1 CHAPTER 1 : Farewell

Wencie's POV

Binuksan ko ang pinto ng aking Black Ferrari car saka tinanggal ang soot kong shades. Inilibot ko ang paningin sa lugar na pinagbabaan ko. Isang malawak na lupain na may mga iba't ibang klase ng eroplano ang nakapila.

Walang halos tao kung hindi ang mga assistant ng lugar lamang. Sementado ang lapag at alas-8 na nang umaga kaya tirik na tirik ang araw sa langit.

So peaceful.

"Is she's here?" Nalipat ang aking paningin sa babaeng nagtanong habang bumababa ito mula naman sa isang Ducati na kulay pink at nakapamaweng pa habang nakatayo.

- Data -

Name: Eloisa Taylor (Eloi)

Age: 22

Skill: Bomber

Weapon: Allen & Thurber Single-Shot

Ang babaeng nagbigay ng pangalan ng grupo namin 'Pinky Gangsters' sounds girly, hindi ba? Pero sounds lang 'yan. Kapag nakita mo kami ay mapapanganga ka habang nanginginig ang mga tuhod sa kaba.

Si Eloi ang pinakamaldita sa amin.

Maliit pero bwisit. Not as maliit siya talaga, maliit lang siya kumpara sa akin pero matangkad pa rin s'ya sa iba.

Higit sa lahat pranka, so ngayon pa lang iwasan mo na siya, dahil after mong makabanggaan 'yan, for sure maiiyak ka.

"Haha for sure, she's late," sagot naman nang babaeng nakasandal sa kanyang Porsche na kulay asul habang nakacross-arms at nakangiti sa amin.

- Data -

Name: Diana Rose O'Brien (Diana)

Age: 23

Skill: Assassin

Weapon: Ballester-Molina / HAFDASA

The smiling face girl in the group. Anything ay gusto niya pero don't take it just so easy, dahil kapag inayawan niya, ayaw niya talaga, siya rin ang friendly at kalog sa grupo.

"Grabe! It was so traffic there. I'm sweating na." Napangiti nalang ako sa babaeng nagsalita mula sa kanyang gray na Chevrolet habang nakababa ang roof nito.

Inalis niya ang kanyang beach hat at saka bumaba habang nagpupunas ng pawis.

The girl in maarte way.

- Data -

Name : Maricris Grainer (Maricris)

Age: 23

Skill: Sniper

Weapon: Caracal Pistol

She was also the conyo girl in the group. Mahilig sa shopping, sa branded stuff at higit sa lahat ayaw sa panget.

Kaya kung alam mong panget ka. Get lost at h'wag ka nang magpapakita sa kanya.

For sure.... uuwi kang wala nang self-esteem sa panlalait niya. That's her, mahilig sa magagandang bagay at sosyal.

"Hey, Ana? Hindi ka ba magsasalita?" Tanong ni Eloi sa babaeng nakaupo sa harapan nang kanyang Lamborgining Red wearing a black pants and off-shoulder shirt.

The most tahimik sa gang.

- Data -

Name: Analyn Custer (Ana)

Age: 23 yrs. Old

Skill: Fighter

Weapon: Colt Model 1855 (Root Revolver)

You see, mahilig siya sa pranka kaya close sila ni Eloi. Siya ang pinaka tahimik at sensitive sa amin. Magugulatin at kabahin, but don't you try to think that she's weak dahil pagnakalaban mo siya ay wala siyang konsensya sa pagpatay.

The heartless one.

Ayaw niya sa sinungaling, at sa oras na nalaman niyang niloloko mo siya, magpakamatay ka na mag-isa, because "brutality" is her middle name.

Ngumiti lang ito at hindi sumagot. Sabagay ano nga ba ang sasabihin niya?

"Haha, snob. Dude!" Komento ni Diana.

"Tsss, magbago ka na nga Ana." Naiinis na sabi ni Eloi, ayaw kasi niyan sa tahimik dahil napakadaldal niyang tao.

"Oh, sh*t! Ya, look like sh*t."

Natigil ang pang-aasar ni Diana nang bigla naming narinig ang malakas na pagsarado ng pinto nang color white 2015 Audi R8 GT3 LMS car ng 'The cussing machine of the team'.

Napailing nalang ako sa kanya, mukhang badtrip nanaman ito. Tumingin siya sa amin saka biglang nagbago ang mood.

"Oops, goodmorning folks," bati niya habang nakatapat pa rin sa tenga ang cellphone.

"The hell I care!" Sigaw niyang muli sa kausap at saka ito pinagbabaan.

- Data -

Name: Kristalline Williams (Talline)

Age: 23

Skill: Hacker

Weapon: British Sea Service Pistol

Cussing Machine and sometimes a trash talker. Siya ang kasing height ko sa grupo, meaning kaming dalawa ang pinakamatangkad sa grupo.

