webnovel

Primrose in Wonderland

[COMPLETED] Rich kid. Bugnutin. Spoiled brat. Ganyan mailalarawan ang young businessman at head ng Constantine manor na si Primus. Everything went just fine until one day, he found himself chasing a white rabbit in the woods which brought him into a strange land called Wonderland, a place surrounded by forest and strange circus where people can find 'true happiness'. Mahanap kaya ni Primus ang kaligayahan kung siya ay nasa katawan ng isang babae? Started: March 28, 2020 Finished: April 17, 2020 ©Copyright 2020 All rights reserved

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

XV - Take A Bow

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

The energy is pulling me up, and I can see the exit! Palaki nang palaki ang liwanag na kumakain sa kadiliman ng lagusan until my body gets pushed out from the hole.

Uh, this is even more hard than I thought it would be. Hindi naman ganito kahirap ang pinagdaanan ko nang malaglag ako sa Wonderland. Wala akong ibang ginawa kundi sumigaw habang ako'y ine-enjoy ang pagkalaglag sa lintik na butas na 'yan.

Finally, it's over. I'm home.

"My, my. I've been looking for you all day, my young mistress. Where have you been?" My butler Jude came, wearing the same outfit he had the last time I saw him. He never changed. Malapad ang ngiti nito, so sweet.

"I-I fell asleep," pagdadahilan ko. Aminin ko man ang totoo na napadpad ako sa Wonderland at umuwi akong bampira, tingin niyo maniniwala siya? Sinong gago lang, 'di ba?

"Time to go home. May I carry you back to the manor?" Nagpabuhat na lang ako. Alangan namang tumakbo ako, edi nahalata n'on ang kakaiba kong bilis.

"Ipatawag mo 'yong tatlong tagasilbi. Kailangan ko silang makausap. Magvi-video call rin kami ni Auntie Angelina. Ikaw rin, Jude. May kailangan kayong malaman."

"As you wish, my lady," magalang niyang sagot. Na-miss ko agad si Judas. Speaking of him, ang layo talaga ng ugali nilang dalawa. Isang anghel at isang demonyo. Unfortunately, na-inlove ako sa kagaya niyang buwisit na walang malang gawin kundi mamerwisyo.

Wait, parang may mali. Something's not right, actually. I could sense it. Bakit ba ako nagpabuhat kay Jude gayong isa na akong ganap ba babae? How come na nakilala niya ako? And lastly, WHY ON EARTH DID HE ADDRESS ME AS 'MY LADY' NA PARA BANG AKO ANG KANYANG AMO?

"Teka, sandali. Kilala mo ako?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa mansyon.

Tumawa siya nang may halong pang-aasar. "How could I forget the woman who dumped me in front of many people in circus? What was that again? 'Wala akong kilalang Judas sa mundo ko.' Uh, you have no idea how my heart was torn into tiny pieces! I was insulted by some brat? Hindi ko palalampasin 'to!"

"What the?!"

Sinod-sunod niya 'kong ini-smack sa labi. "I love you, I love you, I love you! No matter what! I love you, my lady. Muwah! Muwah! Muwah!"

Binawi ko ang mga labi ko sabay sampal sa kanyang pisngi. "HUDAS KA RIN TALAGA, 'NO? ALL THIS TIME, PINANIWALA MO AKONG HINDI KA SI JUDE, HA, JUDAS?!"

Sa gigil ko, pinaghahampas ko siya. Buwisit na lalaki 'to! Pagbaba ko lang, ingungudngod ko talaga 'yang pagmumukha niya sa apat na sulok ng mansiyon ni Primus! Hay, hayup!

"I'm Jude, yet I'm Judas," he said. The heck?

"Ano, may split personality ka? Dalawa katauhan mo? Ibaba mo nga ako! Sasampulan kita ng pagka-dragona ko!"

"I won't bring you down unless we're inside. And as for your question, wala akong split personality. My full name is Judas Michaelis, I'm living for 215 years. Sounds fun, isn't it?"

"Fun! Fun! Sapakin kaya kita? Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo bang nagpakahirap akong mag-adjust dahil akala ko, wala akong butler! 'Yon pala nasa tabi ko lang at palihim akong pinagtatawanan!"

"Easy, my lady," said Jude--ah, I don't know which one to choose. They're entirely different, you know? Magkaiba sila ng persona nang makilala ko ang dalawa. 'Yon pala, iisang tao lang pala sila! Lintik na 'yan!

"Paano ako kakalma? Pinaasa mo 'ko ng halos isang linggo! Ang hirap kayang mabuhay nang walang butler!"

"I lied to you because I want you to strike on your own. Kung sinabi ko ang totoo na ako si Jude, it makes no difference. Hindi ka matututong gumalaw sa sarili mo," sabi niya. At some point, tama rin naman siya. Pero nakakainis pa rin, e!

"Fine. Pero matanong ko lang. Bakit mo ba ako sinundan? You know what's going on in Wonderland and you never tell me anything about it?" Pang-uusisa ko.

Nais kong marinig sa bibig niya ang dahilan ng pagpunta niya sa Wonderland. Ako ba ang conern niya o sadyang trip niya lang dahil bored siya sa paghahanap sa 'kin noong nawawala ako?

We reached the mansion's garden. Doon niya ako ibinaba. "No, not exactly. I followed you right after I saw you jumped down the hole. Naisip kong baka may mangyaring masama sa 'yo. At pagdating ko doon, nakita kita kasama si Moiselle, dinala ka niya sa circus at ang mas kinagulat ko ay 'yong pagbabago ng hitsura mo.

