webnovel

Prince in the Other World [Romance]

Yveon Sid Baltazar has feelings for her childhood best friend, Grant Velasquez. Grant is a famous actor, singer and model who has an excellent reputation. Yveon never tried to confess her feelings to her friend, and she knows that it will just ruin everything and she's contented on what relationship they have now. Minseo Xin, a boy who lives in the other world, was a rule breaker. He's the next one to be the king of Hanyang Dynasty, but he doesn't like the idea of being in the throne that's why he does his best to make his father angry and let his brother Jun take the throne instead. His father- the current king of Hanyang, decided to send Minseo on the other world where Yveon and Grant lives and let his brother Jun take the spot of being the next king temporarily. What will happen if Yveon and Minseo meet? Does Grant will know what his childhood best friend feels for him? The feelings will be mutual or not?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

04

"Ikaw, wag na wag kang aalis sa tabi ko. Wag na wag kang pupunta sa kung saan ng wala ako. Kapag nawala ka ako ang malalagot, akong anak ang malalagot kapag nawala ang isang saling pusang kagaya mo. Alright?" tinaasan ko ito ng kilay habang nakaturo ang daliri ko malapit sa mukha nito. Lumayo ito ng kaunti at umiwas ng tingin.

Nagulat ako ng hawakan ako nito sa balikat at iatras ako, "Ikaw, wag na wag mo rin akong sinusungitan. Ayaw ko sa mga masusungit na babaeng kagaya mo. Kapag tayo ang magkasama, hindi mo ako kailangang alalahanin, hindi ako bata. Maliwanag ba?" tinaasan ako nito ng kilay at ginulo ang buhok ko, ngumisi ito at naunang mag lakad.

Napairap nalang ako sa kawalan at naiinis na napasigaw rito, "Hoy! Napaka plastik mong lalaki. Kapag meron sina Mama at Daya akala mo kung sino kang maamong tupa pero kapag tayong dalawa nalang napaka pangit ng ugali mo!" sigaw ko rito.

Huminto ito sa paglalakad at unti unting tumingin sa akin, "Sa isang babaeng kagaya mo, kakaiba ka. Napaka ingay mo at satsat ka ng satsat. Wala bang preno iyang bibig mo?" sigaw nito sa akin pabalik.

Naiiling na naglakad nalang ako at hindi siya pinansin. Ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Siya lang ang kauna unahang taong sobrang kina aayawan ko. Siya lang ang taong sobrang gustong gusto kong tirisin.

Hindi na kami ulit nagkibuan hanggang sa makarating ako sa wide space. Nandoon na sila lahat, nagsisimula naring mag warm up.

"Hey, sorry late ako." ani ko, napatingin silang lahat sa akin at nagsilapitan, pinagdikit ang aming mga palad at agad ring pumuwesto.

"Ayos lang 'yan." saad ni kuya David na siyang tinanguan ko. Nagtungo ito sa harapan at agad na nagsalita.

"Ako muna ang mag babantay sa inyo sa ngayon. May importanteng gagawin si Kuya Zhed, ako ang inatasang mag bantay. Sana naman, walang magtitigas tigasan ang ulo sa inyo upang mabilis tayong matapos at makauwi rin kayo kaagad, para narin hindi tayo abutin ng alas diyes." ani nito na siyang tinanguan naming lahat.

Napatingin tingin ako sa paligid at agad na nakita si Triton sa isang upuan na medyo malayo sa kinaroru unan namin. Nakaupo ito ng diretso, nakatingin sa kalangitan at mukhang malalim ang iniisip.

Agad kong napansin ang pagbabago ng itsura nito. Mas malinis na siyang tignan ngayon. Pina salon ba siya ni Mama at gumanda ng ganiyan ang buhok niya? parang hindi buhok ng isang lalaki. Ang suot niya ay isang plain black pants at isang white na polo. Sobrang plain pero magandang tignan sa kaniya.

Kapag dating naman sa mukha nito, gwapo naman siya. Hindi makapal na kilay at hindi rin manipis, sabihin na nating nasa gitna ng dalawang 'yon. Maganda rin ang mga mata nito, hindi bilugan at hindi rin singkit, nasa gitna rin ng dalawang iyon. Ang kanyang ilong ay napaka ganda, matangos ito at saktong sakto lang sa maliit nitong mukha, ang kanyang labi ay napaka ganda ring tignan, akala mo naka liptint ito dahil pinkish iyon.

