webnovel

Prince in the Other World [Romance]

Yveon Sid Baltazar has feelings for her childhood best friend, Grant Velasquez. Grant is a famous actor, singer and model who has an excellent reputation. Yveon never tried to confess her feelings to her friend, and she knows that it will just ruin everything and she's contented on what relationship they have now. Minseo Xin, a boy who lives in the other world, was a rule breaker. He's the next one to be the king of Hanyang Dynasty, but he doesn't like the idea of being in the throne that's why he does his best to make his father angry and let his brother Jun take the throne instead. His father- the current king of Hanyang, decided to send Minseo on the other world where Yveon and Grant lives and let his brother Jun take the spot of being the next king temporarily. What will happen if Yveon and Minseo meet? Does Grant will know what his childhood best friend feels for him? The feelings will be mutual or not?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

15

"Can we talk? Ba't ba hindi moko pinapansin? Kausapin mo naman ako, Sid. Alam mo ba these past few days down na down talaga ako kasi hindi kita nakakausap, alam mo namang mahal na mahal kita. Tignan mo oh namamaga mata ko kakaiyak kasi hindi moko pinapan—" tinaliman ko ang tingin kay Sarah sa mga pinagsasabi niya. Napanguso siya at naupo sa gilid ko.

Alam ko sa sarili ko na merong nalalaman si Sarah ngunit hindi niya sinasabi. Hindi ko naman siya pipilitin pero kung meron nga sana sabihan niya. Kung hindi naman, bakit? Anong dahilan?

I guess, mag mamasid masid nalang ako.

"But, Sarah—" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya roon sabay kuha at senyas sa akin na sasagutin niya lang, tumango naman ako bilang sagot. Umalis siya at nagtungo doon sa hindi kalayuang puno.

Maya maya lang ay binulsa nito ang kanyang cellphone at nakakunot ang noong lumapit sa akin at naupo sa harapan ko, "Who is it?" tanong ko sakaniya.

Napabuntong hininga siya, "It's Grant, gusto ka raw niyang makausap. Mag usap raw kayo sa rooftop mamaya." saad niya kaya agad akong napa tango tango.

It's been weeks since pumasok si Grant. Mag momonths na nga ata, ano kayang nangyari sa lalaking yon?

"What do you think what happened on Grant? Weeks na siyang hindi pumapasok, four weeks na ata, halos mag iisang buwan na. Ayos lang kaya yong kababata mong yon?" tanong sa akin ni Sarah kaya agad akong napa isip at napa kibit balikat.

"Hindi ko rin alam. Mabuti naman at mag uusap kami mamaya, itatanong ko nalang sakaniya. Sasabihan kita kung anong pinag usapan namin."

"Anong exact time ang pag uusap namin?"

Nag kibit balikat siya, "Basta ang sabi niya mamaya. Ikaw rin, gusto mo bang pumunta na roon para mag hintay? We don't have any subjects next e." saad niya kaya agad akong tumango at niligpit ang mga gamit ko.

"Mag hihintay nalang ako doon. Nag aalala narin kasi ako sakaniya. Sige mauna na ako." saad ko at tinapik ang balikat niya. Tumango siya at ngumiti sa akin, agad akong nag tatakbong humahangos patungo sa rooftop. Pagkarating ko roon agad akong hiningal.

Napakahirap talaga kapag walang elevator.

Inilapag ko ang bag at mga books ko sa lapag atsaka naupo narin doon. Wala pa si Grant. Napatingin nalang ako sa mga estudyanteng nasa ibaba, nag lalakad, nag uusap at nag haharutan.

"Sid." napatingin ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. And what i'm seeing right now makes my eyes wide. What the fuck?

"What happened to you, Grant? Your hair, did you dye you hair to red? When? Tapos, bakit ang haba haba? Ikaw ba talaga yan?" tanong ko sakaniya at lumapit rito.

Natawa siya habang nakapamulsa, "No. This hair color of mine and the length was natural, hahaha." he said chuckling.

Napailing ako, pinagloloko ata ako nito. Natural?

"Kailan pa naging red ang kulay ng buhok mo, aber? Magkasama na tayo since bata pa tayo kaya anong pinagsasabi mong natural ang red na hair color mo? Atsaka isa pa, tignan mo nga yan, napaka haba, kelan kapa naging isang babae?" tanong ko sakaniya.

Sumimangot siya sa akin, "Sinabi ko naman sayo, natural talaga 'to. Itong haba nito, natural lang para sa mga nilalang na kagaya ko." saad niya at akmang hahampasin ko siya ng bigla akong naubo.

