webnovel

Chapter One

Chapter One

Voice

The gentle breeze of the wind that touches my skin. The surge of every wave that fills my ear. And the cold water that kisses my feet every now and then, somehow soothes my agitated mind.

Malapit lang sa dalampasigan ang bahay ni Lola Tina kaya nagagawa kong tumambay dito pag gusto ko.

I heaved a deep sigh and hugged my knees. This place always brings the comfort my soul needs and removes the uneasiness I'm feeling. I could stay here forever kahit sabihin pang wala akong makita.

I wish i could see this place. Kahit isang beses lang. Umaasa akong babalik rin ang paningin ko at sana bumalik rin pati mga alaala ko.

How many times i cried because i can't remember anything before my life here and because i couldn't see a single thing. How ironic is that. Did i do something so vile in my past life, and my punishment is this?

Lola Tina said to me i should always remember that 'God, only gives his toughest battles to his  strongest soldiers.' Sabi niya dapat magpasalamat parin ako kasi kahit marami ang nangyaring masama sa'kin ay hindi parin ako pinabayaan ng diyos.

I'm trying. Trying to build the crumbling pieces of myself. Kahit mahirap sige lang. Kahit hindi na kaya sige lang.

Napasinghap ako at pinunasan ang takas na luha sa pisngi ko. The bile in my throat stopped the sob from escaping.

"Ate" sigaw sa di kalayuan.

"Bakit?" Pinunasan ko ang mga mata ko at hinintay na makalapit ang tumawag.

Tumigil ang yapak sa kaliwang gilid ko. "Ate, sama ka sa'kin" si Anya ang apo ni Lola Tina

Si Lola Tina ang kumupkop sa'kin. Sa bahay ni Lola Tina nakatira ang apat niyan apo. Tatlong babae at isang lalaki. Ang kambal na sina Ciara at Kiara ang pinakamatanda sa apo ni lola. Sunod si Jensen ang lalaking apo ni lola na kaedad ko lamang. At si Anya ang pinakabata at pinakamabait sa'kin maliban kay Lola.

"Saan?"

"Sa pinagtatrabahuan ko. Sa Ross' Diner." Masigla niyang imporma

"Uhm... Baka magalit si Lola. Gagawa pa kami ng mga rosary, para ibenta bukas" i bit my lip

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ko. "Hapon pa naman kayo gagawa. Umaga lang ang pasok ko doon hindi naman buong araw. At saka para may mapuntahan ka namang iba, maliban dito"

Matamlay akong napangiti. "Wala naman akong makita kaya wala ring saysay kung magpunta ako sa iba't ibang lugar."

Napasinghap siya "Pasensya na ate, gusto ko lang naman pasayahin ka kahit konti. Wala naman akong ibang ibig sabihin do'n"

"Wala ka naman dapat ihingi ng pasensya. It's not your fault that I'm emotional and unable see."

"Kaya nga ate dapat sumama ka sa'kin mas malulungkot ka lang sa bahay ate. Pag-iinitan ka nanaman ni Ate Clara at Ate Kiara." Akala ko titigil na siya sa pangungulit. "Kaya sama ka nalang sa'kin ate. Please?"

I shook my head and sighed. "Ano naman ang gagawin ko d'on? Makakabala lang ako sa trabaho mo"

"Wala. Upo ka lang. Pakiramdaman mo ang mga tao sa paligid. Ililibre kita. Sakto sahod namin kahapon"

"Ano?! Bakit mo ako ililibre? Alam mo you should save your money. Di ba kaya ka nagtrabaho kasi gusto mong makapasok sa susunod na pasukan?" Medyo inis kong suway sakanya

"Alam ko naman 'yon ate. Pero gusto kitang ilibre kahit ngayon lang kaya pagbigyan mo na ako"

Napanguso ako "Pero Anya pinaghirapan mo 'yan"

"Alam ko ate pero masama bang bigyan ka kahit konti? Pamilya tayo ate at bukal sa loob ko ang ibinibigay ko sayo kaya hinahatian kita ng mga bagay na meron ako"

"Eh ba't 'yong kambal ayaw mong bigyan ng dala mo noong nakaraan?" I teased

"Ayoko sa kanila ate. Parati ka nilang inaaway at ako rin" nayaymot niyang sabi "Sama ka na ate. Please?"

"Okay. Pero ngayon lang ha?" Sabi ko nalang dahil alam kong kukulitin at kukulitin lang niya ako

"YES!" Masigla niyang sabi.

Napangiti ako sa narinig kong tuwa sa boses niya. I shooked my head. Anya is one of those people who came into my life that I'm really thankful of.

"Halika na. We need get ready" I stood up and picked up my support cane.

Naramdaman kong humawak si Anya sa kaliwang braso ko. "Tulungan kita ate"

Pagkarating namin sa bahay ay binitawan niya ako at nagpaalam na maliligo siya. Tumango lang ako at dumiretso sa silid namin ni Anya. Mukhang kami palang ata ni Anya ang gising.

