50 Chapter 50: Jingle War

Tahimik lang sila Kenny at Thew habang nag sasalita si Principal Bruce.

"Hindi ko sinasabing layuan n'yo si Barbie alam mo yan Kenny. Pero umayos kayong dalawa! Wag n'yong sirain ang focus ni Barbie."

"Pero daddy, wala po akong ginagawang masama kay Barbie, ang sabi n'yo kailangan kong alagaan si Barbie at yun naman ang ginagawa ko tapos sasabihin n'yo we need to keep our distance? Daddy... este Mr. Principal... hindi ko naman po ata alam ang gagawin."

"Tigilan mo ko Kenny hindi porket anak kita eh pagbibigyan na kita injured ka kaya nagawa yun ni Barbie tsaka bata palang kayong dalawa ni Thew kilalang kilala ko na kayo. Alam kong may lihim na pagtingin kayo sa kaniya dahil na babasa ko yan sa mga hilatsa nyo. Am I right Matthew?"

Hindi naman makapagsalita yung dalawa dahil nahihiya sa revelation ni Bruce.

"Sige palalagpasin ko ang gabing ito pero kapag nagka problema na naman si Barbie dahil sa inyong dalawa walang anak o long time friends dito dahil ang ending si Barbie lang ang kawawa alam n'yo namang transfer student s'ya kaya nahihirapan pa s'ya makibagay sa bagong tao o sa kapaligiran nya. Kaya pakiusap ko lang mag timpi muna kayo mga grade 8 pa naman kayo kung gusto n'yo talaga si Barbie intayin n'yo syang makatapos ng College. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Sir." Anila.

"Sir, paano naman po ako makakasigurado na hindi ako malalamangan ng anak nyo? Magkasama po sila sa iisang bahay at alam nyo po yun." Opinyon ni Thew.

"Huh! Are you that desperate? Kahit mag kasama pa kami ni Barbie sa iisang bahay hindi ako gaya mo."

"Ano?!"

"Tama na yan! Intayin nyo si Barbie ng makatapos ng College period! And for Kenny wag kang mag alala Thew hindi ko hahayaan na makipag relasyon si Barbie habang nag aaral kilala ko si Kenny at bilang matagal na kayong mag kakilala at mag kaibigan sa tingin mo ba ganung tao ang anak ko gaya ng iniisip mo?"

"Sorry Sir."

"Wag kayong mag alala dad ayaw parin naman ni Barbie tsaka hindi naman ako gusto nun o sa kahit sino diyan dahil wala syang interest."

"Interest?" Sabi ni Thew.

Sumenyas naman si Kenny sa daddy nya...

"Cough! Okay that's enough magsibalik na kayo sa mga tent nyo its already late."

"Yes Sir."

"Kenny, stay here may sasabihin ako."

"Dad?"

Napa tingin naman si Thew sa kanila "father and son matter." Sabi agad ni Bruce at umalis na si Thew.

Pagkaalis na pagkaalis naman ni Thew piningot ni Bruce si Kenny "a... aray daddy ang sakit po."

"Ohhh.... masakit? Pwes tiisin mo! Pasaway kang bata ka!!!"

"Da— Daddy!!! Mr. Principal!!! Maawa po kayo..."

"Heh!"

***

Magsisimula na ang panibagong araw ng mga students sa campsite kaya umaga pa lang nag simula na ang announcement para sa activity na gagawin.

"Quiet!!! Ang mapipiling magandang jingle ay may plus point sa overall ranking and for those students who are involved sa kaguluhan kagabi minus 10points ang grupo nyo!" Sambit ni Sir Perez habang nakatayo at nakamasid naman sila Principal Bruce at Director Tang sa magkabilang gilid nito.

Nag react naman at animo'y naiinis ang mga students na di naman na dawit sa kaguluhang naganap kagabi.

"Quiet!!!! Kapag may narinig pa akong reklamo minus 20points na kayong lahat at walang makukuhang cards ngayong araw na ito!"

Nanahimik namang agad ang mga students na para bang may dumang anghel. Dahil alam ng mga students na ang bawat joker cards na makukuha nila ay naka indicate ang kanilang kakainin sa lunch and dinner na ibibigay ng kanilang mga teachers as a reward.

