webnovel

Quantum Leap (Short Stories)

Romance, comedy and inspirational short stories compiled.

PharonRix · Teen
Not enough ratings
1 Chs

1: Ms. Sungit

"Ms. Sungit"

"Jessica, can I talk to you?" tanong nitong jowa ko, Kenneth pala ang pangalan niya.

"Ano yun, Babe?" tanong ko sa kaniya.

"Let's break up."

"But why? May kulang ba? Ano? Sabihin mo lang sa akin." sabi ko.

"Wala pero habang tumatagal eh parang wala na akong nararamdaman sayo. Sorry, Jessica." saad niya. Ganun na lang yun? Kapag ayaw niyo na sa tao eh iiwan niyo na siya sa ere? Taena niyong mga lalake kayo.

"Pare-pareho lang pala kayong mga lalake. Mga mang-iiwan!" sigaw ko sa kaniya.

Naiiyak na ako kaya tumakbo na ako palayo. Ayaw ko siyang makita. Nakakainis siya. Mula ngayon hindi na ako magmamahal pa ulit. Ayaw ko ng masaktan pa.

----

Next day...

"Bessy, anyare sayo? Bakit ang tahimik mo ngayon? May sakit ka ba?" tanong ni Grace, bestfriend ko.

"Wala akong sakit."

"Eh bakit ganyan yang mukha mo? Para kang namatayan. Hahaha!"

"Break na kami ni Kenneth." deretso kong sagot sa kaniya.

"Whaaat? Bakit naman kayo nagbreak?"

"Sawa na siguro siya sa akin kaya siya nakipagbreak sa akin."

"Ano? Siya pa yung nang break sayo? Akala ko pa naman siya na yung THE ONE mo pero hindi pala." sabi niya.

"From now on, hindi na ako mahuhulog at hindi na ako magmamahal ulit." matigas na sabi ko.

"Iba ka rin, girl. Bahala ka. Sabi mo yan ah."

"Promise!" sabi ko.

----

Break time...

Nandito kami ngayon ni Grace sa Cafeteria.

"Bessy, order lang ako ng kakainin natin." sabi ni Grace.

"Okay!"

"By the way, ano ang oorderin ko para sayo?" tanong niya.

"Palabok at tsaka hopia na lang. Tapos softdrinks. Thank you." sabi ko.

"Okay!"

Pumila na si Grace tapos nagulat ako dahil may biglang umupong lalake dito sa pwesto namin.

"Who are you?!" inis kong tanong sa lalakeng nasa harapan ko.

"I'm Yuan. Pwede maki-table?"

"May magagawa pa ba ako eh nakaupo kana."

"Ang sungit mo ah. May dalaw ka ba ngayon?" pang-iinis niya.

"Tsskkkk!"

"Bessy, sino siya?" tanong ni Grace sabay turo sa lalakeng nasa tabi ko. Naka-order na pala siya. Ang bilis ah.

"Ewan ko sa kaniya? Makiki-table raw siya sa atin." sagot ko

"Okay!"

"Ako nga pala si Yuan."

"I'm Grace. Nice to meet you." sabi niya tapos nag-shake hands sila.

"Eto nama si Jessica, bestfriend ko." dagdag pa ni Grace.

"Hi Jessica! Nice to meet you." sabi ni Yuan tapos makikipag-shake hands sana kaso dinedma ko lang siya.

"Pagpasensyahan mo na itong bestfriend ko ah." sabi ni Grace.

"Okay lang." sagot naman ni Yuan with matching smile.

----

Other day...

Ano ba yan! Mag-isa ako ngayon dito sa Cafeteria, absent kasi yung magaling kong bestfriend. Wala tuloy akong kasamang kumain.

"Hi Jessica!" bati ni Yuan sa akin. Nandito na naman itong mokong na 'to. Inirapan ko lang siya.

"Hindi ka pa kakain?" tanong niya.

"Hindi! Nawalan na ako nang gana nung nakita kita." mataray kong sabi sa kaniya.

