webnovel

Chapter 70: Coronation Of Mr. And Ms. AGA

Wednesday Morning,

Knock... Knock...

"Barbara, gumising ka na!" Sambit ni Kenny.

Pag bukas ng pintuan...

"A-- Anak ng! Anong nangyare sayo?" Pagulat na sambit ni Kenny ng makita nya si Barbie.

"Anong almusal gutom na ko." Sagot naman ni Barbie na para bang walang energy at may eyebags na para bang hindi nakatulog mag damag.

"O-- Okay ka lang ba?"

"Yeah... Don't mind me."

At habang pababa nga ng hagdan si Barbie muntik na itong mahulog at mag dire-diretso pababa mg hagdan buti nalang nahawakan sya ni Kenny.

"Ayos ka lang?"

"Yeah... Salamat."

"Ano bang nangyayare sayo?"

At inalalayan na nga ni Kenny si Barbie sa pag baba ng hagdan.

"What happened?" Bungad naman ni Bruce na iniusod ang upuan sa may dinning table para makaupo agad si Barbie.

"Ewan ko po diyan hindi ata nakatulog."

"Bie nak, bakit? Anong nangyare? May sakit ka ba? Ang putla mo wag ka na kayang pumasok."

"Wala po ito Uncle okay lang po ako. Girls problem lang."

Sumesensyas naman si Kenny about sa period ni Barbie.

"Oh.... I see... Sige, kumain ka na para makainom ka ng gamot. Sigurado ka bang okay ka lang na pumasok ngayon sa school?"

"Opo, may kailangan rin po kasi akong tapusin na project eh."

"Si-- Sige."

"Ahem... here, humigop ka ng mainit na sabaw para mainitan ang sikmura mo wag ka na munang iinom ng malalamig okay? May ginawa na akong baon mo." Sabi ni Kenny na pakiwari ba ni Bruce eh naging mas concern ang anak nya kay Barbie.

"Thanks."

"We-- Welcome."

"Ah, nga pala... Ngayon ang coronation ng Ms. and Mr. AGA. Cong..."

"Hindi na po ako papasok!"

"Ha? Pero kanina..."

"Kumain ka na... Narinig mo lang na sinabi ni Daddy yung sa coronation di ka na agad papasok?"

"Ahm... Masama kasi talaga ang pakiramdam ko. Sige taas na ko... Ako ng bahala sa bahay."

Pinigilan sya ni Kenny "tigil! Hindi aalis ang bahay kaya sige maupo ka na at kumain!!!"

"U-- Uncle tulong!!!"

"Ha? Ah... Eh... Kasi..."

"Dad, hayaan nyo sya ako ng bahala diyan wag na kayong mag alala."

"Pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko . Isa pa, coronation ngayon tapos ganito ang itsura ko."

"I know, kaya bago tayo pumasok dadaan muna tayo sa salon para paayusan ka."

"Pero ayoko!"

"Hindi pwede!!! Maraming nag aantay sayo! Isa pa gusto mo bang mapahiya si daddy sa mga visitors?"

"Kenny, ayos lang yon masama ang pakiramdam ni Barbie hindi natin sya dapat pilitin. Isa pa, okay lang na di sya umattend dadating naman si Aljon."

"Si Senior Aljon po? Pero hindi po ba hindi sya madalas nasa school dahil anak sya ng President?" Sambit ni Barbie.

"Oo, nagulat nga ako nag bago ang isip nya eh kinausap kasi ako ng assistant nya nung nakaraan at ang sabi aattend daw si Aljon ng coronation."

"Talaga po? Wow! Nakakahiya po pala kapag di ako umattend kaya sige po papasok na ko."

"No! Hindi ka na papasok." Biglang sambit ni Kenny.

Napa facepalm naman si Bruce na para bang na dismaya.

"Hindi ka papasok kasi masama ang pakiramdam mo!"

"Dati ka bang baliw? Kanina lang pinipilit mo kong umattend ng coronation tapos ngayon ayaw mo na? Sira ulo ka ba? Aattend na nga ako ayoko rin namang mapahiya si Uncle sa mga bisita ng school mamaya isa pa dun eh sponsor."

"Pero ayos na nga daw okay lang na di ka umattend."

"Baliw na talaga! Uncle, alam nyo tara na po malalate na po tayo pag itong isang ito ang pinagkakausap natin."

At tumayo na nga rin si Bruce na para bang sumasangayon kay Barbie.

"Daddy! Pati ba naman kayo?"

"Tumigil ka na! Halika na!"

"Tsk! Daddy naman!"

"Kung ayaw mo, diyan ka na! Ikaw nalang ang wag pumasok tapos!"

"Hayssss! Bahala nga kayo!"

"."

Sa AGA nasa auditorium na ang halos lahat ng students at nag hihintay nalang sa coronation ng umagang iyon.

"Ngayon nalang ulit ako naka punta dito parang lumaki ang auditorium natin ano?" Sabi ni Uno na kauupo lang kasama ang tropa at katabi naman niya sa kanan nya si Gaile at sa kaliwa naman nya ay si Thew.

