fragment of the whole document.

amadeiamori · War
Not enough ratings
4 Chs

Chapter One

I smirked and looked at the target from the scope. "Ready, Night?" I called from the device in my ear.

"Yup. I'm on standby. Monic, the target?"

"On place," sagot ni ate Monic na nasa loob ng mansyon at nagsilbing guest sa kaarawan ng apo ng Presidente.

I locked on the target. Guards were roaming around the perimeter but I remained unseen. Narinig ko ang pagtitipa ni Night sa dalang laptop. He is using a program called Trojan Horse to retrieve the confidential data hidden deep inside the President's computer.

I held my breath. "One..." I focused on the target habang nilalapit siya ni ate Monic sa malaking bintana. "Two..." I placed my finger on the trigger and bit my lower lip and held my breath to keep myself from moving. "Three."

Naramdaman ko ang pagkalabit ng daliri sa gatilyo at ang pag-recoil ng baril.

Pinigilan ko ang sariling tumawa. Damn cheap security.

"Ooh, headshot," puri ni Night. "Now, get out of there."

Narinig ko ang sigawan mula sa loob ng mansyon sa pamamagitan ng bug na in-install ni ate Monic sa paligid.

"11 o'clock! Move, move!" sigaw ng head of security.

Seriously, what's the use? Patay na ang binabantayan. Anong klaseng security sila? They didn't even think that someone could shoot the target from this range.

I sighed and stood up. Nagpagpag ako at ibinalik sa duffel bag ang ginamit na M24 matapos iyong baklasin. Naglakad ako palayo.

Nagsimulang maglakad palayo si ate Monic at hindi na 'yon napansin ng mga tao dahil naka focus sila ngayon sa akin. Nalaman na ang kinaroroonan ko.

Nagsimulang magpaulan ng bala ang security but none of those even touched me. Tumakbo ako papunta sa isang jetski at sumakay roon. I revved the engine.

Bago ko pa man mabilisan ang pagpatakbo ay tinamaan ako sa braso mula sa terrace ng mansyon.

"Fuck!" sigaw ko. Napadaing ako sa bawat galaw ngunit tiniis ko iyon dahil baka maabutan nila ako. Nang mawala ko sila ay nag-iba ako ng direksyon ng pupuntahan.

When I arrived at the rendezvous, nag-aabang na si Night sa pampang at nakapamulsa. "I gave them a little malware to deal with for the meantime. Everything in that island that is controlled by their system is completely affected. I bought Monic some time to get here para maka-alis na tayo. May pasok pa bukas. Ayaw kong ma-late."

Ngumisi ako at binato sa kaniya ang dala kong bag. "I'm tired. Let's have dinner first."

Hinubad ko ang damit at nagpalit na ng tshirt at skinny jeans bago lumabas sa kuwarto. Nadatnan ko si ate Monic na nagtatanggal ng sapatos sa pinto ng suite at binabato iyon sa kung saan. "So... muntik na akong mabuking. I gave them a little taste of set-up traps"

"Let me guess... grenades?" hula ni Night. "I don't remember giving you that."

"Nakita kong naka display sa opisina ni Mr. Trillano. Tinali ko 'yong pin sa string tapos nilagay sa mga daanan kung sakaling may humabol habang papalabas ako."

I nodded while looking at my phone. "The helicopter will arrive in five minutes at the rooftop," balita ko.

Agad na naghubad si ate Monic sa harap ko at nagpalit ng tshirt at shorts.

Ngumisi ako at sinuot ang bag na naglalaman ng damit. Hinila ko naman ang maleta na naglalaman ng mga firearms na hindi naman nagamit.

"Bilis na, Monic! Gagawa pa ako ng project!" sigaw ni Night kay ate Monic na para bang kaedad niya lang ito.

Sa bahay na nga lang ako kakain.

-

Night told me to not go to school dahil baka mabugbog ang sugat ko sa braso dahil sa tama ng bala. He took it out last night nang nasa hotel pa kami at ginamot iyon. I had to sleep sideways because of that lucky shot.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papuntang banyo.

Yup. Papasok ako. Maraming gagawin ngayon at hindi puwedeng um-absent. I took a quick bath at maingat na nilinis ang sugat. Medyo mahapdi pero kaya ko namang tiisin.

I've been shot many times simula noong pinadala ako sa field kaya wala na lang ito ngayon para sa akin.

Nang makapagsuot ng uniform ay bumaba na ako para kumain. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Tumatawag si ate Monic.

"Hello, ate?" sagot ko.

"Papasok ka?" tanong niya. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan kaya siguro ay paalis na rin siya sa bahay nila.

Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Yes. Why?"

"Have you seen the news?" she asked.

Bigla akong kinabahan. "Tungkol saan?"

"Kagabi, may media. Nakita ako sa isang clip. You were also seen sa CCTV footage pero hindi nila na-identify kung sino ka," kuwento niya.

Nakahinga ako nang maluwag at mahinang tumawa. "Your first time sa national TV and you're a guest-"

"-ng presidente ng Pilipinas." Narinig ko ang malalim niyang boses nang sinabi niya 'yon. Nasundan ng mala-demonyong tawa.

"Yes. And?" Binuksan ko ang TV sa sala at bumungad sa akin ang balita sa umaga.

President Alejandro Trillano, nabaril sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng ika-labimpitong kaarawan ng apo sa kaniyang bahay-bakasyunan sa Palawan.

Napailing ako at nilipat ang channel pero ganoon pa rin ang balita.

"Let's talk later. There might be someone listening." Agad niyang pinatay ang tawag habang ako naman ay nakatitig sa telebisyon kung saan nagi-interview sila ng mga bisita na nag-stay sa mansyon ng Presidente.

"Bilang apo ng Presidente, maaari ka ba naming magtanong ukol sa pagkamatay ng iyong-"

"No comment."

"Pero-miss Trillano! Niophel Xienan Trillano!"

Hinabol nila ang babae hanggang sa makapasok ito sa sasakyang nag-aabang sa kaniya.

Pinatay ko ang TV at sinuot ang sling bag. Iniwasan ko ang sugat dahil baka biglang dumugo at makwestyon ako sa infirmary kung bakit meron akong gunshot wound.

"Damn, nagkakagulo na ang Pilipinas," natatawa kong sabi.