webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Chapter Twenty-Five (Part 2)

Liz's POV

"Argh! Throne, how many times do I have to tell you na huwag mo nang kamuhian si Mavis?!"

Nakapameywang ako at nakataas ang kilay habang nakatingin kay Throne na nakaupo sa kanyang swivel chair habang naka-de kuwatro na panlalaki. Nakahawak ang kanyang isang kamay sa ulo habang ang isang kamay ay nananatiling nasa office table niya.

Halatang stress na stress na siya sa akin. Kanina pa kasi kami nag-aaway at tungkol lang naman kay Mavis ang pinag-aawayan namin.

"Will you just f*cking shut up, Liz? You're making my head ache," reklamo niya habang tumingin sa akin nang may talim.

"No," madiin kong sabi. "No, I will not! At hindi ako titigil hangga't hindi ka tumitino at hindi mo pinapasok diyan sa kokote mong pagkatali-talino na huwag mong kamuhian si Mavis dahil kaibigan natin siya!"

"Wow! Thanks for complimenting my brain, Liz," puno ng sakastiko niyang sabi. "And she is your friend, not mine."

Napakuyom ako ng aking kamao at tumingin sa kanya na may galit sa mga mata.

"Ano bang problema mo kay Mavis ha?! She doesn't do anything to you! Hindi ka naman niya sinisiraan sa iba. How could you treat her like that?"

"I don't trust her," sabi niya. "I hacked pieces of information about her to make her come out of her skeleton closet and I knew f*cking one thing. She could kill people."

I rolled my eyes. "Come on, Throne. Seriously?! Iyon lang? Dahil lang naman sa p*tang in*ng impormasyon na 'yon, kinamumuhian mo na siya? And what else is your reason na ibibigay mo sa akin? The thing that she is a Throver. Right?"

He opened his mouth but then closed it as if he wants to say something but couldn't let it out for me to know. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa aking ulo.

"Look. I don't want to fight on some small matter such as this but please naman, Throne, you need to f*cking grow up and realized na kahit na isang Throver si Mavis, she wouldn't do any harm to us."

"How would you know?" Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at napaigtad ako sa malakas na pagkakahampas niya sa office table. "That human--or perhaps, that thing, or whatever she is--is not human. I know her parents. I researched it; Tito Ris let me--and they're fine. But her. Just only her. She's a menace to our organization, Liz. Believe me or not, I could predict as much she is dangerous."

"Dangerous more than we?" tanong ko sa kanya.

"Dangerous more than we," sagot niya at bumalik sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. He turned his head to his multiple screens and do his job in there. "She had this technique that's supposed to be confidential for our organization and yet, she knows it."

I scoffed. "And you have a proof with that?"

"I'm not lying, Liz." Seryoso ang kanyang tono habang narinig kong pinindot niya ng mabilis ang mouse at keyboard niya. Huminto siya kapagkuwan. "Here. This is the proof you want to see? See it for yourself then. How dangerous she really is."

He leaned back on his swivel chair, slide it back a little bit on the side to give me space as I walked towards his office table, focusing my eyes on that one screen where there is a video clip playing.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ko ang video. It is really her. It is Mavis. Pero ibang-iba siya. Hindi siya ang na-meet namin dito sa loob ng mansion. She's really completely different. Like a beast... Like a menace... A havoc...

Napailing-iling ako at tumingin kay Throne. "Sa'n mo 'to nakuha?"

"I have my own ways on searching data, dear. I will not reveal any of my techniques. So, naniniwala ka na ba sa'kin?"

"Naniniwala na ako sa'yong alam niya ang technique na ginagamit nina Tito Ris," sagot ko sa kanya habang pinapanood pa rin ang video clip. "Pero hindi pa rin ako naniniwalang magbibigay siya ng delikadong sitwasyon dito sa mafia."

"Oh, but she already did, didn't she? She became the target of our foe organization and that organization we had loathe and searching for many years has been moving rapidly on wanting that experimented woman dead."

Mabibigat ang bawat pagkakasabi niya ng mga salitang binibitawan niya. But it is the truth and still, I could not believe it that easily. Hindi pa nangyayari ang lahat ng sinasabi ni Throne.

"It will happen, Liz. The traitorous scenes. The havoc. The heartbreaks. All of it. I'm a mere hacker from this organization but I have a sense of observation." He closed his eyes and crossed his arms on his chest. "Walang mangyayari sa atin pero may mangyayari kay Flare and I f*cking feel he's going to suffer most to this 'havoc' I'm talking about."

Third Person's POV

Sa isang madilim na kuwarto, mayroong malaking bilog na upuan na binibulugan ng ilang tao.

"She will come," sabi ng isa na kita lang ang malaking figure ng katawan at katangkaran. Mapapansin din ang fur coat na nasa kanyang balikat kahit na mainit sa Pilipinas.