"Natural lang dahil mayaman at bago ang ating school director." Sagot naman ni Sam na nasa kaliwa ni Dana.

Pinag gigitnaan naman nila Sam at Gaile si Dana. Samantala si Thew naman ang pinag gigitnaan nila Uno at Baron.

"Hindi ko pa nakikita sila Kenny at Barbie dapat ba inintay natin sila sa labas?" Tanong ni Uno.

"Don't bother mamaya lang andiyan na rin sila." Sabi ni Gaile.

"Pero baka hanapin nila tayo sa classroom."

"Kasama nila sa bahay si Principal Bruce natural lang na alam nung dalawa kung nasasan na ang mga mag aaral. Right, Thew?" Sambit ni Gaile na para bang ng iinis ang tono.

Hindi naman umimik si Thew at hinayaan lang si Gaile.

"Shhh... Nang aasar ka naman." Pabulong na sambit ni Uno kay Gaile.

"Paki ko? Kasama naman talaga ni Kenny sa bahay si Barbie bakit ba?"

"Shhh... Wag ka ng maingay!"

"Hayaan mo sya! Diyan sya masaya! Palibhasa, gusto ng away." Sambit ni Thew.

"Huy! Wag mo ng dagdagan! Lalo lang magagalit yan sayo eh!" Sabi naman ni Uno na para gang nagiging referee na dun sa dalawa dahil nga sya ang pinag gigitnaan ng dalawang mainit ang ulo.

"Huh! Talaga ba? Eh sino kaya sating dalawa ang na unang mang asar don sa classroom kanina?!"

"Tigilan mo ko Gaile! Sinabi ko na ngang di ko sinasadya na madali ka ng bag ko!"

"Ang sabihin mo sinasadya mo kasi wala kang manners."

"Ano?! Sumosobra ka na!"

"Oh talaga ba?"

"Haysss! Tigilan nyo na yang dalawa!" Pagalit na sambit ni Uno.

"Heh!" Reaction naman nung dalawa.

"Tigilan nyo na nga yang wala namang kwentang away nyo. Tignan nyo yung nasa unahan." Sabi ni Baron at tumingin nga mga ito sa sinasabi niya.

"Wait, is that Senior Aljon?" Sabi ni Dana.

"Wow! Akala ko hindi sya aattend." Sabi naman ni Sam.

"Well, kung ako din naman ang Mr. AGA at ang Ms. AGA ko ay si Barbie aattend talaga ko kahit busy pa akong tao." Sambit ni Baron.

"Tignan nyo! Dumating na rin si Kenny at... Wow!!! Ang ganda ni Barbie..." Sabi ni Uno na natulala sa kagandahan ni Barbie.

Hanggang sa nag simula na nga ang coronation para sa Mr. and Ms. AGA...

"Congratulations sa inyo." Sabi nung nakaraang Mr. and Ms. AGA na ngayon ay mga College students na.

"Salamat po." Sabi ni Barbie at nag pa salamat rin naman si Aljon.

Nasa gitna ng stage sila Barbie at Aljon habang pinipicturan sila kasama yung nakaraang Mr. and Ms. AGA.

"Director, ang ganda po ni Ms. Barbie." Pabulong na sambit ni Drei kay Mr. Tang.

Nasa may taas ng mga oras na iyon sila Mr. Tang at Drei habang nanonood ng coronation.

"Yeah... Kamukha nya ang mommy nya."

"Actually, hawig nyo si Miss kapag naka side view sya nakuha nya ang matangos nyong ilong."

"Really?"

"Opo dito po kayo sa pwesto ko makikita nyo na parehas kayo ng ilong ni Miss."

At tinignan nga ni Mr. Tang na nag papicture pa habang naka side view si Barbie ngunit nung pinindot na ni Drei yung camera saktong napatingin sa taas si Barbie at ngumiti.

"Di-- Director..."

"Hmmm?"

"Tignan nyo po yung picture."

At natuwa naman si Mr. Tang ng makita nyang saktong naka ngiti at nakatingin pala si Barbie.

"Sir, bakit di po kayo bumaba dun at mag pa picture?"

"Di na kailangan... Ayokong masira ang moment ng anak ko."

"Pero kayo po ang school director natural lang po na mag pa picture kayo sa bagong Mr. and Ms. AGA lalo't ang Ms. AGA po ay ang anak nyo."

Ang hindi alam nila Drei at Mr. Tang may nag mamasid sa kanila.

"What? So it's true nga na ang anak ng school director ay si Barbie? What the heck?!" Mahinang sambit ni Ellaine at nalimutan nyang nasa likuran nga pala nya sila Hannah at Sheilla

"Oh My God! Did I heard correct?" Sabi ni Hannah.

"Oo, na ang anak ni Director Tang ay yung Ms. AGA na si Barbie?!" Sambit naman ni Sheilla na gulat na gulat.

