webnovel

Chapter 71: Aljon's Invitation

Hapon sa isang mamahaling restaurant...

"Wow! Ang ganda naman dito... Pero bakit tayo lng ang andito?" Sambit ni Uno.

"Pinasara ni Sir Aljon ang restaurant na ito para sa inyong lahat." Biglang sambit ni Mavick ang assistant ni Aljon na isa ring estudyante ng AGA.

Nagulat naman sila Uno dahil bigla nalang itong nag salita ng walang pasabi.

"Ipinasara?" Anila maliban sa tatlo nila Kenny, Thew at Baron.

"Aha, hindi rin kasi pwedeng maraming tao ang makakasalamuha ni Sir bilang anak sya ng presidente kailangan namin syang ingatan."

"Ohhh..." Reaction naman nil Uno maliban ulit dun sa tatlo na di kumikibo.

"Sige na maupo na kayo. Ms. Barbie..."

"Hmm?"

"Gusto raw muna kayo makausap ni Sir Aljon."

"Okay."

Sasama na sana si Barbie kay Mavick pero pinigilan sya bigla ni Kenny.

"San ka punta?"

"To the moon! Ano ba? Diyan ka na nga muna. Senior, tara na."

"Um."

At sinama na nga ni Mavick si Barbie.

"Barbara!"

"Dre, hayaan mo na! Baka oorder lang sila." Sabi ni Uno ng bigla may lumapit na isang staff na lalaki.

"Here's the menu you can pick anything you want the bill is paid already."

"Wow!" Reaction ng iba habang ang sama ng tingin ni Kenny kay Uno.

"Ah... Eh... Baka may itatanong lang si Senior Aljon."

"Heh!"

Nakaupo na ng mga oras na iyon sila Gaile pwera lang kila Uno at Kenny na mauupo palang.

"Girl, naiihi ako can you go with me?" Pabulong na sambiti ni Dana kay Gaile.

"Sure."

At nung tatayo na nga yung dalawa na unang maka alis si Dana dahil di pa makadaan si Gaile gawa ni Thew na nakaharang pa. Pa half circle kasi ang itsura ng kinauupuan nila at nag kataong na corner sila Gaile at Dana sa bandang gitna.

"Pre, dadaan si Gaile." Sabi ni Sam.

"San kayo pupunta?" Tanong naman ni Uno.

"Mag cr lang." Sagot naman agad ni Dana.

"Can you get up?" Nag naiinis ng sambit ni Gaile kay Thew na hindi nya parin kaayos.

Hindi naman sya pinansin ni Thew.

"Huh! Ayaw mo? Fine!"

At dahil di nga tumayo si Thew si Gaile na ang gumawa ng paraan dumaan sya sa harapan ni Thew pero sumabit yung palda nya sa zipper ng bag nito kaya...

"Haysssss! Ano ba?! Hindi ako upuan!"

Gaile gulped dahil medyo kinabahan sya sa aksidenteng pag kakupo nya sa lap ni Thew. "I--- Ikaw!!!"

Sa di sinasadya pag lingon ni Gaile napa lapit gaano ang mukha nilang dalawa ni Thew at nagkatitigan.

"So-- Sorry." Ang awkward na sambit ni Gaile.

"O-- Okay lang." Ang nahihiyang sagot naman ni Thew.

At wala namang imik yung iba at pinapanood lang yung dalawa.

Tumayo na si Gaile kaso nasabit sa bag ni Thew ang palda kaya napa upo na naman ito.

"Dang it! Yung palda ko nasabit sa zipper ng bag mo!"

"Ah... O-- Oo wait lang."

"Hoy Thew!!!" Pagalit na sambit ni Uno.

"Ano?!"

"Anong ano? Don't you dare touch Gaile's skirt!"

"Anong problema mo? Tatanggalin ko lang naman yung naipit na sinulid na galing sa palda ni Gaile."

"Oo nga! Bilisan mo tanggalin mo na!" Sabi ni Gaile na naiinis na."

"Tumayo ka, puputulin ko."

Tumayo naman si Gaile at medyo nataas ni Thew ang dulo ng palda nito kaya may nakitang konting skin.

