webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Chapter Seven: 'Truthfully yours, me'

"I never expected na dadating sa punto na magiging isa ka sa 'min, Mavis," sabi ni Friar habang may hawak-hawak na isang bote ng alak.

Nasa dining room kami ngayon na mayroong mahabang table. Nagtipon-tipon kaming mga High Reapers do'n. Ang mga lower rank ay nasa living room nagtipon-tipon. Same din naman ng food namin ang food nila.

Nasa tabi ko si Flare at may hawak-hawak na flute glass na may lamang champagne. Si Lucas naman, hayun, lasing at nakaakbay kay Void habang kumakanta ng kung ano-ano. Tahimik ang iba na kumakain, kasama na roon si Tito Ris.

Nakita kong may mapanuksong ngiti si Lucas nang tinanggal niya ang pagkakaakbay kay Void at lumapit sa upuan ni Flare. Inakbayan niya 'to at tinaas-baba ang kanyang mga kilay.

"Naku, pre. Congrats. May Hera ka na. 'Di ko na kailangan makipag-agawan ng posisyon. Sayong-sayo na," tuwang-tuwang sambit ni Lucas at tinungga ang isang bote ng wine na hawak niya.

"Bastard, get off me!" inis na sabi ni Flare at sinusubukang itulak si Lucas.

Natawa naman ako nang biglang hinigpitan ni Lucas ang pagkakaakbay kay Flare at nakangising nakatingin sa akin.

"Tanggi pa ng tanggi si Flare sa'yo, sa'yo rin pala bagsak. Good job, Mavis." Binigyan niya pa ako ng thumbs up. "Napatumba mo 'tong manhid na 'to," turo niya kay Flare.

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Ramdam ko ang paglutang ng ulo ko. Siguro, dahil na rin sa wine na iniinom ko sa wine glass ko.

Mahigit isang oras na rin kasi ang nakalipas simula nang mag-anunsyo si Tito Ris sa aking pagkampi sa organisasyon nila. Nagreklamo pa nga si Throne pero pinigilan siya ni Void at Tyrone na maghasik ng lagim uli, kaya iyon, nagpakalasing muna.

Tuluyan ng napaalis ni Flare si Lucas sa pagkakaakbay sa kanya at tawang-tawa naman si Lucas saka siya bumalik kay Void para makipagkantahan ulit.

He sighed and put down his flute glass before looking at his sister, who's looking at him with a teasing look and smile.

"Stop staring at me like that, sister. I did not decide about this," sabi niya at hinalukipkip ang kanyang mga braso.

"Oh, but you accepted our father's decision immediately though," pagbabalik nito at kinuha ang flute glass ni Flare para inuman iyon.

"Hey, that's mine!" Sinubukang kunin ni Flare ang flute glass niya sa kakambal niya pero nilayo agad 'yon ni Friar.

"Ah-uh, baka nakakalimutan mo, low tolerance ka," panunukso ng kapatid niya. "So, I'll take this, brother." Tinungga niya ang champagne at binaba na lang iyon nang maubos.

Flare groaned. "I wanted to drink today," reklamo nito habang masama ang tingin sa kapatid.

"Bawal ka. Masama sa health mo and by the way, Mavis, ayos ka pa? Baka nahihilo ka na?" tanong niya sa 'kin.

Umiling ako. "I'm fine. Keri pa," sagot ko at uminom uli sa wine glass ko bago kumain ng steak.

Nagpatuloy ang okasyon hanggang sa dumating na ang alas dyes. Tinulungan ako ni Flare na pumasok sa guest room. Siya na rin ang nagpunas ng tubig sa mukha ko dahil medyo nahihilo na ako. Tahimik niya akong inasikaso.

Well, it is kind of unusual to see na inaalagaan ako ni Flare kasi lagi siyang cold sa akin at panay hatak lang alam niyang ginagawa sa akin pero ngayon, malumanay ang kanyang mukha habang inaasikaso ako.

"Lay down," utos niya at kaagad ko 'yon sinunod.

He guided me slowly while I'm trying to lie down on the bed. He tucked in the blankets and kissed my forehead.

"Good night."

