1 Ang Babae sa Talahiban

Naglalakad ako isang hapon, may bakanteng lupa akong nadadaanan papunta sa bahay nang kaibigan ko. Ilang beses na akong dumaan doon ngunit sa pagkakataon lang na yun ko naranasan ang hindi maipaliwanag na pangyayaring iyon.

May nakita kasi akong babae na naka upo sa damuhan, hindi xa taong grasa bagkus maganda xa at puting2x ang damit. Nababakat sa kanyang manipis na damit ang hubog nang kanyang balingkinitan na katawan. Ngumiti sya sa akin at tumango. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango, sabay sabing "magandang hapon". Tumawa ito nang mahinhin at kumaway sa akin, parang gusto nya akong lumapit. Nag aalinlangan man ay lumapit ako at nag tanong. "Ano po ang kailangan nila?"

Ngunit hindi ito sumagot, inabot nya ang mga kamay ko at hinaplos sa kanyang pisngi. Napakakinis ant malambot ang balat nito. Hinatak nya ang mga kamay ko na dahilan nang aking pagkakaupo sa tabi nya. Hinaplos nya ang aking pisngi habang nakatitig sa aking mga mata. Pinagpawisan ako nang malamig nang unti-unti nyang hinahatak ang mukha ko palapit sa kanyang mukha. Pumikit ito at bumuka bahagya ang mapupulang labi nito. Naisip ko "Eto na! Mangyayari na rin sa wakas ang aking hinihintay na first kiss". Pumikit din ako at akmang sasalubungin ang mga labi nya nang mga labi ko. Hindi pa naglapat ang aming mga labi kaya umusog pa ako habang nakapikit, ngunit hindi parin naglapat ang aming mga labi. Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang kaharap ko na ang isang itim na aso. Dinilaan ako sa mukha at pagkatapos ay bumuka ang bibig nito. Sa takot ay hindi ako nakagalaw, hindi ako nakasigaw at hindi rin ako makahinga sa baho nang bibig nito.

Akala ko katapusan ko na, buti nalang may dumaan na mga asong kalye at inatake nila ang itim na aso. Umatras ito papunta sa may kakahuyan. Ilang minuto pa bago ako nakagalaw at umuwi sa bahay.

Ang problema ko lang ngayon ay bawat kabilugan nang buwan nangangati ang lalamunan ko na parang nasusuka. May mga balahibo na nasusuka ko.

Sanay matulungan nyo ako, ako na mismo ang pupunta sa inyo, PM lang san lugar nyo at dadalawin ko kayo.

November 28, 2019

Laging kumakati ang lalamunan ko ngayon, lalo na pag may buwan... Masarap titigan ang buwan, lumalakas ako pag nakatitig sa buwan. Nagpagamot ako sa albularyo gaya nang sabi nang mga nagbabasa rito. Kanina lang bumalik ako sa albularyo, nagdala ako nang puting manok at 2 itlog. Nag alay nang dasal si manong, inalay din nya ang manok at itlog na dala ko. Pinainom nya ako nang lana (oil). Mabango ang lana pero nakakasuka ang lasa. Naubos ko ang isang garapon nito, nasusuka talaga ako. Sabi ni manong isuka ko daw, kaya hinayaan kong kusang lumabas ang ano mang nasa katawan ko. Ang unang lumabas ay itim na balahibo, marami, tapos may lumabas na kapirasong kahoy. Muntik na akong mahimatay kasi hindi na ako makahinga sa kaka suka. May huling lumabas... Basang sisiw, parang sisiw nang ibon na itim. Mahina ito ngunit halatang buhay pa ito kasi humihinga ito nang malalim, parang naghihingalo. Kinuha ito ni manong at nilagay sa garapon, binigay nya sakin at inutusan akong ilibing ito sa pinakaharap nang pinto namin sa bahay. Hindi ko pa nagagawang ilibing ito kasi baka kung ano ang isipin nang mga kapitbahay namin pag nagbungkal ako sa harap mismo nang bahay namin. Hawak2x ko ngayon ang garapon, gumagalaw2x pa rin ang sisiw, parang nagmamakaawang pakawalan ko xa. Minsan naiisip ko pakawalan nalang kawawa naman.

November 29, 2019

Nagpunta na ako sa albularyo at nagpagamot na po ako. Napasuka po ako nang itim na sisiw na nilagay nang albularyo sa maliit na garapon. Ilibing ko raw sa harap mismo nang pintuan namin. Nailibing ko na kagabi, pero magdamag akong hindi pinatulog naririnig ko ang iyak nang sisiw. Medyo nangangati pa rin ang lalamunan ko ngayon, nagbago rin ang boses ko. Baka dahil sa nangangatal ako. Napapansin ko rin ngayon habang papunta ako sa work, galit na galit ang mga aso sa akin, kinakahulan nila ako at akmang hahabulin. Hindi naman sila ganun sakin dati eh.

Ang Series na ito ay kathang isip lamang, pero base po ito sa karanasan nang isa sa mga kakilala ko. Sa mga nakakita na nang mga ganitong pangyayari malamang maypagkakapareho ang nasa kwento. Inuulit ko, kathang isip lamang ang kwento pero binase ko ito sa tunay na pangyayari. Salamat sa pag sunod sa kwento, hanggang sa susunod na kwento... ☺️

avataravatar
Next chapter