"Sid, start na tayo. Ano pang kinikilos mo diyan? takbo na." ani ni Kuya David, napalunok ako at agad na tumango at sumunod narin sa linya ng pagtakbo. Masyado akong nalulong sa pagtitig sa kanyang mukha.

"Sobrang nakakapanibago pala sa mundo ng mga tao. Ibang iba sa mundo natin, mahal na hari. Ibang iba ang ginagawa ng mga tao rito, sa mga mamamayan ng Hanyang." nanatili ang paningin ni Minseo sa kalangitan. Sa kanilang mundo, napaka ganda ng kalangitan ngunit rito sa mundo ng mga tao, kakaiba ang kalangitan nila.

Pagdako ng gabi ay halos walang mga bituin, ngunit sa mundo ng Hanyang ay punong puno ng bituin na napaka gandang tignan.

Ano kayang ginagawa nila ngayon roon? Nagkaroon naba ng pagdiriwang gayong wala na ang sakit sa ulo ng mahal na hari? Kamusta na kaya ang kanyang nakababatang kapatid, ang mahal na inang reyna, at ang mga babae niya roon?

Nagtataka ba kayo na wala akong ina? ang mahal na inang reyna ay ang ina ng mahal na hari. Ang sabi nila ay patay na raw ang aking ina ngunit hindi ako naniniwala, wala silang maipakitang bangkay, hindi ako naniniwala na nasa hukay na ang nagluwal sa akin.

Ngunit alam ko kung anong mukha ng aking ina. Nakita ko ang mukha nito sa imahe bago ito sinunog sa aking harapan ng mahal na hari.

"Wag na wag kang magtatangkang gamitin ang iyong kapangyarihan rito sa mundo ng mga tao, mahal na prinsipe." agad siyang napatingin sa kanyang tabi. Ang babaeng nakausap niya sa kalagitnaan ng gubat, ng sandaling tugusin siya ng mga kawal.

"Ikaw nanaman? Papaano ka nakapunta rito sa mundo ng mga tao? Anong ginagawa mo rito?" sunod sunod na tanong niya rito. Impossibleng makasunod ang babaeng ito sa kaniya, depende kung ang mahal na hari ang nagutos.

Nanatili itong nakayuko, "Sabihin na nating, ako ang naatasang magbantay sayo rito sa mundo ng mga tao. Kagaya ng sinabi ko, bawal kang gumamit ng kapangyarihan mo rito sa mundo nila, dahil kung hindi mo sinunod ang sinabi ko, magkakaroon ng napakalaking gulo." saad nito.

"Bakit magkakaroon ng gulo? Ano ba itong mga taong ito, wala bang may kapangyarihan sa kanila kahit na isa?" tanong niya rito at agad naman itong umiling.

"Pangkaraniwang tao lamang sila, mahal na prinsipe. Ngunit marami silang nalalaman."

Napangisi siya, "Sigurado kaba sa sinasabi mong ikaw ang naatasang magbantay sa akin?"

"Oo, mahal na prinsipe. Pinagdudu dahan mo ba ako?" tanong nito sa kanya.

"Mali ba kung sasabihin kung oo? Isa ka sa pinaka weirdong tao na nakilala ko. Hindi ko nga alam kung saang bayan ka nang galing." ani niya rito.

Dahan dahan itong tumingin sa kanya at pinaningkitan siya ng mata, kagaya nito ay naningkit rin ang mata niya. Ang mga matang iyon, napaka pamilyar. Parang nakita na niya iyon sa kung saan, hindi nga lang niya maalala.

Ngayon niya lang nakita ang mata nito. Sa sandaling magusap sila sa may gubat, nakayuko lang ito habang nagsasalita.

"Sabihin mo nga sa akin kung anong lengguwahe ang ingles? Ba't hindi ko alam 'yon?" tanong niya rito.

Natawa ito at agad na yumuko, "Isa kang mahal na prinsipe ngunit hindi mo alam ang lengguwaheng iyon. Sabagay, wala ka namang ginawa kundi ang tumakas ng tumakas kaya iyan ang naging resulta, naging prinsipeng walang alam."

