webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 1

Chapter 1

Mahimbing akong natutulog ng biglang tumunog ang aking cellphone. No choice ako kung hindi kapain iyon sa sakin tabi at sagutin ng hindi tinitignan ang tumatawag.

"Laine!" boses palang ay nakilala ko na agad kung sino ang tumawag. Kaboses ko iyon.

"Ang aga aga na patawag ka," medyo masungit kong sabi. Ang aga aga kasi tunatawag na agad. Naistorbo tuloy tulog ko.

"Ikaw naman, ang aga aga ang sungit mo!"

"Kagigising ko lang kaya!"

"Duh! 8:00am na kaya!" Agad na man akong napatingin sa orasan.

"OMG! Tanghali na!" sigaw ko.

"Kanina maaga? Tapos ngayon tanghal?"

"Heh! May pupuntahan kasi ako!"

"May date ka?"

"Wala ah! NBSB kaya to." Pagmamayabang ko pa sa kanya.

"Wew wala ka bang balak na magkaboyfriend?"

"Meron.. Pero may iniintay ako." napangiti na lang ako habang sinasabi ko iyon.

"Sino naman? Yung kababata mo?" nahimigan ko ang disappointed sa boses niya pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

Nasabi ko iyon sa kanya, ngunit tutol siya sa paghihintay na ginagawa ko. Kesyo umaasa lang daw ako sa wala dahil iniwan na ako noon. Tsaka sigurado daw na hindi na ako naalala noon. Kahit na anong negatibong sinasabi niya ay hindi koi yon pinapansin, basta ako ay maghihintay. Wala naming masama doon hindi ba?

"Oo?"

"Baka may iba na yun ngayon."

Baka nga meron na pero hindi naman masamang maghintay diba?

"Bye na, liligo na ako." Paalam ko para na din mawala ang topic. Hindi naman ako nagkamali at pumayag naman siya.

"Sige, may date din ako ihh. Bye kambal." paalam nya din.

Wala naman talaga akong pupuntahan ehh. Inaantok pa kasi talaga ako.

Mabilis kong itinalukbong ang aking kumot sa aking mukha upang makatulog muli, ngunit wala pang isang Segundo akong ganoon ay may kumatok na sa aking kwarto.

"Laine, apo! Bumangon ka na! Tanghali na!" napabalikwas ako ng bangon ng katukin ako ni Lola ng kwarto.

"Lola naman. Inaantok pa ko." reklamo ko. Wala akong nagawa kundi bumangon pa din at binuksan ang pinto.

"Tanghali na. Ikaw talagang bata ka! Wala ka lang pasok, puro ka na tulog. Kaya wag kang magtaka kapag lumobo ka!" sermon sa akin ni lola. Napasingot ako.

Hindi naman siguro ako tataba ng bigla. Sinasamahan ko naman sya tuwing nag aaya syang mag jogging.

"Opo, Alam ko po, magbibihis lang po ako. Sunod na po ako sa baba." mabilis akong naghanap ng damit at nagbihis na.

Alam ko naman kasing mag-aaya lang si Lola, maglakad lakad sa oval, asual. Nang matapos akong magbihis ay bumaba na din ako.

Naabutan ko si Lola at Lolo na nag-uusap sa sala. Agad kong naagaw ang atensyon nila at napalingon sa akin

"Ang tagal mo naman." pang-asar ni lola sakin. Natawa nalang ako.

"Lola naman."

"Sus! Tara na nga." aya sakin ni lola. Habang naglalakad ay nag ke-kwentuhan kami. Masayang kausap sila Lola o sadyang sanay na ako dahil lumaki ako sa kanila.

"Nakakausap mo pa ba si Liane? Ang kakambal mo?" sandali akong napalingon sa tanong niya sa akin.

"Hmm. Opo, tumawag po sya sakin kanina. Halos lagi po kaming nagkakausap." magalang na sagot ko.

Totoong lagi ko itong nakakausap. Kung hindi tawag ay chat at text kami nag uusap, kaya kahit paano ay update kami sa mga nangyari sa isa't-isa.

"Ahh, ganoon ba. Noong huli ko iyong nakita ihh, 4years old pa lang kayo. 4 ka palang nung huling nakasama mo sya." pagkukwento no lola.

Oo alam ko yun, yun din yung araw na nakilala ko si Rence.

"Sobrang magkamuka kayo. Pero alam mo ba kung paano nalalaman kung sino ang Liane at Laine sa inyo?"

"Paano po?" tanong ko.

"May nunal si Liane sa kabilang gilid ng mata. Habang ikaw ay wala. Pero hindi naman sobra laki nung nunal, maliit lang na isang dot." paliwanag ni lola, napapatango nalang ako.

Naaalala ko tuloy yung pictures ni Liane sa Facebook nya pag ini-stalk ko sya.

Napapansin ko nga na may nunal sya dun. Sakin naman hindi mo mahahalata kasi may salamin ako.

Nauna nako kay lola, dahil nagjogging na ako. Madalas kaming magjogging habang wala pa akong pasok. Sinusulit pa namin ni lola habang bakasyon pa at hindi pa nagpapasukan. Mayroon pang dalawang buwan bago mag August bago pa magsisimula ang klase ko. Sa isang university ako nakapag enroll kaya naman aabutin pa ng August bago ang klase ko.

Maya maya lang tumigil ako sa pagtakbo ng mapagod kaya naman naglakad nalang muna.

Habang naglalakad ay naisipan kong mag-open ng account ko sa facebook. Pagbukas ko ang bumungad sa akin ang account ni Liane.