"Hayssss! Dana!" Pagalit na sambit ni Uno.

"Hmm?"

"Ikaw mag tanggal nun!"

"Ha?"

"Ikaw ang babae ikaw ang tumulong kay Gaile!"

Napa isip naman si Thew sa sinabing iyon ni Uno at napansin nyang naitataas na nya ang palda ni Gaile kaya umiwas naman sya ng tingin at namula ang kaniyang tenga at dali-daling ibinaba yung bag nya.

"Ah... Ahm... I think Uno is right. Dana, dalhin mo na ang bag ko ikaw na ang tumulong kay Gaile tutal pupunta naman kayo sa restroom."

"Oh, okay."

"Haysss... tatanggalin lang di mo pa magawa! Useless ka talaga!" Pagalit na sambit ni Gaile.

"Tsk! Ewan!"

At kinuha na nga ni Dana yung bag ni Thew "wag mo masyadong itaas, nataas din kasi ang palda ni Gaile."

"Um."

At umalis na nga yung dalawa.

"Ey! Concern?" Sabi ni Sam kay Thew.

Lalo namang namula ang tenga ni Thew "shut up!"

Kenny smirked "undeniable!" Pabulong nyang sambit.

"Ano yon?" Sabi ni Uno.

"Wala!"

Habang nag lalakad naman papuntang restroom sila Dana at Gaile.

"Close pala kayo talaga ni Thew no?" Sabi ni Dana kay Gaile.

"Hmm?"

Nakarating na sila ng nga oras na yon sa restroom at tinulingan na ngang tanggalin ni Dana ang palda ni Gaile sa bag ni Thew.

"Oh... Childhood friends pala kayo nila Thew at Kenny?"

"Um. Kaya alam na namin ang baho ng isa't isa."

"Kaya naman pala concern sayo si Thew."

"Tsss! Di yon!"

"Eh? Concern sayo! Tignan mo kanina ayaw nyang makikita yung skin mo kaya ako na ang pinatanggal nya nito."

"Sus! Wag kang ano diyan! Tanggalin mo na yan... Gutom na ko."

"Oo here na nga. Pero ang sweet talaga sayo ni Thew."

"Heh!"

"Hahaha..."

Pero na pa isip si Gaile sa sinabi sa kaniya ni Dana.

At the same time,

Sa may isang table na medyo malayo kila Kenny andoon at nag uusap sila Barbie at Aljon.

"Eh? Gusto mo akong mag turo sa kapatid mo ng self defense? But why me? And I don't actually know how to defend myself."

"Pero cool ka!"

"Ako? Cool? Baka fool."

"Silly, but honestly when I saw you at the camp site kung paano mo pinabagsak yung mga tauhan ko humanga talaga ako sayo."

"Eh? Nung camping? Pero hindi self defense I just want to express my feelings na iinis kasi ako that time kila Kenny at Thew eh."

"That's the spirit na I would like you to teach my sister."

"Your sister? A girl?"

"Aha, masyado kasi syang naka depend sakin eh."

"Pero... Bakit ako? Mayaman kayo at maraming security guards mas may alam pa nga sila sakin pag dating sa self defense kasi forte nila yun."

"Actually, mahiyain ang kapatid ko pero mainitin ang ulo."

"Ala! Lalo ng di kami mag kaka match nun mabilis rin kasing uminit ang ulo ko. Tsaka di ko alam kung ano ang ituturo ko."

"Just be yourself. I like the way you handle you surroundings bilang isa kang transfer student."

"Well, yes ginagawa ko lang kung ano ang gusto ko pero parang ang hirap namang ituro nun sa iabng tao. Di naman ako virus para mahawaan ng attitude ko ang kapatid mo."

"Hahaha... I really admire you sa pagiging pranka mo. Kaya sana mahawaan mo nga si Stella ng ganyang ugali."

"Okay lang naman sakin pero ano ba kasing gagawin ko? Paano ko tuturuan ang kapatid mo? Alangan naman tumambay langa ko sa inyo at makipag kulitan sa sister mo."

"Exactly! I will pay you everyday just watch over my sister."

