webnovel

Pursuit of True Love

Axei Deimon Vonguard, a male transferee at iAcademy, Chef is his dream, and he always want to maintain his high grades for the better. He was always quiet and he always bring his cold expression, until he met Karliah Reecey Carter, and they made a deal on her 18th birthday. "So, dahil si Karcey ang may birthday, siya ang gagawa ng deal natin!" Shin said. "Anong ako?" Karcey asked in astonishment. "Mag-isip ka na lang, ano ba?" _ "Okay, so ito na ang new deal natin. You must choose your partner, girl and boy. Then, we must meet 10 random persons in different places every weekend. And, you will introduce that person you met to your partner. Depende na sa inyo kung babae or lalake ang gusto mong lapitan at kilalanin pero dapat ipapakilala mo siya sa partner mo. Gets niyo ba?" "Yeah!" "Then, pag nakilala na siya ng partner mo, dapat makikipagdate or makikipag hang out yung partner mo dun sa stranger for 1 day! Every weekend dapat may imi-meet tayong stranger ha! Tapos in different places!" "Deal!" _______ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents, are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM: is the representation of another author's language, thoughts, ideas, or expressions as one's own original work. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. PLAGIARISM IS A CRIME AND PUNISHABLE BY LAW! WARNING: This story might have typographical and grammatical errors! And not suitable for young readers. R(16). ©All Rights Reserved. ~Trixiesas29

TRIXIESAS_29 · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Kabanata 7

"I'm sorry, Karcy, naging busy kami ng daddy mo about sa business at hindi namin agad naasikaso ang party mo. But don't worry, inaayos na namin ang lahat as soon as possible for your party. I already setup your party venue. I've also set an appointment with Ms. Aguilar tommorow, so you can choose and fit your gown, wala na kasi tayong oras magpagawa kaya bibili na lang tayo. You already have a list of your friends for your 18 candles and 18 roses, right?"

Kausap ko si mommy ngayon through Skype sa laptop ko, it's Friday na kaya weekend na tomorrow, and pupunta ako sa bahay namin bukas dahil magsusukat nga daw ako ng gown sabi ni mommy.

"It's okay, mom. I understand. Yes, mom. Kumpleto na po ang lista ko dito ng mga classmates and friends ko." Tugon ko sa tanong ni mommy.

"Ok, then. Just come here tomorrow around 10:30 AM. Bring Shin and Lily together so they can choose their gowns too."

"Okay."

"Don't forget to bring your list so we can print out your invitation cards." Dagdag pa niya.

"Yes, of course. Bye! Good night, I love you!" Paalam ko.

"Okay, good night, I love you too!" Aniya at pinatay ko na ang tawag.

I'm here in my condo, it's already 11:30 PM and I am still awake. Baby Karell is already sleeping in her bed. Manang Heri couldn't sleep in my room, so mommy booked another room for her, her room's just nearby our room.

Wala namang pasok bukas, kaya hindi muna ako matutulog, magbabasa muna ako ng libro at ichecheck ko din ang social media ko.

I sat at my study table and searched for a book in my mini library

Isang oras ata akong nagbasa ng libro dahil pagtingin ko sa wall clock, 12:37 PM na.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-open ng Facebook account ko, nothing's new, wala pa din akong kapalit sa last ex ko, charot.

I have 3 unread messages, I click on the messages and it's just GC's. Hindi ko na iyon pinansin dahil paniguradong hindi naman ako magrereply doon.

Wala na akong magawa, pero hindi pa ako inaantok. Nagscroll scroll nalang ako sa newsfeed ko, mga memes lang naman ang laman ng newsfeed ko.

May naisip akong idea. I went to my friendlist, my friends are 1,000+, mang-aaccept na lang ako ng mga friend request sa'kin. Mang-aadd na din ako sa mga nakilala kong classmates ko. In-accept ko ang mga kilala ko at nang-add friend na din ako.

Si Axei kaya i-add friend ko? Kaso hindi ko naman alam kung may Facebook account 'yon o ano.

I tried to search for his account. Kambal naman 'yon ni Axel kaya malamang parehong Vonguard ang surname nila, nagpakilala din naman siya sa'min, kaso nakalimutan ko! Kambal ba talaga sila? Hindi naman sila magkamukha eh. I mean noong una namin siyang nakita, parang magkamukha sila, pero nang nagtagal, parang hindi naman, there are parts of their faces that look the same, but that's not really what I see in twins in person that looks exactly the same, mas mataas din ang height ni Axei kay Axel.