"Bibisita na siya? Ang bilis lang ng panahon. Parang dati-rati apakaliit pa ng ating munting prinsesa," sabi ng isa. Malumanay ang kanyang boses at may maliit na pigura, at hindi katangkaran 'di tulad ng nauna.

"I heard na mayroon na siyang nobyo."

"Nobyo?! Ang munti nating prinsesa?! Hindi pwede! Pinagbabawal sa ating organisasyon na ang mga miyembro ay 'di maaaring magkarelasyon sa kahit sino man na may kinalaman sa karomantikohan!" reklamo ng isa habang malakas na hinampas ang table nang kanyang dalawang kamay.

"Manahimik ka nga. You remember your rank is lower than hers." Napayuko ang taong nagreklamo at tinanggal na rin ang mga kamay sa table. "She is more priveleged than you. Beware of your actions."

"Yeah, sorry."

"Leader, kailan siya darating?"

"Soon. Very soon." The leader smiled. "Oh, how very sweet of her to come on her home. We'll be sure to surprise her elegantly."

Mavis' POV

"You think this could actually work?" Iyon agad ang bulong sa akin ni Lucas nang in-explain ko sa kanya ang magiging misyon niya sa loob ng mafia.

"Sinabi ko na ang plano kay Flare at kay Tito Ris and they have no complaints," sabi ko sa kanya at bumuntong-hininga. "Besides, this could benefit the whole mafia and turn the table around with the organization you're helping."

"Wow ah. Compliment ba 'yon o insulto?" sarkastiko niyang sambit. He looked around us anxiously for the nth time. "Sigurado ka na ba talagang magwo-work 'to?"

"Hindi," sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Eh ano pa ang kuwenta ng pagsabi mo sa akin ng plano kung hindi ka sigurado?!"

Sumandal ako sa dingding at humalukipkip. "There isn't a hundred percent in every plan we do. Mayroon lang mga posibilidad at ang mga posibilidad na 'yon ang makakapagsabi if magfe-fail o magsa-success ang gagawin natin."

"So, ibig sabihin mo it's still worth the shot? You're gambling something."

"I'm not gambling anything." Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "This time, my life is at stake and the Furrer Mafia is involved. Sa ayaw man at sa gusto ng mga ka-miyembro ninyo sa organisasyon na 'to na 'wag pumatol sa gulo ng Castell Organization, sorry to tell you pero late na ang magreklamo. Automatic entry na kayo sa target list nila."

"Pero sinabi mo na ida-divert mo ang atensyon nila towards sa amin. So, you mean the results of this plan would take away the danger from you and convert it to us. If we're already on the target list ng kalaban in the first place, mapapawalang bisa ang magiging plano mo."

"The plan is to make them divert their attention to the mafia. Sino ang kanilang main target ba ngayon?"

Nag-isip siya at kapagkuwan, tumingin sa akin. Tumango ako sa kanya at tinuro siya nang may "Exactly" na tingin.

"Now, that's a good point you got there," sabi niya. "Pero kung nag-came up ka ng ganitong idea which means may alam ka kung sino ang taong gustong pumatay sa'yo."

"Quite a bit. May mga hints lang na ibinigay sa akin si Ruxinaire. Pretty convenient bodyguard I may say, but never mind that. Kailangan na nating mag take action and I want the first move to be played by you. Kaya mo bang gawin ang plano ko?"

There are just two possibilities that I realized to be the results: a success or a failure. Walang higher chance na maging successful ang plano pero may posibilidad pa rin base sa magiging outcome ng plano once na na-execute na namin 'to.

If it doesn't work, I might come up with other countermeasures to make sure it'll work. This is my life and the Furrer Mafia we're talking about. We can't take the Castell Organization too lightly either.

Marami na akong na-encounter na ganitong sitwasyon but this is the first time I'll plan something not just for my sake or throwing off pawns to save me, my life is at stake, and someone could be involved. Hindi 'to larong chess. Komplikadong laro ito na sinet up na mayroong isang rule lang: Dead or Alive.

Ngumisi siya. "Ako pa," mayabang niyang sagot at may malaking ngiti sa labi. "You could count on me every time, princess. Hindi ako binigyan ng codename na Hades if I am not capable doing in such simple task you're requesting. So, bye na muna. Ciao~"

Then, he leaves.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kusina. "Seems it took quite a while." Tumingin ako sa gilid at nakita si Flare na naka-lean sa dingding habang nagbabasa ng libro gamit ang isang kamay.

"You're eavesdropping."

Sinarado niya ang libro na binabasa niya, not minding giving the page a slight fold or give any bookmark to the page where he was left off, at malamig na tumingin sa akin.

"This is what you plan, my dear?" sabi niya nang may pagka-sarkasmo sa uri ng pagkakasabi niya ng endearment sa akin. "You ask for that smug to help."