Tumalikod siya at naglakad papuntang pintuan ng kuwarto saka pinatay ang ilaw. Nakita ko pa ang kanyang silhoutte habang papikit ang mata ko. Nakangiti ang aking labi pagkapikit ng mata ko.

He gave that little effort. How cute.

~***~

Fifth day of the first week in Ferris University. Gano'n pa lang ako katagal sa bagong eskwelahan ko. Parang sobra ng andaming nangyari sa isang linggo na pag-aaral ko sa university na 'to dahil kay Flare at Friar.

"There are few cases going around the city connected to our target organization," sabi ni Tyrone.

Nasa kuwarto ako ngayon ni Tyrone. Kasa-kasama ko si Flare. Nakatingin kami ngayon sa multiple screen niya. Ang iba ay naka holographic na. I don't know how he managed to connect all the screens at once pero apaka-astig tingnan.

He clicked a button at may lumabas na file. It zoomed automatically and put pins on the locations on the map.

"These are the places commonly been tracked by our organization. They have previous transactions with illegal drugs. The tracking team found out someone is monopolizing the transaction locations."

"Our location must be tracked by them."

Tyrone nodded and clicked a few buttons on his holographic keyboard. A file popped out again and a list of locations with postal ids, random numbers I do not know the meaning, and names are all piled up, continuously playing like credits at the end of a movie.

"I have all the possible locations of where they might be moved. You could put our fellow reapers in their positions to manage on ruining their plan."

"No, we must keep on tracking them," sagot ni Flare at lumingon sa akin. "What do you think of this situation, Mavis?"

"Tracking them is a good plan but we need to put a few members on spying on them," sagot ko at tinuro ang isang location. "Diyan sa location na 'yan posible silang magkaroon ng transaksyon ngayong araw."

Nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin si Tyrone. "How did you know—"

"I encountered several transactions when I was with my dad's team." And with the former organization I'm in before.

"How old are you again? A mere teenager wouldn't track a location in a few minutes, even me as a hacker."

I smiled. "Good luck improving your skills then, Ty."

He groaned. "Please do not call me that nickname. The idiot little Light only calls me that."

Binatukan ni Flare si Tyrone. "Don't call my cousin an idiot, idiot."

"Hey! That hurts, bastard!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang seryosong atmospera napalitan bigla ng pagkakulit dahil sa dalawa.

We went back on monitoring after a few minutes of their bickering and discussed how we could plan on tracking the organization without the team getting caught. Again.

~***~

"I still can't believe na pumayag ka sa proposal ni Dad. We are an organization where even the government can't lay hands on, tas pumasok ka lang ng gano'n kadali. At nakausap mo pa Dad namin nang hindi natatakot."

Believe me. I do, Friar. Pero siyempre, hindi ko sasabihin 'yon sa kanya.

We're in Flare's club again. Tambay lang do'n habang dala-dala ang pinadala sa 'ming malaking lunch set ni Mama Nena. Si Mama Nena ang matandang lola ng maid twins. Siya rin ang head ng mga kasambahay sa bahay nina Friar at Flare.

Lucas ate one of the teriyaki and moaned with satsifaction. "Ang sharap talaga magluto ni Mama Nenya," sabi niya habang ngumunguya.

"And why are you three here again in my club? This is not a tambayan."

Nilunok ni Lucas ang kinakain at tinuro ang tinidor kay Flare. "Eh, wala kang magagawa. Tambayan na natin 'to simula ngayon."

"Who said?"

"Said me," nakangising sagot niya at kumain ulit ng teriyaki.

Hinampas ni Friar ang kamay ni Lucas nang kukuha uli siya ng teriyaki. "Huwag mo kami ubusan niyan."

"Paki mo, Fri. Gusto ko niyan eh." Nakanguso pa siya habang sinasabi 'yon.

Kumuha ako ng sushi sa isang lalagyan at sinubo iyon sa bibig ko. Nanood lang ako kay Flare nang i-flip niya sa kabilang page ang binabasa niyang libro.

Hindi pa rin ako makapaniwala. I'm one of them now in just four days. Na-approve agad ako sa organisasyon nila nang wala man lang ginagawang trai o pagsubok galing sa head ng kanilang mafia.

