webnovel

Platonic Hearts

Meeting her was DESTINY… Becoming his boon companion was a CHOICE… But falling in LOVE with each other was out of CONTROL… Haley Miles Rouge and Reed Evans loved each other but their love is kind of platonic… They don’t realize that they’ve been ignorant of the magic that pulls the beauty of one other and heed the attraction they felt to each other. Love is never as painless as sharing the same track kaya hindi rin nila alam kung pa’no nila ito sisimulan. For them, mas kumportable sila na magkaibigan lang pero lagi silang magkasama. But what if one day, may isa sa kanila ang sumuko para mahanap ang totoong kasiyahan? Will their reach their love or this will be the downfall for the both of them?

Yulie_Shiori · Urban
Not enough ratings
52 Chs

Step Forward

Chapter 9: Step Forward 

Haley's Point of View 

  Tinulak ko ang pinto sa isang bagong kainan na hindi lalayo sa E.U. 

At dahil sa alauna na rin pala ay wala na masyadong tao kaya malaya akong makakaupo sa bakanteng upuan. Mamayang alas dose pa kasi ulit ang klase ko kaya may isang oras pa. 

  Nag order ako ng makakain sa counter. Karamihan dito ay puro miryenda kaya kumuha na lang ako ng mami at ang paborito kong Koaded. 

Sa bahay na lang ako babawi ng kakainin. Kinuha ko na 'yung mga binili ko at pumunta sa kanang bahagi dahil parang mas kumportable roon. Sa paglalakad ko ay nakita ko si Claire. Nakita rin niya ako at mukhang nagulat dahil sa pagbilog nung mata niya. 

 

  Umiwas na lang kaagad ako ng tingin at tumalikod para umupo na lang sa kabila nang magsalita siya. "Dito ka na lang umupo." Panimula niya kaya ako naman itong napalingon sa kanya. Pinaglaruan niya 'yung hibla ng buhok niya habang nakaiwas ng tingin nang ibalik niya ulit sa akin. "We're blockmates, this is a good opportunity to know each other." Ipinikit niya 'yung isa niyang mata. "Right?" Dagdag niya.

  Umawang-bibig ako sandali bago humarap sa kanya. Tumango bago ako lumapit para umupo sa pwesto niya. 

*** 

  NAKAUPO NA AKO sa harapan niya at dahan-dahang hinahalo ang mami ko sa fried garlic na nasa gitna. Pareho lang din kaming tahimik na kumakain kaya ang paghigop ko ng sabaw at ang kinakain lang ni Claire ang naririnig namin gayun din ang musikang pinapatugtog ng kainan na ito. 

  Pasimple kong sinulyapan si Claire na wala ng ibang kinakain ngayon kundi ang mga chichiryang Fish Crackers na galing sa Uishi Brand. Kaya ibinaba ko na muna ang tinidor ko para tumingala sa kanya. "Wala ka bang ibang kakainin?" Tanong ko sa kanya. 

  Ang kaninang nakaiwas niyang tingin ay inilipat niya sa akin. Ibinaba niya ang kinakain ko bago ibalik mismo sa akin. "How about you? Wala ka ng ibang kakainin?" Pagbalik niya sa akin nung tanong kaya ngumiti ako nang pilit. 

  Ako 'yung nagtatanong, bakit binalik sa akin? 

  Bumalik na lang ulit kami sa kinakain namin. Hinawi ko ang hibla ng buhok ko para maiipit sa aking tainga. Tila kalmado kung kumain pero ramdam ko ang sobrang awkwardness. Hindi ko naman kailangang magsalita pero pakiramdam ko, kailangan kong gumawa ng topic nang may mapag-usapan kami. 

Pero kailangan bang ako na magsimula o siya? Eh, 'di ba siya naman nag initiate na na magkakilala kami kaya ako umupo sa harapan niya? 

  Ugh. Not good, I should know how to make conversations dahil baka ako pa mahirapan sa working station ko sa magiging trabaho ko. 

Ito dapat 'yung magandang training para sa akin. First step na 'yung dapat na pagiging calm sa mga nakakairitang bagay sa paligid ko. 

  Well, sinabi ko nga iyon pero… 

  May dalawang lalaking nakatingin sa gawi namin at mga nakangisi kaya binigyan ko sila ng nakamamatay na tingin. "Ano'ng tinitingnan tingnan n'yo diyan, ha?!" 