At the same time ang ibang mga teachers naman na nag handa ng mga gagawing activities sa araw na ngayon at sa mga susunod pang mga araw at ang lahat ng iyon ay out of the zone na ipinagbabawal puntahan dahil delikado.

Kung susumahin almost a week rin silang lahat na mananatili sa campsite dahil nga sa nangyare last night kaya jingle at paghanap sa card ang activity na nakaalaan ngayong araw sa mga students. Nakabase naman iyon sa number ng members ng mga groups dahil ang iba nga ay mga injured pa from last night.

"Okay, pakinggan naman natin ang green group kung ano ang inihanda nila." Ang sabi ni Sir Perez.

At pumwesto na sa gitna ang grupo nila Gaile na pinamumunuan ni SC Vice President Carmie.

"Let's go green team let's do this!" Sambit ni Carmie.

"Yes Captain." Sagot ng mga members at sabay-sabay itinaas ang kanilang kamay na may taling green na panyo.

"Ano kayang gagawin nila?" Sambit ng mga ibang students from the other group.

Nasa unahan si Carmie "we are the green team..." Anya at sumegundo naman ang mga members nya at at sabay-sabay inilagay ang mga kamay at ipinusisyon sa likuran nila.

"Hindi kami magpapatalo!" Sabi ni Carmie at kasabay nun she knelt down with her right knee tapos sinabi naman ng mga members nya "nek... nek... nyo!" Sabay dila na parang nang iinis sa ibang grupo pero imbis na mainis ang ibang grupo natawa pa ang mga ito.

"Cause we are the..." Sabi ni Carmie at naupo sa magkabilang legs nila Gaile at Ellaine at tumayo naman ang ibang members at sinabing "green great team!!!" At kasabay ng linyang yon ay ang mga kamay nila na pinag tabi-tabi at nag form ng parang heart ng matapos ang kanilang well organized na jingle na short but cute.

Pinalakpakan naman sila ng ibang groups at ng mga teachers na natuwa at na aliw sa jingle nila.

"Iba talaga pag si Carmie ang team captain." Sabi ni Manix.

"Kasing cute nya rin po yung jingle nila no?" Sabi ni Quinley."

Manix sneered "dami mong sinasabi hala sige punta na sa gitna at tayo na ang sunod!"

"Yes Captain."

Nag iritan naman ang mga kababaihan ng magkasama sa iisang pwesto sila Kenny at Thew. Kenny managed to participate dahil jingle lang naman ang gagawin pero dahil nga injured their team captain SC Manix considered na mag indian sit nalang silang lahat habang naka formation na pinaggigitnaan nga ay yung dalawang prince ng AGA.

"Nung trip nila?" Sabi Uno na kababalik palang sa area nila.

"Aba malay ko? Ka group ko ba sila?" Sagot naman ni Gaile.

"Ehhh... Akin lang kasi..."

"Shhh! Keep quiet nga! Mag start na sila duh!" Ang sambit naman ni Ellaine.

"Hayssss!!! Kung di ka lang babae nako!!!" Ang gigil na gigil na pabulong ni Uno.

Tinakpan naman ni Gaile ang bibig ni Uno "manahimik ka na lang kasi at manood!"

Nagulat at kinilig naman si Uno sa ginawang iyon sa kaniya ni Gaile "mmm...mmm..." At imbes na alisin ang kamay nito ay hinawakan nya pa para di tanggalin sa bibig nya.

"Quiet!!!" Sigaw ni Sir Perez dahil di mag kamayaw ang mga kababaihan sa pag tili kahit di pa man din nag sisimula yung jingle ng pink group.

"President, di kaya matalo tayo ng pink group? Nag sama pa ang dalawang prince ng AGA sa iisang group. Luge eh!" Sambit ni Sam habang nakamasid sa dun kila Kenny.

"Jingle palang yan wag kang kabahan."

"Pero Pres.tignan nyo naman di pa nga sila nag sisimula may audience impact na."

"So what?"

Nagulat naman yung dalawa ng marinig ang boses na yun at paglingon nila sa right side nila "Ba... Barbie?"

"There's no audience impact sa criteria right, Dana?"