Should I feel proud? Feeling ko, apaka-unfair ng nangyari sa akin sa mga pumasok sa mafia nila nang may mabibigat pang training bago makapasok sa organisasyon nila. And here I am, sitting next to three High Reapers casually eating food.

Napansin kong umiinom na naman si Flare ng canned coffee. Nakakabusog ba 'yon? Malamang hindi. Kinuha ko ang lalagyan ng sushi at tumayo. Naglakad ako papunta kay Flare at nilapag 'yon sa harap niya.

Napataas siya ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo. "You need anything?" malamig niyang sambit.

"Pagkain oh," pag-aya ko at kumuha ng isang sushi para ilapit 'yon sa bibig niya. Tinitigan lang niya 'yon. "Canned coffee isn't good for your health. Kain," utos ko sa kanya.

Nagtaas siya ng tingin sa akin. "I'm not eating foods. I'm not hungry. And don't give me orders. You're below me."

"Walang below-below at up-up sa pag-uutos sa isang tao para kumain," pagsagot ko sa kanya at mas lalong inilapit ang pagkain sa bibig niya na nahalikan na nga niya ang sushi sa sobrang lapit.

Sinamaan niya ako ng tingin. Aba! This man is really stubborn! Kahit pagkain ng sushi, ayaw pa!

He was about to open his book again when I put it on the table away from his hands and grabbed his face, forcing his mouth to open and shove the sushi on his mouth.

I could hear Friar's choked laugh and Lucas' loud chuckle as they witnessed Flare choking on a piece of sushi shove on his mouth by me.

Inabutan ni Friar ng tubig si Flare nang nag-signal ang kapatid niya sa kanya. Uminom siya nang mabilis at sinamaan agad ako ng tingin habang humihinga ng malalim.

"You woman..." Tumayo siya at lumapit sa akin. He is towering me and the space between us is inch apart. "Shoving a food on my throat like that... Do you have a death wish?"

Nanlalaki ang mga mata niya at halatang pinipigilan akong sapakin sa pagkakahigpit ng kuyom ng kamao niya. Napangiti ako sa kanya na kita ang mga malilinis kong ngipin at tinalikuran siya.

Ramdam ko ang titig niya sa likod ko pero wala akong pakialam. Nagpatuloy ako sa pagkain ng inihanda sa'ming pagkain ni Mama Nena.

"Wala ka pala eh. 'Di mo masuntok-suntok," panunukso ni Lucas. "Kung ako siguro gumawa no'n sa'yo, malamang nasa ospital na ako ngayon."

"True," pag-a-agree ni Friar at nginuya ang kinain niyang teriyaki at kanin. "So, Mav, what's your plan after this? Wala raw tayong klase mamaya. Nagkaroon daw ng sudden meeting ang mga teachers."

"I think I will go to SSC Office to request a club participation," sagot ko sa kanya matapos kong uminom ng tubig sa water bottle na binili namin sa canteen kanina.

Nanlaki ang mga mata ni Friar. "Ha?! Saang club?!"

"Detective club."

Nasamid si Friar at mas lalong nanlaki ang mga mata. "Ano?!"

"Pa'no ka makakapasok sa club na 'to, eh masyadong matigasin ulo ng Sherlock wannabe na 'yan oh," turo ni Lucas kay Flare. "At saka, anong mapapala mo dito? Hahatakin at hahatakin ka lang naman niyan sa mga mababahong katawan eh. Eh, kung sa 'kin ka na lang kaya sumama? Para gagala tayo lagi."

He wiggled his eyebrows on me, trying to convince me on siding with him. Binatukan siya ni Friar at pinagsabihan bigla. Napainom ulit ako ng tubig at lumingon kay Flare. He is reading again.

I sighed and walked towards his desk, grabbed the book and closed it, and sat on the edge of the desk looking at his eyes directly.

"You alright?" tanong ko.

I felt something is unusual with him since this morning kaya ko naitanong 'yon. I'm just concerned about his mental health, not that I really care about him as a person though.

He sighed and leaned on the cushion of his chair. "We still have no leads about what's the organizations whereabouts."