Nagsalubong ang kilay niya at dinuro niya ito, "Anong sabi mo? Prinsipeng walang alam? Ako?" sigaw niya rito, nag kulay pula ang kanyang mata takda na unti unti siyang naiinis, unti unti niyang inipon ang yelo sa kanyang kamay ngunit bigla nalang naglaho ang babae at sumulpot naman si Sid.

"Hoy lalaki, anong ginagawa mo rito?Ba't nagsasalita ka ng mag isa riyan? Tuluyan kana bang nabaliw?" tanong nito sa kanya. Bumaling siya ng tingin rito, nawala na ang yelo sa kamay ngunit hindi pa naglalaho ang kulay pula niyang mga mata.

"Teka, anong nangyari sa 'yong mga mata? Are you wearing contact lense?" tanong nito. Agad siyang nagtaka kung bakit naiintindihan na niya ang ingles. Hindi kaya... Agad siyang luminga linga sa paligid at agad niyang nakita ang babaeng kausap niya kanina, nagtatago ito sa isang pader malayo sa kanila.

"Ano, contact lense? Ano yon?" maang maangan niya. Siguradong magtataka ito kapag nalaman nitong marunong na siyang makaintindi ng wika nila.

"Oh, gumanda ang pronounciation mo. Wala iyon, namalikmata lang ako." ani nito, mukhang bumalik na sa pagiging itim ang kulay ng kanyang mga mata.

"By the way, let's go. Umalis na tayo rito, tapos na ang practice ko." dahan dahan siyang tumango at agad na sumabay sa paglalakad nito.

Habang naglalakad ay napansin niya ang paghawak ni Sid sa kanyang cellphone ng matagal. Maya maya ay bubuksan niya iyon at isasara, tapos bubuksan ulit at isasara. Ang babaeng iyon, kung anong ginawa sa kaniya ay nakatulong, hindi na siya mukhang ignorante sa mga kagamitan ng mga tao.

Ngunit totoo ang sinabi nito, marami ngang alam ang mga tao. Iba't ibang kagamitan ang meron sa kanila at kanilang naimbento. Hindi biro ang kanilang kaalaman.

"Bakit hindi mo nalang tawagan kung sino man 'yan? At ng matigil kana kakaopen at kakaclose mo ng cellphone mo." ani niya rito.

"Close? Open? Saan mo natutunan ang ingles na words na iyon?" huminto ito at tinignan siya, naningkit ang mga mata nito at tinitigan siyang mabuti.

"Wala akong sinabing ganoon na salita. Linisin mo nga iyang tenga mo, kung ano ano ng naririnig mo." saad niya rito, agad na nanlaki ang mata niya ng makita ang isang van na mabilis ang patakbo. Mabilis niyang pinahinto ang pag galaw ng lahat, agad siyang pumunta sa tabi ng van at iniurong iyon palayo sa kanila, binuhat niya ang ibang mga tao at ipinatabi upang hindi mabunggo ng van.

Agad siyang bumalik sa tabi ni Sid at napangisi. Hinawi niya ang buhok nitong tumatakip sa kanyang mukha. Napaka gandang dalaga, ngunit napaka ingay. Kung sa mundo nila ito ay mahinhin ang katulad nitong dalaga, ngunit rito ay daig pa nito ang isang lalaki.

Agad siyang napatingin sa labi nito. Medyo naka awang iyon kaya agad siyang napalunok, tila ba nang iimbita ang kanyang labi. Hindi naman nito malalaman kung hahalikan niya ito ngayon kaya unti unti siyang yumuko para sana dampian ito sa labi ngunit agad niyang naramdaman na parang may nakatingin.

Nadako ang tingin niya sa isang gilid, para siyang may nakitang sumisilip na lalaki. Imposible, ginamitan niya ng kapangyarihan ang paligid kaya walang makakagalaw depende kung pinahintulutan niya o binawi ang kanyang kapangyarihan.

Napangiti ulit siya at hindi na iyon pinansin. Agad siyang naglakad paalis roon at ipinatunog ang kamay, bumalik sa pag galaw ang paligid at humampas ang malakas na hangin sa kanyang mukha dahilan para matawa siya.

"Hoy teka nga hintayin mo'ko!" sigaw nito sa kanya kaya agad siyang nailing.

