webnovel

Prince in the Other World [Romance]

Yveon Sid Baltazar has feelings for her childhood best friend, Grant Velasquez. Grant is a famous actor, singer and model who has an excellent reputation. Yveon never tried to confess her feelings to her friend, and she knows that it will just ruin everything and she's contented on what relationship they have now. Minseo Xin, a boy who lives in the other world, was a rule breaker. He's the next one to be the king of Hanyang Dynasty, but he doesn't like the idea of being in the throne that's why he does his best to make his father angry and let his brother Jun take the throne instead. His father- the current king of Hanyang, decided to send Minseo on the other world where Yveon and Grant lives and let his brother Jun take the spot of being the next king temporarily. What will happen if Yveon and Minseo meet? Does Grant will know what his childhood best friend feels for him? The feelings will be mutual or not?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

06

"Let's go. Maghanap na tayo ng table natin. Napakaraming estudyante, mukhang mauubusan tayo." ani ni Triton sa amin ng matapos kaming maka order. Ngumiti ako doon sa babae at agad na kinuha ang sukli ko at binuhat na ang tray ko na may laman ng mga food na inorder ko.

Nakahanap rin naman kami ng table na may apat na upuan. Medyo nasa pinaka likod iyon dahila punong puno na sa unahan at gitna. Agad kaming nagtungo roon ngunit ang una kong ginawa ay ang igala ang paningin sa buong kalooban upang hanapin kung meron ba si Grant ngunit wala siya.

Napabuntong hininga nalang ako at agad ng umupo sa upuan, "Can i sit next to you?" tanong sa akin ni Triton. Agad akong napatingin rito, nakatayo parin ito at hindi umuupo. Napatingin pa ako kay Sarah, kinindatan ako nito at sinabihan ng patago ng fighting girl kaya nailing nalang ako at natawa.

"Yes —" agad naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumulak kay Triton at naupo sa tabi ko. Umawang ang labi ko ng makitang si Grant iyon.

"Napakabagal mong kumilos, kaya ako na ang uupo rito. May upuan pa riyan oh, diyaan ka umupo." tinitigan ni Grant si Triton atsaka nakangising nagsimulang kumain sa tabi ko. Gulat rin naman si Sarah sa nakita at agad nalang napangisi. Medyo napangiwi pa ako ng magdulot ng ingay ang pagbaba ni Triton ng kaniyang tray sa lamesa.

"You're not going to eat?" tanong sa akin ni Grant. Hindi kona namalayan na kanina pa pala ako nakatitig rito, "Do you want me to feed you? Tell me." tanong pa nito dahilan para mapalunok ako at nahihiyang umiling at nagstart nang kumain. Hindi nakatakas sa akin ang lihim na pagngisi ni Grant at ang pag irap sa akin ni Triton.

"Grabe. Sobrang nakaka inggit naman kapag ganito, Sid. Sana may magtanong rin sa akin kung gusto niya ba akong subuan." saad ni Sarah dahilan para matawa ako at si Grant. Si Triton naman ay hindi nagsasalita at kumakain lang. As usual, kapag nasa hapagkainan ay focus na focus ito sa pagkain.

"Sid," agad akong napatingin sa gilid ko ng marinig na may tumawag sa akin, "Here's a gift, for you." si Raphael nanaman, ang weirdong lalaki. Hindi talaga siya lumiliban sa pag bibigay sa akin ng mga kung ano anong regalo. Ang laki siguro ng allowance nito.

Kukunin kona sana ang regalo ng biglang may naunang kumuha noon. Agad ring umalis si Raphael. Napatingin ako kay Triton na kunot ang noong binuksan ang regalo kaya nailing nalang ako. Like hello, sa akin gustong ibigay yung regalo, hindi sakaniya.

"What the fuck is this?" tanong nito at inilabas mula sa loob ang isang towel na kulay violet at isang card. Binasa pa nito ang nilalaman ng card mismo sa harap namin.

"I hope you use this towel. I know violet is your favorite color." pagkatapos nitong basahin iyon ay agad nitong ibinalik sa loob ng box ang panyo at card, at inilagay sa gitna ng lamesa.

"Oh my! Violet!" si Sarah.

Napatingin sa akin si Grant at nagsalita, "Nagbago naba ang favorite color mo? I thought gray is your favorite color?" tanong nito sa akin kaya agad akong tumango.

"Yes, gray is my favorite color. I never like color violet." saad ko at kinuha ang box atsaka inilagay sa harapan ni Sarah, "Sayo na. I know your favorite color is violet." saad ko dahilan para mapangiti si Sarah at sayang saya na kinuha iyon.