Since Tito Ris make him take over the ruler of the High Reapers and has the ability to control the lower ranks as well, napunta lahat sa likod niya ang responsibilidad tungkol sa mafia nila.

I couldn't blame him though. It just got transferred to him when I agreed with the proposal. Maybe, it's my fault that he's stressing on the current matter of their organization.

"You're blaming yourself," rinig kong sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. He read my mind. Again.

"Pa'nong hindi 'di ba? When I accepted your father's proposal, all responsibilities got on your shoulder. Sino ang nag-trigger ng pagpasa sa'yo ni Tito Ris ng responsibilities? Ako."

"Yes, it is kind of your fault."

See? Siya na nagsabi ah.

"But it's not really your fault."

Ha? Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Hinatak niya ako at pinaupo sa isang arm ng kanyang swivel chair. I helped balance myself by grabbing the rest head of the chair.

"I took the responsibility because I am the heir. It must be handled right away by me. I will take the responsibilies as soon as I lay hands on the position of being an heir. The mission is difficult, yes, I would not rather say it is just hard because there are many alternatives been made by our organization and our foe, but I could manage it. So don't blame yourself. It'll leave your character scarred."

Sumama ang tingin ko sa kanya. Anong "leave your character scarred"? Ano 'yon, laro? Masusugatan ang karakter ko?

"Hindi ko 'yon makakasira, buwiset ka." Umayos na ako ng tayo at pinagpag ang uniform ko. "My file on registering to your club is done. Ipapasa ko na lang ngayon sa SSC Office. Want to go together?"

"We'll go to the library after," sabi niya at tumayo na rin.

"Sure."

~***~

Nang makarating kami sa library ay sobrang tahimik. Baka kasi mapagalitan sila ng nagbabantay. Ibinigay ko ang library card ko at pinirmahan naman 'yon ng nagbabantay bago ito tumango pagilid, indication na pwede na akong pumasok.

Yumuko ako bilang pasasalamat at pumasok na ng tuluyan sa loob pero bago pa ako makapunta sa mga bookshelves, nahinto ako nang marining kong sumigaw ang tagabantay.

Napalingon ako sa likuran ko ng wala sa oras at nakita si Flare na dire-diretso ang paglakad, lumagpas pa nga ng lakad sa 'kin at walang pakialam sa pagtawag ng tagabantay sa kanya.

Hinatak ko sa kamay si Flare at binalikan ang tagabantay. "Mr. Furrer, nasa'n na naman ang library card mo?" inis na pabulong nito.

Tumingin sa kanya si Flare. Pero ilang segundo lang 'yon bago bumaling sa ibang direksyon ang tingin niya.

Nagulat ako nang biglang hinawakan ng tagabantay ang necktie ni Flare at puwersang nilapit ang mukha nito sa kanya.

"Where's your library card, sir?" tanong ulit nito.

"You're ordering me again, Mrs. Ocampo. Baka nakakalimutan mo, my father is the owner of this university."

"Baka nakakalimutan niyo rin po, Sir Furrer, may rules ang library na 'to. I supposed you all know them. You're the President of the SSC at anak ka pa ng may-ari ng school. I hope you're understanding my point there, hm?"

"Tch. Old fart," pagmumura ni Flare at may kinuha sa pocket ng kanyang school trousers. Cellphone niya. He clicked a few buttons and he put his phone near his ear. "Lucas, bring my library card here. The old woman is lecturing me again. Yeah, yeah, I don't need your lecture too, sister. Just send my library card here asap. 'Kay. Bye." He glanced on Mrs. Ocampo's way. "My 'friends' will bring the library card here. Now, could I come in now?"

Mrs. Ocampo clicked her tongue. "Makakalusot ka lang uli sa 'kin dahil sa mabait mong kapatid at si Lucas. Kung wala sila, 'di kita papasukin dito dahil sa pagbe-break mo ng rules," ani nito at napailing-iling saka lang pinayagan si Flare na makapasok ng library.

Nagpasalamat ako sa matanda at sumunod na kay Flare. Sinamaan ko siya ng tingin nang huminto kami sa isang bookshelf na nasa psychology section.

"Magkaroon ka naman respeto kay Mrs. Ocampo," pagsisimula ko habang naghahanap din ng mababasa. "Matanda 'yon ih."