  Nagulat sila at mabilis na naglayo ng tingin samantalang masama pa rin tingin ko sa kanila nang ibalik ko 'yung kinakain ko. 'Tapos na-realize ko 'yung ginawa ko kaya pasimple akong napasapo sa noo ko. 

  …I did it again. 

  Nakarinig ako ng hagikhik kaya inalis ko ang kamay sa noo ko para tingnan si Claire na nagpipigil ng tawa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Why?" Tanong ko. 

  Nagpunas siya ng kaunting luha sa gilid ng mata niya. "I'm sorry. It's just that you're interesting that it made me laugh." 

  "I don't see any reason for you to laugh though." Sagot ko. 

  Pinunasan niya ang kanyang daliring may powder gamit ang kinuha niyang tissue. "You seemed to struggle about something but it looks like it didn't end well. You should take it easy." 

  "Ngh." Tumungo ako. "Obvious ba?" Tanong ko sa kanya. 

  "No, but a gut feeling." Sagot naman niya kaya ibinalik ko lang ulit 'yung tingin sa kanya ng hindi inaangat ang ulo ko. Gut feeling, eh? 

  "Bakit mo pala naisipang mag transfer ng school?" Curious kong tanong. 

  "Hmm, for new environment. Maybe?" Parang hindi niya siguradong sagot. 

  "Then how 'bout your friends?" Tanong ko. 

  "I have no friends, kaya wala akong inaalala. At kahit na mayroon man, uunahin ko 'yung para sa akin." Parang wala lang kung sabihin niya iyan kasabay ng kanyang pag-inum ng softdrinks niya. 

  Tinitigan ko lang siya nang ngumiti ako't tumango. "Right." Pagsang-ayon ko bago ko ipinagpatuloy 'yung kinakain ko. 

  "But I have… ahm, maybe companion?" Patanong niyang dagdag kaya muli ko siyang tiningnan. "Players from Basketball Ball league." Dugtong niya. Ito siguro 'yung mga nakita ko nung nakaraan na nasa ospital ako para dalawin si Mama. 

Naalala kaya ako ni Claire nung araw na iyon? 

  "May isang player sa classroom natin kanina ang kasama sa Basketball league. Pero hindi ko masasabing mag kaibigan kami dahil tuwing training lang naman 'yung madalas naming interaction." 

 

  Umayos ako nang upo dahil bigla akong na-curious. "Player ka ba o coach?" Tanong ko. 

  "Manager." Pagtatama niya. Nagbuga siya ng hininga. "Pero sana nga player din ako nang makapaglaro rin ako. Kung bakit naman kasi walang basketball girls?" Parang nanghihinayang talaga siya ayon sa tono ng boses niya. 

  "Pero nakikipaglaro ka naman ba sa mga players n'yo?" Tanong ko. 

  "Yep, pero hindi na madalas dahil mas gusto ko silang mag focus sa sarili nilang laro." Ngiti niyang sagot at kinuyom ang mga kamao. Bigla ring naging seryoso ang mukha niya. "For now, I want to support them as much as I can. Gusto ko silang makita na makatuntong sa international at makuha 'yung pangarap na gusto naming makamit." Tinitingnan ko lang siya habang nakikinig sa kwento niya. 

  Humawak ako sa dibdib ko dahil nandoon nanaman 'yung feeling na iyon. 

  "Ikaw? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Rose?" Hanap niya kay Rose. 

  "Beats me." Sagot ko at bumalik sa kinakain ko dahil paubos na rin naman. "We're classmates, pero hindi ko rin masasabing mag kaibigan kami." 

  Tumangu-tango siya. "I see, I see. So you have no friends. Poor you." 

  May pumitik sa sintido ko. "Inaasar mo ba ako?" Napipikon kong tanong at bumuntong-hininga. "Mayroon akong mga kaibigan, pero dahil sa kailangan nilang sumunod sa mga pangarap nila. Naghiwa-hiwalay kami." 

  "I'm sorry but I kind'a figured that, but why does it sound like you don't know what you want?" Taka niyang sabi kaya ismid akong napangiti ng tipid. 

  "Because I totally have no idea what it is that I really want." Sagot ko. 

  Hindi muna siya sumagot pero makalipas ang ilang segundo, nagsalita na siya na may tipid na ngiti sa labi niya. "Take time to figure it out. Hindi naman 'to karera, darating 'yung oras para sa'yo." 