Mahilig sa hollywood stars and foreign things. She's updated about social media. Living with the gadgets and hi-tech stuffs, that's her. Hindi ko nga alam kung kaya n'ya pang mabuhay ng walang internet.

"You know what? Stop cursing. How often do I need to tell you that cursing was not healthy for your lifestyle?"

"Oooooh, the geek." Pang-aasar ni Maricris habang tumatawa sa nagsalita.

Wanna know her?

The Geek and the small but terrible lady from the gang.

- Data -

Name: Maria Flor Ashby (Maria)

Age: 22

Skill: Intermediary

Weapon: Astra 600

Honestly, she was not really a geek, pero dahil sa pagkaaddicted niya sa mga story books, she was titled to be "the geek".

Isinara nito ang librong hawak at hinagis sa loob ng kanyang Mercedez Benz car na kulay yellow at sinara ang pinto nito.

"Ano ba ang example ng healthy, ikaw?" Nakataas na kilay na tanong ni Talline kay Maria.

"Cool guys.. nandito tayo para maggoodbye sa isa nating kaibigan at hindi para mag-away." Medyo naiiyak na ani ni Ana.

Sabi sa inyo sensitive 'yan eh.

"Haha, wala pa Ana! Naiiyak ka na agad?" Pang-aasar muli ni Diana.

Oh c'mon, ang bully talaga nito.

"Ana, h'wag kang umasa. Hindi kita pahihiramin ng panyo. Hindi naman ginto ang luha mo eh," mataray na sagot ni Eloi.

Don't get us wrong guys. Masanay na kayo ganyan talaga ang bonding at ang pag-show namin ng affection sa bawat isa. Ang 'MAGLAITAN' sa tingin ko naman mas okay na 'yon, kesa magplastikan.

"Nasaan na ba kasi si Michelle?" Napalingon silang lahat sa akin nang magtanong ako. Siguro nagulat sila na nandito pala ako dahil simula nang dumating kami ay ngayon lang ako nagsalita.

- Data -

Name : Wencie Smith (Wencie)

Age: 22

Skill: Planner

Weapon: Armatix ipi

I think those were enough already to describe myself since honestly speaking, I'm not comfortable describing myself.

Tumingin sa relo si Maricris at saka nagsalita ito.

"She said malapit na siya, I thought nga nandito na 'yun eh."

"Tsk, nagpalate na nga ako mas late pa pala siya." Iiling-iling na saad ni Talline.

"Ay! Nako. Iiwan na nga niya tayo tapos pag-iintayin pa? Kapag nakita ko 'yun. Who you talaga siya sakin," dagdag pa Eloi.

"Haha, loka ka talaga Eloi."

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Maria," balik sagot nito, nahinto naman sa pagtawa si Maria at parang nagprocess ang sinabi ni Eloi sa kanya.

Napasibangot na lang ito bigla at doon kami biglang natawang lahat. Kawawang Maria laging binubully.

Napaangat ang tingin ko sa langit nang makarinig nang isang malakas na pag-ikot ng elisi mula sa pababang helicopter.

"Chaka talaga ni Michelle! Kailangan bonggang entrance pa?" saad ni Diana.

Natawa naman ako at napakomento rin, "oo, aalis naman na siya kaya dapat lubusin na niya."

"Sabagay after nito she's gone na," pagsang-ayon sa akin ni Maricris.

"Mamimiss ko si--- " hindi na natapos ni Maria ang kanyang sinasabi nang pigilan na ito ni Eloi.

"Maria, h'wag ka nang magsalita. Masasayang lang ang laway mo."

"Kapag 'yan. Napaiyak mo Eloi." Napahalakhak na si Diana sa naging komento ni Talline.

"Haha, joki joki lang 'yon alam ni Maria." Nakapeace sign na sabi ni Eloi nang mapansin na napapasibangot na si Maria.

Berat talaga.

Hinintay lang namin malapag sa baba ang helicopter na lulan ang kaibigan naming si Michelle.

Isa sa mga members ng PG.

- Data -

Name: Michelle Abroms (Michelle)

Age: 23

Skill: Assassin

Weapon: Colt Anaconda

The Brat.

Ang babaeng mas pranka pa kay Eloi. Si Eloi kasi, ang pagkapranka niya ay may halong joke.

Pero si Michelle? Kahit kaharap ka niya o nakatalikod pa sasabihin at sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Updated siya sa fashion trends at mahilig siya sa mga usong gamit.

Same sila ng hobby ni Maricris mas komplikado nga lang si Michelle pagdating sa mga gamit pero tandem silang dalawa, when it comes to that.

The sad part lang ay aalis na siya papuntang Germany, dun na siya mag-aaral. Wala naman kaming magagawa para pigilin ito dahil gusto na rin niya talagang mag-aral doon at nandun ang buong family niya. However, malilipat lang ang mga misyon niya roon pero kasapi pa rin siya sa aming grupo.

