webnovel
avatar
Prince of The Lawless Land Book

novel - Fantasy

Prince of The Lawless Land

Tyo_Caloy

Ongoing · 9.7K Views

  • 1 Chs

    Content
  • ratings
  • N/A

    SUPPORT

Synopsis

Miro, lupaing pinaghaharian ng mga barbaro. Mamamayan nito'y unti-unting kinikitil ng kanilang takot. Katapangan nila'y iginapos ng tanikala ng karuwagan at nakulong sa selda ng pagkakan'ya-kan'ya. Walang kinikilalang pinuno, walang sinusunod na patakaran. Nagkaroon ng labis-labis na kalayaan, nawalan ng karapatan. Buhay at karangyaan para sa mga malalakas, gutom at kamatayan para sa mga mahihina. Mga dating alipin na tinakasan ang dati nilang buhay sa dati nilang bansa. Nagawa nilang alisin ang mga kadenang nasa kanilang paa't kamay, ngunit 'di nila namalayang sa kaluluwa na nila ito matatagpuan. Ito ang panahon ng mga barbaro, taon ng walang humpay na pag-agos ng mala-ilog na likido ng buhay. Sa bawat pag-sikat ng araw sa Silangan, at bawat paglalakbay nito patungong Kanluran, ay hindi nawawalan ng kaguluhan. Nagsisimula ang mapayapang umaga na nagwawakas sa pagluluksa pag-sapit ng gabi. Bawat buwan ay mistulang tag-lagas hindi ng mga dahon kundi ng mga buhay. Tag-sibol hindi ng mga itinanim na butil kundi ng walang kapantay na galit. Talamak ang nakawan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kundi ng mga pangarap na makapamuhay nang masagana at mapayapa. Ito ang Miro, ang lugar kung saan naninirahan ang mga takas na alipin na naging biktima ng labis-labis na pagpapahirap at kawalang hustisya sa dati nilang bayan.

Tags

5 tags

Popular searches