1 Prologo

______

______

______

Nakakainis minsan kung marinig mo ang barkada na pinag-uusapan ang nakita nilang gandang lalaki sa ibang lugar. Nakakainis rin at nakakatawa kung isang araw sumama ka sa barkada at nasilayan ang bukambibig nilang di mo pala tipong lalaki... yung bang First SHIT at first sight? Mapapamura ka nalang, tatawa sa isipan para hindi marinig ng nagmamahal mong kaibigan at maiinis dahil sumama ka pa. So that means im SINGLE.

Secondary student na ako, grade 10 na at maraming ginagawa sa school lalo na pag ayaw mong mawala sa honor students pagdating ng Marso. Gusto ko sanang mainlove na lang gaya ng classmates ko pero ang itay kasi nakakatakot pag lasing. Sasabihan kang TAMAD! Tamad lang naman pero malaking impact na yun pag seryoso ang tatay. Aaminin ko, tamad talaga ako. Tamad gumising ng maaga, tamad magpakain ng alagang hayop at tamad talaga. Matanong nga, Ba't ba kasi tayo tinatamad pa? Laking pasalamat ko na lang at hindi ako tamad mag-aral... oops, nung una tinamad talaga akong echeck ang mga notebooks ko lalo na ng nainvolve ako sa crush thingy na siya namang dahilan ng pagiging batugan kong paggising sa umaga. Gabi-gabi kasing hindi ako pinapatulog ni Crush! na hindi niya ako binibigyan ng break at ihinto ang pagdalaw sa aking pantasya. Kainis siya at dahilan pa ng pagkakaroon ko ng tigyawat, eyebags at LALONG LALO na ang nakakarinding paulit ulit na payo ng mga magulang ko.

Pero isang malaking tulong ang bago naming kapitbahay na walang ginawa kundi asarin ako sa paaralan! Kundi lang siya pilay binugbog ko na. Pero love ko yan kasi nawalan ako ng interest sa paghanga sa mga boys (crush) . Kaaway ko man sa school, sa bahay, anywhere... basta! Love ko talaga siya at nagpapasalamat akong dumating siya sa buhay ko upang bulabugin ang isip ko KAYA MINSAN PATI PUSO KO NAAPEKTUHAN AT HINDI MALAMAN KUNG ANONG DAHILAN ... Minsan nga naisip kung gusto ko siya eh pero palagi niya akong iniinis kaya malabo..

_____

_____

_____

avataravatar
Next chapter