"Not every person that has a higher number of age than mine means that I could respect them. I would respect someone when I choose to respect them."

Napailing na lang ako at umakyat sa hagdanan para maabot ang isang librong interesado ako pero bago ko pa man 'yon makuha, nawala ako sa balanse. Tanggal na ang paa ko sa hagdanan at pahulog na ako sa sahig nang may pumulupot na mga kamay sa isa kong braso at nasalo ako sa likuran.

"Miss, are you alright?"

Unti-unti akong napataas ng tingin. Para yatang nakakita ako ng anghel sa sobrang inosente ng mukha niya. Parang wala pa nga yatang pimples. Ang mga mata niya ay may nag-aalalang tingin.

Kung si Flare mukhang hari ng kayelohan, eto yata hari ng kabaitan. Nanlaki ang mga mata ko at napailing-iling bago ako naglakad palayo sa lalaki. Kung ano-ano na naman iniisip ko, hays.

Napayuko sabay sabing, "Salamat."

"No problem," sabi niya at ngumiti. "Gusto mo samahan pa kita sa clinic para—"

"Ah, hindi na," pagtanggi ko at nginitian. "Salamat na lang. 'Di naman masakit ang pagkakabagsak ko ehe."

"No, let me. Maybe, you got sprain or something," pagpupumilit niya at humakbang palapit sa akin.

Humakbang naman ako palayo dahil ayaw ko nga pero patuloy siya sa pagsa-suggest na pumunta raw kami clinic.

Hirap pala makipag-usap kapag sobrang anghel kausap mo eh 'no. Masyadong matulungin.

Hindi pa rin niya ako tinigilan hanggang sa may humatak kwelyo ng damit ko at inakbayan ako sa balikat. Sisikuhin ko na sana nang makita ko kung sino 'yon.

"Stop pestering her," malamig niyang sabi habang nakatingin sa lalaki.

Flare! Ayan na naman ang weird na pakiramdam na parang tumatalon ang puso ko palabas sa dibdib ko.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa gulat. Pero kaagad na ngumiti ito at biglang lumuhod. "My apologies, Sir Zeus. I do not know she is your woman."

"I'm not his—"

"She's not my woman," pagsingit ni Flare sa akin at pinatayo ang lalaki. "Welcome back."

Yumuko ulit ang lalaki habang ang kamay ay nasa kaliwang dibdib. "I'm back, sir."

"Any investigations lately."

"Too complicated on detailing all, sir."

Flare nodded and pulled me closer to him. "This is Mavis Throver. She will be my Hera, your Lady."

Nadagdagan pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bawat bitaw niya ng salita, parang may hidden meaning kahit wala. Ayokong umasa pero napapa-overthink ako sa uri ng pagkakasalita niya.

"Who are you?" tanong ko sa kanya.

Napatitingin siya sa akin at nakangiting yumuko. "My name's Ruxinaire Villa, my Lady. I'm one of the most trusted informants of the Furrer Mafia. I am Sir Zeus' assistant since he was a child."

I noticed his hands are wearing biker gloves. "You are a biker and a sniper, right?" I asked.

His face contorted in surprise. "Yes. Goodness, pa'no mo nalaman?"

"Nails are short. It is not common but usually, snipers also used gloves to give their control more stability." Because I tried sniping more than once in my life, that's why I know. "Ang sa motorcycle naman, minsan ginagamitan din ng gloves para 'di madulas sa kamay ang handles so needed talaga siya."

Napatingin ito kay Flare, naghahanap ng sagot rito. "She's an interesting girl, isn't she?" sabi ni Flare na may ngisi sa labi.

"Sir, she is unexpectedly a match for you," aniya.

Tahimik na nag-usap ang dalawa at nagpatuloy ako sa paghahanap ng librong mababasa ko. Umupo na rin kami sa isang group table na aapat na tao lang ang pwede at doon tumambay.

Well... I guess this is unexpected for me. Fifth day of the first week of my school year at Ferris University, updating... A lot to say but hard to process. It all happened so fast. Progress: the case of my father has now been opened and the book of my investigation will just have its beginning.

Rest and well. Truthfully for you, me.

###