"Kahit kailan napaka ingay mo. Puwede ba hinaan mo naman iyang boses mo, nakakarindi." sigaw niya rito pabalik, nagulat siya ng bigla itong tumakbo kaya agad rin siyang tumakbo upang layuan ito.

Tawa siya ng tawa habang hinahabol siya nito. Hindi rin namalayan ni Sid na sa paraang iyon ay natatawa narin siya. Pagkarating sa kanilang bahay ay agad na bumalik ang masungit na Sid, inirapan siya nito at naunang pumasok kaya mas lalo siyang natawa.

"Mama, andito na ako." agad na saad ni Sid pagkapasok pa lang ng bahay. Tinanggal niya ang sapatos at iniwan ang kaniyang medyas. Tinanggal rin nito ang suot na bag at agad na nagtungo sa kusina.

"Oh, nasaan si Triton?" tanong nito sa kaniya kaya agad siyang napailing.

"Ako ang anak pero yung saling pusa ang hinahanap. Ganito naba sa mundo ngayon." mahihimigan ang pagkainis sa kaniyang boses.

"Ano kaba wag ka ngang mag pabebe riyan. Nasaan si Triton? Hindi mo naman siguro niligaw hindi ba?" tanong ng kanyang ina, kumuha ito ng isang pinggan at doon nilagay ang tortang talong.

"Nandito po ako." napatingin siya kay Triton na nagtatanggal nang sapatos na suot.

"Oh, halika na rito Triton at kakain na tayo. Kumain ka ulit ng marami kagaya kahapon, ha?" saad ng kaniyang ina kaya mas lalo siyang napailing. Nagmukha tuloy na siya ang ampon.

"Opo." saad nito at umupo sa katapat niyang upuan.

"Mama, paturo nga ako nitong Math ko. Napakahirap naman, kung ano anong ipinapasagot sa akin ng kalbong teacher na 'yon, nakakainis na siya." saad ng kararating naman na si Daya, mukhang nang galing ito sa kaniyang kuwarto.

"Sus, ang sabihin mo hindi ka lang nakikinig kaya wala kang maisagot diyaan sa assignment mo." saad niya dahilan para panlakihan siya ng mata ng kapatid niya.

"Oh, talaga ate? Says the one who got line of seven on her grades." saad naman nito pabalik kaya wala siyang nagawa kundi ang mapasimangot.

"Ano ba 'yan, pakita nga? Baka alam ko ang sagot." sabat ni Triton.

"Umepal nanaman po ang legal na anak." bulong niya na alam niyang narinig naman ni Triton. Napatingin ito sa kaniya at ngumisi, kinindatan pa siya bago bumaling sa notes ni Daya.

Nangangalaiti siyang kumuha nalang ng kanin at inilagay sa plato niya dahilan para batukan siya ng ina.

"Hindi pa tayo naguumpisa nangunguna kana. Kahit kelan ka talaga, Sid." napanguso nalang siya at naghintay.

"Wow, ang galing galing mo naman kuya Triton. Saan ka natutong magkalkula? Saan kaba nag aaral dati?" tanong ng kapatid niya kay Triton. Agad siyang napatingin rito, nakangiti ito habang sunod sunod ang pagsusulat sa notebook, mukhang alam na alam.

"Wala 'yang maalala sa kanyang nakaraan tapos tatanungin mo ng ganiyan? Isip rin." pambabara niya sa kapatid.

"Inggit ka lang." ani nito dahilan para mailing siya. Saan naman siya maiinggit?

"Tapos na." ngumiti lalo si Triton at ibinalik ang notebook kay Daya na ngayon ay ngiting ngiti na umalis at ibinalik ang notebook nito sa kaniyang kuwarto.

"Mukhang matalino ka Triton. Gusto mo bang pumasok ng eskuwelahan? Puwede kitang i enroll sa pinapasukan ni Sid at ng maging magkaklase kayo. Pagkatapos ay ikaw narin ang magbantay sa kaniya, mahilig kasi siyang tumakas sa kaniyang eskuwelahan." kuwento ng kanyang ina dahilan para mapairap siya.

Hindi naman siguro siya ampon noh?

"Sige po. Gusto ko ring maka meet ng new friends." saad naman nito kaya mas lalong nangunot ang noo niya.