Franchesca Briones. Iyon ang pangalan nya, habang ako ay Franchesca Silva. Middle name ko ang gamit ko, para hindi kami tulad. Pati sa profile, sa kanya picture nya sakin hindi puro calligraphy ng pangalan ko.

Franchesca Briones 1minute ago

'Our firstday,.

#Officially yours.'

Mayroon din itong kasamang picture. Hindi ako makapaniwala. May kasama syang lalaki sa picture. Sabagay, ako lang naman ang NBSB sa aming dalawa.

Napabuntong hininga ako. Nakaramdam ng ingit sa kakambal pero agad ko iyong iwinala. Hindi ko dapat ito nararamdaman.

"Laine, tara na umuwi. Tumawag na ang lolo mo." tawag sakin ni lola. Agad kong ibinulsa ang phone ko at sumunod na kay lola.

Base sa mga nakikita ko sa facebook ni Liane, madami kaming pagkakaiba. Sobrang dami nyang liker, famous kumbaga. Ang dami nya ding friends at ang ganda niya. Samantalang ako kabaliktaran niya.

Wala ako masyadong kaibigan bukod sa pinsan namin at hindi ko pa sila close. Si Joseph lang.

Hindi katulad niya, hindi din ako pala post sa facebook. Maski ang profile ko ay hindi ko mukha ang nakalagay.

Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako ng kwarto para magpahinga. Mamaya-maya na ako kakain pag mapalit nang magtanghalian.

Ang tagal kong nakatulala sa kisame. Nag iisip ng kung anu-ano, nang naisip ko yung nagbigay sakin ng necklace.

"Hays, babalik ka pa ba? Gagawin mo pa din kaya yung pangako mo?" nasabi ko nalang habang iniisip ko yung nangyari 8years ago.

**

4years old ako, nagising ako. Nakita kong wala na si Mommy sa tabi ko. Kaya agad akong bumangon at bumaba. Nagkukusot kusot pa ko ng mata noon.

Nakita ko si Lola na nagluluto, pero wala pa din si Mommy. Kaya lumabas ako ng garahe, nakita ko naman si Lolo doon na naglilinis ng kanyang sasakyan, hindi ko pa din nakita sila Mommy at Liane. May narinig akong nagwawalis sa Garden kaya pinuntahan ko. Pero si Ate Liza lang ang naandoon. Ang kaisa-isang kasambahay nila Lolo at Lola.

Agad na binalot ng takot ang aking dibdib. Takot na baka iniwan na nila ako.

Bakit hindi ko makita sila Mommy? Saan sila nagpunta.

Nakita ako ni Ate Liza, na parang may hinahanap, kaya agad niya akong nilapitan.

"Good Morning Liane--Ay! Laine pala!" nagkamali pa sya sa pangalan ko. "Bakit ang aga mo namang lumabas? 7am palang ahh. Sino bang hinahanap mo?" tanong nya na agad ko nalang inilingan.

Agad-agad akong tumakbo palabas ng gate, titignan ko sila sa playground. Baka nandoon sila ni Liane.

Malapit lang ang playground sa amin, kaya tinatakbo ko lang, pero pagdating ko doon wala. Wala sila. Agad na nag init ang buong mata ko dahil luhang nagbabadyang tumulo.

Iniwan na ba nila ako? Eto na ba yung mga naririnig kong iiwan nila ko kay lolo at lola? Akala ko ba bakasyon lang muna kami dito?

Parang winawarak ang puso ko. Eto yata talaga ang pakiramdam ng iniiwan. Lalo na pagmahal mo.

Umiyak ako ng umiyak doon habang nakaupo sa damuhan. Mag-isa at mukhang kawawa.

**

Napatulo ang mga luha ko sa naalala. Masakit pa din pala, buti nalang may nakilala akong isang batang lalaki na dumamay sa akin at ang aking naging takbuhan.

**

"Hi, bakit ka naiyak?" may isang batang lalaki ang lumapit sa akin.

Tinignan ko lang sya kahit na may luha pa sa mga mata. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa aking mga luha pero alam kong lalaki siya. Base na din sa boses niya.

"Pipe ka ba? Ako nga pala si Rence."

Nginitian nya ko, pero lalo lang ako napaiyak.

Bakit ba siya nagpapakilala? Kitang naiyak ako dito.

"Ayoko sayo! Ayoko sa inyo!!!! Iiwan mo lang din naman ako!!" sigaw ko sa kanya na lalo kong ikinayak. Naaninag ko ang pagkamot niya ng ulo sa aking sigaw.

"Hindi ahh. Hindi kita iiwan." napatigil ako sa pag iyak sa sinabi niya.

Tinignan ko siya.

"Ows? Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tinanguan nya ako at nginitian.

Parang nabuhayan ako sa sinabi niya. Nawala ang sakit nanararamdaman.

"Pinky promise¬?" nilahad ko ang hinliliit ko. Tumango sya at nag pinky promise sa akin.

"Pinky promise."

**

Napangiti naman ako sa naalala ko, pero agad ko din naalalang iniwan nya din ako after 4years. Na ikinalungkot ko, pero habang lumalaki ako, naiintindihan ko din kung bakit ginawa iyon nila mommy at ni Rence.

May sakit kasi si Liane, masyado pa kong bata para maintindihan ang lahat kaya pinaglayo muna kami. Binalikan ako ni Mommy after 5years, pero hindi ako sumama. Napamahal na ko kina lolo at lola kaya hanggang ngayon ay nandito pa din ako.

Si Rence naman, sabi ni Lola nagkaropn daw ng family problem kaya umalis ng Tagaytay.

Habang lumilipas ang panahon, unti unti ko ding naiintindihan ang mga pangyayari. May aalis pero may dadating din. Ganoon naman talaga ang buhay, walang permanente.