webnovel

Chapter 08

Paulit ulit na nagpi-play sa utak ko yung nangyari kanina. Nasa loob kami ng kotse nya ngayon. Nahihiya ako sa kanya. Bakit kasi pumatol din ako? Anyway, ang sarap nya humalik.

I bit my lower lip. Ang lambot ng labi nya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Habang tumatagal lalong lumiliit ang mundo naming dalawa. Nakakatakot.

"Did he kissed you? Lumapat ba ang labi nya sa labi mo?" he asked. Nakabusangot ang mukha nya pero hindi parin nito nababawasan ang kagwapuhan nya. I find it cute actually.

Umiling ako. Tumango lang sya at nag focus sa pag drive. This is it. I need to do something. "Ahmm. Dapat hindi natin iniwan sila Lustin at Cal. Ang sama naman siguro kung iiwan natin sila dun ng hindi man lang nagpapaalam.."

Humigpit ang pagkakahawak nya sa steering wheel. Galit sya. "Will you stop thinking about them? My cousins are both an adult, they can manage their selves. Tayo yung magkasama pero kung sino-sino yang iniisip mo" may halong pagtatampo at galit nyang wika. Napangiti ako. Para syang bata kung magtampo. Akala mo naman pinagdadamutan ko sya ng atensyon.

"Correction. Kahit hindi naman tayo magkasama ikaw lagi ang laman ng isip ko"

He glared at me. Itinigil nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasaan kaming parte ng Indang. Basta puro damo lang ang nakikita ko. Madalang din ang mga sasakyang dumadaan. Isinubsob nya ang mukha nya sa steering wheel. Rinig na rinig ko ang paghinga nya. Kitang kita ko ang pamumula ng buong mukha nya pati narin ang tenga nya. Kinikilig ba sya? Ang rupok naman nya masyado. Simpleng banat lang yun kinilig na agad sya.

"Graunt" tawag ko sa kanya.

"Hmmm?". Hindi nya parin tinatanggal ang pagkakasubsob ng mukha nya sa steering wheel.

"Bakit mo'ko hinalikan?" tanong ko. Tinakpan ko bigla ang bibig ko ng ma-realize kung ano ang sinabi ko. Sh*t. Ang tanga mo self. Bakit mo yun tinanong. Nakakaasar. Bakit kasi ang daldal ko masyado. Palihim kong kinurot ang sarili ko. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman na nakatitig na sya sa akin.

"Bakit mo tinatanong? Gusto mo pa ba?" he smirked.

Yes! Please. Pero hindi ko yun sinabi at tinago na lang sa sarili ko. "Hindi naman" I said bago tumingin sa labas. Ngayon ko naramdaman ang matinding hiya. Gustong gusto kong sapukin ang sarili ko.

He chuckled. Bago pinagpatuloy na ang pagdrive. Wala pang isang oras ay nakarating agad kami sa tapat ng bahay namin. What now? Bakit parang mas kinabahan ata ako ngayon.

"Andito na tayo" aniya.

Tumingin ako sa kanya. Kanina pa may naglalaro sa isipin ko pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba.Bahala na, sasabihin ko na lang na lasing ako at wala akong maalala. Kesa naman palagpasin ko'to.

"Nabitin ako sa kiss kanina. Wala bang goodnight kiss jan? Kahit five seconds lang...Wala talaga?" I pouted. Geez. Nakakahiya. Buti na lang alam nyang nakainom ako.

He chuckled before shaking his head. "Nah.One kiss at a time only" he simply said. Lalo namang gumusot ang mukha ko.

"Final na? As in? Kahit sa cheeks lang. Ang damot mo naman" pangungulit ko.

He shake his head. "Lasang alak ang bibig mo. Don't worry may bukas pa naman" he assured me. My lips formed an "O". Tumango tango pa ako.

"Sure ba yan?" Paninigurado ko. Baka scam 'to. He nodded.

"I'll see you tomorrow"

I smiled. "I'll see you", sagot ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan nya. Umalis agad sya ng makapasok na ako. Sumasayaw sayaw pa ako habang papasok sa bahay. Dapat malaman 'to ni Ane. Iinggitin ko sya. Naabutan ko sa sala si Wayne, gumagawa ng assignment. Naks! First time. Parang gusto ko tuloy magpa-fiesta.

" What the hell ate. Anong nangyari sayo?" litong tanong nya.