"Wait, what? Tatambay lang amo sa inyo? Tapos you will pay me? Are you insane?"

"Maybe? I don't know either... Basta gusto ko lang na makasama mo ang kapatid ko."

"Well, okay lang naman sakin talaga pero everyday? Tsaka di ko pa alam kung papayagan ako ni Uncle Bruce."

"Don't worry I will get the permission of the principal."

"And that's a no!" Biglang sambit ni Kenny

"Ke-- Kenny." Sambit ni Barbie na nagulat sa biglaang pag sulpot ni Kenny.

"Where going home!"

"Ha? Pero..."

"Nag text si daddy emergency raw."

"What? Anong nangyayare kay uncle?"

"Umuwi na tayo!"

"O-- Okay."

Paalis na sana yung dalawa ng biglang humarang si Aljon na hinawakan pa ang braso ni Barbie.

"Ipapahatid ko na kayo."

Kenny take off Aljon's hand sa braso ni Barbie "we don't need your help may motor ako. Halika na Barbara!"

"O-- Oo... Senior, I will chat you nalang."

Na inis namang lalo si Kenny ng marinig nya yon. Kaya halos kaladkarin na nya si Barbie.

"He-- Hey... San kay pupunta?" Pahabol na sambit ni Uno.

"To the moon!" Pa sigaw ng sambit ni Kenny at ng makalabas ng resto sumakay agad sila ng motor at pinanood lang sila ng tropa.

"San pupunta ang mga yon?" Bungad naman ni Gaile kasama si Dana na kababalik lang.

"To the moon!" Sabay sambit naman nila Uno at Sam.

"Eh kung sapakin ko kayo?"

"Joke lang ito naman. Hindi namin alam baka may emergency." Sagot ni Uno.

"But we didn't eat pa." Sabi ni Dana.

Paalis na rin ng mga oras na yon sila Thew at Baron.

"Oh, aalis na rin kayo?" Sabi ni Sam.

"We came here because of Barbie eh wala na sya dito kaya mabuti pang umalis na rin kami. May practice din naman kami ni Thew." Sagot ni Baron.

"Eh? Aalis na rin kayo?" Sabi ni Gaile.

"Um. Mauna na kami."

At umalis na nga yung dalawa pero hinabol ni Gaile.

"Oh? Bakit? May practice pa nga kami ni Thew kaya di na kami sasama diyan sa inyo." Sambit ni Baron.

Gaile bonked him "daldal mo! Iaabot ko lang naman itong bag ni Thew na iwan nya kasi!"

"Ah... Sorry naman kala ko kasi pipigilan mo pa kami."

"Mukha mo!"

At iniabot na nga ni Gaile ang bag ni Thew na kinuha naman nito.

"Sige, bye na! Ingat kayo ay mga varsity nga pala kayo dapat pala ingat sila sa inyo."

"Baliw! Pogi parin naman kami kahit anong mangyari di ba Thew?"

Hinanap ni Baron si Thew pero na gulat syang lumapit pala ito kay Gaile.

"Umuwi ka agad baka hanapin ka sa inyo. Yang palda mo ipatahi mo na agad kay Aling Messy para di na sumasabit."

"Tsss! Oo na! Babush!"

At pumasok na nga itong si Gaile sa loob.

Tinukso naman ni Baron si Thew "don't tell me crush mo na si Gaile."

"Heh! Paano ko naman magugustuhan ang barakong yon?"

"Sa bagay, barako nga pala ang isang yon. Sa ating tatlo nila Kenny ikaw ang super close kay Gaile di ka ba nag ka gusto sa kaniya?"

"Ano?! Gusto mong umuwi sa inyo na bali-bali ang buto mo?!"

"Chill lang! Napaka seryoso mo kasi bigla pero sayang si Gaile talaga eh may itsura pa naman tapos tomboy. Wait, di kaya gusto nga si Barbie?"

"Hayssss... tama nga so Gaile napaka daldal mo! Bahala ka diyan!"

At iniwan na nga ni Thew si Baron gamit rin ang motor nya.

"The-- Thew!!! Bumalik ka!!!

Next chapter