"Aah, thank you Sid! You're the best bestfriend na talaga. I love you. Omg, i'm gonna spray my perfume here and use it all day eventhough i have a lot of violet towels. You know, it's special because you gave me this. Thank you, Sid." ngumiti ito at pumalakpak kaya agad akong napailing.

"You're welcome. No worries." ani ko at agad ng kumain.

"It's good." ani ni Grant. Agad akong napabaling sa kaniya.

"The food?"

"No."

"Then what?" tanong ko.

"It's good to see you, wearing that bracelet i gave. It looks really good on you. My Mom will be really happy seeing you wearing that." ngumiti ito at tinitigan ako sa mata dahilan para uminit ang pisngi ko. Oh jusko, kung puwede lang tumalon talon rito sa sobrang kilig at tuwa.

"Oh," agad akong natawa ng medyo may halong impit na kilig, "T-Thank you." kinuha ko ang inumin ko at ininom iyon bago nagsalita.

"I'll always wear it. Galing sayo eh. Atsaka ayoko namang iwala ito at hindi isuot. This is so precious for me, lalo na't binigay sayo ni tita at ibinigay mo naman sakin." nangingiting ani ko.

Magsasalita pa sana ito ng biglang hampasin ni Triton ang lamesa, "Yah! Maguusap nalang ba kayong dalawa riyan? Kumakain tayo rito, oh. Hindi lang kayo ang nandito sa lamesa. Nakakadistract kayong dalawa, alam niyo ba yon? Hindi kami makakain ng tama at diretso ng dahil sa inyo, hindi ba Sarah?" tanong nito at tinitigan si Sarah.

Napakunot naman ang noo ni Sarah at dahan dahang tumango, "Ah, y-yeah yeah. H-Hindi kami makakain ng dahil sa inyo!" saad nito dahilan para mapailing ako. Hindi talaga marunong umacting itong si Sarah, mabubuko at mabubuko mo agad.

"Should we go there?" tanong sa akin ni Grant, nakaturo ang kamay sa isang lamesang wala pang nakaupo. "Tutal mukhang wala namang nakaupo puwede tayong lumipat roon para hindi natin sila magambalang dala —" natigil ang sasabihin niya ng biglang umalis si Triton at tawagin ang ilang estudyante na papa alis na ng canteen.

Kilig na kilig naman ang mga babaeng lumapit sa kaniya, "A-Anong maitutulong namin s-sayo?" nauutal na saad ng babaeng nasa gitna. Halatang namumula ang mukha nito dahil maputi siya. Namumula rin ang tenga nito. Ganiyan kaya ang itsura ko kapag kinikilig kay Grant?

"Can you sit there? You can go after we finish eating. Order a food and i'll pay it for you." ani niya at agad namang tumango tango ang tatlong estudyanteng iyon. Agad silang nagtungo sa cashier at binigyan naman sila ng one thousand ni Triton.

So what is he doing? He's being weird. Kung yung sa amin kaya ang bayaran niya at hindi sa kung kani kaninong estudyante lang, edi nakatipid pa sana.

Bumalik ito sa pagkakaupo, "It's done. Taken na ang seat na'yon. Kaya walang aalis." may diin sa bawat salita nito.

"Should we eat now?" natatawang ani ni Sarah. Agad kaming tumango at kumain na.

"Anong ibig ninyong sabihin? Ang dating anak ng mahal na hari ay buhay? Paano kayo nakasisigurado sa inyong sinasabi?" tanong ng mahal na hari ng Hanyang kay Ministro Jang at Ministro Gwangsoo. Tumango ang dalawa at dahan dahang yumuko at lumuhod sa harapan ng hari.

Itinaas ni Ministro Jang ang kaniyang kanang kamay. Ang kapangyarihan niya ay dumaloy sa kaniyang mga ugat hanggang sa lumabas ang isang pangyayari sa kaniyang kamay.

"Itakas mo ang aking nagiisang anak, Seokjin. Ilayo mo siya rito sapagkat ang kaniyang buhay ay nasa panganib. Hindi ko hahayaang mawalan siya ng tiyansang mabuhay. Ayokong ang buhay niya ang gamitin ni Ministro Xin para makuha sa akin ang trono. Ipadala mo siya sa lugar kung saan walang makakakilala sa kaniya, Seokjin." punong puno ng pagsusumamo at pag aalala ang mukha ng mahal na hari ng Dinastiyang Hanyang panahong 1677.