"Wala naman, masaya lang ako"

Lumapit sya sa akin at kinapa ang leeg ko. Tiningnan din nya ang bibig ko.

"Bakit ba?" Hinampas ko sya at tinulak palayo. Sobrang weirdo talaga ne'to. "May sakit ka ba? Tatawag na ba akong ng doktor?" Kinuha nya ang phone nya at nagsimulang mag dial.

Inagaw ko ito at hinagis sa couch.

"Wala akong sakit, okay. Masaya lang talaga ako" sagot ko. Inakabayan nya ako at hinila pa-upo. Kinuha nya ulit ang cellphone nya at nagsimulang mag dial.

"Hello dad?" Aniya sa kausap. Tumalikod pa sya sakin para hindi ko marinig ang usapan nila. I rolled my eyes. Rinig na rinig ko ang usapan nila. Naka-loud speaker pa ang phone nya habang kausap si dad.

"Dad, sinasapian si ate.-kanina dad sumasayaw sayaw sya habang papasok sa loob ng bahay- yes dad- tatawag na ba ako ng albolaryo?"

Narinig ko pang tumawa si dad sa kabilang linya. Prente lang akong nakaupo at hinihintay na matapos ang usapan nila.

"Kakausapin ka daw ni dad" Binigay nya sakin ang phone nya. Tinarayan ko sya bago kuhanin ito.

"Hello dad?"

"Lumayas ka sa katawan ng anak ko! Isa kang demonyo! Lisanin mo ang katawan nya!" Sigaw ni papa sa kabilang linya. Inilayo ko sa tenga ko ang phone. Mababasag ata ang eardrums ko sa lakas ng boses ni dad.

"Aray! P*ta. Anong problem-. Aray. Tang*na tama na" iniwasan ko ang panghahampas ni Wayne sakin. Hindi ko alam kung saan sya nakakuha ng mga dahon na pinanghahampas nya sakin.

"Lisanin mo ang katawan nya. Ngayon na!" Sigaw ni dad sa kabilang linya.

"Ngayon na. na .na .na." Parang tangang sabi ni Wayne. Nakasuot na sya ng panyo sa ulo. Yung parang sa Albolaryo. P*ta. Puro baliw ang kasama ko sa bahay.

Lumapit sya at hinampas sa mukha ko ang dahong dala dala. May nakain pa ata ako. "Ngayon na. na. na. na" pahina ng pahina ang pagkakabigkas nya. Hinampas nya ulit ako sa mukha. This time sanga na ang nakain ko. Bweset talaga.

Pinatay ko ang tawag bago hinarap si Wayne para hampasin. "Aray! Grabe ka naman ate" pagrereklamo nya. Tumakbo agad ako sa taas bago pa nya ako mahabol. Ni-lock ko agad ang pinto. Mahirap na baka mapasok ako ng baliw kong kapatid. Bumalik sa ala ala ko ang lahat.

I can't believe this is really happening. I mean me and Graunt? May chance na bang magustuhan nya ako? Nag kiss na kami, imposibleng wala lang yun. Humiga ako sa kama atsaka tinawagan si Aiah. Ayaw kong kausapin si Ane, hindi sya matinong kausap.

["Oh?" ]Bungad nya.

"May good news ako" kinikilig kong sabi. [ "Ano?" ] curious nyang tanong. Kinuwento ko lahat ng nangyari kanina. Tahimik naman syang nakinig. Sinabi ko rin ang mga plano ko para kay Graunt.

[ "Hindi naman sa "against" ako sa plano mo. But I suggest na wag mo ng ituloy yang binabalak mo" ] aniya.

Dumapa ako. "Bakit naman?"

[ "Nyx, forcing someone to love you back is a selfish move. If you love someone, expect that you'll gonna receive "pain" in return. That's how love works. Because Love is another word for the word pain. Love is pain. So if you really love Graunt, don't force him to love you back. If you force him to love you then that's not Love anymore. It's a selfish love, Nyx" paliwanag nya.

Selfish love? Selfish ba ako? I just want him to love me back. Masama ba na hilingin ko na mahalin nya rin ako?

"I want to be selfish, Aiah. Kahit ngayon lang"

Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya. [ "Susuportahan kita. Kahit ano pa yan. So,are you ready?" ]

Bumangon ako. "Ready for what?" Takang tanong ko.

[ "Are you ready to receive pain in return?" ]

Napatulala ako. Handa na nga ba ako?