Hindi ko alam kung anong problema niya kay Lucas pero ramdam ko ang pagkamuhi niya dito. Parang mas malala pa nga ata ang pagkamuhi niya ngayon kaysa dati.

"Yes, I asked that smug to help at anong problema? This is part of the plan, Flare. Hindi lang tayong dalawa ang pwedeng gumalaw. There are others na pwede nating gamitin for the sake of the progress. And this is one of it that I'd decided."

"Still, there is no definite evidence that that smug has the ability to help on this plan of yours."

Masama akong tumingin sa kanya. Ang bitter, bitter mo. Well, I want to say that, but I keep my composure and sighed. Ayokong makipag-argumento sa kanya. Lalo nang alam kong nagseselos siya sa walang kakuwenta-kwenta.

I turned my back at him to proceed on my next "pawn" when he suddenly grabbed me by the forearm, pulling me back.

"Where are you going?" malamig niyang tanong.

"Proceeding to the next person na maaaring makatulong sa atin? At bitawan mo nga ako." Kaagad niya akong binitawan. "And to remind you, walang gagawing masama sa akin ang kung sino man ang sunod kong kakausapin. Rest assured the transaction of information we will do is for the plan's purposes only."

"You better might be."

Malamig pa rin ang kanyang boses habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

Now, I can't let that slide. Naiinis na ako sa attitude niya.

"Sabihin mo nga sa 'kin, Flare. Do you have a problem in my plan?"

If he has a problem, there would be sudden changes in our plan. Not that I mind, of course. Pero ang attitude niya ang problem ngayon. If he lets his emotions weighed over the plan, magkakaroon kami ng complications i-execute ito ng maayos. At alam kong, ire-regret niya iyon sa future.

He sighed. "I don't have a problem in your plan," sabi niya. Umiwas siya ng tingin sa akin. "It's just..." Humint siya saglit at binigyan niya ako ng tingin nang may meaning. "You know I still hate that smug."

And here comes the one I've predicted na maaaring makasagabal sa plano. I sighed, went over to him and pat his shoulder.

"Huwag ka nga sabi mag-alala. Aware ako na hindi kayo magkasundo. Archnemesis pa nga kung ituring mo siya. But you know na ang mga pag-iisip na ganyan ay makakasagabal lang sa plano natin ngayon. And you don't want that, do you?"

"No," mabilis niyang reply.

I gave him a reassuring smile. "Alam kong archnemesis mo si Lucas pero sa ngayon, isipin mo munang kakampi natin siya. Ang mga magiging ambag niya sa planong 'to ay mabibigyang progres ang operation. And so are the others na kakausapin ko."

"But I'm just worried you're gonna be--"

"Walang mangyayari sa akin," kaagad kong putol sa kanya. "I told you, didn't I? Wala sa aking gagawin ang mga kakausapin ko. At saka..." Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng jeans ko at pinakita sa kanya ang screen nito.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "You..."

Ngumiti ako sa kanya. "I could defend my side if there's any complications habang nag-uusap kami." Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko. "Mayroon din akong iba pang mga plano kung sakaling 'di gumana 'to."

"And one of them is?"

I gave him a sly look. "Ano ang sa tingin mo, mister detective?"

With one certain change of his expression, I instantly know that he has the complete clue of what my "countermeasures" will be.

Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing, "Don't do it. I'm warning you." Pero ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam.

Hindi ko na tinignan ang kanyang reaksyon. I proceeded forth to my next "pawn".

~***~

"So, Mav~ What do you want me to do?" Friar sang as soon as I got in her room. Nakaupo siya sa dulo ng kanyang kama at nagbabasa ng libro.

In short, 'di siya nakatingin sa akin pero napansin niya pa rin ako. Guess mayroon pa rin silang pagkakapareho ni Flare.

"Mayroon sana akong ire-request," sabi ko sa kanya at sumandal ako sa pintuan ng kuwarto.

"Hm?" Nakita ko siyang tumingin mula sa binabasa niyang libro. "At ano naman ang ire-request mo, Mav? Is it about Throne? Oh! Ooh~ Baka gusto mo ng umamin kay Flare at gusto mo ng love advice? O kaya kung pa'no pa lalong gumanda sa paningin ng aking my dear brother? O kaya--"

"Salamat sa mga magagandang suggestions pero hindi 'yon ang pinunta ko dito," sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pag-"boo" niya habang nagpatuloy sa pagbabasa. Nakanguso na siya. She's literally sulking.

Napabuntong-hininga ako. "Importante ito at may kinalaman sa Furrer Mafia."

Kaagad niyang sinarado ang libro at humarap sa akin. "Ano 'yon?" Seryoso ang kanyang mukha at halatang gustong makinig sa gusto kong sabihin.

