webnovel

Primrose in Wonderland

[COMPLETED] Rich kid. Bugnutin. Spoiled brat. Ganyan mailalarawan ang young businessman at head ng Constantine manor na si Primus. Everything went just fine until one day, he found himself chasing a white rabbit in the woods which brought him into a strange land called Wonderland, a place surrounded by forest and strange circus where people can find 'true happiness'. Mahanap kaya ni Primus ang kaligayahan kung siya ay nasa katawan ng isang babae? Started: March 28, 2020 Finished: April 17, 2020 ©Copyright 2020 All rights reserved

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

XIII - Primus' Story

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primus Constantine's POV

INSIDE HIS CINEMATIC RECORD

Wala nang mas sasaya pa sa buhay ko. Ano man ang hilingin ko ay agad binibigay ng aking mga magulang. Nakatira ako sa malaking mansiyong pag-aari ni Papa. My father, Victor Constantine, is a businessman at heart. He's the person behind the success of Constantine Candy Factory. Hobby niya ang pagne-negosyo kaya nagpursigi siyang palaguin ang factory mula sa maliit hanggang sa ito'y magkaroon ng iba't ibang branches sa bawat sulok ng bansa.

My mother, Rita De Vega-Constantine is a former actress. She retired after her marriage and she decided to help my father to sustain their business. Walang birthday na hindi ko sila kasama. Walang araw na hindi ako nabibigyan ng bagong kagamitan.

Mahal ko ang parents ko gaya ng pagmamahal ko sa sarili ko. They can sustain all my needs. Money, food, shelter, clothes, gadgets, sasakyan at marami pang iba. They were actually planning to build my own house when I turn eighteen as long as I can live all by myself.

Tanging nasa isip ko lang nang mga panahong 'yon ay kumain, gumala kasama ang mga kaibigan, at magbakasyon. Binigyan nila ako ng kalayaan na kunin ang kursong gusto ko sa kolehiyo bagama't sinu-suggest sa 'kin ni Papa na mag-take ako ng business course para makatulong sa pagpapatakbo ng Constantine Sweets in the near future dahil ako raw ang susunod na hahawak ng kumpanya.

Uh, aanihin ko naman 'yon? Hindi pa ako handa. Basta ang nasa isip ko? Magpakasasa, magbuhay-hari sa sarili kong kaharian.

Until one day, an accident took them away from me. Sumalpok ang kotse namin sa malaking puno. Dead on arrival sina Mama at Papa habang ako'y nagtamo ng ilang sugat.

Iyon ang pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko, ang sabay silang nawala sa akin in an unexpected scenario. At sa murang edad ko na fourteen, isang malaking responsibilidad ang iniwan nila sa akin.

Paano ko matitiyak ang magandang pagpapatakbo ng Constantine Sweets kung ako'y walang alam sa pagnenegosyo? Sabi nga nila, puwede namang pag-aralan ang mga bagay-bagay. But am I little bit too young for handle this responsibility?

Nawalan rin ako ng mga kaibigan at naging tampulan na ako ng tukso sa eskwelahan. Kesyo ulila ako, mag-isa sa buhay at walang nagmamahal sa akin. Sa katunayan ay 'yon din talaga ang nararamdaman ko noong mga panahong 'yon.

Ngunit nagbago ang lahat nang may dumating na bagong transferee sa school. Hindi siya mayaman at sikat pero may isang katangitan akong nakita sa kanya na labis kong nagustuhan.

Her face is like a photocopy of mine. Akala ko noong una, namamalik-mata lang ako pero kahit saang anggulo ko siya tignan ay talagang magkamukha kami. My classmates, even my teachers thought we're twins. Ngunit nilinaw ko sa kanilang ako lang ang nag-iisang anak ng Constantine family.

Siya si Cecilia Phantomhive. According to my source, anak siya ng may-ari ng funeral parlor malapit sa public market. Iyon ang bumubuhay sa pamilya niya at 'di na ako nagtaka nang matuklasan kong scholar lang siya ng isang pulitiko.

Ni minsan, hindi ako nagkaroon ng chance na kausapin siya. Sobrang ilap nito sa tao at hindi nakikipag-usap sa kahit sino. Nagmumukmok lang siya sa gilid ng classroom at nagbabasa ng mga lumang libro. A typical nerd you can imagine.

