44 Caleb's Route VIII - All Out 

Chapter 44: Caleb's Route VIII - All Out 

Haley's Point of View 

 "May napapansin ako sa inyo, ha?" 

 Papalabas na sana kami ni Caleb sa bahay nang mapahinto kami para lingunan si Mama na ngayo'y buhat-buhat si Lara. Walang klase ngayon pero lalabas kami para bumili ng materials na kakailanganin namin sa susunod na araw. Pareho kasi kami ng gagamitin kaya nagpasya kaming magsama na lang. 

 May kakaiba siyang ngiti sa labi niya kaya napataas-kilay ako. "Alam ko iniisip mo, Ma. Tigilan mo nga 'yan." Suway ko habang hinehele si Lara. 

 "Wala naman akong sinasabi." Nang-aasar pa nitong sabi kaya napairap ako sa kawalan. 

 Humarap naman si Caleb kay Mama. "Hindi rin po magtatagal, mapapasagot ko po si Hailes." 

 

 Hinampas ko siya sa braso niya. "Ang kapal, ah?" 

 Natawa si Mama. "Basta huwag n'yong papabayaan pag-aaral n'yo at gawin n'yong motivation ang isa't-isa, ha?" 

 "Ma!" Pasita kong tawag sa kanya kaya umiyak si Lara nang dahil sa pagkagulat. Mabilis ko siyang nilapitan para halikan sa pisngi. "I'm sorry, Lara…" Panlalambing ko tsaka ko sinimangutan si Mama bago ako tumalikod. "Aalis na po ako, babalik din po ako kaagad pagkatapos." Paalam ko tsaka kami umalis sa bahay. 

 "Ang lambing naman kay Lara. Kailangan ko rin bang maging baby… mo para mahalikan mo rin sa pisngi?" May pa-dahan dahan pa 'yung pagkakasabi niya sa baby part. 

 Labas sa ilong akong ngumiti nang pilit. "May ilalandi ka pa pala talaga." 

 

 Ipinagbuksan niya ako ng gate kaya nauna na akong lumabas. "Sa'yo lamang lalandi, sinta." Hinawakan pa niya ang baba (chin) ko bago niya binuksan ang pinto ng kotse. 

 Pumasok na kaming pareho roon tsaka niya pinaandar ang makina nito. Hindi kami magko-commute ngayon dahil nag desisyon kaming pumunta sa malayo para makapasyal. 

 Bibili kami ng mga kakailanganin sa school pero gagala rin kami dahil iyon din ang gusto kong mangyari kaysa mag stick ako palagi sa kwarto. 

 

 Nakasalong-baba kong pinapanoood ang mga nadadaanan namin nang pasimple kong tiningnan si Caleb mula sa repleksiyon ng bintana. 

Nakangiti siya at tahimik lamang na nagda-drive kaya lumingon na nga ako sa kanya. "Ano 'yong naalala mo at ngumingiti ka diyan?" Tanong ko. 

 Tiningnan niya ako sandali dahil ibinalik din niya sa daanan. "Ha? Ngumingiti ba ako?" Animo'y pinunansan niya ang bibig niya para siguro mawala 'yong nakalinya sa ngiti niya. "Ang effortless mo kasing magpakilig. Katabi lang kita, napapangiti na ako." 

 Napataas-kilay akong napangiwi. "Caleb, baka naman mamaya sa sobrang pagka in love mo sa akin, masaktan ka lang." 

 Humalakhak siya bigla. "Kasama na 'yon sa pag-ibig, 'no? Masawi man o hindi, hindi mawawala 'yong katotohanang masaya ako kasi kasama kita." Dahan-dahan siyang ngumisi. "Pero huwag mong kakalimutan na magiging all out ako sa'yo," Umismid pa siya. "Hindi ako magiging hesitant gawin kung ano gusto ko gawin para lang mahalin mo rin ako." 

 May isang maruming ideya ang pumasok sa isip ko kaya mabilis akong naglayo ng tingin. "A-Ano'ng sinasabi mo diyan?" Nauutal kong tanong kaya natawa siya. 

 "Hmm, bakit? Ano iniisip mo?" Mapang-asar na sabi kasabay ang paghinto ng kotse dahil pula na 'yung traffic lights. "Iba yata na sa isip mo, ha?" Dagdag pa niya kaya bigla akong napalingon sa kanya para bulyawan siya. 

 "Ikaw 'yung nagbibigay ng--" Napatigil ako sa kasi dumikit 'yong labi niya sa ilong ko kaya mabilis din akong lumayo sa kanya. "Luh!" Pulang pula kong reaksiyon kaya mas lumakas ang kanyang halakhak kumpara kanina. 