"Alam kong naibalita na sa inyo pero mayroong gustong mag-target sa akin sa loob ng Furrer Mafia. I could just only predict na hindi malayo ang araw na aatakihin ako."

"Heh," Iyon lang ang kanyang reply. Tumitig siya sa akin ng ilang minuto nang walang sinasabi na kahit ano. Parang mayroon siyang tinitignan sa akin na siya lang ang nakakakita. "I think it will happen tomorrow though."

Nanlaki ang mga mata ko. "Pa'no mo naman nasabi?" nagtataka kong tanong.

"Well, let's just say I have this instinct kung kailan ang magiging near-death ng isang tao." Malawak ang ngiti niyang iginawad sa akin na halos masilaw ako sa sobrang puti ng ngipin niya. "Nagawa ko na 'yon ng ilang beses kay Lucas at laging gumagana ang mga gut feeling ko hehe," sabi niya na may pa-peace sign pa sa akin.

Kinuha niya ang libro sa kama at binuklat uli iyon. Habang bumubulong siya sa sarili niya kung saang page na ba ang binabasa niya, napaisip ako sa sinabi niya.

Tomorrow? If it is tomorrow, halatang nagmamadali ang Organization na patayin ako. Kung nagmamadali sila masyado ng gantong kadali, paniguradong mayroon pa silang ibang motibo

"Kinuha mo si Lucas para maging isa sa mga gagalaw na tao sa'yo, 'di ba?"

Napatingin ako kay Friar. Walang nagsabi sa kanya na kinausap ko si Lucas para sa plano. "Nagulat ako do'n ah. Pa'no mo nalaman?"

Bumuntong-hininga siya. "Masyado kasing halata ang lalaking 'yon. Kapag may motibo siya, kaagad kong nababasa." Tumingin siya sa akin. Ang tingin niya ay sobrang talim. "Sabihin mo sa akin na walang involve na kahit anong pananakit ang plano na 'to, Mav, at i-le-let slide ko ang panggagamit mo kay Lucas."

So, there is this side of Friar as well. Mayroon pa pala siya kahit papaanong concern kay Lucas kahit na nire-reject niya ang feelings nito.

"At sa tingin mo, most likely na walang mangyayaring hindi masakit sa pinaplano ko?" tanong ko sa kanya.

Nagtitigan kami. Walang nagpatinag o umiwas man ng tingin sa loob ng 30 minutes bago ko narinig na bumuntong-hininga siya.

"May punto ka naman," sabi niya sa paraang kalmado ang kanyang tono. Pero mayroon pa ring nasa mga mata niya na tila 'di pa rin nagtitiwala sa kung ano man ang pinaplano ko. "Mav, I could trust you but this time, I don't know if this could actually work."

"It will work," reply ko sa kanya.

"It will work and yet, I have this feeling na mayroong mangyayari na hindi maganda," sabi niya. "At feeling ko may kinalaman ka do'n."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

Tumawa siya. "Well, I guess it's just a simple guess," natatawa niyang sabi at umiling. "Sorry for the lack of trust earlier. Masyadong nag-aalala lang ako kay Lucas. You know, masyado 'yong makulit."

"Don't worry. He'll be fine," sagot ko. "Maayos naman siyang magtrabaho para sa mafia, 'di ba? I'm sure na kakayanin niya ang sinabi ko sa kanya. And I want you to do the same as him."

"Sabi ko na nga ba't may kasunod pa itong usap natin eh," sabi niya.

I looked at her. She seemed to really know what's going on. Sigurado ako na kahit wala pa akong sabihin sa kanya, alam na niya ang gagawin niya.

"You'll request me something. Sabi mo 'yon kanina. So~ Ano nga ba 'yan?"

"Idederetso ko na para wala ng pampalito. Kapag ang attacker ko ay may ginawang kakaiba, find a way to stop her without actually stopping her physically."

"Hm... Okay. Got it." Ang bilis niyang pumayag. "Pero nakadepende pa siya sa lugar kung saan ka aatakihin. Maraming possibilities kung saan ka aatakihin."

Malawak ang Furrer Mansion at bawat floor, may mga silid na either maliit o masyadong malawak o average lang ang laki. There would be really many possibilies kung saan ako aatakihin. May posibilidad na maatake rin ako 'pag natutulog na ako.

"Well, may mga plano na ako diyan. Ako bahala, Mav," sabi niya at ni-wink ako.

Ngumiti ako sa kanya "I'm counting on you, Fri."

"Aba'y siyempre naman! Hindi ko kaya kayang iwanan ang friend ko na mamatay," proud niyang sabi.

Nang makalabas na ako ng kuwarto niya, huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga. "Well then..."

Naglakad na ako papunta sa library para i-update si Flare sa naging usapan. Habang naglalakad, iniisip ko pa rin kung ano ang mangyayari bukas if bukas nga ba talaga ang magiging atake.

###