May araw na kaming dalawa lang ang natira sa room at lunch break n'on. Lumapit siya sa 'kin at inalok ako ng baon niyang fried potatoes. Since then, naging comfortable din kami sa isa't isa. Hanggang sa naging magkaibigan kami.

That was the first time I felt happiness after my parents left me. Lagi kaming sabay mag-lunch at hinahatid ko siya pauwi sa kanyang tinitirahan. Masaya ako kapag kasama ko si Cecilia. Nakahanap ako ng sister-figure sa kanya.

"Bukas ulit!" sabi ko pagkababa niya sa kotse ko.

"Sige, Primus!" sabi niya naman habang kinakawayan ako.

While I'm in the middle of driving, medyo gabi na n'on, biglang pumutok ang gulong ng sasakyan ko. I was stuck in the middle of nowhere. Walang gasoline station o vulcanizing shop na puwede kong puntahan, so I left with no choice but to walk.

Sa aking paglalakad sa madilim na kalsada, muntik na akong makaapak ng kung ano. Pagtingin ko, isa pala 'yong eyeglasses.

"Kanino kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko.

Sunod akong nakarinig ng ungol mula sa 'di kalayuan. Napatigil ako nang mai-spot-an ko ang isang lalaking pakapa-kapa sa semento, tila may hinahanap. Posible kayang sa kanya ang salaming ito?

Nilapitan ko ang lalaki at tinanong. "Is this yours?" Inabot ko sa kanya ang salamin na agad niyang kinuha.

"Salamat," sabi niya. Dali-dali niyang isinuot ang salamin. "I can't do my job without wearing this spectacles. Glad that you found it."

"May I know what did you do for living?"

Bigo akong nakakuha ng sagot. Tumayo ang lalaki at tumakbo. Sinundan ko siya at doon, nagulat ako nang walang awa nitong sinaksak ang isang duguang lalaki gamit ang hawak niyang axe. Matagal din bago hugutin ng lalaki ang axe sa dibdib ng kaawa-awang biktima.

Then, he caught me. At first I thought he's going to attack me but instead, the man asked me, "Why are you so interested to know what I'm doing?"

"Because you look strange. You haven't killed anyone, have you?"

"What if I told you I have?" A man dressed in black coat, mahaba ang buhok at nakasalamin. You wouldn't think at first that he's actually a cold-blooded killer. Though, alam ko na kung ano siya, may nararamdaman pa rin akong kakaiba sa taong ito.

"You are," paniniguro ko.

"I am the so-called Death - Adrian Bartram. The one who reap souls from humans at the scheduled time of their expiration." A... Grim reaper? The guy went closer as he pointed his axe to my neck. "Tell everyone who I am or I'll reap you."

"N-No, your secret is safe with me," natatakot kong sabi. Saka lang niya binaba ang axe at naglakad palayo. "Wait up!"

Lumingon ang lalaki. "May kailangan ka pa ba?" tanong niya.

"I... I need your help," I said.

That's when I met my friend grim reaper. I told Adrian about everything, my past and my problems in life. Bilang kabayaran sa pagtulong ko sa kanyang magawa ang kanyang trabaho, binigyan niya ako ng offer na 'di ko kayang tanggihan.

Ang gamitin si Cecilia bilang pangunahing sangkap. He collected her soul five days later. Binalaan ako ni Adrian na maaari akong masawi sakali mang pumalpak ang kanyang eksperimento. Sa kagustuhan kong mabago ang aking buhay, hindi ako nagdalawang isip na pumayag at handa akong tanggapin ang anumang consequence na posible kong kaharapin.

Bago gawin ang experiment, sa harap ng bangkay ni Cecilia, humingi ako ng tawad for two reasons:

For using her dead body for my own benefit and for being forced to forget everything between us. Handa na akong talikuran at kalimutan lahat ng pinagsamahan namin, either good or bad.

Adrian produced a copy of my cinematic record and he transferred it into Cecilia's body. Upang maiwasan ang confusion kay Cecilia sakaling magtagumpay ito, inalis niya ang ilang bahagi ng cinematic records ko at pinalitan ng mga pekeng impormasyon. Nagkaroon din ng reaction ang kanyang kasarian kaya naging lalaki ito.