"Are you alright?" tanong niya kaya agad akong tumango, mabilis ding nawala ang ubo ko.

Tinignan ko siya at inexamine siya mulo ulo hanggang paa. Ang buhok niya ay naging kulay pula at umaabot iyon hanggang balikat, nakatali iyon sa isang ponytail at ang isang tela ay nakabalot sa noo niya. Ang suot niya, ay parang suot ng mga sinaunang tao. Parang mga prinsipe sa palabas.

"Nag cocosplay kaba?" tanong ko sakaniya. Ngumiwi siya at tumawa sabay tulak sa noo ko gamit ang dalawa niyang daliri kaya agad ko siyang pabirong sinapak sa kaniyang braso.

"Ooh, mukhang lumaki rin ang muscles mo ah. Ano bang ginawa mo these past few days at parang naging busy ka? Hindi kana nakakapasok ng school, ligwak na grades mo." saad ko sakaniya na siyang ikinatawa niya.

"One week ago lang noong nag pasa ako ng form ng pag alis ko sa school." saad niya kaya agad na nanlaki ang mata ko.

"One week ago? Ang tagal na non, tapos hindi mo man lang sinabi sa akin? Hoy ikaw, kaibigan moko no! Dapat sinasabi mo sakin!" saad ko sabay sapak sakaniya, nanlaki ang mata ko ng biglang mapigtas ang bracelet na nasa kamay ko ng maisabit ito sa kaniyang suot. Gulat at nanlalaki ang mata kong tinignan iyon sa lapag, agad ko iyong pinulot at napatingin kay Grant.

Ang bracelet na ito ay bigay mismo ni Grant. "Sorry, hindi ko sinasad—" natigil ako ng tumawa siya ng marahan.

"Ayos lang, ibalik mo na sakin ang bracelet na iyan." saad niya at kinuha iyon sa kamay ko at itinago sa kanyang kasuotan.

"Kumain tayo, nagugutom ako." saad niya kaya agad napataas ang kilay ko.

"Kakain tayo sa labas? Habang yan ang suot mo? Nabuang kana ba? Sigurado akong pag titinginan tayo. Agaw pansin kaya yang suot mo, tapos yang mahaba mong buhok na kulay pula, para kang manok."

"Kakain tayo sa labas? Habang yan ang suot mo? Nabuang kana ba? Sigurado akong pag titinginan tayo. Agaw pansin kaya yang suot mo, tapos yang mahaba mong buhok na kulay pula, para kang manok." saad ko sakaniya kaya napasimangot siya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang patalim sa likuran niya.

"Teka, isa ba 'yang espada? Totoong espada? Wow, ngayon lang ako nakakita ng ganyan." ani ko at tinangkang hawakan ito ngunit mabilis namang tinapik ni Grant ang kamay ko pero nagkaroon parin ng kaunting sugat. Ganoon naba katalas ang espadang yon?

"Aish, tignan mo nga ang ginawa mo. Ikaw talaga, akin na ang kamay mo." saad niya at hinawakan ang kamay ko at itinakip doon ang kamay niya, napapikit ako ng may kakaunting liwanag na lumabas mula roon, maya maya lang ay nawala iyon kaya agad akong napatingin kay Grant at sa kamay ko.

Unti unti niyang inialis ang kamay niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko sa nakita. Nawala ang sugat ko, nawala ang dugo. Paanong nangyari 'yon?

Napalunok ako at napatingin sakaniya, pabalik sa kamay ko, sabay tingin ulit sakaniya. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. I was so startled.

"Nananaginip ba ako? Tama, panaginip 'to." kinurot ko ang sarili ko pero sobrang sakit non kaya napangiwi rin ako. Nanghihina akong napaupo sa sahig, humawak sa akin si Grant upang alalayan ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya kaya agad akong napailing.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sakaniya. Naupo ito sa harapan ko, hindi kagaya ng pag upo niya rati na naka kayang pa, ngayon ay maayos ang pag upo niya. Parang upo ng mga napapanood ko sa tv.

Napakamot siya sa kanyang batok na halatang nahihirapan sa kaniyang sasabihin, "Kumain muna kaya tayo? Habang kumakain tayo, atsaka ko nalang ipapaliwanag sa'yo. Namiss ko na ang pagkain rito, doon kasi puro mga prutas at gulay." saad niya habang inaalalayan ako sa pag tayo.