I searched for Axei Vonguard but nothing came out. Nagsearch na din ako ng surname nilang Vonguard pero hindi ko naman nakita yung account niya.

Nagchat na lang ako kay Lily at nagtanong kung ano nga ulit yung full name ni Axei. Halata namang crush ni Lily si Axei, lahat ng crush niya, inaalam niya ang bawat detalye kaya paniguradong marami na siyang nakalap na impormasyon tungkol kay Axei.

Ako:

Hey, are you still awake? I have a question.

Nagreply naman siya agad.

Lily:

I'm already sleeping.

Ako:

Gaga! Ano nga ulit ang full name ni Axei?

Lily:

Mr. Axei Deimon Vonguard, 21 years old, 3rd year college. Obviously, cold. And confirmed, he has six packs abs!

IG: @axeiDeiVon06

Fb : Deimon Vonguard

Twitter: @axei_vonguard06

Ano yan? Yan na ba ang full name ngayon? Pero wait, college na si Axei? Mas matanda siya kay Axel! Eh kaya naman pala hindi namin mahanap si Axei nung nakaraang araw sa 4th floor, eh sa kabilang building naman pala ang room niya. Ang tanga mo talaga Lily!

I returned his jacket yesterday because we met in the cafeteria on the 3rd floor again. Tinanggap niya naman ito at wala ng sinabi pa at umalis na kaya hindi man lang ako naka pag thank you ulit.

Ako:

Full name lang ang tinanong ko.

Hindi ko na nireplyan si Lily kahit nakita kong nagreply pa siya. 

I searched Deimon Vonguard and I saw his account! I clicked his profile, naka board shorts siya at naka plain white shirt sa profile picture niya, and he's also wearing a sunglasses. He was on the beach, standing and looking at the camera with a poker face. His hair was blowing by the wind, he looked so fresh!

I clicked his timeline but his account is private! I can't even add him! I just opened my Instagram and searched his account there too, I saw it but his account is also private.

@axeiDeiVon06

5 posts, 4, 378 followers, 16 following.

Ano yan? 5 lang talaga ang mga posts niya? I don't know what are his posts because his account is private though. Grabe! 4000+ followers with 5 posts? Seriously? Pareho lang naman kaming 4000+ ang followers pero I have hundreds of posts!

Gosh! This guy!

Sana all kina career ang pagiging famous!

I followed him, pag hindi niya ako ipafallow back, mamamatay na siya!

Then sa twitter ko naman siya finallow, still, madami siyang followers pero kunti lang ang pinafollow niya. And kahit isa, wala siyang tweet.

Pagcheck ko sa orasan, quarter to 1 o'clock na, pero hindi pa din ako inaantok!

Ano pa kayang gagawin ko? Tinatamad na akong magbasa ng libro! What if i-DM ko nalang kaya si Axei sa IG? Pagtripan ko lang ng kunti.

Nagpicture muna ako ng naka wacky pose, turned off na ang ilaw sa kwarto ko, ang lampshade nalang ang nagsisilbing liwanag ko kaya medyo madilim na sa picture pero kita pa din naman ang mukha ko dahil sa lampshade.

In-open ko ulit ang Instagram ko, then in-upload ko ang picture na kinuha ko, with caption, 'Don't be shy, follow me back!'.

Bahala na kung sino ang matamaan sa kanila basta si Axei ang pinaparinggan ko, alam ko namang hindi niya makikita dahil hindi naman siya nakafollow sa'kin, except nalang kung i-stalk niya ako.

Then I went back to his account, and clicked Message to DM him.

Ako:

Hey! :)

I waited almost 20 minutes, I don't expect for him to reply naman cuz anong oras na, pero hindi ko inaasahang magrereply siya after 20 minutes!

@axeiDeiVon06:

?

What the hell? Pati ba naman sa chat, ang cold niya? Grabe ha!

Me: It's late and you're still awake?

Ilang minutes pa ulit ang lumipas bago siya nagreply.

@axeiDeiVon06:

So?

Ako:

May banat ako sayo! Okay lang ba?

Hindi niya na ako nireplyan! Pero naseen niya naman!

Ako:

Follower kaba?

@axeiDeiVon06:

Why?

Buti naman naisipan niya pang magreply!

Ako:

I-follow back mo ako!