Ang bahay ni lola tina ay may tatlong kwarto. Share kami ni Anya sa isang kwarto, ganoon rin ang kambal, at ang isa pa ay para naman kay Lola. Si Jensen ay sa sala natutulog kasi kulang sa kwarto at tutal ay lalaki naman siya kagaya ng sinabi ni Lola nang magtanong ako sakanya.

"Ate tapos na ako. Ikaw naman. Ito ang tuwalya." Aniya at nilagay sa kamay ko.

"Pasuyo naman ulit. Pakuha ako ng damit."

"Sige ate. Ihahatid ko nalang sa'yo"

"Thanks" i nodded and went to the bathroom.

I took a bath and wore the clothes Anya brought me.

"Anya. Bakit sobrang ikli ng pambaba? Parang wala rin akong suot na pambaba"

"Cycling Shorts kasi 'yan ate kasi Bestida ang binigay ko sa'yo. Okay naman 'yan hindi ka lang sanay." Humagikhik siya

Maikli nga, isang pulgada ang taas mula sa tuhod "Ha? Eh ba't ito ang kinuha mo?" Kunot noo kong tanong

"Hayaan mo na ate, bagay naman sa'yo. Mas gumanda ka nga"

I pouted. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya or ayaw niya lang sumama ang loob ko.

"Halika na ate" naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko at inakay ako palabas ng bahay.

"Malayo ba?" I said biting my lip.

"Hmm para sa'kin hindi naman. O sadyang nasanay lang siguro ako. Nilalakad ko lang kasi 'yon, madalas.  Pero huwag kang mag-alala magtatricy naman tayo kaya hindi ka mahihirapan." She chuckled

Maya maya lang ay narinig ko na ang pagtawag niya sa isang tricycle driver. Inalalayan ako ni Anya sa tricycle hanggang sa makaupo ako. Pagkaupo niya ay siyang pag-alis ni manong.

"Ano bang itsura ng pinagtatrabahuan mo?" Kapagkuwan ay tanong ko.

"Maganda. Sabi sa'kin ng isa sa kasamahan kong waitress doon, mahilig sa Vintage ang may-ari no'n kaya imbes na restaurant or Cafe e diner nalang. Pero moderno ang disenyo ng diner nila kaya parang Cafe lang rin."

Napatango ako. Siguro kung nakakaalala ako e siguro may ideya man lang ako kung ano nga ba sinasabi niya. Baka kasi nakakita na ako dati n'on sa palabas or sa mga magazines.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga "Anya may sunglasses ka bang dala? Pwede pahiram?" Naaasiwa ako pag may nararamdaman akong tumititig sa'kin.

"Wait.''

Naramdaman ko ang pagpatong ng isang bagay sa ilong ko. It made me feel at ease somehow.

Tumigil ang sasakyan at lumabas si Anya pagkatapos ay inlalayan akong makalabas.

I unfolded my support cane and starts to feel the road we're walking in. I felt Anya's hand on my arm and still guided me. Naramdaman kong biglang lumamig ang paligid. I asked Anya and she said we are already inside the diner and that the cold temperature is from the air conditioner. I don't know what it's look like but I've heard it from Clara before.

Pinaupo ako ni Anya sa isang mahaba at malambot na upuan na may kaharap na mesa. Tinupi ko ang support cane ko at inilagay ito sa tabi ko.

"Nasabihan ko na si Boss na ikaw lang muna ang uupo dito ngayon. At malapit lang ito sa counter kaya mababantayan parin kita." Aniya "wait kunin ko lang ang smoothie" narinig ko ang hakbang niya papalayo.

Maya-maya ay may inilapag siya sa harap ko. "Tada! It's strawberry banana bliss. Masarap 'yan ate. Sige trabaho muna ako." Aniya at mabilis na umalis

I heard a footsteps nearing my table. Probably just someone passing by. I was about to ignore it when the scent of that someone hits my nose. Natigilan ako.

The scent is so intoxicating and evocative I can't help but turn my head to get a more of it. Naramdaman ko ang pagtigil niya hindi kalayuan sa inuupuan ko kaya kahit papaano ay naaamoy ko parin siya pero hindi ganoon kalakas. Parang gusto kong lumapit at amuyin pa siya.

I know it's a man base on how strong the scent is. He smells so manly. Napailing ako. Goodness. Nababaliw na ata ako. Just because of the scent of that person, i suddenly don't care about how embarrassing is that. Ibinalik ko ang titig ko sa harapan ko kahit na wala naman akong makita. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na huwag tumitig sa ibang tao ng matagal dahil wala iyong maidudulot na maganda sa'kin.

"One Cafe Frappuccino please" said a deep baritone voice. Even though he said please, it still sounds like a demand.

Kahit ang boses niya ay lalaking lalaki ang dating. Why am i suddenly noticing this man? Damn! Nakagat ko ang labi ko.

"Thank you" i heard him muttered huskily.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang paginit ng mga pisngi ko. Para akong lalagnatin.