Itinapat ng mahal na hari ang kaniyang kamay sa bandang dibdib ng mahal na prinsipe at pinaghilom ang sugat niya roon. Ngunit hindi nakatakas ang isang palatandaan na isa iyong sugat.

"Masusunod mahal na hari. Ako na ho ang bahala sa mahal na prinsipe. Makaka asa kayo, mahal na hari. Mag iingat po kayo." saad ni Seokjin, ang kanang kamay ng hari.

Hinalikan ng mahal na hari ang noo ng sanggol na mahal na prinsipe bago tuluyang umalis si Seokjin.

Unti unting naglaho ang imahe sa kanang kamay ni Ministro Jang, "Iyon lamang po ang nakalap kong impormasyon, mahal na hari." ani nito at agad na yumuko.

Nangangalaiting tinabig ng mahal na hari ang kopita at agad na nagsalita, "Kung totoong buhay nga ang anak ng dating mahal na hari, kailangan niyong hanapin si Seokjin upang malaman natin kung saan niya dinala ang dating mahal na prinsipe. Hanapin niyo siya at dalhin rito... ng sugatan o naghihingalo, ngunit buhay."

"Masusunod mahal na hari." sabay na saad ni Ministro Gwangsoo at Ministro Jang.

"Hanapin rin ang dating kasulatan. Kailangan ko iyon."

"Masusunod po, mahal na hari. Mauna na po kami." tumayo ang mga ito at yumuko ulit bago tumalikod at naglakad na paalis.

Sobrang higpit ng hawak ng mahal na hari sa isang bagong kopita na inilagay ng mga kawal, "Hindi ko alam na nagtagumpay ka sa pagtakas sa iyong anak, mahal na hari. Buong akala ko ay wala nang sisira ngunit meron pa pala. Sisiguraduhin kong mahuhuli ko ang iyong anak at ako mismo ang papatay sa kaniya upang wala ng magiging hadlang."

"Goodafternoon students. Take your seat, please. I have an important announcement." pagkadating na pagkadating ng adviser namin agad kaming naupo at nagtigil sa pagchichismisan sa isa't isa. Nandito parin sa tabi ko si Sarah at hindi parin bumabalik sa tamang upuan. Nai glue na ata ang puwet niya riyan.

Nang maka ayos na lahat agad na inayos ni Ma'am ang mga kalat sa desk niya na gawa ng ibang subject teachers, "We'll be having an important meeting later around three to five p.m so maaga kayong uuwi. Maguusap usap kami about sa nararating na camping ninyong mga grade eleven and grade twelve. Hindi namin alam kung itutuloy ba namin 'yon or iyong activities nalang na mangyayari riyan sa bendle ang gagawin natin."

Tinutukoy ni Ma'am na bendle ay iyong malawak na pabilog malapit sa canteen kung saan lahat lahat ng estudyante ay puwedeng magtipon at doon dausin ang ano mang activities na kasali ang lahat ng estudyante. Malawak iyon kaya kasyang kasya ang lahat at walang siksikan.

"Camping? Grade twelve and grade eleven? Does that means mag kakasama kami?" tanong ni Mira kay Ma'am. Nakataas ang kamay at pagkatapos sabihin ay agad ring ibinaba.

Tumango si Ma'am, "Yes. Magsasama sama kayong lahat. This is not a mandatory pero may dagdag itong grades sa mga sasama, direct to the card." ani ni Ma'am kaya mabilis akong nailing. Para naring mandatory iyan kasi mahihikayat ang mga estudyante kasi may dagdag na grades direct to the card pa.

"Edi ibig pong sabihin niyan makakasama namin si Grant? aaaaah!" sa sinigaw na iyon ni Mira ay agad ring nagtitilian at nagbulong bulungan ang iba. Basta gwapo, atake.

"Omg! Makakasama rin natin si Triton?"

"Oo nga ano? dalawang pogi ang makaka sama natin."

"Magpapa ganda talaga ako at nang mapansin nila ako."

"I hope ako maging partner ni Grant kapag may activities."

"Jusko, sa akin nalang si Triton. Bagay pa naman kami, mukha siyang prinsipe at mukha akong—"

"Mukha kang alalay niya!"

Agad akong napatingin kay Triton at meron itong ngisi sa labi habang nakatingin sa harapan. Mukhang enjoy na enjoy niya ang mga papuring nakukuha niya sa mga babae.