Sorry nalang siya pero hindi yan banat! Nag-antay ako ng 30 minutes tapos hindi na siya nagreply! Nang seen na naman!

Natulog na lang ako dahil malapit ng mag 3 o'clock na.

Nagising ako dahil sa amoy galing sa labas, siguro nagluluto na si Manang Heri. Bumangon ako at uminom ng tubig sa may bed side table ko. Wala na si baby Karell sa higaan niya, siguro pinalabas ni Manang Heri.

Pagkatingin ko sa wall clock, hindi na ako nagulat na quarter to 11:00 AM na. Quarter to 3:00 AM ba naman akong natulog, tama lang na ganitong oras akong nagising dahil goal ko talaga araw-araw na makatulog ng 8 hours.

Tumungo akong bathroom at naligo, then pumasok ako sa walk in closet ko at nagbihis ng high waisted shorts at white crop top with floral design.

Lumabas ako at nakita ko agad sina Lily at Shin na nakaupo sa high chair sa may counter habang pinapanuod si Manang na nagluluto.

"Good morning, madame!" Sabay na bati nilang dalawa. Ang aga-aga nang-iinsulto! Inirapan ko lang sila at umupo na din sa may bakanteng high chair sa may tabi ni Lily.

"Good morning, iha." Bati naman ni manang, ngumiti ako at bumati na din pabalik.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko kina Shin.

"Nope, bago lang." Sagot ni Shin at kumagat sa hawak niyang apple.

"Anong niluluto niyo, Manang?" Tanong ko naman kay manang.

"Kare-kare." Sagot niya nang nakangiti.

"Oh, okay." Ngumiti ako kay manang, hindi ko naman alam kung ano yun eh, pero sa tingin ko ay masarap naman siguro 'yon. "Asan nga pala si baby Karell?" Tanong ko nang napansin na wala siya.

"Yun oh." Turo ni Shin sa living room.

Naglalaro silang dalawa ni Lily, hindi ko manlang napansin na hindi na siya nakaupo sa tabi ko. Aliw na aliw naman siya sa paglalaro sa aso.

"Gatas, ma'am oh." Napabaling ako kay manang, nilapag niya ang isang basong gatas sa tapat ko.

"Anong ma'am?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Bakit ma'am?

Humagikhik si Shin kaya napatingin ako sa kaniya. "Malamang, amo ka niya eh." Aniya.

"Ano ba yan, Manang? Tawagin niyo nalang po akong Karcey." Sabi ko at sumimsim sa baso ng gatas. Tumawa lang si manang at kumuha siya ng bowl sa may dish rack at nilagay na ang luto niyang kare-kare doon.

Lumapit naman si Lily sa amin at umupo ulit sa tabi ko karga-karga si baby Karell. Kinuha ko sa kaniya si baby Karell at binuhat.

"Good morning, baby." Bati ko nang nakangiti. Tumahol naman siya.

"Ibigay mo muna yang si Karell sa akin. At kumain na muna kayo dahil mag-aalas onse na." Ani manang nang nilapag niya na ang kanin at yung ulam namin sa may dining table. Tumayo naman kaming tatlo, binigay ko sa kaniya si baby Karell at naghugas ng kamay sa may lababo.

Bago ako umupo, inubos ko muna ang gatas ko. Habang kumakain kami ay naalala ko na magpapasukat pa pala ako ng gown!

"Ay! Pupunta pa pala ako sa bahay! Magpapasukat ako ng gown! Sabi ni mommy kasama kayo!" Natatarantang sabi ko at nagmamadali nang kumain.

"Kaya nga, tinawagan kami ng mommy mo, akala namin hindi mo kami isasama dahil 10:30 AM ka daw pupunta dun tapos hindi mo kami tinawag sa room namin kaya pumunta kami dito. Tapos malalaman namin na tulog ka pa!" Sunod-sunod at sarkastikong ani Shin.

"Napuyat ako eh! 3:00 AM na akong nakatulog!"

"Sabi ng mommy mo, 12:00 PM nalang daw tayo pumunta doon dahil tulog kapa.

"Bakit ka napuyat? Dahil ba sa pagkuha mo ng mga info about kay Axei?" Nakangising tanong naman ni Lily kaya nginiwian ko siya.

"Wala, bored lang ako. At tsaka wala naman siyang kwentang kachat eh. Feeling famous." Ngayon naiirita na naman ako.