"Sinong nandiyan?" Sabi ni Drei.

Dali-dali namang tinakpan ni Ellaine yung bibig ng dalawa at nag tago sila.

"Who's in there?"

"Drei, let's go."

"Yes Director."

At pag baba nga nung dalawa syang labas naman nila Ellaine.

"Si... Si Barbie ang anak ni Director Tang?" Sabi nila Hannah at Sheilla.

"Keep your mouth shut kung ayaw nyong bumagsak ang business ng family nyo." Bungad ni Sam.

"Sa-- Sam!" Anila.

"I knew it! Kayong tatlo ang sumunod kay Director Tang kaya sinundan ko kayo dito."

"Ba-- Bakit? We didn't do anything!" Sabi ni Ellaine na biglang naging defensive

"Oh really? Sure akong narinig nyo ang usapan nila Director Tang at assistant Drei."

"So what? Ano namang paki mo?" Sabi ni Sheilla.

"Well, alam kong alam nyong hindi basta-basta si Director Tang kaya kung ako sa inyo manahimik nalang kayo. Am I right Ellaine?"

Natameme naman si Ellaine at napatingin sila Hannah at Sheilla sa kaniya

"Okay, I gotta go!" Sambit ni Sam at umalis.

"Hey! Wait up!" Pahabol na sambit ni Hannah.

"Let him be." Sabi ni Ellaine.

"Anong ibig sabihin ni Sam sa sinabi nya?" Tanong ni Sheilla.

"Shut up!"

"Problema nya?" Pabulong na sambit ni Sheilla.

"Aba malay ko! I'm na guguluhan pa pero we better nga na manahimik nalang. Director Tang is powerful we can't afford to make bangga him."

"Yeah. Pero, bakit parang hindi kilala ni Barbie ang daddy nya?"

"Oo nga eh, is she illegitimate child?"

"No! You two, stop talking about her! Let's go!" Pagalit na sambit ni Ellaine.

Samantala sa may baba,

"Can we take a picture?" Sabi ni Aljon kay Barbie bago sila bumaba sa hagdan.

"O-- Okay."

"Smile."

At nag selfie nga yung dalawa at nakita yun ng tropa ni Barbie.

"The heck! Bakit sila nag selfie? Dapat ako ang nauna kay Barbie!" Sabi ni Baron.

Nagkataong magkakatabi at nakatayo sila Baron, Kenny at Thew na nasa baba ng stage.

"Tanyo yung tatlo mga di na maipinta ang mga mukha." Sambit ni Uno kila Gaile na di naman kalayuan kung nasan sila Kenny.

"Tsss! Whatever!" Sabi ni Gaile.

"Barbie is so pretty naman kasi." Sambit naman ni Dana.

"Ahm... If you don't mind idol mo ba si Barbie, ha Dana?" Tanong ni Sam.

Napatingin naman sila Uno at Gaile kay Dana "ahm... Actually... Oo!!!!" Ang excited na sagot ni Dana na may nilabas pang telang puti na may naka sulat na "we love you Barbie!!!"

"Ehhh?" Anila.

"Ewan ko simula nung naging friend ko si Barbie pakiramdam ko araw-araw nakong nagiging fan girling nya. She so cool kasi!!!"

"Silly!" Sabi ni Sam.

Mabalik kay Barbie....

Inaaya ni Aljon si Barbie na kumain mamaya pag labas nila sa school mamayang hapon pero umalma si Kenny ganoon rin sila Baron at Thew na parang naging back up ni Kenny.

"Guys, ano bang ginagawa nyo?" Pabulong na sabi ni Barbie.

"You can't go with him without me!" Sabi ni Kenny.

Nagkatinginan naman sila Thew at Baron at sinabi ring "without us!"

"Hayssss... pasaway kayo!"

"No worries!" Biglang sambit ni Aljon.

"Hmmm?" Reaction nila Barbie.

"You can go with her actually pwede namang kayong lahat!"

"Kami rin?" Sambit naman nila Gaile.

Sabay-sabay naman na palingon sa gilid nila sila Barbie.

"Oo kayo rin. Later, after our class I will fetch you guys sa may gate ng Academy."

"Okay!" Anila Uno na para bang excited.

Hinila naman ni Barbie sa isang gilid si Aljon "are you sure? Ang dami naming ililibre mo."

"Don't worry! I can handle."

"Really?"

"Um. Don't worry..." He pat Barbie's head at nakita yon ni Kenny.

"Salamat nakakahiya naman."

"It's okay were friends right?"

"Um." Then she smiled na lalong ng galaiti sa galit si Kenny kaya lumapit na ito sa kanila.

"Let's go! The class will start soon." Kenny said at hinila na nga nya si Barbie.

"Eh? Wait lang! Bye Senior."

"See yah later my Ms. AGA." Pahabol na sambit ni Aljon at ang sama ng tingin nila Baron at Thew sa kaniya na sumunod na rin sa dalawa.

Next chapter