"What's up?" Bati niya sa amin pagbaba sa helicopter.

"You're so bagal ha." Maricris

"Sorry, may mga inayos lang tsaka traffic sa taas eh," natatawang sabi nito habang nakaturo sa langit.

"Baliw." Maria commented.

"Hays." This time she heaved a sigh before her mood shifted to a serious one. "I will miss you guys. I will really miss you."

Nakita ko ang namumuong tubig sa gilid ng kanyang mga mata.

We're tough. We killed for pleasure. We're cool that made everybody feel envied us.

We have everything.

Mukha mang astigin at tigasin. We are human like you. May pakiramdam kami.

May pinahahahalagahan at pinoprotekhan, at higit sa lahat may puso kahit hindi halata.

"Bakit ba kasi aalis ka pa?" Tanong ni Diana.

Wala nang halong kahit anong kasiyahan sa mga mukha ng bawat isa sa amin. Paano ba maging masaya kung mababawasan nga naman kayo ng isa?

"You know guys, bibisita pa rin naman ako."

"He. Hindi ka na namin friend. Take note, i-aunfried na kita sa FB then unfollow sa twitter and IG," mataray pa rin na sabi ni Eloi.

Natawa na lang kami dahil hindi man niya aminin, alam kong isa siya sa mamimiss nang sobra si Michelle.

"Haha, wala akong twitter at IG."

"Fine. Gagawa kita, text ko na lang pass tsaka e-mail."

"H'wag ka na kayang umalis?" Tanong ni Maria, si Ana naman sa tabi nito ay nagpapahid na nang luha.

Really? Umpisa palang ng story parang ending na.

"Michelle. Pasalubong ha!"

"Oo naman, e-mail me. Kung ano 'yon." Tsss, alam kong wala na lang mapag-usapan dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi namin dito.

We don't need pasalubong dahil kaya naming magpabili whenever we wanted.

We're rich, remember?

Lumapit si Michelle kay Maria at tinap ito sa likuran. "Kailangan eh. Mamimiss kita Maria baka wala na kong mahanap na katulad mo roon na mabait at mauutusan ko."

"Utusan mo lang pala si Maria!" Talline blurted out while laughing.

"Biro lang 'yon!" Muli siyang nagpakita nang isang matamis na ngiti matapos itong pagtawanan.

"So guys, it's time to go."

Nang marinig namin ang paalam niya ay naglakad na kami palapit sa pwesto nito.

"Group hug! " Sigaw ni Maricris at sabay-sabay kaming nagyakap.

Nang oras na para magpaalam ay sinundan na lang namin siya nang tingin hanggang makasakay sa private plane niya. Sosyal. May sariling plane 'di ba?

Tumingin ako sa langit para mapigilan ang pagtulo ng luha.

Alam naman naming babalik siya pero sa tingin ko ay matagal pa ang panahong iyon. Kumaway kami hanggang sa makasakay siya at lumipad na ang eroplano na lulan siya pataas at papalayo.

Until it vanished.

See you again, dear friend. Farewell.

"So, guys? Saan tayo?" Tanong ko habang naglalakad na kami papalapit sa sari-sarili naming kotse.

Oo, malungkot kami pero hindi mo malalaman 'yon at mapapansin dahil gangsters kami. Hangga't kaya namin, itatago't itatago ang nararamdaman kahit ang resulta nito ay ang pagiging manhid namin.

Tsaka, hindi kami namatayan, umalis lang naman ito.

"Tara na?" Tanong ni Ana.

"Sure!" Sabay-sabay naming sagot at sumakay na sa kanya-kanyang kotse. Isa lang ang umalis pero buo pa rin kami dahil wala man siya sa tabi namin....

Ang kaibigan, kaibigan pa rin kahit kailan.

"Race?" Narinig ko mula sa carputer ng aking kotse ang boses ni Diana. Lahat kasi ng kotse namin na mga ginagamit ay may ganito para kahit hiwa-hiwalay kami ay makakapag-usap pa rin.

"Nag-aya ka pa. Talo ka naman," Eloi answered.

"Sige! Siya manlilibre, kapag natalo," Maria declared.

"Mukha talagang libre ito," Talline noted.

"Give up Girls! Ako mananalo!" Maricris announced.

"Asa," Ana commented.

"Woah! Ana, taray mo roon. " Ani ko saka sabay -sabay kaming natawa.

"Game?"

"Game!"

Pinaharurot ko na ang aking Ferrari, hindi ako magpapatalo syempre. Mas masarap kasi kumain kapag libre. Hindi man namin napag-usapan kung saan pupunta, alam kong alam nila ang isang lugar kung saan magagawa namin ang gusto namin.

Bilang tao na may pakeelam sa mundo.

-----

NEXT CHAPTER: HATE

avataravatar
Next chapter