"Kung sakaling matuloy ang camping sasama kaba?" tanong sa akin ni Sarah na agad ko namang kinibit balikat. Sigurado akong may practice kami non ng sayaw at mas pipiliin ko 'yon kesa sa camping na 'yon.

"Hindi ko pa alam. Baka hindi, kasi alam mo na, sayaw." ani ko.

Napanguso ito at hinampas ako sa braso dahilan para mapangiwi ako sa kaniya, "Masakit 'yon ah."

"Ikaw puro ka nalang pagsasayaw. Wala kana talagang inatupag kundi 'yan." ani nito kaya agad nalang akong umiwas ng tingin at hindi na nagsalita pa.

Pagkatapos ng announcement ni Ma'am agad rin naman kaming pinauwi nito kaya agad kaming naglinis ng mga kalat at isinukbit na ang bag ko sa aking likod.

Aalis na sana ako ng biglang dumating si Grant sa classroom namin at lumapit sa akin. Mabuti nalang at wala ng estudyante, ako si Triton at si Sarah nalang ang natitira.

"Are you free? Pumunta tayo roon sa bagong bukas na park. Treat ko." saad nito kaya agad akong napalunok. Anong sasabihin ko, papayag ba ako o hindi? Chance ko na 'to, pero yung practice namin.

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko, "Hindi siya puwede ngayon. May practice siya ng sayaw nila. Sa susunod nalang kayo pumunta." saad ni Triton at agad akong hinila. Mabilis rin naman akong tumigil ng biglang mag ring ang cellphone ko. Binitawan ako ni Triton at tumingin ito sa akin.

Ako naman agad kong kinuha ang cellphone ko atsaka tinignan kung ano 'yon.

@greatleader

sa susunod kana lang sumali, sid. mahihirapan na akong maisingit kapa kasi palagi ka nalang late. enjoy!

Nagtaka ako sa huling sinabi nitong enjoy. Anong ibig sabihin non? Agad ko ring ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ko. Nagulat ako ng hilahin ulit ako ni Triton paalis ngunit hinawakan naman ni Grant ang isa ko pang kamay.

Ano 'to, labanan sa pagitan ng crush ko at ng kasama ko sa bahay? Ang maunang makakatanggal ng kamay ko sa katawan ko ang mananalo?

"You're free, right Sid?" tanong ni Grant sa akin. Hindi ito nakangiti, pero ang mga matang 'yon. Ngayon ko lang nakita na ganiyan ang mata niya. Nagsusumamo iyon.

Tinignan ko si Triton ngunit hindi ito nakatingin sa akin. Nakatingin ito sa sahig ngunit hawak ng sobrang higpit ang kamay ko.

"Bitawan mo ako, Triton. Sasama ako kay Grant. Hindi na ako kasali sa sayaw, tinanggal na ako ni Kuya Zhed. Kaya may free time na ako." saad ko rito, unti unting lumuwag ang hawak nito sa akin at tumatawang napatingin sa akin.

"Edi kung ganoon, sasama narin kami ni Sarah. Tutal wala rin naman kaming gagawin, right Sarah?" tanong nito at bumaling kay Sarah.

Napailing nalang ako. Eto na 'yon eh, moment na naming dalawa ito ni Grant. Wag na kayong dumagdag na dalawa, please.

Agad akong tumingin kay Sarah ng may nagsusumamong mukha. Agad naman nitong nakuha iyon at ngumiti kay Triton at umiling, "Pasensya na hindi ako puwede ngayon. Mag mall kasi kami ni Mommy. Sige mauna na ako sa inyo. Ingat kayo ha!" ngumiti ito at dumaan pa sa gilid ko sabay sabing you go girl saad nito at agad ng umalis.

Napabuntong hininga si Triton at agad na naka pameywang na tumingin sa aming dalawa, "Okay. Let's go together." ani nito atsaka ngumiti at agad akong hinawakan sa pulsuhan at hinila, at dahil hawak din ni Grant ang isa kong pulsuhan para tuloy akong mahahati sa dalawa.

Agad akong litong lito na napatingin kay Grant at Triton. Ano ba itong nangyayari?

Tumitig ako kay Triton at pinanlakihan siya ng mata pero ang gago nginisian lang ako at mas diniinan ang pagkahawak sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang nahatak na ako nito palayo kay Grant. Hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko naramdaman na inalis ni Grant ang hawak niya sa akin pero bakit ganoon.

Agad kaming nagtungo sa parking lot at ng makapunta kami roon ay nag away nanaman ang dalawa. Kung kanino raw ba ako sasakay.