Napakunot ang noo ko, "Doon? Saang doon? Saan kaba nang galing? Alam ba ni Tita 'yan?" tanong ko sakaniya.

Napangiti siya at tumango, "Yeah, she knew. Tara na, kumain muna tayo." saad niya at nauna ng naglakad pababa sa hagdan. Wala akong nagawa kundi ang sampalin ang mukha ko, at ng maramdaman kong masakit iyon ay napailing nalang ako at napatingin sa kamay ko atsaka naglakad na rin.

"Teka, hintayin moko!" sigaw ko rito ngunit parang wala itong narinig at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Kumusta ka naman these past few days? Ayos ka lang ba?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami. Hindi maipag kakailang nakatingin sa amin ang bawat estudyante. Nagbubulungan sila at ang iba ay natatawa pa.

"Ayos lang, pero hindi parin ako makapaniwala. Alam mo bang isa pala akong prinsipe sa mundong 'yon? Pero hindi pa official na prinsipe, kasi may kailangan pa akong alamin. May kailangan pa akong patunayan." saad niya kaya mas lalo akong naguluhan.

Nagsalubong ang kilay ko at nangunot ang noo ko, "Kabilang mundo? Wait, hidden camera prank ba 'to." saad ko dahilan para itulak nito ang noo ko gamit ang dalawang daliri niya sabay tawa kaya napasimangot ako.

"Mamaya na natin pag usapan habang kumakain tayo para mas maganda. Tara na." saad niya sabay hila sakin papasok sa isang tricycle na pinara niya. Napatitig pa sakaniya ang driver dahil sa suot niya pati narin ang buhok niya. Nag fanboy pa ata si manong.

Pagkarating namin sa malapit na restaurant agad kaming bumaba at nagbayad. Pagkapasok namin doon, as usual agaw pansin, nagbubulungan sila, nag ngingitian, may nagtatawanan, may napapa iling at ang mas malala may nagpa picture.

"Puwede po bang pa picture kuya? Ano pong pangalan niyo? Famous costplayer po siguro kayo?" tanong ng isang babaeng mukhang nasa junior high school pa lang. Natawa nalang si Grant sabay bigay sa akin ng phone ng babae para kuhanan sila ng photo.

Nang maka dalawang click ay ibinigay ko na sa babae iyon. Napatitig ang babae sabay tingin ulit kay Grant, "Kuya, artista po ba kayo or model? May kamukha po kasi kayo, si Grant Velasquez po?" tanong nito kaya agad akong napatingin kay Grant, nakilala siya.

"Hindi, isa lamang akong costplayer. Sige mauna na kami ng kasama ko, kakain pa kasi kami." saad niya rito sabay hila sa akin at upo sa pinaka dulo kung saan halos walang nakaupo.

"Masyado naman kasing agaw pansin ang suot mo. Ganyan ba ang suot ninyo sa kung saan ka man pumunta?" tanong ko sakaniya.

Tumango siya, "Oo, puro ganito, iba iba nga lang ng disenyo. Naka depende sa disenyo at quality ng suot mo ang antas mo." saad niya kaya mas lalong nakulikol ang utak ko. Wala akong maintindihan.

"Kuya, kuya ang ganda po ng hair ninyo. Puwede ko po bang isuot yan? Please po!" saad ng isang batang babae na nasa edad na anim siguro. Maputi ito at medyo mataba. Inilapag nito ang kanyang manika sa table namin sabay hila sa buhok ni Grant.

"Aaah, aw. Bitaw, bata. M-Masakit. Totoong buhok yan." saad niya rito, nanlaki ang mata ng bata sabay bitaw doon.

"Totoong buhok po ba talaga niyo yan? Ba't po ang haba? Babae po kayo o lalaki?" tanong nito kaya napangisi ako. Ang cute kasi ng bata, parang gusto ko ngang sabihin sige lang sabunutan mo yan, bata.

"Oo, totoo 'to." saad ni Grant sabay ngiti at kindat sa bata at hawi ng buhok niyang napaka haba na mas maganda pa ata sa buhok ko.

"Pakita nga po," saad ng bata sabay hila ulit sa buhok niya kaya agad akong natawa, napatingin sa akin si Grant sabay pinatalim ang kaniyang titig kaya napaiwas ako ng tingin.

"Tama na bata masakit, aw." saad niya kaya agad nalang akong nailing. Napagdiskitahan pa.