 

  Hinigop ko ang kahuli-hulihang sabaw bago ko siya tingnan sa mata. "Sorry for not taking this seriously. Pero mukhang mamamatay ako sa paraan ng pagkakasabi mo." 

  "Hindi ka naman ba suicidal to think that way?" Taas-kilay niyang tanong. 

  Humalukipkip naman ako. "I'm not. But let's just say I adapt some dark humour." 

  Ngiti siyang umismid. "Interesting. I should take note of that." 

Tinupi niya ang basura niya at iniipit sa pwedeng pag-ipitan. "Haley, right?" Paninigurado niya na tinanguan ko. "Thank you for saving me twice." 

  Umawang-bibig ako bago ko ako tipid na ngumiti. Pero napa-pokerface din ako pagkatapos. "Hindi 'yun libre, may bayad 'yun." 

  Para naman siyang nataranta. "M-may bayad?" Nauutal niyang tanong at nilabas ang wallet niya para maglabas ng pera. 

  Samantalang napatayo naman ako bigla dahil doon. "Joke lang! Bakit mo ba sine-seryoso? Geez!" 

  "Ah! Nandito lang pala kayo, eh!" Pareho kaming napatingin ni Claire kay Rose na nandoon sa harapan ng pinto at kapapasok lang. "Bakit mo 'ko iniwan, Haley?!" Simangot niyang tanong bago maglakad papunta sa amin. 

  Sinundan ko lang din siya ng tingin. "Eh? 'Di ba magkasabay kayo ni Aiz kanina?" 

  Huminto siya sa gilid namin. "Well, dapat pero kasama ka. Kaso pagkalingon ko sa pwesto mo. Wala ka na." Kinagat niya 'yung hawak-hawak niyang panyo. "Napaka sad ko! Kumain akong mag-isa kasi wala akong kasama dahil ayaw ni Aiz pero heto ka't malalaman kong magkasama pala kayo ni Claire?! Nakakatampo naman. Akala ko ba magkaibigan tayo?!" Pagpatong ni Rose ng mga kamay niya sa balikat ko. 

  Tumitig naman ako sa mga mata niya kaya bigla siyang nagtaka. "Bakit ka nakatitig sa akin ng ganyan?" Naguguluhan niyang tanong at napatakip-bibig. "Don't tell me you're in love with me?" 

  Pabiro ko siyang kinarate sa ulo niya. "Neknek mo." Pikit kong sabi at umiwas ng tingin. 

  "So you think of me as a friend." Sambit ko at kumamot sa pisngi ko. "Sorry." 

  Umayos siya nang tayo at parang na-disappoint kung tingnan ako. Kaya pumikit ako nang mariin at muling humingi nang pasensiya dahil hindi kami pareho ng tingin sa isa't-isa. 

Pero nagulat ako dahil hinawakan niya 'yung dalawa kong kamay at inilapit ang mukha sa aking mukha. 

  Titig na titig siya sa mata ko kaya ako naman itong biglang na-conscious. "Huwag kang mag-alala, Haley. Tatapusin natin 'yang kalungkutan na nararamdaman mo't magiging magkaibigan tayo habang-buhay." Wala akong sinabi na kahit na ano at nakatitig lang din sa kanya. 

  I shouldn't be surprised but this is how actually she is. But how can she ignore the fact that I don't see her the way she sees me? 

  Tinuro ni Claire si Rose. "Kailangan mo na sigurong lumayo?" 

  Kay Claire naman lumapit si Rose para hawakan ang mga kamay nito. "Pwede mo rin akong maging kaibigan."

  Nilayo ni Claire ang mukha niya kay Rose at umiwas ng tingin. "Getting into social circle is not for me. Sorry." 

  Pinapanood ko lang silang dalawa na naghaharutan na sa harapan ko nang mapangiti na lang ako ng wala sa oras bago ako makisali sa kanila. 

  Tama. Kaya parang nawawalan ako ng interest dahil sa katotohanan na iyon. 

Hanggang ngayon, panay pa rin ang lingon ko kaya hindi ko na napapansin 'yung tao sa paligid ko at nagiging ignorante ako. 

Pero kung magagawa kong piliin na iharap ang tingin ko, makikita ko kung ano 'yung mga naghihintay sa akin. 

Kung magkakaroon ako ng lakas ng loob na magkaroon ng pagbabago hindi lang sa sarili kundi sa mga bagay na darating sa akin, hindi ako maiiwan. 

*****