"Anong famous? Nagfollow back siya sa'kin sa Instagram at Twitter no!"

"Eh bakit ako, hindi?"

"Okay lang yan, maganda ka naman."

"Ah talaga."

Pag yun, hindi pa din ako ipafollow back mamaya kahit sa Twitter manlang, papatayin ko yun!

"I want this one!" Turo ko sa isang Blue Ball Gown sa may magazine. Gusto ko kasi talagang blue na gown ang susuotin ko kapag mag de-debut ako.

"Oh, that's our latest gown! It is a navy lace applique off shoulder blue ball gown, the color above is dark blue and the color on the bottom is light blue, as if the color of the gown was fading. It has flower designs in the lower part. In the upper part naman, it is an off shoulder, there's also a flower design." Ani Ms. Aguilar, ang stylist na pinili ni mommy.

Dito na kami ngayon sa bahay namin, nandito kami sa loob ng walk in closet ni mommy. Mga 10 minutes siguro ang byahe namin galing sa may condo namin papunta dito, pinasundo din kami ni mommy kay kuya Faldo, isa sa mga bodyguards ni mommy.

"Choose your dress too for your after party." Utos ni mommy sa'kin.

"Okay." Nakangiting tugon ko.

Pinili ko ang vintage sexy slim round neck blue lace party dress. Blue din ang gusto ko. Sabi ni mommy, siya nalang daw ang mag-oorder ng heels ko.

Sinukatan ako ni Ms. Aguilar, pagkatapos ay si Shin naman at Lily ang pinapili niya ng dress nila. Tapos sinukatan niya na din. Umuupo lang naman ako dito sa may sofa habang hinihintay silang matapos, hindi naman ako naiinip dahil panay naman ang kain ko ng cookies at cupcakes na nakalagay sa may mini table sa harap ko.

After 30 minutes natapos na din sila.

Lumabas kami sa walk in closet ni mommy at tumungo pababa sa may staircase, huminto lang kami sa living room at hinintay na makababa sina mommy, nag-usap pa kasi sila ni Ms. Aguilar.

Hinatid muna ni mommy palabas si Ms. Aguilar kaya naghintay pa ulit kami.

"May gagawin pa kayo?" Tanong ni Shin nang makaupo kami sa may sofa.

"Ewan ko." Sabi ko, nagkibit-balikat naman si Lily.

"Oh, may pupuntahan pa kayo?" Singit ni mommy sa usapan namin.

"Wala po." Sabay-sabay na sagot namin.

"Oh, eh ano pang gagawin niyo?"

"Magshopping nalang tayo!" Excited na ani Lily.

"Sige." Pagsang-ayon ko.

"Saan naman?" Tanong ni Shin.

"Oh, sige na't maiwan ko na kayo, pupunta pa akong opisina." Si Mommy.

"Si Daddy po?" Tanong ko kay mommy.

"Nauna na sa opisina," sagot niya at ngumiti sa aming tatlo, "I'm leaving, bye." Humalik siya sa pisngi naming tatlo at umalis na.

"Saang mall ba tayo pupunta?" Tanong ni Shin nang kaming tatlo na lang ang natira dito. Nagtatrabaho na kasi ang mga maids sa kanilang mga gawain. May dumadaan pa nga'ng mga maids sa harap namin. Ipapa renovate daw nila mommy ang backyard namin, kaya naglilinis sila dun.

May sinuggest akong malapit lang na mall na pwede naming paggalaan.

"Okay!" Excited na ani Lily at tumayo na.

"Wait lang!" Pigil ko sa kanila. Tumingin naman sila sa'kin nang nagtataka. "Magbibihis lang ako. Tingnan niyo naman ang suot ko!" Pinasadahan naman nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Yung suot ko kanina sa condo, ayun pa din ang suot ko. High waisted shorts at white crop top with floral design. Baka mamaya mabastos pa ako dun sa mall.

"Ang arte mo naman!" Reklamo ni Shin.

Palibhasa naka logo sweatshirt, black pants and white sneakers siya! Si Lily naman naka short sleeve tee and contrast side seam jogger.

"Magbibihis lang naman ako, mabilis lang 'to!" Hindi ko na sila hinayaang magsalita pa at tumakbo na ako papunta sa may hagdanan.

Tumungo ako sa hallway sa right side kung saan ang kwarto ko.

Pagkapasok ko, tumungo agad ako sa may walk in closet ko, madami pa naman akong damit dito. Wala na akong panahon na maghalungkat pa ng mga ala-ala ko dito kaya nagbihis na agad ako.