"Yveon, sa akin ka sumabay, hindi natin alam baka sobrang bilis magpa takbo ng lalaking iyan. Paano nalang kung bigla kayong nadisgrasya. Halika na rito." saad ni Triton ngunit alam ko ang titig na iyon ni Grant sa akin. Gusto niyang sa kaniya ako sumabay.

"It's okay Triton. Hindi naman ganoon magpa takbo ng sasakyan si Grant. Sa kaniya na ako sasakay. Sundan mo nalang ang takbo ng sasakyan." sabi ko atsaka tumalikod at nagtungo na sa loob ng kotse ni Grant.

"Glad you choosed me." saad ni Grant pagka sara ko ng kotse. Napalunok ako at batid kong namumula na ako ngayon.

"Ofcourse. I will always choose you, Grant." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng loob para sabihin 'yon.

Magtapat na kayo ako ng nararamdaman ko? o hindi pa? Baka kasi kapag nagtapat ako ay layuan ako nito. Ayokong mag assume pero nakaka assume ang mga kinikilos ni Grant.

Inistart nito ang engine at sinumulan ng patakbuhin, "Aren't you busy? Diba may sinoshoot pa kayo?" tanong ko rito at agad naman itong umiling.

"Wala na, natapos na. Atsaka isa pa, eventhough may shooting kami. Mag sisingit at mag sisingit ako ng time para sa ating dalawa. Ayokong sabihin ng childhood friend ko na kinakalimutan ko na siya." saad nito atsaka napatingin sakin at ngumiti.

Doon naging masaya ako pero kumirot parin yung puso ko knowing na kaibigan parin talaga.

Naiinis na nakatingin sa harapan si Triton habang minamaneho ang kotse. Naiinis siya dahil nakuhang sumama ni Yveon kay Grant kesa sa kaniya. Ano bang meron sa lalaking iyon at doon ito palaging sumasama? Tila kinikilig pa ito kapag nagkakausap sila.

"Mahal na prinsipe, dahan dahan lamang sa paghawak ng manibela, ikaw rin at baka mabunggo ka." nagulat siya sa boses ng nagsalita at agad na napatingin sa kaniyang gilid. Ang babae nanamang ito.

Napailing iling siya, "Kung saan saan ka sumusulpot. Anong kailangan mo? Bakit ka narito?" tanong niya rito.

Komportable itong umupo roon at dahan dahang tinanggal ang nakatapis sa mukha nito. Unang beses niya lang makita ang mukha nito at talagang nakakagulat, dahil napakaganda nito.

"Alam mo mahal na prinsipe, nais ko lamang ipa alam sa iyo na hindi ka pupuwedeng gumamit ng iyong kapangyarihan rito sa mundo ng mga tao. Dahil sa bawat pag gamit mo, unti unti kang manghihina at tuluyan kang mawawalan ng kapangyarihan." saad nito dahilan para mapakunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin na mawawalan ako ng kapangyarihan? Paano mo nalamang gumamit ako ng kapangyarihan ko kanina?" tanong niya rito.

Sumulyap ito sa kaniya at napangisi, "Palagi akong nakamasid sayo, mahal na prinsipe. Hindi ba sinabi kona na ako ang naatasang magbantay sayo rito sa mundo ng mga tao?"

"Yeah right. Whatever." pagsusungit niya rito.

Tumikhim ito at pinakatitigan siya, "Sana alam mo rin na hindi ka pupuwedeng umibig ng isang tao. Dahil isa iyong hindi karapat dapat na gawain ng isang kagalang galang na prinsipeng kagaya mo."

Agad siyang napatingin rito sa sinabi nito. Anong tinutukoy ng babaeng ito?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gumamit ka ng kapangyarihan para lamang sayo sumabay ang babaing iyon kanina. Pinatigil mo ang pag galaw ng lahat kanina atsaka mo tinanggal ang pagkakahawak ng lalaking iyon sa babae. Hindi ba't isa iyong magandang umpisa?" tanong nito sa kaniya, may nakakaloko itong ngisi sa labi.

Nailing siya at natawa, "Hindi ako iibig ng isang tao. Wala sa plano ko iyan, atsaka isa pa, hindi natin sila kauri. Isa silang mababang nilalang kumpara sa katulad natin."

Tumango ito, "Tama iyan, mahal na prinsipe. Wag na wag mong babaliin ang iyong sinabi. Huwag na huwag." saad nito atsaka naglaho na ng tuluyan. Nailing nalang siya at agad na napatitig sa harapan.