"Sige! Alis na lang ako, hahanap na lang ako ng ibang table." sabi niya tapos ngumiti lang siya.

"Good!"

Umalis na siya at naghanap na siya nang ibang mauupuan.

----

Uwian...

Nandito ako ngayon sa labas ng school. Naghihintay ako ng sasakyan ko pauwi.

May biglang humintong kotse sa harapan ko at nagulat ako dahil si Yuan ang nagmamaneho. May kotse pala 'tong mokong na 'to. Mayaman siguro.

"Jessica, sabay kana sa akin baka wala ka ng masakyang taxi."

"Hindi! Okay lang ako, maraming taxi diyan. Maghihintay na lang ako. Thank you na lang." sabi ko.

"Ano ka ba. Sabay kana sa akin baka may mga loko-loko diyan at pagtripan ka pa."

"Huwag na. Nakakahiya naman sayo at tsaka kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko." sagot ko.

"Huwag ka nang mahiya. Halika na! Huwag ka nang makulit."

"Sinabi ko na ngang ayaw kong sumabay eh. Ang kulit mo naman!" sigaw ko sa kaniya.

"Okay! Mag-ingat kana lang." sabi niya tapos pinaandar na niya yung sasakyan niya.

Biglang may dumaan na taxi kaya pinara ko agad at maayos akong nakauwi sa amin.

----

Next day...

"Bessy, kamusta?" tanong nitong magaling kong bestfriend pero hindi ko siya sinagot. Bahala siya diyan. Galit ako sa kaniya.

"Hoy! Bessy naman eh. Kausapin mo naman ako." pangungulit niya.

"Bakit absent ka kahapon?" seryoso kong tanong.

"May sakit kasi yung bunso kong kapatid kaya ako ang nag-alaga. Busy kasi sina Mama at Papa tapos wala pa kasi yung yaya namin. Day off niya kasi. Sorry na bessy." pagmamakaawa niya.

"Okay! Apology accepted."

"Bati na tayo?" masayang tanong niya sa akin.

"Oo nga. Ang kulit mo naman. Paulit-ulit?" inis kong sabi.

"Bati na kami! Bati na kami! Bati na kami!" masayang sabi niya tapos sumasayaw-sayaw pa siya. Buti na lang konti lang ang tao dito sa Classroom. Nakakahiya 'tong babaeng 'to. Kung hindi ko lang ito bestfriend eh baka nasapak ko na. Chourrr lang! Hahaha!

"Kahit kailan talaga ang ingay mo. Tumahimik ka na nga. Tinitignan kana nung mga Classmate natin oh." sabi ko sabay turo sa mga Classmate ko.

"Wala akong pakialam. Mind their own business. Tseee!" sabi niya.

"Tara! Kain na lang tayo sa Cafeteria."

"Sige! Tara!" sabi ko

Habang masaya kaming kumakain ni Grace eh may biglang umupo sa tabi ko.

"Yuan, ikaw pala." sabi ni Grace.

"Yeah! Jessica?"

"Ano yun?" masungit kong tanong sa kaniya.

"Hmmmm... Can I court you?"

"Huh? Ano? Hindi ko narinig." sabi ko pero narinig ko naman talaga yun.

"Pwede ba akong manligaw sayo?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Sorry! Hindi pa kasi ako handang magmahal ulit. Ayaw ko nang masaktan pa ulit."

"Please give me a chance." sabi niya.

"Yuan kasi----"

"Sa ayaw at sa gusto mo eh liligawan kita." matigas niyang sabi tapos umalis na siya agad. Napakaconfident ng lalakeng yun ha.

----

After 2 months...

Makalipas ang dalawang buwan eh kami na ni Yuan. Araw-araw niya akong nililigawan at hindi siya tumigil. Palagi siyag nag-eeffort sa akin. Open din kami sa mga parents namin. At alam kong hindi siya tulad ng ibang lalake na nang-iiwan dahil alam kong mahal na mahal ako ni Yuan. Mahal na mahal ko din siya kahit na napakaSUNGIT ko.

-END-