"Um. Kaya wag ka ng mag alala dyan Sam. Andito na si Barbie mananalo tayo."

"Pe... Pero Bie, hindi ba masama pa ang pakiramdam mo? Ayos lang naman na hindi ka muna sumali ngayon naipaalam naman na kita."

"Don't worry about me Pres. ayos na po ako isa pa kung hindi ako aattend ngayong araw baka mabash na naman ako." Tumingin sya ng masama sa black group kung saan ang mga members ay ang grupo na sumugod sa kaniya kagabi na pinamumunuan ni Aljon at sabay-sabay naman ang mga ito na umiwas sa tingin nya. Mga injured pa ang mga ito pero hindi naman kalabisan may mga pasa lang sa iba't ibang parte ng kawatan silang natamo pero hindi pa sure kung may nabaling buto. Just kidding!

Nag simula naman na sa kanilang jingle ang pink group na parang walang ka buhay-buhay kumpara sa mga na unang group lalo na sa grupo nila Gaile.

"Yeah we are the Pink Group. Yeah..."

Krooo... Krooo... Krooo....

Nanahimik bigla ang kapaligiran ng matapos ang jingle ng pink group na para bang nag punta lang sa gitna para sabihin na sila ang pink group.

Bigla namang nabasag ang katahimikan "Hahahahaha... Yun na yon? Give me a P. I. N. K? Yeah we are the Pink Group? Hahahahaha... nag papatawa ba kayo? Eh, kahit elementary kayang gawin yan." Sambit ni Reniel ang escort ng Student Council at ang team captain ng red group.

"Sino ang isang yon?" Tanong ni Barbie.

"Ah, yan si Mark Reniel Eriño ang SC Escort at ang president ng samahang Anti- Prince." Sagot agad ni Sam.

"Anti- Prince?"

"Samahan ng mga kalalakihan na galit sa mga teachers pet at sa mga popular na mga boys." Opinyon naman ni Dana.

"In short, ayaw niya kila Kenny at Thew. Ayaw nya kasing may mas gwapo pa sa kaniya kaya tinayo nya yung Anti- Prince club." Sabi ni Sam.

"Huh! Paranoid."

"Maybe he is a paranoid dahil yun sya pero mabait yang si Reniel maasahan sa lahat ng bagay kaya siguro naging SC Escort sya. Popular din kasi ang gaya nya sa ibang kababaihan." Sambit naman ni Pres. Jemie.

"Pero mas di hamak na mas popular sila Kenny at Thew sa kaniya." Sagot naman agad ni Sam.

Habang nag uusap naman sila Barbie...

"What's wrong with their jingle naman? At least hindi sounds bitter like you.Tsss!" Sabi ni Ellaine at sumangayon naman ang ibang mga kababaihan.

"Huh! As if naman nag enjoy talaga kayo sa jingle ng pink group. Kaya naman kayo nag kakaganyan dahil andiyan sila Kenny at Thew. Eh kung wala naman sila dyan panigurado hindi kayo mag kakaganyan."

"So what? Eh fan kami kaya mag hanap ka ng fan mo!" Sabi ni Ellaine.

"Oo nga!" Sabi naman nila Sheilla at Hannah na rumesbak agad kay Ellaine syempre dakilang alalay sila nito.

At gaya nung tatlo sumangayon rin naman ang mga babaeng may mga crush kay Kenny at Thew.

"Hoy! Ano? Wala kayong gagawing dalawa?" Sambit ni Quinley kila Kenny at Thew.

"I'm not in the mood at hindi rin ako interesado. Diyan na kayo." Sagot ni Kenny at umalis na sa hanay nila.

"Kenny!!!"

"Don't bother ang mga teacher nga walang pakialam...." Sambit ni Thew at napatingin naman sila Quinley sa mga teachers na nakatulala nalang at naging speechless "mukhang di maka move on sa ginawa nating jingle na sobrang nakakatouch. Tsss!" Thew added Then he left.

"Hoy!!! Thew!!! Bumalik kayo dito ni Kenny!!!"

Manix made a facepalm "hayssss... bumalik na nga kayo sa area natin nakakahiya!"

"Opo." Sagot nila.

avataravatar
Next chapter