1 Prologue

"Miss ang ganda mo naman, anong number mo?"

Narinig ko na 'yan.

"Ate, ang ganda mo! Anong sekreto mo?"

Sekreto nga ba talaga ang hanap mo?

"Sa ganda mong 'yan, walang nangliligaw sa'yo?"

Oo, 'yan nga rin ang sabi nila. Maganda raw ako. Ano pa raw ba ang kulang sa akin?

'Pag nilalarawan ako ng iba, ganito nila ako ilarawan...

"Singkit mga mata mo, Chinese ka ba?"

Hindi ako Chinese, pero ito lang yata ang nananatili kong natural na parte ng mukha ko.

"Uy, natural bang kasing kulay ng tsokolate ang mata mo? Ang ganda lalo na pag natatapatan ng araw."

Uhm, hindi mo kasi alam...

"Ang ganda ng balat mo at ang kinis, anong sekreto mo? Mapula-pula rin pisnge mo oh! Bagay sa'yo kasi maputi ka."

Kung alam mo lang.

"Anong gamit mong conditioner? Ang bango at ang lambot ng buhok mo. Kainggit!"

Sa tingin at akala mo lang 'yon.

"Ang tangkad mo pala."

Gusto mo na rin ba malaman kung anong sekreto ko sa pagiging sinasabi nilang maganda? Tayo na't samahan mo ko sa kalokohang ito!

"Ang pangit mo!"

Ano!

-

-

Inspired by: True Beauty

avataravatar
Next chapter