"Wow... Totoo nga po, hahaha. Papicture po ako sainyo mamaya, ah. Kakain lang po ako. Wag po kayong aalis hangga't dipa ako nakakapag papicture. Salamat po, bye." saad nito sabay kaway at alis.

Napatingin ako sa manika niya kaya agad ko iyong kinuha, "Bata, naiwan mo manika mo." saad ko sakaniya.

Napatigil siya sa pag lalakad sabay tingin sakin at bumungisngis, "Iniwan ko po yan para walang takas si kuya Red." saad niya kaya agad akong napatingin kay Grant, may bago na agad siyang pangalan. Napangiti ako sa bata, kumaway ito at umupo sa hindi pinaka malayong upuan. Wala siyang kasama doon, mukhang umorer ang kasama niya.

"Natorture ako doon ah, hahaha." saad ni Grant kaya nailing ako.

"Anong order mo? Ako na ang oorder." saad niya kaya agad na akong tumayo at umiling.

"Wag na, ako na. Baka mapag diskitahan kapa dahil diyan sa suot mo." saad ko kaya agad siyang napangiti sabay tango. Inirapan ko nalang siya at nag tungo na sa counter. Nag order nalang ako ng extra spicy chicken and five cups of rice.

Pag dating ko doon habang hawak ang tray agad niya akong sinamahan upang kunin ang iba. Nang mailapag na ang lahat sa lamesa ay nag simula na rin kaming kumain.

"So, ano ngang nangyari? Puwede mo bang ikuwento sa'kin simula sa una kasi wala talaga akong maintindihan." saad ko sakaniya, tumango siya at isinubo pa ang isang chicken sabay kain ng rice at inom ng coke bago mag simulang magpaliwanag.

"Ganito kasi yan, i know you won't believe this but please, believe me." he said that makes me laugh, tumawa rin siya kaya agad nalang akong nailing.

"And then?" saad ko habang kumakain. Patuloy lang ako sa pagkain ko habang siya patuloy lang rin sa pag explain.

"Ganito kasi yan, naaalala mo ba yong sugat ko sa bandang dibdib ko?" tanong niya kaya agad akong tumango. Ilang beses ko ng nakita ang sugat na 'yon.

"Hindi ko pala yon nakuha noong maliit ako dahil makulit ako. Nakuha ko yon noong panahong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Ama kong Hari at ng traydor na si Punong Ministro na hindi ko alam ang pangalan, at iyon ang kasalukuyan kong inaalam." saad niya kaya napabuntong hininga ako.

"Teka nga, anong klaseng mundo ba yang sinasabi mo? Maganda ba? Parang mundo rin ba natin dito?" tanong ko sakaniya, curious na curious na talaga ako.

Umiling siya, "Sa totoo lang, mas brutal ang mga tao rito sa mundo na'to. Doon naman, maganda, mapayapa ngunit may mga katiwalian din. Ang mga pagkain ay puro sinauna, puro prutas at gulay, pero mas presko doon. Walang mga sasakyang kagaya ng kotse, jeep, o mga truck." saad niya.

"Kung ganoon, ano ang ginagamit nila para sa transportasyon?" tanong ko naman sakaniya.

"Ang mga kabayo, atsaka isa pa, meron kaming sari sariling kapangyarihan. Kaya naming mag laho at lumipat sa ibang lugar kung kelan namin gusto."

"Kaya mo bang gawin 'yon?" tanong ko rito.

Napangiwi siya, "Iyon ang pinag aaralan ko pa sa ngayon." saad niya.

"Eh, yung sa sugat ko kanina? Paanong nawala yon bigla ng takpan mo yon gamit ang kamay mo? Tapos ano yong maliwanag na bagay na nakita ko doon?" tanong ko sakaniya.

"Hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka nila."

"Sus, hindi naman maniniwala ang mga 'yan." saad ko.

Tumango siya, "Kelan ko lang rin nalaman na meron akong kapangyarihan. May isang lalaking tumutulong sa akin, sinasanay niya ako para sa nararating na paghuhukom."

"Paghuhukom?"

"Oo, iyon ang araw kung saan babawiin ko ang lahat."

"Babawiin ang ano?"

"Namatay ang Ama kong Hari at ang Ina kong Reyna ng dahil sa lalaking 'yon. Malaman ko lang talaga kung sino siya, humanda siya sa'kin. Pagbabayaran niya kung anong ginawa niya sa pamilya ko." saad niya, naramdaman ko ang pagiging seryoso nito.