 "Hindi ko kasalanan. Bigla kang lumingon, eh." Pakibit-balikat niyang tugon at ibinalik ulit ang tingin sa daanan nang maging berde na kaagad ang ilaw nung na sa traffic lights. 

 Hindi pa rin ako makaimik dahil parang naurong ang dila ko dahil sa mga kalandiang ginagawa niya. Umayos na nga lang ako ng upo tsaka ko inilipat sa masiglang tugtugin ang radyo. "Parang tanga. Buwisit." Mahina pero sapat lang para marinig niya. 

*** 

 

 INUNA NAMIN pinuntahan 'yong mga dapat bilhin nang marating ang mall para wala na kaming iisipin na importante pagkatapos at para gala gala na lang ang gagawin. 

 Ibinaba na ni Caleb ang pinto nung compartment niya sa likod bago siya humarap sa akin. "Mamili ka ng pupuntahan." Panimula niya at inangat ang hintuturo niya. "Gusto mo bang subukan mag hiking o…" Itinaas naman niya ang hinlalato niya. "Gusto mong lumangoy langoy sa dagat?" 

 Tumitig muna ako sa kanya habang nag-iisip ako. 

Gusto kong mag hiking para ma-improve naman 'yong buto buto ko sa katawan pero gusto ko ring lumangoy-langoy. Kaso wala naman akong swimsuit na dala. 

 Tinabingi nang kaunti ni Caleb ang ulo niya na parang hinihintay ang sagot ko kaya humalukipkip ako't umiwas ng tingin. 

 "Gusto kong mag swimming pero wala akong swimsuit na dala." Sagot ko.

 "Edi bibili tayo." Aniya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. Turo niya ang sarili niya gamit ang hinlalaki niya. "Sagot ko na, basta ako mamimili ng swimsuit mo." 

 Nakaawang-bibig lang ako nang simangutan ko siya. "Oh." 

*** 

 BUMALIK NGA kami sa loob ng mall para bumili ng swimsuit sa department store. Sinusundan ko lang siya habang nagtititingin siya ng pwede kong suotin which is good kasi hindi rin naman talaga ako magaling pumili ng susuotin. 

 Noong nag swimming kaming magkakaibigan, sila rin pumili ng swimsuit ko, eh. 

 Napangiti ako ng wala sa oras. Nakaka miss. 

 "Hailes." Tawag ni Caleb kaya tumingala ako sa kanya. Humarap siya sa akin tsaka niya itinaas ang napili niya. Isa siyang Flyback Black swimsuit na parang wala ring pinagkaiba sa school swimsuit namin kaya hindi kaagad ako nakaimik at napatitig lamang. Ngunit kung tutuusin, mas gusto ko pa yata ito. 

 Kaso… 

 Tinuro ko 'yung napili niyang damit para sa akin. "Iyan talaga 'yung susuotin ko?" Hindi ko siguradong tanong na nginitian niya. 

 "Ah, bakit? May gusto ka pa bang iba? Kasi kung oo," Inilabas niya ang isa pang napili niya. Tinatago niya ito mula sa likod at nanlaki ang mata ko kasi masyado itong sexy! "Ito na lang!" Tukoy niya sa Red one piece belly sling bikini. "Pero sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo, okay lang. Hahanap pa rin ako ng swimsuit na kumportable ka." Dagdag pa niya ng hindi inaalis ang tingin kaya umangat ang tingin ko sa kanya. 

 Sinasabi niya sa akin na mag o-all out siya pero mayroon pa rin siyang binibigay na consideration sa akin. 

 Napabuntong-hiniga na lamang ako bago ko kunin 'yung huli niyang napili. "Ito na lang." Tukoy ko sa Red bikini kasabay ang pagtagilid ko ng tayo. 

Namimilog lang ang mata niya habang ibinalik ko naman ang tingin sa kanya. "But don't get the wrong idea, hindi ko 'to pinili dahil gusto mo." Umiwas ako ng tingin. "Gusto ko lang 'yung kulay, that's all." Tumalikod na nga ako sa kanya para pumunta sa changing room. "Magpapalit lang ako. Hintayin mo na lang ako diyan." Inalis ko ang sandals ko at inurong na nga ang kurtina para pumasok sa loob. 

 Sinubukan ko nga 'yung one piece swimsuit na iyon. Inalis ko ang buhok ko sa pagkakaipit sa bikini ko nang hindi inaalis ang tingin sa sarili mula sa mirror. 

Hawak ko ang dibdib ko, hindi mapigilang hindi ma-insecure pero sinabi ko nga rin sa isip ko na kung gusto ako ng tao; boobs doesn't matter. 