"I thought to myself, my kakaibang nangyari sa 'yo at dapat kong malaman kung ano 'yon. I spent a night in woods, that was the time when I reunited with my sister. She wants me to join the circus pero nakiusap akong manatili pa sa gubat ng ilang araw hanggang sa kaya na kitang harapin. Ang hirap ayang magpanggap na wala akong pakialam sa 'yo.

"Remember when I called you 'tart'? It slipped from my tongue without thinking. At labis ang pagsisisi ko nang masaktan kita. Makalipas ang ilang araw na kasama kita, lalong nahulog ang loob ko sa 'yo. Nakalimutan kong isa kang dating lalaki at niwaglit sa isip kong baka isang araw ay posible kang bumalik sa natural mong anyo.

"At noong marinig ko ang katotohanan mula kay Four-eyes, gusto kong pumatay. 'Yong umiyak ka lang, para nang dinudurog ang puso ko. Paano pa kaya ang paglaruan ka? Walang puwedeng manakit sa babaeng mahal ko, alam mo 'yon? Nang magpaalam ka sa 'kin bago ka umalis, nauna na ako sa 'yo. Hindi dahil galit ako o ano. Pero para salubungin ka sa pagbabalik mo.

"Masaya akong kasama na kita ngayon, Primrose. I saved you because I don't want to lose you. I don't want to live for centuries without seeing your face, my love. Oo, selfish na 'ko. Pero akin ka lang. Every inch of your body, baby. You hear me? You're mine!"

Judas was cupping my face as if he's so possessive of me. He really is. Hinalikan ko ang mga labi niya nang mariin bago ko sinabing, "I love you, Judas. Thank you for keeping your promises. Hindi mo ako iniwan at mangako ka sa harap kong kailanma'y hindi mo ako iiwan."

"Yes, you can count on me," he said. I wiped his tears. He looks so cute when he's crying. Para siyang batang namumula sa kaiiyak.

"I'm sorry for earlier. If I were know the truth, hindi sana kita binasted kanina sa circus."

Iyak-tawa siyang tumugon. "It's okay, baby. Kalimutan na natin 'yon. Pasok na tayo sa loob, hinihintay ka na ng tatlo."

༺༻

My adventures in Wonderland took only a day in reality. Gano'n kabilis ang mga pangyayari. Nalaman ko 'yon ayon sa kuwento nina Maylene, Finn at Troy dahil maghapon daw kaming nawala ni Judas at hinanap nila kami subalit wala silang nakitang bakas namin for twelve hours straight.

Pinatawag ko ang tatlo sa opisina ko. Along with Auntie Angelina na nagagawa kong kausapin through video-chat, ikinuwento ko sa kanila ang kababalaghang nangyari sa Wonderland at ang misteryo sa likod ng totoo kong pagkatao bilang si Cecilia. Inamin ko rin na ginamit ako ni Primus sa kanyang pagtakas sa realidad.

Hindi ko sila masisi 'pagkat naguguluhan pa sila noong una. Sa tulong ni Judas, pinaunawa niya sa apat ang kabuuan ng kuwento. Mangiyak-ngiyak ako sa resulta ng aming pag-uusap. I told my servants na kung gusto nilang umalis, 'di ko sila pipigilan. At alam niyo kung anong sinabi nila?

Pamilya na ang turing nila sa 'kin since the day I let them work in my custody. These three have no families at dumaan din sila sa sangkatutak na butas ng karayom bago nila ako nakilala. Blessing in disguise na raw ang pagpapatira ko sa kanila. Kung wala raw ako, marahil nakuha na sila ng sindikato.

Meanwhile, my conversation with Auntie took a couple of hours. We were discussing about myself, my relationship with Judas and my future. Alam na rin nilang mga bampira kami at hindi man lang nagulat si Auntie. Well, anong aasahan niyo sa babaeng mahilig magbasa ng vampire fiction? Jeez.

Napasarap ang usapan namin, like we used to be. Humingi ako ng permiso kay auntie tungkol sa management ng Constantine Sweets. You wouldn't guess what she said to me. Gusto niyang ipasa sa akin ang perang iniwan ni Primus at siya na ang bahala sa pagsasaayos ng mga papeles. Siyempre, sa akin pa rin daw ang kumpanya. Nagpapasalamat siya dahil sinalba ko mula sa tangkang pagkalugi ng negosyo ng kinilala kong mga magulang.

My life is now back to normal, at last. Ano pa bang mahihiling ko? Mukhang wala na. I'm happy and contented at all. I can't imagine myself lying six feet below the ground if I haven't met those circus folks.

Nagsunod-sunod ang swerte sa buhay ko for the past four years. The Constantine's (formerly Constantine Sweets) has expanded into food and toy manufacturing. May branches na rin kami sa Europe, Asia at Australia. During Christmas season, nagla-launch ako ng charity program para sa mga kapus-palad na kabataan. Ang sarap sa feeling na makatulong sa iba, bagay na 'di ko nagawa noon.

I continue to live as Primrose Constantine, a vampire married to Judas Michaelis. Last year kami nagpakasal sa beach na exclusive kong binili para sa location ng event. May isa kaming anak na babae, si Cecilia. Judas named our first child after me.

Napag-pasyahan kong ituloy ang iniwang legacy ng Constantine family bilang si Primrose. Hindi na mahalaga sa 'kin kung sino at ano ako noon. Cecilia Phantomhive is dead and she will never come back. Ang importante ay kapiling ko ang mga taong tanggap ako nang buong puso.

Primrose in Wonderland

THE END

━━━━━━━༺༻━━━━━━━