Nagsuot ako ng letter graphic knot hem tee and camo cargo pants, yan yung nabunot kong damit eh. Tapos kinuha ko na din ang purse ko na nakalimutan ko atang dalhin kasama ang ibang gamit ko dati.

Pagkababa ko, naabutan ko silang dalawa na nakaupo sa sofa. Si Shin, nakapikit at may earphone sa tenga niya, nagsa-soundtrip na naman. Si Lily naman nagcecellphone, paniguradong nag-oonline na naman siya sa social media accounts niya.

Nang napansin ako ni Lily, tumayo agad siya at binalik ang cellphone niya sa loob ng belt bag na dala niya at malapad na ngumiti sa'kin.

"Tapos kana?" Tanong niya. Ngumiwi naman ako sa kaniya, hindi ba obvious?

"Siguro hindi pa?" Sarkastikong sagot ko.

"Tara na."

"Hoy, Shin! Pag hindi mo imumulat yang mga mata mo, magkaka girlfriend na si Axel!" Sigaw ko paglapit ko kay Shin na nakapikit pa din ang mga mata.

"Wala akong pakelam dun!" Sigaw niya pabalik. Hindi pa din niya minumulat ang mga mata.

"Pero may nabalitaan ako, si Axel daw-" si Lily. Binitin niya pa ang sasabihin niya.

"Oh?" Ako.

"...may rumor daw na may dine-date siya."

Nagulat kaming dalawa nang biglang tumayo si Shin, mulat na mulat na ang mga mata niya. Kinuha niya ang earphones niya sa tenga niya at nilagay sa may bulsa niya, pagkatapos ay bumaling siya sa amin ng walang expression.

"Tara na." Aniya at nagsimula ng maglakad palabas. Nagkatinginan kami ni Lily at sabay na ngumisi.

Hanggang makarating kami sa mall, hindi pa din nawawala ang ngisi naming dalawa ni Lily. Si Shin naman nakabusangot ang mukha, nauuna pa siyang maglakad sa amin ni Lily.

Dire-diretso lang ang lakad ni Shin papasok, nakasunod lang naman kami sa kaniya. Pumasok kami sa isang sikat na restaurant. Pinaupo kami ng waiter sa may bakanteng upuan para sa aming tatlo. Nag-order kami ng pagkain namin, gutom na din ako.

"Affected pa din," bulong ni Lily sa'kin at humagikhik, mahina din akong natawa kaya napatingin si Shin sa amin, nag-iwas din naman agad siya ng tingin.

Magkatabi kami ni Lily tapos siya ang nasa harap namin. Nang dumating ang order namin, nag-umpisa na kaming kumain ng tahimik hanggang sa nagsalita si Lily.

"Si Galbi nga pala, hindi daw makakarating sa debut mo kaya dapat naming palitan ang last dance mo."

"Eh? Bakit daw?" Ako.

"Ewan ko."

"Tanga, nagsasabi ng impormasyon tapos hindi naman kumpleto." Si Shin. Ngumuso naman si Lily at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Tawagan mo Lily, dali!" Utos ko.

"Bakit?" Si Lily.

"Edi tanungin mo kung bakit, duh." Inirapan ko siya.

"Sige."

Sa aming tatlo, si Lily lang ata ang may connection kay Galbi simula nung nagtransfer siya. Hindi ko nga alam kung bakit close na close sila eh.

Nang maubos ni Lily ang pagkain niya, nagsimula na siyang kumalikot sa phone niya. Pagkatapos ng ilang minuto, nagring na din ang phone niya kaya nag-antay kaming sagutin ni Galbi iyon. Ni-loudspeaker pa ni Lily ang phone niya.

"Yes?" Ewan ko kung si Galbi ba talaga ang nagsalita sa kabilang linya pero mukhang maarteng babae yung sumagot kaya napakunot ang noo namin ni Shin.

Tumingin ako kay Lily, na ngayon ay namumutla na.

"A-ah, kasama ko sina Shin at Karcey, Galbi." Parang natataranta pa ang boses ni Lily. Narinig ko namang tumikhim ang nasa kabilang linya.

"Oh, is that so? Bakit napatawag ka? Naka loudspeaker ka ba?" The voice we heard on the other line is now manly.

Nasanay na ata siyang mag English dahil siguro sa ibang bansa na siya. His voice is still familiar but more baritone now.