 Humarap ako sa kurtina at sinilip si Caleb na naghihintay lang sa labas. Takip-takip ko pa rin ang katawan ko ng kurtina dahil baka may ibang makakita, eh. "Ngh."

 Nakasandal si Caleb sa pader at nakahalukipkip. Pinagtitinginan din siya ng mga kababaihan na napapadaan sa tabi niya. 

 "Sino kaya girlfriend niya?" 

 "Ang pogi, model kaya siya?"

 Naririnig kong kumento ng mga babae kaya ibinalik ko ang tingin kay Caleb na mukhang hindi pa ako napapansin kasi nakatutok siya sa cellphone niya. "Sigurado ka ba talagang ako 'yung gusto mong babae?" tanong ko kaya nakuha ko ang atensiyon niya. Mabilis niyang tinago ang cellphone nya sa bulsa at napaharap sa akin. "Maraming nagkakandarapa sa'yo, oh?" Tukoy ko sa mga babae na mas magaganda pa kaysa sa akin. 

 

 Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit pa? Eh, ikaw lang naman gusto kong magkandarapa sa akin." 

 Umangat ang kilay ko at binigyan siya ng makabuluhang ngiti. "Oh…? Baka naman kapag nagustuhan kita, hindi mo na ako mabigyan ng atensiyon." 

 Umismid siya. "I am certain that you're the only one for me." 

 "And if not?" Tanong ko. 

 Ngumiti siya. "Bibitawan kita sa alam kong tamang tao para sa'yo." Sagot niya kaya nginitian ko siya nang kaunti. 

 

 Tumikhim ako bago ako umayos nang tayo't binitawan ang kurtina upang bumaba't umurong ito. 

Nakita na ni Caleb ang pinili niyang swimsuit para sa akin na siyang nagpanganga sa kanya. 

 "A-ano'ng tingin mo? Okay lang ba?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Hawak ko na rin ang aking dibdib gamit ang kanang kamay dahil sinusubukan kong takpan iyon nang kaunti habang nakababa naman ang kaliwa kong kamay sa tapat ng bagay na madalas takpan. Ramdam ko rin ang pagkapula ng pisngi ko dahil ito ang kauna-unahang naglakas loob akong magsuot ng ganito ka-daring na one piece sa tapat ng lalaki. 

 Tipong gusto ko na rin talagang lumayas. 

 Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin kay Caleb dahil ang tagal niyang sumagot. "Huy--" Napahinto ako dahil sa ginagawa niyang ekspresiyon. 

Hindi lang ako ang pulang pula kundi pati siya kaya tinakpan niya ang bibig niya gamit ang likurang palad. 

 "You're too sexy, I don't think I can handle it." 

 Kumurap-kurap ako bago pa ako tinamaan nang sobrang pagkahiya't inurong na nga ang kurtina pasara. "Geez! Ano ba talaga gusto mo?!" 

 Humagikhik siya pero tumapat lang ako sa salamin habang tinitingnan ang suot-suot pero napalingon din bigla nang bigla siyang pumasok. "Ho--" 

Noong papaatras ako ay napasandal na ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader kaya nagawa niyang ma-corner ako. 

 "This is woman's changing room--" 

 "Hailes." He took the strand of my brown wavy hair and put it near on his face. "Remember? I told you that I won't hesitate to do whatever I want with you." Wika niya habang nakikinig lamang ako. "You knew that," Dahan-dahan niyang hinawakang ang beywang ko ng isa niyang kamay. "…this is what I want." Sandali niyang dinaan ang mainit niyang kamay sa beywang ko, ramdam ko ang hawak niya sa balat ko kaya napakagat-labi ako dahil parang may lalabas ng boses sa bibig ko. "Pero pinili mo pa rin 'yung sinasabi ko imbes na piliin mo 'yung mas kumportable ka." Nakababa ang tingin niya sa beywang ko nang ilipat naman niya ang tingin sa mata ko. 

 Nandoon iyong tingin niya na parang lulunurin ako. Hindi ako makahinga. 

 "You actually don't have any sense of crisis, do you?" Tanong niya dahilan para maningkit lalo ang mata ko. 

 "So tine-test mo 'ko?" Tanong ko sa kanya bago siya humiwalay. 

 "Sinabi ko nga sa'yo na mag o-all out ako, pero hindi ko sinabing hayaan mo 'kong gawin 'yung gusto ko kung hindi ayon sa gusto mo." Sagot niya bago tumalikod sa akin. "Mamili ka pa ng susuotin mo, baka may gusto ka pang iba." Aniya bago lumabas sa changing room. 

 Nakatulala lang ako nang mapatingala na lamang ako't nagbuga nang hininga. 

"What was that for?" 

***** 

avataravatar
Next chapter