"Hoy, hindi ka man lang ba nahihiya? Gusto mo pang gumastos kami sayo para lang ..." natigil siya sa kaniyang sasabihin ng pasakan siya ng kutsarang walang laman sa bunganga ng kaniyang ina.

Nailing iling siya at pinakatitigan si Triton. Marunong naman pala itong mag ingles.

"Hindi ko na gusto ang mga lumalabas sa bibig mo, Sid. Nagiging bastos kana, iyan ba ang tinuturo sa'yo ng mga nakakasama mo sa grupo niyong mga mananayaw? Ginastusan rin kita ng pera kaya wala kang karapatang magsalita ng ganiyan sa iba. Wag kang magsasalita ng ganiyan hangga't umaasa ka parin sa pera ko. Maliwanag ba?" pagalit na tanong sa akin ni Mama na siyang niyukuan ko at tinanguan ko.

Bumaling ito kay Triton ng may abot langit ang ngiti, "Oh. Gusto mo bang mag umpisa na bukas? I can call the owner of the school na pinapasukan ni Sid at sabihing i enroll ka tutal kakilala ko naman sila."

Ngumiti si Triton at bumaling sa akin bago tumingin ulit kay Mama, "Wag na po. It seems like, Sid doesn't want me to go to the same school as hers." ani nito dahilan para mapainom ako ng tubig.

Akalain mo 'yon, isang araw lang marunong na siyang mag english. Noong unang pagkikita namin ang cringe pa ng hello niya pero ngayon, bigla biglang ganito. Hindi ba nagtataka si Mama? o may hindi ako nalalaman?

"Wow. You are really genius, kuya Triton. Kahapon lang ay hindi ka nakakaintindi at hindi ka marunong magsalita ng ingles tapos ngayon you sound like a professional businessman. Is that really you?" tanong ni Daya na kulang nalang magkaroon na heart heart sa mata upang mapatunayan ang pagkahanga niya kay Triton. She's not that obvious huh.

Nginitian lang naman siya ni Triton bilang sagot. Sus, plastik.

Tumikhim si Mama, "No. I insist. I really want you to study there. Malay mo, ikaw ang kauna unahang maguwi rito ng medal, certificate or even ribbon na galing sa eskuwelahan hindi puro galing sa pagsasayaw at letters coming from guidance councelors." nangingiting ani ni Mama.

Hindi naman ako ang pinariringgan niya, hindi ba?

"Oh. Sure tita. I will make you proud." saad naman ng plastikadong lalaki sabay ngiti, ang sarap tusukin sa mata ng lalaking 'to. Suntukin ko ata 'to sa bunganga ng hindi na makangiti.

"Don't call me tita. Call me Mama, okay?"

"Yes, Mama."

Kapag katapos naming kumain ay agad akong pumasok sa aking kuwarto. Inilock ko ang door at nahiga sa aking kama. Napatingin ako sa bedside table at agad na kinuha ang kahon na ipinalit ni Grant sa ibinigay sa akin ni Raphael.

Napangiti ako ng maalala si Grant. Noong ipinalit niya ito sa regalong 'yon, sobrang kilig na kilig ako pero hindi ko pinahalata.

Excited na binuksan ko ang box at agad kong nakita ang isang necklace na may snow pendant.

"Wah. It's cute." ani ko at aga na pinicturan iyon at isinend kay Grant.

'Thank you for this cute necklace, Grant. I really love it.'

Isinuot ko iyon at kinikilig na napahiyaw. Long time crush ko si Grant at sinong hindi kikiligin sa ganito? Nakatanggap lang naman ako ng necklace sa crush ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate iyon. Nag reply na siya.

'That's not the necklace that i've gave you.'

Nangunot ang noo ko at agad na nagreply.

'What do you mean? Then what is this? Ito ang laman ng box.'

'The pendant is not snow. It's love.'

Agad akong napalunok at nag init ang pisngi ko. Love? Ang pendant?

'Love? As in shape? Heart?'

'No. Let's talk tomorrow.'

'Okay. Goodnight, Grant.'

Hindi na siya nagreply pagkatapos non. Mabilis kong tinanggal ang necklace at ibinalik sa box. Agad akong tumayo at naglakad palabas, akmang itatapon iyon sa trash can ng may humawak sa kamay ko.

"What do you think you're doing?" napatingin ako sa nagsalita at si Triton iyon. Naiinis na hinarap ko ito, basta nakikita ko siya kumukulo ang dugo ko.