Binalaan ako ni Adrian na posibleng bumalik si Cecilia sa dati niyang anyo at hindi niya tiyak kung kailan 'yon mangyayari. Nilinaw rin niyang sakali mang bumalik sa dati si Cecilia ay malabo nang ma-restore ang dati niyang alaala since her soul is already collected.

Inutusan ko siyang i-monitor nang maigi si Cecilia nang hindi nito nalalaman. Sinisiguro kong pagdating ng araw na 'yon, handa na akong bumalik sa mundong iniwan ko at wala nang halaga si Cecilia sa akin.

Habang si Cecilia ay nagsisimula nang i-adapt ang buhay niya bilang Primus, I made my pursuit. I found a rabbit hole na ayon sa paniniwala ng mga tao ay ito ang daan papasok sa Underworld, ang tawag nila sa Wonderland. I thought that place is good enough to hide, so I didn't hesitate to go there and see for myself.

I met Dorothy, isang werewolf. We became friends and she helped me to easily adjust. Nagtiyaga akong makisama sa iba niyang mga kasamahan, sinubukan kong mabuhay nang normal - na malayo sa mundong kinagisnan ko. I found freedom and contentment. Sandali kong nakalimutan ang mapait kong karanasan sa real world. I'm so happy back then.

Sumali rin ako sa circus, hindi bilang si Primus, kundi bilang si Moiselle - isang babaeng naligaw sa Wonderland kasama si Dorothy on one purpose: ang maging lookout laban sa mga bampira.

I managed to portray Moiselle by wearing a perfect disguise. I learned it from my mother who known in her field as the mistress of disguise. For two years, no one knows who I am, except for Dorothy.

Maayos ang naging buhay ko sa Wonderland, hanggang isang araw, dumating ang 'di inaasahang bisita. Si Cecilia. The realization hits me when I saw her face. She came back to her real form. But it doesn't matter to me, anyway. I have no business left here in Wonderland when my mission is over.

Nagpa-plano ang werewolves na atakihin ang mga bampira pagkatapos ng dalawang patayan, indikasyon na tapos na rin ang trabaho ko bilang espiya. Two years is enough and I'm ready to return in my true self.

Tiniyak kong ako ang unang taong makikilala ni Cecilia sa mundong ito. Tinawag ko siya sa pangalang Primrose at pinakilala sa mga circus members. Kinaibigan, pinakisamahan at siyempre, ginamit para sa huling parte ng aking plano. I have the Red Queen's choker at pinahiram ko kay Primrose bago ang first act niya sa circus.

My plan is to frame Primrose for stealing the queen's property at siya ang mase-sentensyahan sa halip na ako. Dahil do'n, hindi ko na iisipin pa kung paano ko didispatyahin ang pekeng Primus. I did the best thing in case na makahanap siya ng lagusan palabas ng Wonderland. By that, my plan is complete without dirtying my own hands.

Subalit sa 'di maipaliwanag na dahilan, binagabag ako ng konsiyensya ko. A night before she was sentenced, my parents appeared in my dream, begging me to give up my wrong decisions. For every mistakes that I have committed, it slowly destroys my own life.

Bumalik sa aking alaala lahat ng mga pagkakamali ko, hindi lamang kay Primrose, kundi pati rin sa sarili ko. Namulat ako sa katotohanang matagal nang sira ang buhay ko at ako mismo ang gumawa ng paraan para tuluyan itong gumuho.

At sa mga oras na ito, ramdam ko ang pagbulwak ng dugo sa katawan ko. Nais kong lumaban hindi para mabuhay, kundi personal na humingi ng pasensya sa mga nasaktan ko.

I'm sorry for everything, Primrose. Patawad kung naging makasarili ako. Patawarin mo ako kung ginamit kita. Patawad kung hindi kita binigyan ng katahimikan. As much as I want to say this to you personally, but I'm getting weak. I can't take this anymore. I guess, I have to leave it here.

Goodbye, cruel world.

THE END OF CINEMATIC RECORD

━━━━━━━༺༻━━━━━━━