webnovel

chapter 1

Isang malakas na pagsabog mula sa kalawakan ang Umalingawngaw,,,kasunod ang malakulay abong usok na nagliliyab na tila ba sa isang palabas lamang makikita.Ngunit sa halip na kasiyahan ang maririnig sa paligid,isang kakakilabot na hagulhol at hiyawan ang maririnig sa mga taong nakaantabay sa nanyayari.

Walang sinuman ang nais huminga na tela ba may isang pelikulang pinapanood na hindi maaaring guluhin at baka maisturbo ang mga ito.Tahimik ang lahat habang pinagmamasdan ang unti unting pagkaupos ng apoy mula sa himpapawid.Ngunit maliban lamang sa isang tao na hindi na kailangan pigilin ang hinagpis dahil sa nangyari sa kanyang pamilya.

...ang mahal na senyora!!sigaw nang isang nakaunipirmadong babae mula sa sulok ng mansiyon.kasabay ang pagsambulat ng isa pang tao na malamang kamag anak ng nasabing senyora."ANG asawa ko!!ang mag ina ko!! hinagpis ng isang matipunong lalake na ngayon ay wala ng natitirang hiya habang nagwawala sa sobrang sama ng loob.

Unti-unti nang naglalaho ang usok mula sa isang private plane na kani kanina lang ay sumabog sa himpapawid..wala na ang ang bakas ng kahit anong trahedya knina, wala na!! at malamang wala ring nkaligtas sa pagsabog na iyon.Kahit nga bakas ng eroplanong iyon wala na!

Sa kabilang banda:;

masayang nangangahoy, c mang Isko, ang matandang lalake na xang nakatira sa kagubatan ng sutakwil, gubat kung saan walang maaring makarating doon dahil sa mga nakatirang mga mababangis na hayop.

Habang pakanta kanta siya,, nakarinig xa ng isang pagsabog, nagulat man ang matanda, pero di na niya iyon inalintana.Ipinagpatuloy lamang ang kanyang ginagawa, kailangan niyang matapos ang pangangahoy, at hindi kailangang abutin ng dilim at mapanganib.Nasa kabilang bahagi lamang ng isla siya nakatira, mas pinili niya doon, mas malapit sa pampang ng ilog, at mas may mapagkukunan siya ng makakain.Nag iisa na lamang siya sa buhay, wala na ang pinakamamahal niyang asawa,namatay ito matapos atakihin ng mabangis na hayop, at lalong wala siyang nagawa, dahil isa din sana siya sa mamatay kung hindi siya nahulog sa bangin.Nais niya din sanang umalis sa isla ng sutakwil, ngunit tanging ala ala ng yumao niyang asawa ang siyang pumipigil sa kanya.

Biglang hindi niya napigilan ang mapaluha,

"Doray",asawa ko.!sambit niya. "patawarin mo ako kung wala man lang akong nagawa!!muli'y usal ng matanda. Pat...."napatigil siya'ng bigla sa sasabihin ng mapansin ang kakaibang bagay na mabilis na bumubulusok paibaba, masakit sa teynga ang sagitsit nito, bigla din ang kalabog ng kanyang dibdib ng makita ang bagay na pabagsak..

"Heganteng payong?!!"bulalas ng matanda,!!sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakakita ng heganteng payong.!!sa kawalan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya, kaya hindi alam ng matanda ang bagay na iyon.

'"ano ba yaon!!" mabilis siyang nagkubli sa malaking puno, upang hindi siya makita ng kung sino mang halimaw o hayop na nakasabit sa payong na yon.!!mas lumalakas ang sagitsit ng payong na yun habang mas lumalapit! Ngunit biglang Tssrrrrrrrkkkkkkkk'ccc""tunog ng malakas na pagkahati ng tela na inakala niya'ng

payong, kasabay ang pagkasabit nito sa malaking sanga ng puno kung saan siya nagtatago.

Sa sobrang takot ng matanda, at kakulangan sa kaalaman, nagkandaihi siya sa kanyang salawal, sa takot na baka mga allien iyon,.. Habang hindi makagalaw sa kinatatayuan niya', nag iisip siya na baka bigla may magbabaan na sakay ng mahiwagang payong!! Ngunit lumipas pa ang ilang minuto, wala ni'y isa ang bumaba.Bagkus isang puting basket na natatalian ng isang itim na sinturon na mukha namang panali!

'aaanuuu ba yaon?"! nauutal niyang tanong sa sarili, habang nakatingin sa nakasabit na basket.

"pagkain yata!?"muling bulalas ng matanda.Mas lalo siyang kinabahan ng gumalaw ang nakabitin na basket sa itaas ng puno.."jussskkoooo aaanjan na sila!!!""" mahinang bulalas ng matanda sa nanginginig na boses. Habang hindi parin gumagalaw.

Ngunit biglang may umiyak!!

"ano yun sanggol??!!mahabaging Diyos, sanggol ba iyon?iyak ba ng sanggol ang naririnig ko?Di makapaniwalang bulalas ng matanda! ang kanina'y takot na nararamdaman, ngayon ay napalitan nang kuryusidad at biglaang nakabalik sa kanyang huwesyo. Sing bilis ng lobo ang kanyang galaw ng mapagtanto ang nasa loob ng basket!! at di nga siya nagkamali!! !""jusko!!sanggol nga!!muling bulalas niya ng mabuksan ang basket gamit ang kanyang palakol,napakahirap man nito buksan ngunit nagmamadali siya, sapagkat mas lumalakas na ang iyak ng sanggol sa loob.Marami man katanungan sa kanyang isipan, pero mas minamadali niya ang pagkuha sa sanggol.

"!napakagandang bata!!""bulalas niya ng mabuksan ang basket at tumambad ang kumikinang na ginto sa loob nito. katabi nito ang isang bote na may kalahating laman ng gatas, isang bonet, lampien at damit ng bata.Hindi basta bastang damit kundi isang napakagandang damit. Kumikinang ang mga diamond na nakadikit sa manipis netong tela.

"Paanong,napunta ka d2?? saan ka ba galing!!?? mahinahon niyang tanong sa inosenteng mukha ng sanggol na ngaun ngumingit na.Gusto pa sana ng matanda magtanong, ngunit biglang nagdilim ang panahon,."naku teka lang!! wag kang iiyak huh.. aayusin ko lng tong mga inipon kung kahoy!! at babagsak na ang ulan. kailangan din natin makauwi at baka abutan tayo ng ulan. mahirap pababa pag madulas!"" saka dadalhin nalng kita sa kubo ko at baka lapain ka d2 ng mga mbabangis na lubo.. sayang ng ganda mo eneng!!"mahabang litanya ng matanda habang inaayos ang mga kagamitan niya..Hindi pa din niya kinukuha ang sanggol sa loob ng basket na animo'y kama nito.Bit -bit ang basket, at mga nakuhang kahoy, mabilis na naglakad ang matanda pabalik sa kanyang munting kubo sa takot na baka abutan ng malakas na ulan.At doon niya na lamang ilalabas ang sanggol na nasa loob pa ng basket at poproblemahin kung ano ang gagawin niya rito..

Next chapter