"Wala kana roon. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Wag mo akong papakialaman." ani ko at agad na tinanggal ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko, "Atsaka isa pa, this one is a trash. I don't even know kung kanino galing 'to."

Natawa ito at mariin akong pinakatitigan, "You're really one out of ten. Just keep that, eventhough it's a trash." he said emphasizing the word trash.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Bakit mo ba gustong itago ko 'to?"

"Just keep it."

Nginisian ko ito at kinuha ang kamay niya, "Here, keep it kung ayaw mong itapon ko 'yan." ani ko atsaka umalis na sa harapan nito.

Ako na ata ang pinaka may kakaibang ugali. I can be kind sometimes but i can also be a bitch. Ako yung tipo ng tao na kapag nag sungit, hindi ko na alam at wala na akong pake sa mararamdaman ng isang tao sa sasabihin ko. Kahit ayaw ko sa ganoong parte ng sarili ko, hindi ko naman matanggal.

Ganoon naman talaga hindi ba? May mga ganoong klase rin ng tao at isa na'ko sa kanila.

Bakit ba kasi gusto niyang itago ko ang necklace na 'yon? Hindi ko nga alam kung kanino galing 'yon. Wag mo sabihing galing sa kaniya? Kung galing naman sa kaniya 'yon nasaan ang orihinal na necklace na binigay ni Grant? Nasa kanya?

Natawa ako at nailing, "Impossibleng nasa kaniya, ano namang gagawin niya sa necklace na iyon?" saad ko.

Nagtungo ako sa kuwarto at kinuha ang cellphone ko atsaka tinawagan si Sarah. "Hello, Sarrah?"

"Hello, Sid. Napatawag ka? Mag tatanong ka nanaman ba kung merong assignment o wala?"

Natawa siya.

"Hindi. Wala lang talaga akong makausap."

"Matulog kana at matutulog narin ako. Maaga pa tayo bukas."

"Kahit maaga tayo bukas late ka parin namang dumarating tapos magpapahintay kapa sa gate."

"Ofcourse. Ang mga beauty, medyo late dumarating."

"Oo na, ibababa ko na 'to."

"Okay. Goodnight, Sid. Sleepwell."

"Goodnight. Sarah."

Agad kong pinatay iyon at nahiga sa aking kama. Ba't ba pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako? Bago ko pa maipikit ang mata ko ay agad na bumukas ang pintuan ko.

"Are you mad?" tanong sa akin ni Triton.

"Why are you here? Inilock ko ang pinto. Don't tell me meron kang spare key?" walang ganang saad ko.

"Just answer me. Are you mad at me?"

Inirapan ko ito, "No."

"I can read your mind."

"If you can read my mind then what's the use of asking me? Go to your room Triton. I'm tired. Let me rest." saad ko rito.

"Why are you being like this, Yveon?"

Natawa ako at agad na umupo, "Now you're calling me Yveon? Sabagay, hindi tayo close para tawagin mo akong Sid."

"Answer my question, Yveon." nahimigan ko ang unti unting pagtalim ng boses nito. Ang mga mata niya ay tila ba nagkukulay pula.

Ano bang meron sa mata ng lalaking 'to?

"I don't like you, Triton. I don't like your presence. I don't like your existence. I dislike you, that's the answer, and i don't know why." bumagsak ang balikat nito at mabilis na nawala ang kulay pula nitong mata. It immediately changed to color brown.

What the hell is happening on his eyes?

"That's the sweetest word i've ever heard, Yveon. Thanks for that. Go to sleep. Rest well. We'll go to school tomorrow." ngumiti ito ngunit nanatili ang kulay brown na mata nito at hindi na napalitan pa.

Tumalikod na ito at humakbang paalis, ngunit bago ito tuluyang maka alis ay nagsalita pa, "Even if you dislike me. I'll do everything for you to like me. Trust me." tumingin ito sa akin dahilan para manlaki ang mata ko, ang kulay brown na mata nito ay nahaluan ng berde.

"Your eyes." ani ko.

"Don't mind it. Sleep now, Yveon." ngumiti ulit ito bago tumalikod at umalis na. Isinara nito ang pintuan at ilang segundo lang ng marinig ko ang yapak papalayo sa kuwarto ko.