"Eh, kapatid meron kaba?" tanong ko sakaniya.

Tumingin siya sakin sabay baba ng kubyertos at tumango, "Oo, may kapatid ako. Sobrang saya ko ng malaman kong buhay pa siya. Nandito raw siya sa mundo ninyo, atsaka ko na siya hahanapin kapag maayos na ang lahat."

Tumango tango ako at medyo natawa, "Makasabi ka ng mundo ninyo akala mo naman halos buong buhay mo dika dito nanirahan." saad ko dahilan para mailing siya at mapangiti. Nagpatuloy lang kami sa aming pagkain habang patuloy rin ang pagtatanong ko sakaniya at pagsasagot niya.

"Ano ang dahilan ba't pinatay ng lalaking 'yon ang Ama at Ina mo?" tanong ko sakaniya.

Nagkibit balikat siya, "Nang dahil sa kapangyarihan. Sakim ang Ministrong 'yon, umangat na nga siya, naghangad pa ng mas mataas." puno ng pagka irita ang boses niya.

"Wala ka bang hint kung sino siya?" tanong ko.

Umiling siya, "Wala pa. Sa totoo lang, kakilala naman ng tumulong sa akin kung sino ang pumatay, ayaw niya lang talagang sabihin. Ang gusto niya, hanapin ko mismo."

"Hindi ba mahirap ang ginagawa mo?"

"Walang mahirap sa bawat bagay, Sid. Kaya ikaw, galingan mo sa pag aaral." saad niya sabay tulak ulit sa noo ko gamit ang dalawa niyang daliri dahilan para hampasin ko siya.

"Eh, si Tita kumusta? Anong sabi niya?"

"Alam naman niya ang kalagayan ko. Simula bata pa ako alam na niyang hindi niya ako tunay na anak. Pagka gising niya nalang raw bigla nalang may pumapalahaw na iyak ng bata sa labas ng pintuan nila, ng pagbuksan nila, ako ang nakita nila doon. Isang sanggol na nakabalot ng sapin kung saan duguan, at doon ko nakuha ang sugat ko sa dibdib."

"Paano?"

"Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Ama at ng Ministro. Naidamay ako at nagkaroon ng sugat sa dibdib. Upang maitakas at mailayo sa digmaan, napag pasyahan ng aking Ama at ng pinag kakatiwalaan niyang kanang kamay na manatili nalang muna ako rito sa mundo ng mga tao." saad niya kaya agad akong napanganga.

Hindi ko alam na may ganito pala talaga sa totoong buhay. Sa tv ko lang to nakikita, o di kaya sa wattpad.

Grabe, hindi kapani paniwala.

"May tanong kapa ba?" tanong niya.

"Pupuwede bang dalhin moko sa mundo niyo?" tanong ko, gumilid ako dahil sa biglaang pag ubo ko at medyo pag kahilo.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Tumango ako sakaniya at pinilit na ifocus ang sarili. Maya maya ay nawala rin naman.

"Oo, ayos lang. Sagutin mo tanong ko. Gusto kong makapunta sa mundo niyo." tanong ko sakaniya.

"Atsaka na, kapag maayos na ang lahat, para tiyak kong magiging ligtas ka. Gusto mo gawin pa kitang reyna ko kapag nabawi ko na ang trono."

"Aigo, sure ka ba diyan?"

"Oo naman, hahaha."

"Joke lang, may Triton na'ko no." saad ko, nawala ang ngiti sa labi niya at napatingin nalang sa kaniyang kinakain.

Tumingin siya sakin sabay ngiti, "Ganoon ba, a-ayos lang. Kumain nalang tayo." saad niya at nagsimula na siyang kumain.

"Babawiin mo ang trono? Bakit? Sino ba ang kasalukuyang hari?"

"Pakiramdam ko, may kinalaman ang hari sa nangyaring digmaan. Nagkakaroon narin ako ng mga pruweba, pero hindi pa sapat. Kapag naging maayos na ang lahat, atsaka ko pa isasagawa ang mga plano ko."

Napatango tango ako, "Mag iingat ka. Wag kang magpapa talo." saad ko na siyang ikina tango niya.

"Time ko naman para mag tanong."

"Ano naman ang itatanong mo? Siguraduhin mong may sense yan ha, kung wala kumain ka nalang." saad ko dahilan para matawa siya.

"Meron siyempre."

"Ano nga?"

Tumigil siya sa pagkain sabay tingin sakin ng diretso, "Sid, ako parin ba o may iba na?"