"Hi Galbi, we miss you!" Sabay na sabi namin ni Shin. Mukhang naging good mood na siya.

"Hi, Karcey, hi Shin! I miss you too. Kamusta?"

"Still alive." Sabay ulit na sagot namin ni Shin. Mahina naman siyang natawa sa kabilang linya.

"Naka loudspeaker to, Galb, I didn't asked you why you can't attend Karcey's party eh, and they want to know why." Si Lily.

"Ah, I'm sorry Karcey, yung flight ko kasi pabalik ng Philippines is mismong sa araw ng birthday mo, tapos may gagawin pa ako pagkarating ko diyan."

"Sayang naman, Galbi. Ikaw pa naman ang pinili namin para sa last dance ni Karcey." Si Shin.

"No choice, just pick another one. But maybe I'll come to your after party, Karcey, kung makaabot." Tumawa siya.

"Well, okay then." Nanghihinayang na sagot naming tatlo.

"If I can't go to the party, I'll treat you when we meet na lang."

"Yay! Sige!" Si Lily. Ngumiti lang kaming dalawa ni Shin.

Pagkatapos ng tawag namin kay Galbi ay naglalakad-lakad na kami dito sa mall at tumitingin sa mga boutique na madaanan namin. 

Si Shin at Lily, nagbubulong-bulongan na naman about sa magiging last dance ko. Ako na ngayon ang nauuna sa paglalakad.

"Ano ba yan? Ang boring na! Pasok na lang tayo sa bookstore!" Aya ko sa kanila. Dali-dali namang lumapit sa akin si Lily at malapad na ngumiti, umismid lang ako at umirap sa kawalan.

"Tara!" Si Lily. Hinila pa niya ako papapasok sa bookstore, parang ako naman ang nag aya ah! Siya pa ang nanghihila!

Sumusunod lang si Shin sa likod namin habang pumipili kami ni Lily ng mga libro. Bugnot na bugnot na nga ang mukha niya eh.

Okay lang na gumastos ako ngayon dahil dinagdagan naman ni mommy ang pera ko sa credit card ko, malapit na din naman ang birthday ko eh.

Nang makabili na kami ng mga libro, naglalakad na lang kami ulit at nagtitingin sa mga boutique. Sumasabay na si Lily sa paglalakad ko ngayon.

Lumingon si Lily kay Shin sa likuran namin at may sinenyas ata siya kaya lumapit si Shin sa kaliwang bahagi ko. Magkasabay na kaming tatlong naglalakad ngayon at ako ang nasa gitna.

"Meron na kayong pamalit kay Galbi?" Tanong ko habang nakatingin sa isang boutique ng mga damit.

"Yep!" Excited na ani Shin, moody talaga nito! May regla siguro 'to ngayon.

"Sino namang chokoy yan?"

"Malalaman mo pag malapit na tayo." Si Lily. Napabaling ang atensiyon ko sa kaniya. Ano na naman to?

"Anong malapit?" Nagtatakang tanong ko at nakakunot pa ang noo. Ngumisi lang sila ni Shin kaya pinaningkitan ko sila ng tingin.

Bigla-bigla na lang nila akong hinila, tumigil lang sila sa may tapat ng jewelry store kaya nagtataka kong tiningnan ang store, kunti lang naman ang mga tao sa loob, at wala din akong kilala, mga babae naman ang mga tao sa loob eh. "Saan? Sino?"

"Gaga! Tumingin ka sa kaliwa!" si Shin. Pagtingin ko sa kaliwang bahagi, isang café ang nakita ko, inilibot ko ang tingin ko sa mga tao sa loob.

May nakikita akong lalaking naka hoodie jacket tapos nakatutok ang paningin niya sa laptop niya, naka side view siya. Pinaningkit ko pa ang mga mata ko para makita ko ng mabuti ang itsura ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng mamataan kong si Axei yun!

Nagtataka ulit akong lumingon kina Lily at Shin na natatawa habang nakatingin sa reaksiyon ko.

"Oh?" Si Shin.

"Ano to?" Nagtatakaa pa din ako, ano ba ang gagawin namin dito?

"Gaga! Ibig sabihin si Axei ang napili naming magiging last dance mo! Galbi couldn't do it so we replaced it with an OOTWAK guy which is Axei." si Lily.

Malapad na ang ngisi nilang dalawa ngayon.